You are on page 1of 14

Mga Panloob na Salik: Mga

Biyaya ng Diyos para sa


Mabuting Pagpapakatao
 Ang bawat tao ay may mga likas na katangian upang makapag-isip
nang tama at gumanap ng mga tama at wastong pagkilos na
nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at mga birtud. Tinatawag na
mga panloob na kapangyarihan para sa mabuting pagpapakatao ang
mga panloob na kapangyarihan ng tao. Biyaya mula sa Diyos ang
mga panloob na kapangyarihan na magagamit ng bawat nilalang
upang mag-isip, bumuo ng mga desisyon, at kumilos nang tama at
angkop sa mga sitwasyong kailangan niyang harapin sa pang-araw-
araw na buhay.
Ano-ano ang Panloob na Salik ng Tao para Makaiwas sa
Tukso sa Paggawa ng mga Mali o Masamang Gawain?

 Marami ang naniniwala na ang tao ay likas na mabuti nang


siya'y isilang. May nakatanim sa kalikasan ng tao para sa
mga pagpapahalagang espiritwal at banal. Ang mga
nakatanim sa ating pagkatao ay tinatawag na panloob na
salik para sa kabutihan ng pagkatao. Ating kilalanin ang
mga panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog
ng ating mga pagpapahalaga.
A. Makatuwirang Pag-iisip

 Biniyayaan tayo ng Diyos ng kakayahang mag- isip, magsuri, at


magbigay-kahulugan sa lahat ng bagay sa ating paligid. Dahil sa
salik na ito, nagagawa nating alamin ang totoo, ang mabuti at tama,
at ang kabaligtaran nito na masama at mali. Nakaiimpluwensiya ang
matalinong isip sa pagpili ng mga pagpapahalaga para sa kabutihan
sa pagkatao. Ito ang batayan ng konsiyensiya sa paghusga ng tama
at mali sa mga gawi at pagkilos. Makatuwiran ang buhay kung
naaayon sa mga batas ng Diyos, lipunan, at ng kalikasan.
B. Mapanagutang Kalayaan ng Kilos-loob

 Ang kilos-loob ay panloob na salik na nagbibigay sa atin ng


kakayahang pumili ng mga paniniwala at pagkilos na ayon sa ating
makatuwirang isip. Ito ay bahagi ng kalayaan ng loob na piliing
gawin ang mabuti o ang masama. Nakaiimpluwensiya ang
mapanagutang paggamit ng kalayaan para sa kabutihan ng pagkatao.
Ito ang nagpapaalala na maging sensitibo sa kabutihan hindi lamang
para sa sarili kundi para sa lahat, sa bayan at sa kalikasan.
Itinuturing na espiritwal o banal ang patuloy na paggamit ng
malayang kilosloob nang may pananagutan.
C. Lakas ng loob na Umiwas sa Paggawa ng
Mali at Masama
 Ang pangatlong panloob na salik ng tao ay kaugnay ng
konsiyensiya. Kapag bumigay ang tao sa tukso, ang tinig ng
konsiyensiya ay umiiral. Ang Diyos ay nagpaparamdam ng lungkot
at kabiguan sa masasamang gawa ng kaniyang mga nilalang. Ang
tinig ng konsiyensiya na batay sa batas moral ang nagbubunsod sa
panloob na salik na ito na maramdaman ang pagkabagabag at
kahihiyan dahil sa ginawang mali o masama. Ang pakiramdam ng
pagkabagabag at kahihiyan ay mga sapat na dahilan upang tayo ay
sumunod sa kabutihan.
D. Pagsasabuhay ng Mabubuting Gawi o
Birtud
 Ang apat na cardinal na mabubuting gawi o birtud na (a)
pagkamaingat sa pagpapasiya, (b) katarungan, (c)
katatagan ng loob, at (d) hinahon ay mga panghabang
buhay na kabutihan sa pagpapakatao. Hindi madaling
isabuhay ang mga birtud na ito. Napakahalaga ang
determinasyon na isabuhay ang mga ito sa pagharap sa
mga sitwasyon sa pang-araw- araw na buhay
E. Disiplinang Pansarili

 Ayon kay Pavlina (2011), isang kinikilalang espesyalista sa


pagpapaunlad sa sarili, ang disiplinang pansarili ay isang abilidad o
kakayahan. Tunay at matatag ang panloob na salik na ito kung
nagagawa ang tama at moral sa gawi at pagkilos kahit ano pa man
ang kondisyon ng emosyon o mga damdamin sa oras ng sitwasyong
dapat harapin. Tinukoy at ipinaliwanag ni Pavlina ang sumusunod
na mga pundasyon ng disiplinang pansarili:
 Pagtanggap ng Kahinaan. Napakahalaga na makilala ang sariling pagkatao, lalo na ang
ating mga kahinaan. Alamin at tanggapin ang tiyak na bahagi ng buhay, at ang mga
maling paniniwala, ugali, at pagkilos na nais baguhin upang matamo ang disiplinang
inaasam para sa pag-unlad at kaganapan.
  Katatagan ng Loob. Nagiging malakas ang tao na magbago kung mayroon siyang
katatagan ng loob na makamit ang inaasam na pagbabago. Ang paglalapat ng
katatagan ng loob ay makikita sa mga layunin, pamaraan, at aktuwal na pagsasagawa
ng planong pagbabago. Palakasin at panatilihin ang katatagan ng loob at pasensiya
dahil maaaring panghinaan ng loob kung matagal marating ang inaasam na pagbabago.
  Matiyagang Paggawa. Matutupad ang gusto nating pagbabago kapag nadidisiplina
natin ang sarili na gawin ang mabuti at tama kahit na may kahirapan itong gawin. Ang
pagharap sa mga hamon ng buhay ay nagpapahina ng loob at karakter na sanhi ng
kalungkutan at kabiguan. Nanghihina at nabibigo tayo na harapin ang mabibigat na
sitwasyon. Ayon nga kay Oprah Winfrey, "Ang malaking lihim sa maunlad na buhay
ay ang katotohanan na wala naman talagang malaking lihim. Makakamit ang anumang
gustong mangyari sa buhay kung magkukusa at magtatrabaho para makamit ito."
 Kasipagan. Ang kasipagan ay nangangailangan ng pagiging matiyaga sa
mga kinakailangang gawin para sa inaasam na pagbabago. Ang tuon ng
kasipagan ay ang pagtatalaga ng kinakailangang oras upang isagawa
ang mga binalak na pamamaraan o plano.
  Pagtitiyaga. Ang pagtitiyaga ay ang kakayahang mapanatili ang mga
kinakailangang mga gawain sa plano kahit na may tukso na ihinto na
ang gustong pagbabago. Mahalagang isaisip na hindi ang motibasyon
na magbago kundi mga aktuwal na pagkilos ang susi para mangyari ang
plano para sa inaasam na pagbabago. Ang pagtitiyaga ay matutupad
kung laging ipopokus ang atensiyon sa maliwanag na larawan o bisyon
ng mabubuti at magagandang resulta ng pagdidisiplina sa sarili.
F. Moral na Integridad
 Ang moral na integridad ay pagsasabuhay ng mga katotohanang unibersal at pagpapahalagang moral. Ang
pagkakaroon nito, ayon kay Carter (2010) ay bunga ng pagsasama ng sumusunod na mga katangian ng
pagkatao:

 Masusing pag-iisip batay sa moral na pamantayan. Ang taong may katangiang ito ay nasusuri at
napaghihiwalay ang tama sa mali. Nauunawaan niya ang kahulugan ng mabuti at masama. Ang malalim na
pang-unawa ng kung ano ang tama ang nagpapalakas ng kaniyang paninindigan na isabuhay ang mga
tamang pagkilos.  Matibay na pagkapit sa sariling paniniwala. Kung ang isang tao ay may matibay na
paniniwala o paninindigan, ang lahat ng kaniyang kilos ay naaayon dito. Kahit maharap siya sa iba't ibang
sitwasyon sa buhay, ang kaniyang kilos ay nananatiling matatag na nakakapit sa kaniyang sariling
paniniwala. Makikita ang kaniyang paniniwala sa mga pagkilos natama at pagiwas sa paggawa ng mali at
makasalanan.  Hayagang paninindigan. Ito ang kakayahang ipakita o ihayag sa harap ng lahat ang sariling
paniniwala at paninindigan. Ang paninindigang ito ay bunga ng malalim na pag-iisip at matamang pagsusuri.
Ang isang taong may moral na integridad ay ikararangal na gawin ang anumang pinaniniwalaan niyang
tama. Ikinalulugod niyang ibahagi sa lahat ang mabubuting gawain na tumulong na mapabuti ang mabibigat
na suliranin ng kapwa sa kaniyang pamayanan.

You might also like