You are on page 1of 2

1. Ang aralin na ito ay tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos loob.

Ang aking
natutunan sa aralin na ito ay ang pagtukoy sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob,
at sinuri ang paggamit ng tama sa isip at kilos-loob ayon sa tungihin ng mga ito. Bilang isang
kabataan magagamit ko ang aking isip para umunawa at magnilay sa isang sitwasyon upang
malaman ko ang katotohanan. Sa pamamagitan ng isip matututo akong kilalalin ang masama at
mabuti, totoo at hindi, mahalaga at walang kabuluhang mga bagay. Sa pamamagitan din ng
isip napagtatanto ko ang aking mga kahinaan at kakulangan. Ang isip ang naghahanap ng
katotohanan na maari kong maisabuhay at maipatuloy sa pamamagitan ng patuloy
na pananaliksik. Ang kilos- loob naman ay aking magagamit kapag ako’y kumilos o gumawa.
Kapag ginagamit ko ang kapangyarihang pumili at gumawa ng tama, naipapakita ko ang
aking mapanagutan o responsableng pagkilos. Mag reresulta din ito ng kabutihan na maari
akong ilayo sa kasamaan pag aking napangalagaan ang isip at kilos – loob ko, hindi
magkakaroon ng pagkakataon na masira ang layunin kumbakit ang mga ito ay
ipinagkaloob sa akin at sa tao.
2. Ang Gawain na pagkatuto ay tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Ang
aking natutunan sa aralin na ito ay ang pagpapatunay na ang isip at kilos-lob ay ginagamt para
lamang sa paghahanap ng katotothanan at sa pagmamahal/pag lilingkod, at makagawa ng mga
angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang kaotothanan at mag lingcod at
mag mahal. Bilang isang kabataan mahalaga ang sanayin ko ang aking isipan na nahanapin kung
ano ang totoo dahil Madali rin maqlinlang ang aking isipan ng mga bagay na sa pag- aakala ko ay
tunay at totoo. Huwag basta basta maniniwala sa mga naririnig o nakikita bagkus ito ay suriing
Mabuti gamit ang aking isip at dahil umaasa ang aking kilos loob. Ang patuloy na pagsasaliksik at
pag aaral ay isang paraan ng pagsasanay ng isip na dapat ko sundin upamg magkaroon ng
karagdagang kaalaman. Pag aaralan o pagninilayan ko ng Mabuti ang mga nakikita, naririnig at
mga nalalaman. Ang pagpapasiya ng aking kaloob an o will ay aking maisaalang alang ng
kabutihan ng sarili, kapwa, kalikasan at diyos. Sa ganitong paraan ako ay magkakaroon ng
kaganapan tungo sa karunungan at kabutihan.
3. Ang gawaing pagkatuto ay paghubog ng konsensiya batay sa likas na batas moral. Ang aking
natutunan sa aralin na ito ay pagtukoy sda mga prinsipyo ng likas na batas moral at pagsuri ng
aking mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng konsensiya. Bilang isang mag
aaral natukoy ko ang mga prinsipyo ng likas na batas moral na maari kung isabuhay tulad
ng ,“gawin ang mabuti, iwasan ang masama” sa prinsipyong ito nalaman ko na mayroon akong
kahilingan na pangalaan ang aking sarili kasama ang hayop at mga taong nakapaligid saakin, at
dahil sa prinsipyong ito may kahilingan akong alamin ang katotohonan at mabuhay sa lipunan.
Bilang isang mag aaral mahalaga ang pagsuri ko ang mga pasiyang ginagawa ko sa araw-araw
batay sa paghusga ng konsensiya, dahil maaring kong gamitin ang aking konsensiya ngn hindi ko
namamalayan. Mahalagang maunawaan ko ng Mabuti kung ano talaga ito dahil Malaki ang
maitutulong nito sap ag unlad ng aking pagkatao at ng aking uganayan sa kapuwa at diyos.
4. Ang gawaing pagkatuto ay paghubog ng konsensiya batay sa likas na batas moral. Ang
natutunan ko sa aralin na ito ay pagpapatunay na ang konsensiyang nahubog ng likas na batas
moral ay nag sisilbing gabay sa tamang pag papasiay at pagkilos, at ang layunin sa paghubog ng
konsensiya ay mahubog ang pagkatao batay sa pagsasabuhay ng mga birtud, pagpapahalaga at
katotohanan upang matiyak na ang sarili ay magpapaisya at kikilos batay sa kung ano ang tama
at mabut. Bilang isang mag aaral makakatulong saakin ang apat na yugto ng konsensiya at
proseso ng pagkilos ng konsensiya sa aking pagpapasiya. Kadalasan, Madali para sa akin ang
makagawa ng mga pangkaraniwang pasiya sa iba’t-ibang sitwasyong kinakaharap sa araw araw
at dahil Kailangan ko ang konsensiya kaya mahalang pag aralan ko ang proseso upang magamit
ang konsensiya nang Mabuti. Bialng isang kabgtaan mahalagang simulant mula bata pa lamang
ang paghubog ng konsensiya. Makaktulong ito upang hindi ako magkamali sa aking paghusga sa
Mabuti at masama sa hinaharap.
5. Ang gawaing pagkatuto ay ang tunay na kalayaan. Ang akin natutunan sa aralin na ito ay ang
tunay na kahulugan ng kalayaan at pagtukoy sa mga pasiya at kilos na tumututugon sa tunay na
gamit ng kalayaan. Bilang isang kabataan Ang pagiging malaya ay isang katangian na dapat
mayroon ako, dahil sa paraan nito ay maipapakita ko ang pagiging makapangyarihan,may
sariling kapasiyahan nang walang anumang pinapangambahan, hindinakasandig, umaasa o
nakatali sa iba, matatag at taas noong ipinaglalabanang pansariling kapakanan at kagalingan
para sa lahat. Walang nangingibabaw o nakapangyayari sa aking mga karapatang pantao.
Hindi ako naghihinala, nangangamba, o maging natatakot man sa aking kapwa sasariling
lipunang ginagalawan, at higit na nag-aalala sa uri ng aking pamahalaan. Bilang isang
kabataan, mahalaga ang pagkakaroon ng kalayaan sapagkat ang lahat ng tao sa mundo
ay may karapatan na makapagpili at makapagdesisyon para sa kanilang buhay. Ang
pagkakaroon ng kalayaan ay maihahalintulad sa paggawa ng iba't ibang bagay na
gugustuhin mo na walang makakapigil sayo sa paggawa nito, kahit ito man ay tama o
maling gawain, may kalayaan ka sa paggawa nito ngunit alam na naman natin kung ano
ang tama o mali sa ating gagawin kaya dapat gamitin natin ang ating kalayaan sa
tamang paraan.
6. Ang Gawain pagkatuto ay ang tunay na kalayaan, ang natutunan ko sa aralinm na ito ay ang
tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod, at
paggawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamiy ng tunay na kalayaam: tumugon
sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod

You might also like