You are on page 1of 33

1

10

2
Gawaing Pampagkatutong

Papel

(Learning Activity Sheet)

LEARNING ACTIVITY SHEETS 7

I. PAMAGAT: PAGGALANG SA BUHAY

II. MELC
Napangangatwiranan na:
a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi
mapahahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay; di
makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay
b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang
kaloob ng
Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang
kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng
Diyos. EsP10PB-IIId-10.3
Nakabubuo ng mapanindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag
sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan. EsP10PB-IIId-10.4

III. MGA ISPESIPIKONG LAYUNIN


1. Nangangatwiran na mahalaga ang buhay sa pagkamit ng mas higit na
mahalaga sa buhay
2. Nakabubuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay

IV. SUSING KONSEPTO


Sagrado ang buhay ng tao kaya patuloy ang paglinang ng pag –
unawa tungkol dito upang magingmakatotohanan ang ating paggalang
at pagtatanggol nito sa lahat ng mga maaaring lumapastangan nito.
1. Nilikha at hinubog ng Diyos ang bawat tao na Kanyang Kawangis
at kalarawan
2. Ang kasagraduhan ng buhay ng buhay ang pinakamatibay na
pundasyon ng dignidad ng tao
3. Ang buhay ng tao ay mayroong tunay na pananagutang
panlipunan 4. Likas ang Karapatan g buhay na mabuhay

3
May higit na mahalaga sa buhay. Ayon kay Rick Warren, sa
pagkakaroon ng The Purpose – Driven Life, ang layunin ng iyong buhay ay
malayong higit na malaki sa iyong sariling kaganapan, iyong kapayapaan
ng isip, o kaya ng iyong kaligayahan. Ito ay higit na malaki kaysa iyong
pamilya, trabaho, o kahit iyong pinakamataas ng pangarap at ambisyon.

Kung gusto mong malaman kung para saan ang buhay mo dito sa
mundo, dapat mong simulan sa Diyos. Nilalang ka dahil sa Kanyang
layunin at para sa Kanyang layunin.

Madaling unawain kung bakit sinasabi Ang Diyos na huwag kang


papatay. Wala sa kamay ninuman ang buhay ng tao, maging ang sariling
buhay o buhay ng ibang tao. Ito’y nasa Diyos. Ang buhay ay isang banal na
handog na ipinagkakaloob niya sa bawat isa para sa kanyang mga layunin.
Ang buhay ng tao ang pinakamataas na uri na nilikha ng Diyos. Ito ang
pinakadakilang handog ng Diyos sa tao kaya ang buhay na ito ay sagrado.
Ang buhay ay nararapat na kalingain, pagyamanin, at paunlarin upang ito
ay magamit sa paghanap ng katotohanan at tuparin ang kalooban ng
Diyos.

V. PAMPROSESONG KATANUNGAN
1. Bakit sagrado ang buhay ng tao? Ipaliwanag
2. Bakit mahalagang magkaroon ng makabuluhang buhay o ang
tinatawag sa ingles na purpose driven life bilang kabataan paano mo
gagawing makabuluhang iyong buhay

VI. GAWAIN

GAWAIN 1: BUHAY -SIYASAT


1. Pumili ng isang isyu mula sa mga sumusunod (Aborsyon, Euthanasia,
Alkoholismo, Pagpapatiwakal, Paggamit ng Droga). Gumawa ng isang
malalim na pagsusuri ng mga sumusunod na isyu ukol sa buhay.
Magsaliksik ng mga impormasyon, datos at iba pang kaalaman ukol
dito batay sa sumusunod:
A. Kahulugan at uri
B. Epekto
C. Moral na Isyu
D. Paninindigan ukol sa isyu

Tanong:
1. Ano ang iyong paninindigan ukol sa isyung pinili? Ano – ano ang naging
batayan mo sa ginawa mong paninindigan?
2. Handa ka bang ipaglaban ang iyong nabuong paninindigan ukol sa isyu?
3. Ano – ano ang maaari mong isagawa upang maipaglaban at
mapahalagahan ang buhay?

VII. REPLEKSYON/PANGWAKAS

4
Sumulat sa magulang ng pagpapasalamat at kahilingan sa pagpapatuloy
ng buhay.

LEARNING ACTIVITY SHEET 8

I. PAMAGAT: ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN

II. MELC

11.1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan


(Patriyotismo) EsP10PB-IIIe-11.1

III. MGA ISPESIPIKONG LAYUNIN:


Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:
a. Naipaliliwanag kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.

IV. SUSING KONSEPTO

Gaano mo ba ka mahal ang ating bayan? Handa ka rin bang magbuwis


ng iyong buhay para rito katulad ng ginawa ng ating mga bayani?
“Kaya ko silang tularan, magiging bayani rin ako tulad nila! Makikilala ako
bilang makabagong Jose Rizal o Andres Bonifacio! Ako ang susi sa
minimithing pagbabago ng bansa, ang pagmamahal ko sa bayan ang
magdadala upang isakatuparan ang pangarap na ito.”

Marahil ang mga salitang ito ay minsan nang namutawi sa iyong bibig.
Ngunit sa harap ng mga nangyayari sa kasalukuyan, paano kaya ito
maipamamalas? Kailangan din bang magsulat, at hikayatin ang iba na

5
magpapunit ng sedula, humawak ng baril, at gumamit ng tabak upang
ipakita ang pagmamahal na ito?

Ano ba ang pagmamahal sa bayan?

Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat


gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong
patriyotismo, mula sa salitang pater na ang ibig sabihin ay ama na
karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan. Ang
literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan (native
land). Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng marubdob na
paggawa ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong pakikilahok sa
interes ng mayorya o kabutihang panlahat, pagsawata sa mga kilos na
di makatarungan at hindi moral (Institute for Development Education
Center for Research and Communication). Kadalasang iniuugnay ang
patriyotismo sa nasyonalismo ngunit hindi magkasingkahulugan ang
dalawang ito. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang
pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang
may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalangalang nito ang kalikasan ng
tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba sa wika, kultura, at relihiyon na
kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang
panlahat.

Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan

Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang


ligtas sa pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral
na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan na
tayo bilang tao ay umiiral sa mundo kasama ang ating kapuwa.

Para maunawaan mo kung gaano kahalaga ang pagmamahal,


gawin nating halimbawa ang sumusunod: Una, ano ang mangyayari sa
isang pamilya kung hindi kinakikitaan ng pagmamahal ang bawat
miyembro nito? Maaaring ang mag-asawa ay magkahiwalay, ang mga
anak magkaniya-kaniya at sa pagtanda ng mga magulang, walang
kakalinga sa kanila. Magulo at nakalulungkot, di ba? Ikalawa, ano
ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi nila ipinamalas ang
pagmamahal sa kapuwa manlalaro nila sa kanilang koponan?
Maipapanalo ba nila ang grupo? Di ba lagi mong naririnig ang salitang
puso sa tuwing kinakapanayam ang manlalaro na nagbigay nang
malaking puntos upang ipanalo ang koponan?
Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng
pagkamamamayan; isang indibidwal na ibinabahagi ang talino sa iba,
pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao, pinahahalagahan ang
karangalan ng pamilya, na ang pagmamahal ay likas bilang taong may
malasakit para sa adhikaing mapabuti ang lahat. Ang pagmamahal na ito
ay nakaugat sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong may pagmamahal
sa bayan na iniingatan ang karapatan at dignidad.

6
Ano ang pambansang awit ng bansa? Ano ang pambansang
prutas, dahon, hayop, o kahit ang kabisera ng bansa? Mga basic, wika nga
sa wikang Ingles kaya lang, marami ang di nakaaalam. Mas in ba sa iyo
kung ang salitang gagamitin mo ay ingles o pamamaraang jejemon? May
sarili kang wika, bakit kaya hindi ito ang iyong ginagamit? Sabi nila,
kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat. Segurado ako,
mahal mo ang bayan at alam ko na may gagawin ka para ito ay
maisabuhay, maipakita at maging inspirasyon sa kapuwa Pilipino. Dahil
ang pagmamahal mo sa bayan ay paraan upang pahalagahan ang kultura,
paniniwala, at pagkakakilanlan.

V. PAMPROSESONG KATANUNGAN
1. Bakit mahalaga ang pagmamahal sa bayan? Isulat ang sagot sa loob ng
nakahandang kahon.

VI. GAWAIN

Gawain 1: AKO AT ANG BAYANI KO


Panuto: Pumili ng isang pangalan na gagamitin mo upang maipakita mo ang
pagmamahal sa iyong bayan na ang kahulugan ay may kinalaman sa isang
katangian o layunin na iyong hinahangad, o ang pangalan ng iyong
paboritong bayani o idolo. Halimbawa, ang pangalang pinili ni Andres
Bonifacio, na

7
nagtatag ng Katipunan, ay ‘may pag-asa.’
Ano kaya ang
maging pangalan
ko kung ako ay
maging isang

Gawain 2: Acronym
a. Paano mo ipaliliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan? Gamitin
ang salitang “PILIPINAS” upang mabuo ang iyong sagot. Maaari ding
maging isang tula, awit o rap ang kalalabasan ng iyong sagot.

P – Halimbawa: Pagbibigay galang sa watawat ng bansa ay isang paraan


upang ipakita ang pagmamahal sa bayan.
P- I- L- I- P- I-
N- RUBRIKS
A- S-

VIII. REPLEKSYON/PANGWAKAS
Mahalaga ang pagmamahal sa bayan sapagkat ang bayan ay may
malaking kontribusyon sa paghubog ng ating pagkatao. Ito ang ating
pinagmulan. Ang pagmamahal sa bayan ay parang pagmamahal na rin sa
ating sarili. Maipapakita natin ang pagmamahal sa bayan sa maraming
paraan. Isa na rito ay ang paggalang sa mga batas at regulasyon na
ipinapatupad ng pamahalaan.

8
LEARNING ACTIVITY SHEET 9

I. PAMAGAT: ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN: (Mga Paglabag sa


Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan)

II. MELC
11.2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo) na umiiral sa lipunan EsP10PB-IIIe-11.2

III. MGA ISPESIPIKONG LAYUNIN


a. Natutukoy ang mga paglabag sa bayan na umiiral sa lipunan.
b. Napapahayag ang damdamin tungkol sa pangyayari na may paglabag sa
pagmamahal sa bayan.

IV. SUSING KONSEPTO

Ang isang responsableng mamamayang Pilipino ay dapat na mulat at


handa sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Kailangang magkaroon
siya ng kamalayan sa mga isyu at kaganapan. Gayun din, dapat
siyang maghayag ng kanyang opinion at pananaw ukol dito. Ang
isang bansa na lamang at walang mararating at walang pagbabagong
maaasahan. Ano mang pangyayari sa bansa ay dapat na may
partisipasyon at may paninindigan ang lahat.

Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan

Ang pagiging isang Pilipino ay isang biyaya, hindi ito aksidente,


nakaplano ito ayon sa kagustuhan ng Diyos bilang isang indibidwal na
sumasakatawang diwa. Maisasakatuparan ito at magiging bahagi ng
kasaysayan kung magkakaisa tayo bilang mamamayang may pagmamahal sa
bayan.

Kung ang sumusunod na tanong ay bahagi ng pagsusulit, maipapasa mo


kaya ito o may masasagot ka ba sa mga ito?
1. Kung ang mahalaga lang sa iyo ay ang iyong pamilya at hindi ang iyong
kapwa: Masaya ka ba? Matututo ka ba? Uunlad ka ba? Magiging ganap ka
ba? Kaya mo ba, kung ikaw o kayo lang?
2. Nag-aral ka ba nang mabuti? Naisagawa mo ba ang trabahong nakaatang
sa iyo? Kung ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang naisagawa mo na
upang masabing ipinagmamalaki kang mamamayan ng bansa? Ilang
beses mo na bang ipinahiya ang bansa sa iyong mga makasariling
mithiin? Ilang beses mo na bang ikinahiya o itinagong ikaw ay Pilipino?

9
3. Bakit ayaw mong tumulong sa iba? Bakit ayaw mong sumunod sa kanila
bilang iyong pinuno? Bakit ayaw mong makilahok at makialam sa mga
pagkakataong kailangan ka? Bakit nagkikibit-balikat ka lang?
4. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo
kahit na may banta sa iyong buhay?
5. Ano na ang nagawa mo para sa bansa? Ilang pirasong pinagbalatan na ng
candy ang iyong pasimpleng itinapon sa kung saan-saan? Ilang
pampublikong pag-aari na ba ang iyong sinulatan na kahit walang
pahintulot (Vandalism)? Kailan ka pa naging miyembro ng demolition team
ng inyong munisipalidad upang sirain at wasakin ang mga ari-ariang
mula sa buwis ng taong bayan? May pagkakataon na ba, na naging
inspirasyon ka sa iba upang gumawa ng tama at mabuti?
6. Kailan ka huling nagdasal? Ipinagdasal mo ba ang buong miyembro ng
pamilya? Ang iyong kapitbahay? Ang iyong kaibigan? Ang iyong kaaway?
At higit sa lahat, ang iyong bayan? Naisasabuhay mo ba nang tama ang
iyong pagganap bilang mananampalataya?

V. PAMPROSESONG KATANUNGAN
1. Ano ang nararamdaman mo mula sa mga nakitang paglabag sa
pagmamahal sa bayan?
2. Alin sa mga tanong ang nasasagot mo ng makakatotohanan at
nagagawa mo ng maayos? Ipaliwanag

VI. GAWAIN
Basahin, tukuyin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain
upang mas ganap ninyong maunawaan ang tungkol sa pagmamahal sa
bayan.

Gawain 1: PILIPINAS SA PAGLIPAD AT PAGLANGOY, PAGTAKBO AT


PAGTAKAS
Mula sa Spoken Poetry na isinulat ni Ginoong Philip Jay Leano na
pinamagatang “PILIPINAS SA PAGLIPAD AT PAGLANGOY, PAGTAKBO AT
PAGTAKAS”, tukuyin ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na umiiral
sa lipunan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol dito.

10
PILIPINAS SA PAGLIPAD AT PAGLANGOY, PAGTAKBO AT PAGTAKAS -
Philip Jay Leaño-(Batang KN-Koronadaleño)
Lipad, Pilipinas Sapagkat tila nabubuhay ka
Palayo sa mga hindi kayang galangin lamang, upang patayin nila.
ang watawat
Pilipinas dinapuan ka ng langaw
Lipad, Pilipinas
Ngunit hindi ka mumunting
Palayo sa mga matang kung tatakpan
gatas upang palitan Kung lilipad
ng pera’y hindi na dilat
ka’y aakyat kami
Lipad Pilipinas
Kung lalangoy ka’y sasabay kami
Palayo sa bibig na kung may busal na
Kung tatakbo ka’y hahabol kami
salapi’y hindi na tapat
Kung tatakas ka’y susunod kami
Lipad Pilipinas
Sapagkat ikaw ay amin
Palayo sa kanilang nanghihila pababa,
upang maka-angat At kami ay sa iyo
Langoy, Pilipinas Palayo sa Bawat yapak namin
dalampasigang puno ng dumi’t Ay ang pagsulong mo Kawangis
kalapastanganan Langoy, ng kandila’y matupok ka man
Pilipinas Dulot ng aming pangangailangan sa
Palayo sa pang-aabuso ng Inang ilaw
Kalikasan Hayaan mong ikaw ay aming
Langoy, Pilipinas muling
Palayo sa alon ng hindi patas na sindihan
husgahan Hanggang ang bawat anino,
Langoy, Pilipinas
Palayo sa hindi paggalang, sa kultura’t Sa liwanag mo lamang tatanglaw
pagkakakilanlan
Takbo, Pilipinas Palayo sa
kalsadang nilinis ng mga
patay
Takbo, Pilipinas
Palayo sa kalyeng ang pagkitil ay
siyang hanapbuhay
Takbo, Pilipinas Palayo sa
eskinitang kalayaan ang paglabas
ng bahay
Takbo, Pilipinas
Palayo sa kaligtasan na minsa’y hindi
ka naging sanay
Takas, Pilipinas
Palayo sa mga ginagawang santo ang
droga
Takas, Pilipinas
Palayo sa rehas na kanlungan ng mga
walang sala
Takas, Pilipinas
Palayo sa mga salaping naipasok sa
maling bulsa

Takas, Pilipinas

11
Mga Gabay na Tanong

1. Ano-anong mensahe ang gustong iparating ng manunulat?


2. Napapanahon ba ang mga mensaheng ito? MayPatunayan ang inyong sagot.
3. May pagkakatulad ba ang mga kilos na ipinakita sa mga sitwasyon sa iyong
pang araw-araw na Gawain? Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang iyong
gagawin o magiging tugon? Ano ang epekto nito sa iyo sa kabuuan?
Ipaliwanag.
4. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng may akda?
Paano gagamitin ang mapanuring pag-iisip bilang pagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan?
5. Makatutulong ba ang mensahe ng may akda sa pagsasabuhay ng
pagmamahal sa bayan? Panagtwiranan ang sagot.

Gawain 2: UUOD NG BAYAN: ISANG PAGRARANGO.


Bilang Pilipino, maraming pangyayari na dapat nating makita, marinig at maisatinig
upang mapalaya at mapaunlad ang bayan.

1 5
4
2 3

Pagrarago ng paglabag sa pagmamahal sa bayan

Makikita sa ibaba ang ilang mga pangyayari na nagaganap sa paligid at sa


bansa. Pumili ng limang (5) pangunahing pangyayari na maaaing may paglabag
sa pagmamahal sa bayan at pagsunod-sunurin ito ayon sa tindi o bigat ng
epekto sa ating mga Pilipino at sa bansa. Isulat ang sagot sa loob ng katawan ng
uuod.

12
1. Pangungutang ng pamahalaan sa WB-IMF.
2. Kidnaping, pagpatay, panggagahasa at iba pang krimen
3. Pagkalat ng bawal na gamut
4. Pagsasabatas at pagpapatupad ng capital punishment
5. Pagdami ng OFW na mga magulang
6. Pagtataa ng badget para sa edukasyon
7. Pakikipagkasundo at pakikipagkalakalan sa mga komunistang bansa
8. Pagbibigay ng amnestiya sa mga NPA at rebeldeng sundalo
9. Pagkakaroon ng mas malaking buwis
10. Mababang sahod ng mga guro at maraming clerical works
11. Patuloy na pagwasak ng kalikasan
12. Pagdami ng iskwater
13. Paglala ng korapsyon
14. NPA insurgency
15. Pagkakaroon ng material sa halip na ispirituwal na oryentasyon.

VII. REPLEKSYON/PANGWAKAS

Malayang Pag-uugnay
Ano ang iyong reaksyon at pagtingin sa pangyayari na pinili mo? Malaya
mong ipahayag at isulat ang iyong damdamin ukol dito. Isulat mo ang
anumang papasok sa iyong isipan ay anu mang damdamin na
nangibabaw sa iyo tungkol sa napiling pangyayari. Hindi kinakailangan
ng suriin o unawain ang organisasyon ng iyong isusulat, ni isipin kung
ito ay tama o mali. Ang kailangan sa gawaing ito ay ang malayang daloy
ng iyong pag-iisip. Isulat ang sagot sa
loob ng dahon.

LEARNING ACTIVITY SHEET 10

I. PAMAGAT: ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN: “Hindi ka global citizen kung hindi


ka mamamayan.”

13
II. MELC
11.3. Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa
pagmamahal sa bayan. (“Hindi ka global citizen pag di ka mamamayan.”)
EsP10PB-IIIf-11.3

III. MGA ISPESIPIKONG LAYUNIN


A. Napangangatwiranan ang konseptong “Hindi ka Global Citizen, kung hindi
ka Mamamayan.”

IV. SUSING KONSEPTO


Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng
pagkamamamayan; isang indibidwal na ibinabahagi ang talino sa iba,
pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao, pinahahalagahan ang
karangalan ng pamilya, na ang pagmamahal ay likas bilang taong may
malasakit para sa adhikaing mapabuti ang lahat. Ang pagmamahal na ito ay
nakaugat sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong may pagmamahal sa
bayan na iniingatan ang karapatan at dignidad.

Dito lang ba magtatapos ang lahat? Sabi nga, kapag mahal mo ang isang tao,
alam mo kung ano ang magpapasaya at ang mahalaga sa kaniya. Wala itong
ipinagkaiba sa pagmamahal sa bayan, ang isang mamamayan na may
pagmamahal sa bayan ay may pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at
pagkakakilanlan ng kaniyang bayan. Napansin mo ba sa kasalukuyan kung paano
dayuhin ng mga turista ang mga lugar na mayaman sa kulturang Pilipino? Ikaw,
napuntahan mo na ba ang mga ito? O, mas pinipili mo ang pagiging banyaga sa
sariling bayan dahil mas gusto mong pasyalan ang mga lugar na nasa ibang bansa
kaysa sa kung ano mayroon tayo? Interesado ka ba kung ang Lakbay-Aral ng
paaralan ay sa mga museo o mas gusto mo ang pagpunta sa mga sikat na mall at
mga amusement park? Kapag ba inaawit ang pambansang awit, ginagawa mo ba ito
ng buong puso? Payag ka ba na itayo ang isang gusali na sisira sa imahe ng isang
kilalang parke ng bansa? Ano ang damdaming iiral sa iyo kapag nakikita mo ang
mga lugar na tanda ng iyong pagiging Pilipino ay unti-unting winawasak o
binubura sa kasaysayan ng bansa?

Ano ang pambansang awit ng bansa? Ano ang pambansang prutas, dahon,
hayop, o kahit ang kabisera ng bansa? Mga basic, wika nga sa wikang Ingles kaya
lang, marami ang di nakaaalam. Mas in ba sa iyo kung ang salitang gagamitin mo
ay ingles o pamamaraang jejemon? May sarili kang wika, bakit kaya hindi ito ang
iyong ginagamit? Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat.
Segurado ako, mahal mo ang bayan at alam ko na may gagawin ka para ito ay
maisabuhay, maipakita at maging inspirasyon sa kapuwa Pilipino. Dahil ang
pagmamahal mo sa bayan ay paraan upang pahalagahan ang kultura, paniniwala,
at pagkakakilanlan.

Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng pahayag ni San Juan Pablo


XXIII (1818-1963), “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang
karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang
makapag-ambag sa kabutihang panlahat.”
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan ang
pangangailangang maglingkod sa bayan at sa kapuwa. Alam niya kung kailan

14
siya kikilos dahil sa angking karunungan. Ibibigay ang nararapat para sa iba,
kokontrolin ang sarili lalo na sa mga sitwasyong siya lamang ang
makikinabang at hindi ang lahat. Ang paggawa ng paghuhusga ay dumaraan sa
isang prosesong magdidikta upang gawin ang mabuti para sa kabutihan ng
lahat.

V. PAMPROSESONG TANONG
1. Bakit kailangang mahalin natin ang sariling bayan?

VI. GAWAIN
Basahin, tukuyin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain upang
mas ganap ninyong maunawaan ang tungkol sa pagmamahal sa bayan.

Gawain 1: Ang Makabagong Bayani!

Ipaliwanag at
pangangatwiranan ang naka
paskil na slogan “Hindi ka global
citizen kung hindi ka
mamamayan.” Magbigay ng
kungkretong halimbawa upang
mapatunayan ang saloobin
tungkol sa nakaugat ang
pagkakakilanlan ng tao sa
pagmamahal sa bayan.

Rubrics para sa Gawain 1: “Pagpapaliwanag sa Slogan”


Pamantayan Indikador Puntos Natatamong
Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang 10
maayos ang ugnayan ng lahat ng
kosepto sa paggawa ng malikhaing
presentasiyon
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe 10
Konsepto sa paglalarawan ng konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggsawa ng 10

15
(Originality) malikhaing presentasiyon
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang 10
Presentasyon presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinsayon 10
(Creativity) ng kulay upang maipahayag ang
nilalamang konsepto at mensahe

VII. REPLEKSYON/PANGWAKAS

Sa kasalukuyan ay maraming mga panibagong kaisipan at gawain ang isinusulong


ng ilang pangkat sa pamayanan at bansa. Kung minsan, ang kanilang mga kaisipan
at gawain ay taliwas sa mga kaisipan sa nakaugaliang paniniwala. Kailangan ang
bukas na isipan sa maaaring pagbabago at pag-unlad na dala ng mga bagong
kaisipan na ito. Dapat din nating suriin at tayahin ang mga ito upang makita natin
kung paano ang mga bagong kaisipan at gawaing ito ay makabubuti para sa atin
bilang bayan at sa sangkatauhan.

LEARNING ACTIVITY SHEET 11

I. PAMAGAT: ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN: (Mga Angkop na Kilos sa


Pagmamahal sa Bayan)

II. MELC

11.4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal


sa bayan (Patriyotismo) EsP10PB-IIIf-11.4

III. MGA ISPESIPIKONG LAYUNIN


Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:
A. Naipapamalas ang mga angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan.

IV. SUSING KONSEPTO

Kababayan ko, Paglilingkuran ko.

“Kawawa naman sila.”


“Sana’y makayanan nila ang nangyari.”
“Bakit kaya hindi sila tulungan ng pamahalaan.”
“Kung may magagawa lamang ako…”

Ito marahil ang mga nasasabi mo kung nakakita ka ng nasunugan, ng


nilindol, ng mga walang makain o matirahan nating kababayan. Subalit
matapos kang maawa at mahanag, ano ang gagawin mo/ Maisusuot ba ng mga

16
napinsala nating kababayan ang iyong awa? May makakain o matitirhan ba sila
kung maaawa ka lamang sa kanilang makakain o matitirhan ba sila kung
maaawa ka lamang sa kanilang sinapit? Tandaan, May magagawa ka!

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan


May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon
ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang
kabahagi sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan. Bukod sa mga
tungkulin na dapat isabuhay bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating
bansa na nakasaad sa Konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaaring
isabuhay upang makatulong sa bansa ayon kay Alex Lacson:
a. Mag-aral nang mabuti. Ang isang taong may pinag-aralan hindi
kailanman mag-iisip na gumawa ng anumang paglabag sa mga batas na
ipinapatupad ng kaniyang bansa, bagkus ang kaniyang natutuhan sa
pag-aaral ay gagawin niyang paraan upang mahanapan ng solusyon at
tulungan ang bansa sa problemang kinakaharap at haharapin nito.
b. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang puwedeng
maging susi upang maging positibo ang ibig sabihin ng Filipino Time,
ang pagiging huli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain ay
hindi nakatutulong sa pagsulong ng anumang grupo, organisasyon at sa
kabuuan ng bansa. Ang pagpasa ng RA 10535 o mas kilala bilang
Philippine Standard Time ay makatutulong upang ang bawat Pilipino ay
magkaroon ng tamang oras na susundan.
c. Pumila nang maayos. Unahan sa pila, gitgitan sa kalsada na
kung
minsan, dahilan ng pagtatalo na nauuwi sa aksidente, away, bugbugan
hanggang sa patayan. Sabi nga lagi, “Disiplina lang pakiusap.” Mababaw
kung tutuusin pero kailangan.
d. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at
dignidad. Kung may simpleng bagay na maaaring gawin ang isang
mamamayan para sa kaniyang bayan, ito ay ang igalang ang kaniyang
pagkakakilanlan, pangunahin na rito ang pambansang awit. Awitin ito
ng buong puso at may paggalang.
e. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya. Isa sa
pangunahing problema ng bansa sa kasalukuyan ay ang kawalan ng
katapatan lalo ang iilang nasa pamahalaan, ang mga tao na inaasahan na
mangangalaga sa karapatan ng mamamayan. Ang katapatan ay unang
itinuturo sa bahay, at pinauunlad at pinalalawak ito sa paaralan at
isinasabuhay sa lipunang kinabibilangan.
f. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng
basura kahit
saan. Ang solusyon sa lumalalang problema ng bansa o ng mundo sa
kapaligiran ay nasa kamay ng mamamayan at ito ay ang responsableng
paggamit ng pinagkukunang yaman nito, kasama na rito ng pagtitipid sa
tubig, koryente, pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim
ng puno at tamang pagtatapon ng basura.
g. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong. Ang
kalusugan ng tao ay yaman ng bansa, ang mga gawaing gaya ng pag-
inom, paninigarilyo, pagsusugal, at ang labis na pagkahilig sa paglalaro

17
sa kompiyuter ay tuwirang hindi makatutulong sa sarili at sa kabuuan
sa pag-unlad ng bansa.
h. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled.
Ang pagtangkilik sa produkto ng bansa ay hindi pagiging makasarili,
paraan ito upang lalo pang matulungang mapalago at maiangat ang
ekonomiya ng bansa, na sa huli ay ang mamamayan makikinabang nito.
i. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama. Ito ay
maisasagawa sa pamamagitan ng pagpili ng tamang pinuno na
kakatawan sa mga bagay na nais mangyari sa lipunang ginagalawan. Ang
boto ay hindi ibebenta o ipagpapalit sa kung anong pabor o materyal na
bagay.
j. Alagaan at igalang ang nakatatanda. Ipagpatuloy ang
kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo.” Ang
pangangalaga sa nakatatanda ay isang pananagutan. Ang pananagutang
ito ay maisasabuhay sa pamamagitan ng pagbibigay-galang sa
nakatatanda, bahagi man ng pamilya o hindi.
k. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan.
Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi matatawaran kailanman, ang
pagtawag sa Kaniya, paghingi ng patnubay ay mahalaga sa
pagsasakatuparan ng mithiin sa buhay.

V. PAMPROSESONG KATANUNGAN

1. Bakit kailangan nating isabuhay ang mga angkop na kilos tugkol sa


pagmamahala sa bayan?

VI. GAWAIN

Basahin, tukuyin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain upang


mas ganap ninyong maunawaan ang tungkol sa pagmamahal sa bayan.

Gawain 1: “Ako’y Mabuting Pilipino: Mahal ko ang Bayan ko!

Lagyan ng ang nakalaang kahon kung naisagawa ang tinukoy na


angkop na kilos at Kung ito ay hindi naisagawa.

Isulat naman sa hanay ng others ang palagay mo ay angkop na kilos na


gusto mong isagawa.

Mga Angkop na Kilos Nagawa Hindi Expected Output


Nagawa

Pagsagot sa mga modules Larawan mo na sumasagot


ng modules
Pag-saliksik sa pinagmulan ng Repleksyon ng iyong

18
watawat ng Pilipinas natutunan
Pagsegrigate ng mga basura. Larawan ng lalagyan ng
Maglagay ng tatlong lalagyan basura.
ng basura na may label na
nabubulok, hindi nabubulok
at to be recycled.
Isama sa panalangin ang Nagawang panalangin para
bansa at ang Kapuwa sa bansa
mamamayan.
Pagtangkilik ng produktong Larawan ng mga produktong
sariling atin, huwag peke o sariling atin na meron kayo
smuggled. sa inyong tahanan.
Alagaan at igalang ang Larawan ng pag-alaga o pag
nakatatanda galang sa matatanda
Others:

Pagkatapos ay ilagay sa isang portfolio ang lahat ng inyong output ng


pagsasabuhay ng leksyon sa Edukasyon sa pagpapakatao.

Gawing gabay ang nasa ibaba para sa pagkakasunod-sunod ng gagawing


portfolio ng pagsasabuhay.

A.Title Page: Title ng inyong Pagsasabuhay ng Leksyon

(Isang Pagsasabuhay ng Leksyon sa Edukasyon sa


Pagpapakatao)

ni: (Pangalan ng Mag-aaral)

pinasa kay: (Pangalan ng Guro)

SY 2020-2021

19
B. Output sa Gawain 1: “Ako’y Mabuting Pilipino: Mahal ko ag bayan ko!
C. Pictorials with captions
D. Repleksyon ng iyong natutunan mula sa pananaliksik
E. Nagawang Panalangin
F. Reflection: (Ang aral na iyong natutunan mula sa iyong pagsasabuhay na
ginawa. Paano nito binago ang iyong pananaw sa paglilingkod at
pagmamahal sa bayan.)

Rubrics para sa Paggawa ng Portfolio sa Pagsasabuhay ng Leksyon

Pamantayan Indikador Puntos Natatamong


Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang 30
maayos ang ugnayan ng lahat
ng kosepto sa paggawa ng
malikhaing presentasiyon.
Maliwanag at angkop ang
mensahe sa paglalarawan ng
konsepto
Pagkamapanlikha Napapanahon ang ideya sa 25
(Originality) pagsawa ng pagsasabuhay ng
Leksyon.
Kabuoang Malinis at maayos ang 30
Presentasyon kabuuang presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng ibat-ibang 15
(Creativity) pamamaraan ng pagpapakita ng
output.

VII. REPLEKSYON/PANGWAKAS

Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya, hindi ito aksidente, nakaplano ito ayon
sa kagustuhan ng Diyos bilang isang indibidwal na sumasakatawang diwa.
Maisasakatuparan ito at magiging bahagi ng kasaysayan kung magkakaisa tayo
bilang mamamayang may pagmamahal sa bayan.

Sa ating paligid ay makikita ang iba’t ibang manipestasyon ng kakulangan at


pangangailangan sa buhay. Tayo, na mayroong higit kaysa iba, ay may magagawa
upang maging magaan ang kanilang mga prblema. Mayroong mga pangkat na may
magandang layunin para sa ikauunlad ng bansa. Upang maging kapakipakinabang
na mamamayan ay dapat na tayo ay makilahok sa sa mga pangkat-sibikong
pampaaralan at pansimbahan na handing dumamay sa mga kapus-palad.

20
Biniyayaan tayo ng Maykapal ng lakas ng katawan, ng iba’t ibang uri ng talino at
ng linis ng kalooban tungo sa pakikipagdamayan sa ating nagdarahop na mga
kababayan.

LEARNING ACTIVITY SHEETS 12

I. PAMAGAT: PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA


KALIKASAN: (Isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga
ng kalikasan)

II. MELC
12.1 Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan EsP10PB-IIIg-12.1

III. MGA ISPESIPIKONG LAYUNIN


1. Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan.
2. Natutukoy ang mga gawain na taliwas sa pangangalaga sa kalikasan.

IV. SUSING KONSEPTO


Ikaw ay mahalagang bahagi ng lipunan at may tungkulin na maging
instrumento ng pagbabago na magsimula sa sarili patungo sa kagapanan
ng iyong pagkatao. Hindi man madali ang mga ito, ikaw naman ay
biniyayaan ng sapat na kakayahan upang mapatunayan ang iyong
kabutihan bilang nilalang na katangi-tangi sa ibang nilikha ng Diyos.

Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan


Sa isang lipunan, kailangan ang pamahalaan - halimbawa, gobyerno
o estado (Plattel, Martin 1965). Ito ay dahil may pangangailangan ang tao na
hindi kayang makamit nang mag-isa, tulad ng kaayusan at kapayapaan,
pangkabuhayan, mga bagay na kultural, pangangalaga sa kalikasan at iba
pa. Kaya nariyan ang gobyerno upang gumawa ng mga programa para sa
ikauunlad ng bansa at para sa kabutihang panlahat. Upang makamit at
mapanatili ang kabutihang panlahat na pinaliwanag sa Baitang 9, kailangan
ang sama-samang pagkilos ng mga tao - hindi ng iilan lamang kundi ng
lahat. Lahat ay maaaring mag-ambag para sa pagkamit at pagpapanatili ng
kabutihang panlahat.
Napakarami ng namumuno sa atin subalit bakit laganap pa rin ang isyu ng
tungkol sa kapangyarihan?
1. Korapsiyon. Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera.
Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na kawalan ng kalinisan at paglihis
sa anumang kanais-nais na asal. Ang taong may malinis na puso at tapat
ang talagang karapat-dapat magsilbi sa lipunan. Maipakikita ito sa
pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at pag-iwas sa pandaraya.
2. Pakikipagsabwatan (Kolusyon). Ito ay iligal na pandadaya o panloloko,
halimbawa ay ang pagtatakda ng mga presyo, limitahan ang mga

21
oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback, pandaraya sa halalan
sa pamamagitan ng iligal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan
at sa pagbilang ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali,
pagbili o panunuhol ng mga botante. Nangyayari ang mga gawaing ganito
dahil sa kagustuhan ng isang tao na mapaunlad ang pansariling
kapakanan.
3. Ang bribery o panunuhol ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o
handog sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng
tumanggap. Ang mga suhol na ito ay bahagi ng pagtatakip sa ginawang
katiwalian ng isang taong may puwesto sa pamahalaan. Ang iba pang mga
halimbawa nito ay pagbibigay ng malaking tip, regalo, diskuwento
(discount), libreng tiket, pagkain, espesyal na anunsiyo, pamamasyal sa
iba’t ibang lugar, kickback/payback, paglalaan ng malaking pondo sa
isang proyekto, magandang alok sa kontrata, donasyon, mga kampanya
para sa kontribusyon, fundraising at sponsorship, lihim na komisyon at
promosyon (mataas na posisyon o ranggo).
4. Ang kickback ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga
pondong itinalaga sa kaniya. Isang halimbawa nito ang paghiling ng isang
opisyal ng pamahalaan sa isang negosyante na magbigay ng trabaho sa
isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na
umaapekto sa negosyo. Mayroon ding mga katiwalian sa ating pansariling
buhay.
5. Ang nepotismo ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa
pamahalaan, maging pambansa at sa alin mang sangay o ahensiya nito,
kabilang ang mga korporasyon na ari o kontrolado ng pamahalaan, na
igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa tamang proseso.

Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan


Kung mapapansin natin ang kasalukuyang panahon, may pagkakaiba ba
ito sa nakaraan? Marahil, pareho ang magiging sagot natin, Oo, napakalaki ng
pagkakaiba. Napakainit ng panahon, hindi na mawari kung kailan ang tag-init
at tag-ulan, kabi-kabila ang mga trahedyang hindi inaasahang mangyayari,
mula sa di-inaasahang pagputok ng bulkan (Mt. Pinatubo, taong 1991), sa mga
biglaang pagguho ng lupa (St. Bernard, Leyte 2006), mga pagbaha maging sa
sentro ng bansa (Ondoy 2009), ang paglamon ng karagatan sa mga
dalampasigan at kalupaan (Yolanda 2013), at iba pang mga pangyayari na
kumitil ng maraming buhay ng tao at pagkawasak ng ari-arian.
Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang ginagawa ng tao na
tuwirang taliwas sa pangangalaga sa kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito
at pagkatapos ay suriin mo ang iyong sarili kung kabilang ka sa mga
kabataan na gumagawa rin ng mga ito.
1. Maling Pagtatapon ng basura. Dahilan sa komersiyalismo at
konsiyumerismo, nagkaroon ang tao ng maraming bagay na nagiging
patapon o hindi na maaaring magamit. Resulta? Walang habas ang
ginawang pagtatapon ng basura kung saan-saang lugar na lamang. Ang
bawat bagay na maituturing na wala nang gamit ay ikinokonsiderang
wala nang halaga kung kaya’t kadalasan itinatapon na lamang ito. Dahil
sa walang habas na pagtatapon ng basura, nagbabara ang mga daanan ng
tubig, kung kaya’t kapag dumating ang malakas na ulan, di maiiwasan
ang pagbaha. Dagdag pa rito ang paglaganap ng mga sakit. Ito ay sa

22
dahilang naging ugali na rin ng tao ang hindi tamang pagtapon ng mga
maruruming basura o kalat na pinamumugaran ng mga insekto at mga
mikrobyong nagdadala ng sakit.
2. Iligal na pagputol ng mga puno. Ang mga puno at iba pang halaman
ang siyang tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin na ating
hinihinga upang mabuhay tayo at iba pang mga hayop. Bukod pa rito,
ang kanilang mga ugat ay itinuturing na tagapagdala at tagapag-ipon ng
underground water na siyang pinagmumulan ng malinis na inuming
tubig na atin ding kailangan upang mabuhay. Kapag ang mga punong
ito na may mahalagang papel na ginagampanan sa siklo ng materyal
(cycle of materials) sa ating kapaligiran ay nawala o kaya’y maubos,
tiyak ang pagkakaroon nito ng malawakang epekto sa mundo.
Ang patuloy na pagputol ng mga puno lalo na iyong mga walang
permiso o iligal ay may malaking epekto sa ating kapaligiran at
kalikasan. Ang kadalasang pag-ulan na nagdudulot ng mga pagbaha ay
bunga ng walang habas na pagputol ng mga puno at hindi pagpapalit ng
bagong halaman sa mga naputol ng puno. Wala na kasi ang mga
malalaking ugat na sumisipsip ng tubig. Gayundin naman, sa mga
buwan ng tag-init ay nagkukulang ang supply ng tubig. Kadalasan ito
rin ay nauuwi sa pagbitak ng mga lupa na nagiging sanhi upang ang mga
pananim ay matuyo.
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa. Ang dalawang suliraning nabanggit
sa itaas ay nagdudulot ng polusyon. Ang hangin na ating nilalanghap,
ang tubig na iniinom at kailangan sa kalinisan at ang lupang
sumusuporta sa mga halaman ay unti-unting dumurumi dahil na rin sa
maling gawain ng mga tao. Ito ay ang malawakang polusyon na siyang
nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao
upang mabuhay.
Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman ang polusyon tulad
ng respiratory diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat, at
marami pang iba. Kapag ang mga ito ay hindi naagapan, maaaring
maging sanhi ng kamatayan lalo na kapag marumi na ang hanging
nilalanghap.
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa
kagubatan. Mapalad ang Pilipinas bilang tropical country ngunit sa
panahon ngayon, ang diversity na ito ay unti-unting nauubos.
Maraming uri ng mga hayop at halaman ang unti-unting nawawala at
namamatay dahil sa malawakang pagabuso ng tao rito. Maraming uri ng
hayop at halaman ang nagiging threatened, endangered, at ang
pinakamalala sa lahat ay ang kanilang extinction.
5. Malabis at mapanirang pangingisda. Ang yamang dagat natin ay unti-
unti na ring nauubos dahil sa hindi matigil na cyanide fishing,
dynamite fishing, at sistemang muro-ami na pumipinsala hindi lamang
sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o tirahan.
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at
quarrying. Bakit nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas,
asukal, at iba pang produktong mula sa mga magsasaka, nasisira ang
mga ilog, bumababaw ang dagat, nagkakaroon ng pagguho? Ito ay dahil
sa maling sistema na patagong ginagawa ng mga kompanyang tulad ng
pagpapasabog ng mga bundok upang makakuha ng marmol, ang
paghuhukay sa mga dalampasigan upang makakuha ng black sand, ang

23
pagtatapon ng mga debris ng mga pabrikang nagpoproseso ng ginto,
nikel, at mga yamang mineral sa mga yamang tubig ng bansa.
7. Global warming at climate change. Ang malawakang pag-iiba-iba ng
mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding
pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na
climate change. Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga
ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon
dioxide sa ating atmospera ay tinatawag na global warming.
8. Komersiyalismo at urbanisasyon. Ang komersiyalismo ay tumutukoy
sa paguugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na
pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga
materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Ang
urbanisasyon naman ay ang patuloy na pagunlad ng mga bayan na
maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at
condominium units.

V. PAMPROSESONG KATANUNGAN
1. Bakit kailangan nating alamin ang mga isyu tungkol sa paggamit ng
kapangyarihan?
2. Sa mga naitalang pagmamaltrato ng kalikasan, mayroon ka bang gustong
idagdag? O kaya’y ibawas? Bakit?

VI. GAWAIN

Basahin, tukuyin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain upang mas
ganap ninyong maunawaan ang tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangngalaga sa kalikasan.

Tukuyin ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at


pangangalaga sa kalikasan na iyong nabasa, narinig o nasaksihan sa inyong
baranggay, lungsod o sa bansa.

Baranggay Lungsod Bansa

Mga isyu tungkol


sa paggamit ng
kapangyarihan at
pangangalaga sa
kalikasan

Sagutin ang gabay na tanong:

1. Ano ang iyong naramdaman sa mga isyung ito? Pangatwiranan.


2. Apektado ba ang isang tulad mo sa nagging resulta ng iyong pagsisiyasat?
a. Kung oo, sa paanong paraan? Ipaliwanag.
b. Kung hindi, bakit? Ipaliwanag.

24
VII. REPLEKSYON/PANGWAKAS
Ang pag-aaral ng mga isyung ito ay magbibigay sa iyo ng kahusayan
sa pagsusuri ng mga moral na pagpapahalaga na nilabag sa bawat panig ng
isyu at maging mapanindigan sa piniling pasiya tungo sa pagiging
mapanagutang nilalang. Magiging sandata mo ang mga ito sa pagharap sa
mga sitwasyong hahamon sa iyong pagsisikap tungo sa pagpapakatao.

LEARNING ACTIVITY SHEETS 13

I. PAMAGAT: PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA


KALIKASAN

II. MELC
12.2 Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan

III. MGA ISPESIPIKONG LAYUNIN


1. Nasusuri ang mga isyu sa paggamit ng kapangyarihan
2. Nasusuri ang mga gawain na taliwas sa pangangalaga sa kalilkasan

IV. SUSING KONSEPTO


Nasubukan mo na bang humawak ng isang tungkulin. Halimbawa: aalis
ang iyong ina ng isang linggo at napagbilinan kang pamahalaan ang inyong
tahanan at mga kapatid. Ibinigay sa iyong ang budget para sa isang linggo.
Ikaw ang magbibigay ng baon sa iyong mga kapatid at mamimili ng inyong
pagkain. Naisip mo bang mahirap na gawain ito? Ano ang iyong
naramdaman habang wala ang iyong ina at ikaw ang namamahala sa inyong
tahanan?
Ang pagkatiwalaan ka ng isang tungkulin ay napakalaking pananagutan.
Ang iyong kalayaan sa pagpapasya ay tiyak na masusubok. Maaaring isipin
mong pagkakataon mo na upang
mapagalitan ang kapatid mong matigas ang
ulo. Maaaring bawasan mo ang pambili ng
ulam upang mabili mo ang iyong mga
personal na pangangailangan. Ngunit kung
ikaw ay sadyang responsable, kapakanan ng
iyong mga kapatid ang iyong uunahin.
Napansin mo bang ito ay pamumuno at
pamamahala pa lamang ito sa loob ng
tahanan. Subalit maaaring maabuso ito.
Kung tutuusin, paano pa kung ang iyong
pamumunuan ay ang buong bansa at ang ating kaban ng yaman? Naisip mo
ba kung gaano karaming pera mayroon ang ating bansa?

V. PAMPROSESONG TANONG

1. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng korapsyon? Saan ito nag – ugat?


Ipaliwanag

25
2. Ano – anong mga isyu ng kapangyarihan ang iyong naranasan o
nasaksihan? Paano mo ito hinarap? Ipaliwanag
3. Alin sa mga gawaing taliwas sa pangangalaga sa kalikasan ang iyong
nagawa bilang isang kabataan?

VI. GAWAIN

Gawain 1: Sampung Utos para sa Kalikasan: Isang Pagsusuri!

Magkaugnay ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos kaya, ang tunay na


pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang
panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan.

A. Suriin ang Sampung Utos para sa kalikasan ni (Obispo Giampaolo


Crepaldi, Kalihim ng Pontifical Council for Justice and Peace.) Pumili
ng isa at ipaliwanag ang inyong opinion mula dito. Magbigay ng
mga kungkretong halimbawa upang masuportahan ang inyong
pananaw.

Sampung Utos para sa kalikasan ni (Obispo Giampaolo Crepaldi, Kalihim ng


Pontifical Council for Justice and Peace.)

1. Ang Tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng
lahat ng kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at
pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas.
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat sa gamitin bilang isang kasangkapan na
maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad
ng tao.
3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang
paggalang sa kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon
ngayon at ng sa hinaharap. Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi gawain at
responsibilidad lamang ng iilan.
4. Sa pagharap sa nga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang
muna ang etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya.
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekonomiya.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmudong kahirapan ay may kaugnayan sa
pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na
yaman sa mundo ay kalilangang ibahagi sa bawat tao na may pagkapantay-
pantay.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang
protektahan sa pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaiba at layunin.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng
pamumuhay (lifestyles) na nagpapakita ng modernasyon o katamtaman at
pagkuntrol sa sarili at ng iba.
10. Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na
pagtugon bunga ng paniniwala na ang lahat na linikha ng Diyos ay kaniyang
kaloob kung saan mayroon tayong responsibilidad.

26
B. Suriin ang sitwasyon sa ibaba (Moral Dilemma)

Pag-unlad o kawalang dangal (degradation)

Sa bundok ka nakatira. Mahirap ang inyong pamayanan at karamihan ay


walang hanap-buhay. Isang developer ang dumating at nagsabing pauunlaeing
pauunlarin niya ang inyong lugar sa pamamagitan ng pagtatayo rin ng isang
estabisyementong komersiyal na maaaring dayuhin ng mga taong galing sa iba’t
ibang lugar. Ang pagsasagawa ng proyektong nabanggit ay magiging daan
upang magkaraoon ng hanapbuhay ang mga tao. Subalit, ito rin ay
nangangahulugang pagputol ng mga punong

kahoy na nasa pagtatayuan mismo ng nasabing establisyemento. Ano ang

pipiliin mo?

Mga Gabay na Tanong

1. Anong konklusyon ang mabubuo mo mula sa mga ito?


2. Ano ang kailangan mong isaalang-alang upang mapangalagaan ang
kalikasan.?
3. Paano mo pangangalagaan ang kalikasan?

VII. Repleksyon/Pangwakas

Kung susuriin at pag-aaralan, iisa lang ang pangunahing dahilan kung bakit
nagkakasunod-sunod at nangyayari ang mga ito. Ito ay dahil sa kapabayaan ng tao sa
kalikasang ipinagkaloob ng Diyos. Hindi mangyayari ang mga ito kung hindi naging
pabaya ang tao, na kung magmalabis ay walang pakundangan at walang habas. Hindi
masisira ang isang bagay kung ito ay pangangalagaan, hindi mangyayari ang di dapat
mangyari kung nagawa ng tao ang tamang pangangalaga sa kalikasang ipinagkaloob
ng Diyos. Bilang tao, inaasahang maging matapat at gawing makabuluhan ang buhay
sa abot ng ating pagsisikap na makamit ito. Ito rin ay hakbang tungo sa maayos at
mabuting pamumuhay na may pagmamahal sa katotohanan.

LEARNING ACTIVITY SHEETS 14

I. PAMAGAT: PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA


KALIKASAN

II. MELC
12.3 Napangangatwiranan na:

27
A. Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao
ay may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan.
B. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa
iisang kalikasan (Mother Nature). Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang
kalikasan
(stewards) at hindi maging tagapagdomina para sa susunod na henerasyon.
C. Binubuhay tayo ng kalikasan.

III. MGA ISPESIPIKONG LAYUNIN


1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ang pangangalaga ng kalikasan

IV. SUSING KONSEPTO


Kapangyarihan: Paano ba gagamitin sa mabuti o tungo sa kabutihan?
Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya,
kapasidad upang maka-impluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at
lumikha ng panukala na makabubuti sa lahat. Maipamamalas ito sa
pamamagitan ng posisyon organisasyon at pagiging lider ng isang grupo.

Ang tao bilang tagapangalaga ng kalikasan


Sa kuwento ng paglikha na ating nabanggit, binigyan tayo ng Diyos
ng kapangyarihan na alagaan ang kalikasan at hindi maging
tagapagdomina nito. Bilang natatangi sa lahat Niyang nilikha,
pinagkalooban ng Diyos ang tao ng kapangyarihang gawin ang nararapat
sa kalikasan ngunit nabigyan ito ng ibang pakahulugan. Ang
kapangyarihang ipinagkaloob sa tao ay nakita niya bilang isang
karapatang gamitin ang kalikasan nang walang pakundangan at naaayon
sa kaniyang kagustuhan. Hindi kailanman isinaalang-alang ng tao na ang
kapangyarihan niya na gamitin ang kalikasan ay may kaakibat na
pananagutan. Tinalakay sa Modyul 4 na malaya tayong gawin kung
anuman ang nais nating gawin. Samakatuwid, may kalayaan tayong
gawin o gamitin ang kalikasan. Ngunit dapat nating isipin na ang
paggamit sa kalayaan ay napapalooban ng paggawa ng mabuti. Mabuti
ang paggamit sa kalikasan, ngunit kung ito’y nauuwi sa pagmaltrato at
hindi na tumutugon sa kabutihang panlahat, ang kalayaang ginagamit
mo ay hindi tunay na kalayaan.
Ang tunay na pangangalaga Ayon sa Compendium of the Social
Doctrine of the Church, sa lalong paglaki ng kapangyarihan ng tao,
lumalaki rin ang kaniyang pananagutan sa kaniyang pamayanan. Kung
kaya’t lahat ng naisin niyang gawin sa kalikasan bilang kaniyang
kapangyarihan dito ay nararapat na naaayon sa disenyo at kagustuhan
ng Diyos na walang iba kundi ang Siyang tagapaglalang nito. Ang
paggamit at pangangalaga sa kalikasan ay hindi pansarili lamang kundi
isa itong pananagutan na bigyang pansin na nagsasaalang-alang ng
kabutihang panlahat. Oo nga’t malaya kang pumutol ng puno, ngunit sa
pagputol mo ba nito ay walang maaapektuhan? Maaari mong hulihin ang
lahat ng isda sa dagat sapagkat kaloob ito sa iyo ng Diyos, ngunit tama
ba ang pamamaraang ginagamit mo?
Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang
sa kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng
Diyos ang kalikasan. Marapat ding tandaan na ang lahat ng bagay na

28
nilalang ng Diyos kabilang na ang tao ay magkakaugnay. Kung kaya’t
anuman ang mangyari sa isa ay maaari ding maganap sa iba o kaya
naman makaapekto sa iba. Ang pangangalaga sa kapaligiran at sa
kalikasan ay isang pananagutang panlipunan. Ang pananagutang ito ay
nangangahulugang nararapat nating isaalang-alang ang anumang
epektong ginagawa natin sa kalikasan. Maaaring tayo ang maging
biktima ng mga maling gawaing ito.
Ang pangangalaga sa kalikasan ay kinakailangang gawin at sundin
hindi lamang sa ating pansariling dahilan kundi para sa susunod na
henerasyon. Naging kaisipan natin na may kapangyarihan tayong
gamitin ito ayon sa paraang gusto natin. Ginagamit natin ang ating
kalikasan at kapaligiran na animo’y isang kasangkapan na hindi inaalala
kung may maaapektuhan o wala. Minsan, walang habas ang ginagawa
nating paggamit at wala ring pagiingat na parang hindi ito mauubos.
Nagkaroon tayo ng kaisipan na tayo ang sentro ng mundo, na ang lahat
ng bagay na nakapalibot sa atin ay para sa ating pansariling kapakanan
lamang. Para bang ang kalikasakan ay “at our own disposal.”
Ang etikang pangkalikasan ay nagbibigay sa atin ng dalawang
mahalagang tanong na kailangang sagutin natin kaugnay ng mga
pangyayaring nagaganap ngayon sa ating kalikasan: Ano ang mga
tungkulin natin bilang tao sa kalikasan na ating tinitirhan, at bakit? Ang
pagsagot sa unang tanong ay maaaring masagot sa pamamagitan ng
pagsagot sa pangalawang tanong. Bakit mayrooon tayong pananagutan
at tungkulin na pangalagaan ang ating kalikasan?
Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat
sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil
nabubuhay tayo sa iisang kalikasan. Ang tungkulin nating ito ay hindi
lamang para sa mga taong namumuhay sa kasalukuyan sa panahong ito
kundi higit sa mga taong maninirahan dito sa susunod na panahon at
henerasyon.

V. PAMPROSESONG TANONG
1. Bakit kailangang pangalagaan ng tao ang kalikasan? Ipaliwanag

VI. GAWAIN Gawain 3: Kalikasan ating Alagaan! (Collage Making)


Magsaliksik ng mga larawan na napapatungkul sa mga isyul sa paggamit
ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan. Kung maaari ay
nasasaksihan sa local na komunidad (Purok, Baranggay, o City) Gupitin ang
mga ito at ipadikit sa isang bondpaper upang makagawa ng isang Collage.
Gamiting gabay ang rubrics na makikita sa huling pahina ng (LAS) na ito.
Pagkatapos ay lagyan ng inyong pangangatwiran tungkol sa mga nabanggit
na paksa. Siguraduhing makikita ang mga sumusunod na paksa tungkol sa
mga larawan:
a. Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao
ay may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan.
b. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa
iisang kalikasan (Mother Nature).
c. Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi
maging tagapagdomina para sa susunod na henerasyon.

29
d. Binubuhay tayo ng kalikasan.

VII. REPLEKSYON/PANGWAKAS
Kung nakasalalay ang buhay natin sa ating ina na siyang nagluwal sa atin,
gayundin naman nakasalalay sa mundong ginagalawan natin ang patuloy
nating pagkabuhay bilang tao. Kung ang mundo na tinatawang nating
“Mother Earth” ay ating ina, igagalang din natin ito. Hindi natin ito
pagsasamatalahan. Lahat ng bagay sa mundong ito ay ating kapatid. At kung
ang mga ito ay ating kapatid, iingatan at aalagaan natin ang mga ito. At dahil
magkakaugnay ang ating buhay, igagalang at aalagaan natin ang ugnayang
ito. Ang anumang makasasama sa mga ito ay makakasama rin sa atin.
Magiging iba ang buhay kapag nawala ang isa sa mga ito.
Maisasabuhay natin ito kung ang bawat gawain sa kapaligiran ay
ibabalanse. Gamitin nang wasto ang yaman ng kalikasan dahil lahat ng ito
ay may limitasyon at hangganan. Alagaan ang mga hayop, magtanim ng
maraming puno, tumupad sa mga batas na naaayon sa kapaligiran, at
mabuhay nang simple. Tao ang nagdurumi, tao rin ang lilinis; dahil sa huli,
tao pa rin ang tatamaan o makikinabang nito. Kabahagi ka sa pagsasabuhay
ng mithiing ito.

LEARNING ACTIVITY SHEETS 15

I. PAMAGAT: PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA


KALIKASAN

II. MELC
12.4 Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa
paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na
batayan

III. MGA ISPESIPIKONG LAYUNIN

IV. SUSING KONSEPTO

Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang


sa kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng
Diyos ang kalikasan. Marapat ding tandaan na ang lahat ng bagay na
nilalang ng Diyos kabilang na ang tao ay magkakaugnay. Kung kaya’t
anuman ang mangyari sa isa ay maaari ding maganap sa iba o kaya naman
makaapekto sa iba. Ang pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan ay
isang pananagutang panlipunan. Ang pananagutang ito ay
nangangahulugang nararapat nating isaalang-alang ang anumang epektong
ginagawa natin sa kalikasan. Maaaring tayo ang maging biktima ng mga
maling gawaing ito.
Ang pangangalaga sa kalikasan ay kinakailangang gawin at sundin
hindi lamang sa ating pansariling dahilan kundi para sa susunod na
henerasyon. Naging kaisipan natin na may kapangyarihan tayong gamitin
ito ayon sa paraang gusto natin. Ginagamit natin ang ating kalikasan at
kapaligiran na animo’y isang kasangkapan na hindi inaalala kung may

30
maaapektuhan o wala. Minsan, walang habas ang ginagawa nating paggamit
at wala ring pag-iingat na parang hindi ito mauubos. Nagkaroon tayo ng
kaisipan na tayo ang sentro ng mundo, na ang lahat ng bagay na
nakapalibot sa atin ay para sa ating pansariling kapakanan lamang. Para
bang ang kalikasakan ay “at our own disposal.”
Ang etikang pangkalikasan ay nagbibigay sa atin ng dalawang
mahalagang tanong na kailangang sagutin natin kaugnay ng mga
pangyayaring nagaganap ngayon sa ating kalikasan: Ano ang mga tungkulin
natin bilang tao sa kalikasan na ating tinitirhan, at bakit? Ang pagsagot sa
unang tanong ay maaaring masagot sa pamamagitan ng pagsagot sa
pangalawang tanong. Bakit mayrooon tayong pananagutan at tungkulin na
pangalagaan ang ating kalikasan?
Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat
sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil
nabubuhay tayo sa iisang kalikasan. Ang tungkulin nating ito ay hindi
lamang para sa mga taong

V. PAMPROSESONG TANONG

1. Bakit kailangang manindigan sa mga isyu tugkol sa paggamit ng


kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.

VI. GAWAIN

Gawain 4: Posisyon ko, Paninindigan ko!

Gumawa ng iyong mapanindigang posisyon tungkol sa larawang


makikita sa ibaba tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan ayon sa moral na batayan. Kung merong Facebook, ipost sa
Facebook ang inyong gawa at i screenshoot at iprint ang gawa.

Source: Google Site

VII. REPLEKSYON/PANGWAKAS

Ayon kay Mahatma Gandhi na nagsasabing “Kung gusto mo ang pagbabago at kung
gusto mo ng mas maayos na buhay, dapat simulan mo ito sa iyong sarili.” Kung
sisikapin ng bawat isa na magbago, unti-unting magbabago ang ating lipunan. Kapag
tinanggal mo ang mga kasamaan sa sarili mo, ay matatanggal din ang kasamaan ng
lipunan. Ikaw, kaya mo bang simulan ito sa buhay mo?

31
Mga Tagapaglinang ng Gawaing Pampagkatutong Papel

Manunulat: TEODORA E. BASTARECHE, T-III


RAMIR G. FLORES, MT-I
Tagawasto: RAMIR G. FLORES, MT-I
Tagasuri: JOCELYN A. GAHUM, HT - III Tagalapat:
PHOEBE D. DIOCARES

32
Para sa mga katanungan o puna sumulat o tumawag sa:

Koronadal National Comprehensive High School


Office of the Assistant Principal for Academics
Corner Rizal Street- Jaycee Avenue, Brgy. Zone IV, Lungsod ng Koronadal Telepono Blg.: (083) 228-
5252

33

You might also like