You are on page 1of 6

Edukasyon Sa Pagpapakatao 7

ARALIN 1: Isip at Kilos-loob

Kahulugan ng Isip at Kilos-loob


Ang isip ay ang kapangyarihan ng tao na makaalam at mangatuwiran. May kakayahan itong mag-isip, alamin
ang diwa at buod ng isang bagay. Kapangyarihan din ng isip ang humusga, sumuri, mag-alaala at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay. Hindi perpekto ang isip ng tao. At dahil dito, nakadarama siya ng kakulangan. Ito ang
dahilan kung bakit patuloy at walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan. Ang pangunahing gamit ng
isip ay ang umunawa at katotohanan ang tunguhin nito.
Ang isip ay ang kapangyarihan ng tao na makaalam at mangatuwiran. May kakayahan itong mag-isip, alamin
ang diwa at buod ng isang bagay. Kapangyarihan din ng isip ang humusga, sumuri, mag-alaala at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay. Hindi perpekto ang isip ng tao. At dahil dito, nakadarama siya ng kakulangan. Ito ang
dahilan kung bakit patuloy at walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan. Ang pangunahing gamit ng
isip ay ang umunawa at katotohanan ang tunguhin nito.
Ang kilos-loob ay ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at isakatuparan ang napili. Ayon kay Santo
Tomas de Aquino, ito ay isang makatuwirang pagkagusto (rational appetency) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masama. Ang pangunahing gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa at kabutihan naman ang tunguhin nito.
Ang kabutihan ay ang katangian o kalagayan ng pagiging mabuti, kahusayang moral o kagalingan. Ang
kabutihan ay lubus-lubusan kaya wala itong anomang bakas ng kasamaan o kabulukan. Ito ay positibong katangiang
naipamamalas sa mga gawang mabuti at kapaki-pakinabang para sa kapwa.

Upang magkaroon ng pag-unawa, kailangang


gamitin ng tao ang pandamdam. Ito ang kumikilala sa
mga bagay sa labas ng isip. Gamit naman ang kaniyang
isip, nauunawaan niya ang mga bagay o nakabubuo siya
ng konsepto at paghuhusga. Ang pandamdam ng tao ay
nahahati sa dalawang uri: Ang panlabas na pandamdam
na kinabibilangan ng paningin, pandinig, pandama,
pang-amoy at panlasa at ang panloob na pandamdam
na binubuo ng kamalayan, memorya, imahinasyon at
instinct.

Tulad ng nasa unang larawan, gamit ang pandamdam na paningin ng tao, nakikita ng tao ang isang aso. Ang
impormasyon namang ito ay ihahatid sa kamalayan ng tao at mabubuo ang konsepto ng aso sa isip ng tao.
Mauunawaan ng isip niya ngayon na ito ay isang aso. Sa ikalawang larawan naman, gamit ang pandamdam na
pandinig ng tao, kahit hindi niya nakikita ang ibon, nabubuo sa imahinasyon niya ang konsepto ng ibong humuhuni na
naririnig niya. Mauunawaan ng isip niya ngayon na ang huni na naririnig niya ay gawa ng isang ibon. Sa ikatlo, gamit
ang panlasa ng tao, naaalala niya ang pangalan ng pagkaing kinakain niya. Dahil sa memorya niya, naaalala niya ang
karanasan kung saan nakain na niya ito noon. Mauunawaan niya na itong nilalasahan niya ay nilagang baka. At sa
panghuling larawan, gamit ulit ang paningin at pandinig, namamalayan nito ang panganib at nakagagawa ng pasiya na
hindi dumadaan sa katwiran. Kahit hindi mag-isip nang makatuwiran ang tao, kapag nakita niyang biglang may mabilis
na sasakyan na paparating at narinig ang pagbusina, gamit ang instinct, bigla siyang tatabi upang umiwas sa
disgrasya.
Kaugnayan ng Isip at Kilos-loob

Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang
isang bagay o kilos na hindi nito alam o nauunawaan. Ang kilos-loob ay umaasa lamang sa nalalaman at
nauunawaang impormasyon na binibigay ng isip. Pipiliin lamang ng kilos-loob ang isang bagay o kilos kung ito ay
naunawaan ng isip bilang mabuti o makabubuti para sa kaniya. Pinipili lamang nito ang mabuti at hindi naaakit sa
masama.

Upang magamit nang lubusan ang isip ayon sa tunguhin nito, kailangan itong linangin at gamitin sa tamang
paraan. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

1. Pagsasaliksik at pagtatanong. Ang pagsasaliksik ay maingat na pagiimbestiga. Sa paghahanap ng katotohanan,


marami ang mga pagkukunan ng impormasyon at datos tulad ng mga aklat at maaari ring magtanong sa mga taong
nakaaalam. Halimbawa, sa pagsagot sa mga takdang-aralin sa agham, magsaliksik at gamiting batayan ng iyong mga
sagot ang mga makabuluhang aklat sa agham. Maaari ring magtanong sa mga eksperto at sa iyong mga guro upang
mas umunlad ang pag-unawa mo sa mga bagong konsepto.

2. Pagsusuri ng sanhi at epekto ng mga pasiya at pag-uugali. May kaugnayan ang isang pangyayaring (epekto)
magaganap dahil sa isa pang pangyayari (sanhi). Ito ang kaugnayan ng sanhi at epekto. May epekto ang bawat pasiya
at ang pag-uugali natin. Kung bakit o paano nabuo ang isang kilos o pangyayari at kung ano ang kinalabasan ng kilos o
pangyayari ay magiging batayan ng katotohanan. Halimbawa, kung ang paggawa ng takdang-aralin at pagbabasa ng
aralin ang magiging ugali ng isang mag-aaral, ang magiging karaniwang epekto nito ay ang pagkaroon ng mataas na
marka. Ito ang katotohanang dapat tandaan kung paano makakakuha ng mataas na marka sa paaralan.

3. Paglutas ng mga problema nang may katwiran. Ang paghahanap ng katotohanan ay makalulutas sa isang
problema. Ito ay katotohanan kung ito ay may tamang katwiran. Halimbawa, nakaipon ka ng pera pang-panood ng
sine sa darating na Linggo ngunit may mga gamit ka na dapat bilhin para sa iyong proyekto na ipapasa sa Lunes. Pinili
mong bilhin ang mga kailangang kagamitan at ang katwiran mo ay maaari mo namang palampasin ang pelikula at
pag-ipunan na lang ulit ito, ngunit ang pagpasa ng iyong proyekto ang hindi maaaring ipagpaliban.

Upang magamit nang lubusan ang kilos-loob ayon sa tunguhin nito, kailangan itong linangin at gamitin sa
tamang paraan. Narito ang ilang mga tamang paraan:

1. Pagkilos tungo sa isang mabuti at maingat na pasiya. Sa paggawa ng maingat na pasiya, magkalap muna ng mga
makabuluhang impormasyon. Alamin ang mga posibleng alternatibo at timbangin ang bawat isa. Piliin ang
pinakamabuting alternatibo at gawin ito. Sanayin na laging piliin at gawin ang pinakamabuting pasiya, ang pasiya na
magbubunga ng kabutihan. Halimbawa, sa pagpili ng track o kurso sa Senior High School, magkalap ng mga
makabuluhang impormasyon tungkol sa mga track o kursong interesado ka. Timbangin kung aling track o kurso ang
makabubuti at piliin ito.

2. Pagsanay sa disiplina sa sarili. Madalas mas madali ang pagkontrol sa sarili kung susundin ang kasabihang ito,
“Kung wala sa paningin, wala sa isip”. Ang unang hakbang sa pagpapaunlad ng disiplina sa sarili ay ang pagtanggal ng
lahat ng tukso at nakagugulo mula sa iyong paligid. Ang tukso ay likas na, kaya marapat na tayo ang umiwas sa tukso.
Halimbawa, madalas ang mga palabas sa telebisyon sa gabi ang sanhi ng hindi pagtapos ng mga takdangaralin ng mga
mag-aaral. Upang hindi matuksong hindi tapusin ang mga takdang-aralin, maghanap ng lugar kung saan nakagagawa
ka ng hindi nakikita ang telebisyon
3. Pagkontrol ng mga emosyon. Lahat tayo ay may nasabi o nagawa na sa huli ay pinagsisihan, dahil sa sandaling
panahon, nagpadikta tayo sa ating emosyon. Kung nag-aalala ka sa gagawing kilos sa isang napipintong pangyayari,
tanungin mo ang sarili mo: “Ano ang mararamdaman ko bukas, o sa isang linggo o sa darating pang panahon kapag
binalikan ko ang gagawin kong ito?” Ito ay pagninilay sa sarili at pagdidistansya ng tao sa kaniyang sarili.
Makatutulong ito upang maging kalmado at maiwasan ang mapanirang reaksiyong dala ng pabigla-biglang bugso ng
damdamin. Halimbawa, kung nahihirapan sa pag-aaral at wala ka ng ganang pumasok sa paaralan, at nag-iisip kang
huminto, tanungin mo ang sarili mo: “Magiging masaya ba ako bukas sa pasiyang ito? Magiging masaya ba ako
pagkatapos ng isang linggo? Magiging masaya ba ako pagkatapos ng ilang taon?”

Ang Tungkulin ng Tao sa Kaniyang Isip at Kilos-Loob

Tungkulin ng bawat isa sa atin ang sanayin, linangin at gawing ganap ang ating isip at kilos-loob. Mahalagang
gamitin natin ang mga ito nang mapanagutan. Sa gayon, magiging mabuti ang kilos-loob at magiging isang mabuting
nilalang ang tao. Hindi sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan ang tunay na sukatan ng kabutihan, kundi kung
paano ginagamit ang mga kaalamang ito sa pagpapaunlad ng sariling pagkatao, sa paglilingkod sa kapuwa at sa
paglilingkod o pakikibahagi sa pamayanan.

ARALIN 2: Ang Konsensya at ang Likas ng Batas Moral

Ang Likas na Batas Moral


Sa pananaw ng marami, ang konsensiya ay ang “tinig ng Diyos” na bumubulong sa atin tuwing nagpapasiya o
kumikilos tayo. Lahat ng tao ay taglay ito. Mayroon itong dalawang mahalagang elemento - una, ang pagninilay upang
maunawaan ang mabuti at masama sa isang situwasiyon; ikalawa, ang paghatol kung ang isang pasiya o kilos ay
mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligayong piliin ang mabuti. Ang pangunahing gamit ng konsensiya ay
tukuyin ang dapat gawin sa isang situwasiyon. Ngunit dahil ang konsensiya ay subhetibo, (ibig sabihin, personal at
agarang pamantayan ng paghusga kung ang pasiya o kilos ay mabuti o masama at maaaring magkamali), may
pinagbabatayan pa itong mas mataas na pamantayan. Ang batayang ito ay tinatawag na Likas na Batas Moral.
Ang Likas na Batas Moral ay batas na iniukit ng Diyos sa ating mga puso mula nang tayo’y Kaniyang nilikha.
Ipinagkaloob ito sa atin dahil nakikibahagi tayo sa Kaniyang karunungan at kabutihan. Sa pamamagitan ng batas na
ito, nagkaroon ng kakayahan ang tao na kilalanin ang mabuti at masama. Samakatuwid, binibigyang-direksiyon ng
Likas na Batas Moral ang pagpapasiya at pagkilos ng tao.
Sinusunod natin ang batas na ito upang magkaroon ng paggalang sa kapuwa at makipagtulungan sa mga
awtoridad, mga taong binigyan ng kapangyarihang pangalagaan ang kapakanan ng lahat. Sa ating pagsunod sa batas
na ito, gumagawa tayo ng mabuti at napauunlad natin ang ating pagkatao. Ngunit kapag hindi natin sinunod ito,
nababawasan ang ating pagkatao.

Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang Likas na Batas Moral
dahil nakaukit ito sa kaniyang pagkatao. Ang unang prinsipyo ng batas na ito ay: Gawin ang mabuti at iwasan ang
masama. Nakatatak na sa isip ng tao ang prinsipyong ito mula sa kaniyang pagsilang.

Narito ang mga katangian ng Likas na Batas Moral:

1. Obhektibo (Objective). Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong
katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensiyon ng tao. Ito ay natutuklasan
lamang ng tao. Pangkalahatang katotohanan ang batas na ito na may makatuwirang pundasyon. Naaayon sa
reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao. Hindi ito naiimpluwensiyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao
rito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.
2. Pangkalahatan (Unibersal). Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa
kalikasan ng tao; kaya’t ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggaptanggap sa lahat ng tao.
3. Walang hanggan (Eternal). Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang
katapusan, at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na
sumasaklaw sa kaniya ay permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan.
4. Hindi nagbabago (Immutable). Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng
tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura,
ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat.

Dahil nagbibigay ng direksiyon tungo sa mabuti ang Likas na Batas Moral, ang tao ay may obligasyon na ilapat
ito sa kaniyang pagpapasiya at pagkilos sa pamamagitan ng konsensiya. Samakatuwid, ang konsensiya ay ang
personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang paglalapat ng malalawak na pangkalahatang batas moral (ang Likas
na Batas Moral) sa pamamagitan ng sariling pasiya at kilos. Ito ang batayan ng konsensiya sa pagpapasiya kung ano
ang mabuti at masama sa konkretong sitwasyon.

ARALIN 3: KALAYAAN

Kalayaan

Kapag sinabihan ka ng nanay mo na unahin mo muna ang online lesson bago makipag-chat sa kaibigan mo,
limitasyon ba ito sa iyong kilos? Nabawasan kaya ang iyong kalayaan? Dahil hindi mo na magawa ang gusto mong
gawin, maaari mong isipin na wala ka ng kalayaan.
May kalayaan ang lahat ng tao at gusto niyang gawin ang lahat ng gusto niya lalo na kung ang mga ito ay
magpapaligaya sa kaniya. Ngunit ayon kay Fr. Joseph M. de Torre, walang kakayahan ang tao na gawin palagi ang
anumang naisin niya. Maraming bagay ang nais niyang mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ang lahat ng mga
ito. Nais niyang hindi magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay, malaman ang lahat ng bagay – ngunit wala siyang
kalayaan upang magawa ang mga ito. Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao?
Sa kabila ng limitasyong ito sa kalayaan ng tao, tunay na malaya ang tao sa kaniyang pagpili o pagpapasiya.
Ang kalayaan ayon kay Santo Tomas de Aquino ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo
sa kaniyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Nangangahulugan ito na dahil sa kilos-loob,
malaya ang taong pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang
sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kaniya. Maaari siyang
mahikayat, maganyak, o maakit subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin.

Mga Uri ng Kalayaan May dalawang uri ng kalayaan: ang panloob at panlabas na kalayaan.
Una, ang Panloob na Kalayaan. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kaniyang
kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:

a. kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ang kalayaang magnais o hindi magnais


b. kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ang kalayaan upang tukuyin kung ano ang nanaisin.
Sa babalang ito halimbawa, “Bawal Maligo sa Bahaging Ito ng
Dagat,” ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o hindi magnais na
sundin o hindi sundin ang babala. Sakaling nagpasiya ang kilos-loob na
sundin ang sinasabi ng babala, malaya nitong tukuyin kung ano ang
nanaising gawin bilang kapalit sa planong paliligo. Nanaisin niya marahil
ang magpiknik na lamang sa dalampasigan, lumipat ng ibang lugar, o
umuwi na lang. Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng
tao. Hindi ito maipagkakait, makukuha o maaalis sa kaniya.

Ikalawa, ang Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos-loob.
Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa
pamamagitan ng pwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kaniyang panlabas na kalayaan.

Ilang halimbawa ng panlabas na kalayaan ay ang politikal, akademiko, at propesyonal na kalayaan. Nakapaloob sa
politikal na kalayaan ang kalayaang pumili ng sasalihang samahang politikal, bumoto, o pumili ng taong mamumuno. Isang
halimbawa ng akademikong kalayaan ay ang kalayaang pumili ng paaralang papasukan at kursong kukunin sa kolehiyo. May
kalayaan ang mga propesyonal na gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa sariling pamamaraan subalit hindi taliwas sa mga
panuntunan o batas.

Ano ang kaugnayan ng panloob na kalayaan sa panlabas na kalayaan? Ang panloob na kalayaan ay ang ninanais na
hantungan ng tao at ang panlabas na kalayaan ay mga paraan upang maisakatuparan ito. Kailangan ng panloob na kalayaan ang
panlabas na kalayaan. Ang mga panlabas na kalayaan ay mga istraktura at panuntunan. Sa unang tingin, sa pagsunod sa mga
panuntunan o batas na ito, nalilimitahan ang ating kalayaan. Ngunit sa mas malalim na pag-iisip, kapag sumusunod ang tao sa
mga batas, mas nagiging ganap ang mga panlabas na kalayaan. Sa pagsasagawa ng mga panlabas na kalayaan, naisasakatuparan
ng tao ang panloob na kalayaan. Halimbawa, ang mithiin mong kumuha ng Academic Track sa Senior High School ay panloob na
kalayaan. Upang maisakatuparan ito, may kalayaan kang pumili ng kurso sa Academic Track, tulad ng Education o Guidance and
Counselling. Malaya kang pumili ng pamantasang papasukan para sa pinili mong Academic Track ngunit may mga panuntunan
kang dapat sundin upang maisagawa ito. Kailangang makakuha ka ng angkop na grado upang makapasok ka sa Senior High
School. Sa pamamagitan nito, matutupad mo ang mithiin mo o ang pagnanais mong makapag-aral sa Senior High School.

Kung hindi naayon sa alituntunin ang gagawin ng tao, mababawasan o mawawala ang kaniyang panlabas na kalayaan.
Samakatuwid, ang mga tungkulin ng tao sa panlabas na kalayaan ay makatutulong sa pagsasakatuparan ng ninanais ng panloob
na kalayaan.

Kalayaan at Tungkulin

Malaki ang kaugnayan ng kalayaan sa tungkulin. Makikita ito sa karaniwang karanasan ng pagsisisi na tinalakay ni Paul
Ricoeur sa kaniyang sanaysay, “Guilt, Ethics and Religion.” Ano ang pagsisisi? Ito ay pagbabalik sa nagawang masama nang may
paghusga at pagtanggap na “ako ay nakagawa ng masama”. May dalawang aspekto ang karanasan ng pagsisisi: ang obhetibong
kasamaang nagawa at ang suhetibong pag-aamin na ako ay nakagawa ng masama. Madalas sinasagisag ang obhetibong
kasamaan sa mga katagang “nadumihan” o “naligaw ng landas.” Tunay na nangyari ang kasamaan at ito’y nagpawalay sa sarili sa
kapuwa, sa ulirang sarili at sa Diyos. Ang suhetibong aspekto ay resulta ng paghuhusga ng konsensiya: ako ang nakagawa ng
masama.

“Bakit ako nagsisisi?” Ito ang mahalagang tanong ng tao sa kaniyang sarili na ang sagot ay may dalawang bahagi. Una,
“nagsisisi ako dahil ginawa ko ang masama sa halip na gawin ko ang mabuti”. Dito nakikita na may kaugnayan ang kalayaan at
ang kasamaan. Ang katagang sa halip ay nagpapatunay na may kalayaan akong piliin ang mabuti o masama. At ang pinili ko ay
ang masama kung kayat ako’y nagsisisi. Naipakikita rin na ang kasamaan ay bunga ng aking kalayaan. Kung ang masama ay
galing sa kapaligiran ng tao o sa kalikasan, hindi ko ito pagsisisihan. Kung magkaroon man ng gulo o away sa paligid ko, hindi ko
ito pagsisisihan dahil hindi ko ito ginusto at ginawa. Pinatutunayan nito na nagsisisi lang ang tao sa mga pansariling kilos na
ginawa niya.
Pangalawa, “nagsisisi ako dahil ginawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa.” Sa sagot na ito, makikita na ang
masama ay dapat iwasan. Ang salitang dapat ay nagpapatunay naman na may tungkulin ako. Tungkulin ko na iwasan ang
masama at gawin ang mabuti.

Kung iuugnay natin ang dalawang bahagi, ang magiging sagot sa tanong na “Bakit ako nagsisisi?” ay “nagsisisi ako dahil
ginawa ko ang masama sa halip ng mabuti na dapat kong gawin.” Dito lumalabas na magkaakibat ang kalayaan at tungkulin.

Ano ngayon ang tungkulin ng tao sa paggamit ng kaniyang kalayaan? May kalayaan ang tao na pumili ng mabuti
at masama ngunit ang dapat piliin ay ang mabuti at hindi ang masama. Ang kalayaan, samakatuwid, ay ang tungkuling gumawa
ng mabuti at iwasan ang masama. Tungkulin ng taong gamitin ang kalayaan upang gawin ang mabuti.

You might also like