You are on page 1of 26

Kwarter I – Linggo 1

Ang Mataas na
Gamit at Tunguhin
ng Isip at Kilos-loob
Prayer
Checking of attendance
CLASSROOM RULES IN
NEW NORMAL
MGA LAYUNIN:
1. Nakikilala ang kahulugan ng isip at kilos-loob.
2. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob (will).
3. Nakabubuo ng mga kongkretong hakbang
upang malagpasan ang kahinaan sa
pagpapasiya.
Ating Alamin at Tuklasin

Ang tunguhin ay ang nais marating o adhikain.

Ang pakultad ay kakayahan o kapangyarihan ng tao.


Noong ikaw ay nasa baitang 9 ay pinag-aralan
ninyo at iyong sinuri kung ano ang kurso o track
na iyong pipiliin sa Senior High School. Ano ang
taglay mong kakayahan upang makapili at
makapagdesisyon sa kurso o track na nais mo?
Panoorin…
Ang tao ay tinatawag na Obra Maestra ng Diyos dahil
siya ay nilikha ayon sa Kaniyang wangis. Tayo bilang
tao ay may mga katangiang tulad ng sa Kaniya. May
kakayahan tayong mag-isip, pumili at gumusto.

Mayroon din tayong likas na kaalaman tungkol sa


mabuti at masama. Isa pang sumasalamin sa paglalang
sa tao na kawangis ng Diyos ay ang kakayahan na
gumawa ng malayang pagpili.
Sinasabing ang tao ay hindi nilikhang tapos dahil
walang nakaaalam kung ano ang mangyayari sa kaniya
mula sa kaniyang kapanganakan hanggang sa kung
maging sino siya sa kaniyang paglaki. Hindi katulad ng
mga hayop na tukoy na kaagad kung magiging ano sila
sa kanilang paglaki. Tayo mismo ang maghahanda ng
ating kinabukasan. Patuloy tayo na kikilos upang
buohin ang bawat piraso na makakatulong upang tayo
ay maging tapos.
Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas Aquinas, ang tao ay
binubuo ng ispiritwal at materyal na kalikasan.
Nakapaloob sa ispiritwal na kalikasan ng tao ay ang
sumusunod:
A. Isip ➢ Isang makapangyarihang pakultad na may
tungkuling mag-isip alamin ang diwa at buod ng isang
bagay. May kapangyarihan ito upang humusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at makaunawa ng
kahulugan ng bagay. Ang makaunawa ay ang
kakayahang makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
Mayroon din itong kakayahang tumuklas ng
katotohanan na siyang tunguhin ng isip.
Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan
upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.
B. Kilos-loob ➢ Ayon kay Esther Esteban, ito ay
“rational”, appetitive but blind faculty na naaakit sa
mabuti at umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng
isipan. Ito ang nagbibigay kapangyarihan sa tao na
gumawa at pumili. Biyaya sa atin ito ng Diyos na
katuwang natin sa paghuhusga at sa bawat aksiyon na
ating isinasagawa.
Dahil dito, nagkakaroon tayo ng responsibilidad sa
bawat paghuhusga at aksyon na ating ginagawa.
Bagamat tayo ay tunay na malaya, hindi pa rin tayo
malaya sa pagharap sa maaaring magiging bunga ng
ating desisyon at aksiyon. Ganap lamang na magiging
malaya ang tao kung pipiliin niya ang mabuti. Ang
pagpili ay isang malayang aksyon ng tao kung ito ay
ginagamit sa paghahanap ng kaniyang kabutihan na
siyang tunguhin ng ating kilos-loob at kaganapan ng
buhay.
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG MAHUSAY NA PASIYA

1. Mangalap ng kaalaman- Ang pagiging tama o


mali ng isang papapasiya ay nakasasalay sa mga
katotohanan. Sa iyong kasalukuyang edad,
maaaring marami ka pang kahinaan sa
pagpapasiya kaya mahalaga na ikaw ay
sumangguni sa mga nakatatanda.
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG MAHUSAY NA PASIYA

2. Magnilay sa mismong aksyon- sa anumang


pagpapasiya ng tao mahalaga na pagnilayan ang
mismong aksiyon. Maaari mo ring gamitin ang mga
sumusunod na gabay upang malaman ang
kahinaan sa pagpapasiya at makagawa ng
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga
ito.
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG MAHUSAY NA PASIYA

3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang


pagpapasiya- Ang panalangin ang isa sa mabisang
paraan upang makagawa ng kongkretong hakbang
upang malampasan ang iyong mga kahinaan sa
pagpapasiya.
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG MAHUSAY NA PASIYA

4. Tayahin ang damdamin sa napiling pasiya-


Mahalaga ring isaalang-alang ang ating damdamin
o kalooban sa ating gagawing pagpapasiya upang
malaman natin ang ating kahinaan sa pagpapasiya
at makagawa ng hakbang upang malampasan ang
mga ito.
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG MAHUSAY NA PASIYA

5. Pag-aralang muli ang pasiya- Kung ikaw ay


mayroong agam-agam sa iyong napiling pasiya
maari mong pag-aralan muli ang iyong napiling
pagpapasiya nang sa ganoon ay makita mo ang
kahinaan sa iyong napiling pasiya.
Tandaan: Walang anomang bagay sa buhay natin
ang nagtatagal maliban sa magandang ugnayang
nabuo natin sa ating kapuwa. Walang mas
mabuting paraan upang makipag-ugnayan sa iba
kundi ang pagtutulungan lamang para sa
kabutihang panlahat.
Nilikha tayo ng Diyos na may isip at kilos-loob
upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang ating
pagkatao sa pamamagitan ng pagmamahal at
paglilingkod sa kapuwa. Sa pamamagitan ng mga
pakultad na ito, maipagpapatuloy nating paunlarin
at buuin ang ating sarili upang magkaroon ng
kabuluhan ang ating buhay at maisagawa natin ang
ating layunin dito sa mundo.
Ang katotohanan ang siyang tunguhin ng isip at
ang kabutihan naman ang tunguhin ng ating kilos-
loob.
Alam ko yan!✋
Sabihin ang “bituin” kung ito ay kahulugan ng Isip
at“puso” naman kung Kilos-loob.

You might also like