You are on page 1of 16

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

BAITANG 8

KWARTER 1: Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa


Ika-7 at 8 Linggo

MODYUL 4: ANG PAPEL NA PANLIPUNAN AT PAMPULITIKAL NG


PAMILYA

ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Sa natapos na aralin, natutuhan mo ang kahalagahan ng komunikasyon sapagpapatatag


ng pamilya. Ang tao ay hindi itinakdang mamuhay ng mag-isa bagkus may kakayahan
siyang “magwika” sa kanyang kapwa. Dahil dito nagkakaunawaan ang mga tao sa
lipunan.

Ang komunikasyon ay isang paraan upang tayo ay magkaunawaan. Isa ito sa


pinakamahalagang sangkap ng pagkakaintindihan sa isang lipunan. Dito naipapahayag
natin ang ating mga saloobin ukol sa ating mga nakikita at nararamdaman. Ang
komunikasyon ay nagpapanatili ng kapayapaan sa isang lipunan. Ang lipunang kulang
sa komunikasyon ay kadalasang nagkakagulo at hindi nagkakaintindihan.

Mahalaga ang pagpapahayag ngating iniisip at damdamin. Sa ganitong paraan,


napapangalagaan natin ang ating kapakanan at nababantayan ang ating karapatan.
Ang ating kalayaan at karapatan ay maipapakita natin sa pamamagitan ng pakikilahok sa
mga samahang panlipunan at pampulitikal. Maaaring ikaw makilahok sa mga programa
ng barangay na may layuning panatilihing malinis at maayos ang lipunang iyong
ginagalawan, o kaya’y maaaring ikaw ay makisangkot sa mga isyung may kinalaman sa
pampolitikal na aspeto ng iyong buhay.

Ngunit ang malaking katanungan ay nakikilahok ka ba sa mga samahan na may layuning


panatilihing maayos ang iyong lipunan? Ang iyong pamilya? Ikaw ba ay nakikisangkot sa
mga isyung pulitikal na lumalaganap sa ating bansa? Tapat mo bang pinaglilingkuran ang
iyong lipunang ginagalawan? Kung hindi pa, sa araling ito ay matutunan mo ang at ng
iyong pamilya bilang pinakamaliit na yunit ng lipunan na mahalaga ang pakikisangkot at
pakikialam sa papel na panlipunan at pampolitikal ng buhay.

1
Sa modyul na ito pag-aaralan mo ang papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
A. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa isang pamilya na nagpapakita ng
pagtulong sa kapitbahay o pamayanan, pagmamalasakit sa kalikasan (papel na
panlipunan), at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya at mga
institusyong nagsusulong ng mga karapatan nito (papel na pulitikal).
B. Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang papel na
panlipunan at pampulitikal nito.
C. Naipapaliwanag ang batayang konsepto ng aralin.
D. Naisasagawa ang mga gawaing angkopsa papel na panlipunan at pampulitikalng
pamilya.

PAUNANG PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot sa bawat pangungusap.
1. Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at ispiritu. Ang pahayag ay tama
sapagkat.
a. Ang tao ay isang panlipunang nilalang.
b. Walang pakialam ang tao sa kanyang kapwa
c. Sapagkat ang tao ay may dangal
d. Maaaring ang tao ay may buhay na nilalang
2. Ang pakikipagkapwa tulad ng maraming bagay kaugnay sa kaniyang pagkatao
ay kailangang matutunan ng tao.
a. Tama, dahil nahuhubog nito ang pagiging panlipunang nilalang
b. Tama, dahil hindi kailangan ng tao ang kapwa.
c. Tama, dahil ang tao ay may pamilyang kinagisnan
d. Tama, dahil mahirap sa isang tao ang walang katuwang sa paglutas sa
problema.
3. Ang mga sumusunod ay mga gampanin ng pamilya sa lipunan maliban sa
a. Pagiging bukas-palad
b. Pagsusulong ng karapatan
c. Pagsusulong ng bayanihan
d. Pagtupad sa batas
4. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay
a. Pagsunod sa batas na ipinapatupad
b. Karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat ibahagi sa lipunang
ginagalawan
c. Malayang pakikibahagi sa iba
d. May sariling mundo na ginagalawan ang pamilya

2
5. Ang pagiging bukas-palad ay maipapakita ng pamilya sa pamamagitan ng mga
gawaing panlipunan.
a. Tama, dahil isa sa mga gampanin ng pamilya ay maki-isa sa gawaing
panlipunan
b. Tama, dahil may gampaning pampolitikal at panlipunan ang isang pamilya.
c. Tama, dahil ang pamilya ay nagkakaisa.
d. Tama, dahil ang pamilya ay maksarili.
6. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang
a. Diwa ng bayanihan
b. Pagiging makasarili
c. Kagandahang asal
d. Pakikipagkapwa
7. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagpapakita ng pagtugon sa gampanin
ng pamilya sa lipunan maliban sa
a. Pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natutuhan sa loob ng pamilya
b. Pagiging mapagimbot at makasarili
c. Ang pagbabayanihan
d. Magiliw na pagtanggap
8. Itinuturing na ang pamilya ay pundasyon ng lipunan dahil sa:
a. Dito nakasalalay ang pag-unlad ng lipunan
b. Mahalaga ang gampanin ng pamilya sa lipunan
c. Nagkakaisa ang bawat kasapi ng pamilya
d. Kaisa ang pamilya sa sa pagsusulong ng karapatan
9. Ang pakikitungo sa ibang tao ay bahagi ng kaniyang pagiging tao.
a. Tama dahil ang tao ay marunong makipag-ugnayan sa iba.
b. Mali, dahil likas sa tao ang makasarili.
c. Tama, dahil isa itong bahagi ng pamilyang Pilipino.
d. Mali, dahil isa itong pagsasakatuparan ng gampaning pulitikal ng pamilya.
10. Magagawa ng pamilya ang mga gampanin sa lipunan sa pamamagitan ng:
a. Pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan
b. Pagbabahagi ng kaalaman sa iisang tao lamang
c. Hindi tamang pakikitungo sa tao
d. Pagbibigay ayuda sa mga nangangailangan

PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN


Gawain 1
Panuto: Pansinin ang usapan sa kasunod ng mga sitwasyon. Isulat sa iyong kuwaderno
ang iyong reakyon sa sinabi ng dalawang tauhan. Maging tapat sa isusulat na sagot.

3
Wag natin silang Wag na tayong
tularan. maglinis, mas
Maglinis tayo sa masayang maglaro
ating na lamang! Tingnan
kapaligiran. Yan mo sila! Ganun din
ang papel natin naman nagkakalat at
magkakalat pa rin

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto.

Noong bagyong Ondoy, bumaha sa aming lugar at umabot sa aming bahay.


Hanggang baywang na ang tubig sa loob ng bahay at patuloy ang pagtaas ng
tubig. Ang malakas at mabilis na agos ng tubig ang nagtulak sa aming
magpasiyang lumipat ng bahay. Kasabay nito ay may lumapit na isang kakilala at
inalok ang bahay nila upang aming tuluyan. Sa loob ng tatlong araw, kinupkop
nila ang aming pamilya.
Nang maganap ang malakas na ulan bunga ng Habagat, naulit ang pangyayaring
ito sa aming bahay. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi pa man kami
nagpapasiyang umalis ng aming bahay, may dumating na isang kapitbahay at
sinusundo kami upang patirahin sa kanilang tahanan. Sa loob ng apat na araw
kami ay kinupkop ng isa na namang pamilya. Laking pasasalamat naming sa mga
pamilyang tumulong sa amin.

Mga Tanong:

1. Ano ang nais ipahiwatig ng tekstong binasa?


2. Anu-ano ang bahaging ginampanan ng pamilya sa kanyang kapwa?
3. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa bilang isang papel na panlipunan?
Ipaliwanag.

4
C. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PANG-UNAWA

Gawain 1: “SURI-LARAWAN”

Panuto: Tukuyin kung ano ang mga isinasakilos ng kapwa sa larawan.

Mga Tanong:
1. Anu-ano ang gawaing nakikita mo sa larawan?
2. Saan karaniwang nagaganap ang mga gawaing nasa larawan?
3. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong sumama sa mga ganitong gawain? Ibahagi
ang iyong karanasan.
4. Nakikibahagi ba ang iyong pamilya sa mga gawaing tulad nito? Bakit mahalaga na
makibahagi ang pamilya sa ganitong gawain?

Gawain 2
Panuto: Suriin mo ang mga pamilyang nasa larawan. Ibigay mo ang mga nagawa nila
sa lipunan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon..

5
Pamilya Marcos MGA NAGAWA

Pamilya Aquino

Pamilya Estrada

Gawain 3
Panuto: Gamit ang “graphic organizer” isulat ang iyong mga gampanin sa lipunan at
pulitikal na aspeto ng buhay.

Bilang Anak:

PAPEL NA
Bilang Kapatid:
GINAGAMPANAN Bilang Mamamayan:

KO SA LIPUNAN
AT PULITIKAL NA
ASPETO NG
Bilang Isang Batang BUHAY Bilang Anak ng Diyos:
Lider:

Bilang Mag-aaral:

6
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang damdamin mo habang isinusulat mo ang iyong papel na
ginagampanan sa panlipunan at pampulitikal na aspeto ng buhay?
2. Anu-anong pagpapahalaga ang iyong mahihinuha mula sa papel na
ginagampanan mo sa lipunan?
3. Anu-anong katangian ng pagpapakatoo ang masasalamin sa mga bahaging
iyong ginampanan sa iyong lipunan?

Gawain 4
Panuto: Gumawa ng dayalogo o usapan tungkol sa mga sitwasyon. Isulat ito sa iyong
kuwadeno.
1. Nalaman mong ang isang kumakandidato sa inyong barangay ay bumibili ng boto ng
taong bayan. Nilapitan mo siya ng may lakas ng loob upang kausapin. Ano ang sasabihin
mo sa kanya?

2. Nakita mong mayroong gaganaping “bayanihan program: sa inyong pamayanan.


Gusto mong makilahok sa programang ito, ano ang sasabihin mo sa iyong magulang?

3. Nakita mo ang isang babae na may bitbit na tatlong anak na umiiyak dahil sa
nasunog ang kanilang tinitirhang bahay. Lumapit ka sa kanya at naawa. Ano ang
sasabihin mo sa kanya?

4. Namasid mo bilang isang aktibong mamamayan na may pagmamahal sa bayan, na


ang inyong Punong Barangay ay labis na gumagamit ng kanyang kapangyarihan. Ano
ang gagawin at sasabihin mo sa kanya?

7
Gawain 5
Panuto: Ibigay ang naging bunga ng mga sumusunod na sitwasyon.

1. Naging bukas-palad si Aling Rosa sa kanyang mga naging kamag-anak at kaibigan.


Bunga:
_
_
_
2. Tinulungan ng isang siyam na taong gulang ang kanyang nakababatang kapatid na
makaligtas sa isang sunog sa Olongapo City.
Bunga:
_
_
_
3. Si Mang Jose at ang kanyang sariling pamilya ang mga naging miyembro ng Party-
List sa kanilang pamayanan.
Bunga:
_
_

4. Ang labis na paggamit ng mga dinamita sa dalampasigan upang makahuli ng mga


panindang isda.
Bunga:
_
_
_

5. Sama-samang nagtutulungan ang Baryo Matiwasay upang panatilihing malinis at


maayos ang kanilang pamayanan.
Bunga:
_
_
_

8
D. PAGPAPALALIM
“Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang panlipunang
nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buhay
kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng
kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and For
Whom ni Esteban, 1990).

“Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa


pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa pang-araw- araw.”
Ang pakikipagkapwa, tulad ng maraming bagay kaugnay sa kaniyang pagkatao ay
kailangang matutuhan ng tao.Isa sa anim na tungkulin at halaga ng pamilya ang
paghubog ng pagiging mapanagutang mamamayan. Ayon kay Esteban (1989), ang isang
pamilya sa isang munting lipunan.

Gampanin sa lipunan; Magagawa ito ng pamilya sa pamamagitan ng pagtupad sa


kaniyang papel sa lipunan (pagiging bukas-palad, pagsusulong ng bayanihan, at
pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel pampolitikal – (ang pagbabantay sa mga
batas at mga institusyong panlipunan).

Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan

Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa


lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at
pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa
araw-araw. Ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi
ng pamilya ay dapat na pinangingibabawan ng batas
ng malayang pagbibigay. Ang malayang pagbibigay na
ito na ginagabayan ng paggalang at pangangalaga sa
dignidad ng bawat isa ay naipakikitasa pamamagitan
ng buong pusong pagtanggap, pag-
uusap, pagiging palaging naroon para sa isa’t isa, bukas-palad at paglilingkod ng bukal
sa puso, at matibay na bigkis at pagkakaisa. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging
bukas palad at ang diwa ng bayanihan.

Negatibong sanhi: Ang labis na pagkiling sa pamilya ay


maaaring mangahulugan ng paggamit ng posisyon at
kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya. Nagiging
sanhi rin ito ng political dynasties o ang pagpapanatili ng

9
mga posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang pamilyalamang.

Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at


magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya
natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang
paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao. “Ang
pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga
pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.” Ang pagiging
bukas palad ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing panlipunan.

Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga


pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan. Ang
pagbabayanihan at magiliw na pagtanggap sa mga panauhin.

Pangangalaga sa Kalikasan

“Kung hindi natin aalagaan ang kalikasan, Ang kalikasan


ang pupuksa sa atin.”

Mahalaga ang pagtuturo at pagsasabuhay ng simpleng uri


ng pamumuhay sa loob ng pamilya. Ayon nga kay Esteban
(1989), ang pinakamalaking hadlang sa paglagong tao at
ng sangkatauhan ay ang labis na kahirapan ng isang
bahagi ng lipunan at ang nakakaeskandalong karangyaan
sa kabilang bahagi nito.

Tungkulin ng pamilya ang: (1) sikaping maging pantay


ang turing sa lahat ng tao anuman ang kalagayan sa buhay, (2) ang pangangalaga sa
kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos. Dapat na isulong ng
pamilya ang mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green
Program na nagtataguyod ng mga proyektong tulad ng pagtatanim ng mga puno,
paghihiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok na basura, ang 3Rs (reduce, re-use,
recycle), paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig at marami pang iba.

Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng kaniyang
nilikha. Hindi maaaring ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang tao ay tagapamahala
lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa , hangin, tubig, at iba pang nilikha ng
Diyos sa mundo. Kaya nga ang pagkakaroon ng legal na karapatan sa pagmamay-ari
ng alinman sa mga elementong ito ay dapat kalakip na paalala na ang mga tao ay kaloob
ng Diyos at hindi likha ng tao. Samakatuwid, ang mga pagmamay-ari o

10
tagapamahala ng lupain ay nararapat na isaisip ang kabutihan ng lahat ng tao sa
paggamit nito. Ang hangin at tubig sa ating himpapawid at mga karagatan ay hindi sapat
na abusuhin ng ilang tao, o maging nga mga industriya o korporasyon na karaniwang
pagmamay-ari ng ilang mayayamang pamilya; bagkus dapat na gamitin para sa
kabutihan ng lahat ng tao sa mundo. Kaya nga walang karapatan ang mga industriya na
dumihan ang hangin ng maduming usok na galing sa kanilang mgapagawaan at dumihan
ang mga ilog at dagat ng polusyong nakalalason sa tubig at pumapatay ng mga
nabubuhay dito.

Ang Papel na Pampulitikal ng Pamilya

“Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga


karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa
makabagong panahon”.

Ang sumusunod ang mga karapatan ng pamilya:


1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat
ng tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng
sapat na panustos sa mga pangangailangan nito.
2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng
buhay at pagtuturo sa mga anak.
3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya
4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal.
5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at
pagpapalaganap nito.
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon,
pananampalataya, at ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng
pisikal, panlipunan, pampulitikal, at pang-ekonomiyang seguridad.
7. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
8. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o
asosasyon), sa harap ng mga namamahala o namumuno kaugnay ng mga
usaping pang-ekonomiya, panlipunan, o kultural.
9. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at
samahan, upang magampanan ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas
karapat-dapat at madali.
10. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga
institusyon at batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at
iba p.
11. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa
pagpapatatag ngmga pagpapahalagang pampamilya.

11
12. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at
kamatayan.
13. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas
mabuting pamumuhay.

Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang-


proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at
maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran - isang kapaligirang nakatutulong sa
paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan sa
lipunan.

E. PAGHIHINUHA NG BATAYANG KONSEPTO NG ARALIN

Panuto: Gamit ang isang cloud map, punan ang batayang konsepto na natutunan sa
nagdaang aralin. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang


papel na ginagampanan ng pamilya sa
buhay panlipunan at pampolitikal dahil
__

Pagninilay
Gawain 1
Panuto: Pagnilayan ang mga sumusunod sitwasyon. Isulat sa iyong journal ang iyong
reyalisasyon tungkol sa mga ito.

1. Nagagawa ko bang gamitin ang aking isip na matutunan ang mga bagay na may
kinalaman sa papel na panlipunan at pampolitikal ng aking buhay?
2. Nagagawa ko bang gamitin ang aking kilos-loob upang gawin ang mga bagay na
alam kong mapapaglingkuran ko ang aking kapwa at ang lipunang ginagalawan?

3. Ano ang plano kong gawin kaugnay nito?

12
Anu-ano ang aking mga tanong kaugnay ng paksang ito:

_ _

_ _

_ _

_ _

_ _

Pagsasabuhay
Gawain 1

Hindi sapat na nabubuhay tayo sa araw-araw at naipapahayag natin ang ating mga kilos
at damdamin. Ang mahalagang tanong na ating sa ating sarili ay bilang isang indibidwal
nagagampanan ba natin an gating tungkulin sa panlipunan at pamuolitikal na buhay?
Gawin mong makabuluhan ang iyong buhay sa paggawa ng mga ito.
1. Bumuo ng 5-6 na miyembro sa isang pangkat.
2. Gumawa ng isang malikhaing pag-uulat/kampanya/debate/panel discussion na
ng papel na panlipunan at pampolitikal na buhay ng isang pamilya.
3. Ang presentasyon ng bawat grupo ay tatagal lamang ng 3-5 minuto.
4. Ang ginawang presentasyon ay mamarkahan gamit ang rubriks ng pagganap.

13
RUBRIKS NG PAGGANAP

Pamantayan Pokus Pagmamarka


Tama at angkop sa diwa ng
Interpretasyon nilalaman ang
pagpapakahulugan/interpre
tasyon.

Maayos, makatotohanan at
makatarungang pagbibigay
buhay sa tauhan mula sa
Pagkakaganap ng pagsasalita, kilos at
Mga kailangang Kagamitan (computer, mga aklat, worksheet)
Tauhan ekspresyon ng mukha .

Mga SangguniaEdukasyon sa Pagpapakatao 8 modyul para sa mag-aaral (Kagawaran


Maayos at may nilalaman
n
ang buong
Kabuuang
presentasyong ipinakita.
Presentasyon

PANGHULING PAGTATAYA:

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin


ang pinakaangkop ng iyong tamang sagot.
1. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pulitikal na gampanin ng pamilya?
A. Nagbibigay ang pamahalaan ng libreng edukasyonsa mga bata dahil
karapatan nila ito.
B. Ang buong pamilya ay nagpapakita ng pagsuporta sa isang batas na laban
sa katiwalian.
C. Ang mga mag-aaral ay kasali sa pagtulong sa mga naapektuhan ng lindol.
D. Ang mga magulang ay aktibong kasapi sa panrelihiyong samahan.
2. Ang pulitikal na gampanin ng pamilya ay pagiging mapanagutang pagkamamayan.
Ang pamilya ni Sarra Marie ay kulang sa pagkamapanagutang mamamayan. Alin
ang tamang naiisip tungkol sa pamilya ni Sarra Marie?
A. Ang kaniyang pamilya ay maagap sa pagprotekta sa kanilang karapatan.
B. Ang kaniyang pamilya ay aktibo sa pagprotekta ng kanilang karapatan sa
pamahalaan.

14
C. Ang kaniya pamilya ay nakikipagtulungan sa pamahalaan sa pagpapatupad
ng mga batas.
D. Ang kaniyang pamilya ay may planong matuto tungkol sa mga batas sa
barangay.
3. Aling sitwasyon ang hindi nagpapakita ng panlipunang gampanin ng pamilya?
A. Suportado ng pamilya ang mga anak sa pag-aaral dahil ang pamahalaan ay
nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga bata.
B. Ginagamit ng magulang ang isang tulong pinansyal kada buwan na bigay ng
pamahalaan sa mahihirap na mag-aaral para ipambili ng pagkain.
C. Hindi nasasangkot sa gulo ang pamilya at tumutulong sa pagkakaroon ligtas
at payapang pamayanan.
D. Kahit mahirap ang pamilya, mayroon pa ring naiaambag na pagtulong sa
kapuwa mamamayan at sa pagpapaunlad ng pamayanan.
4. Ang pagiging bukas-palad ay maipapakita ng pamilya sa pamamagitan ng mga
gawaing panlipunan.
A. Tama, dahil isa sa mga gampanin ng pamilya ay makiisa sa gawaing
panlipunan
B. Tama, dahil may gampaning pampulitikal at panlipunan ang isang pamilya.
C. Tama, dahil ang pamilya ay nagkakaisa.
D. Tama, dahil ang pamilya ay makasarili.
5. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang:
A. Diwa ng bayanihan
B. Pagiging makasarili
C. Kagandahang asal
D. Pakikipagkapwa
6. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagpapakita ng pagtugon sa gampanin
ng pamilya sa lipunan maliban sa:
A. Pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natutuhan sa loob ng pamilya
B. Pagiging mapag-imbot at makasarili
C. Ang pagbabayanihan
D. Magiliw na pagtanggap
7. Itinuturing na ang pamilya ay pundasyon ng lipunan dahil sa:
A. Dito nakasalalay ang pag-unlad ng lipunan
B. Mahalaga ang gampanin ng pamilya sa lipunan
C. Nagkakaisa ang bawat kasapi ng pamilya
D. Kaisa ang pamilya sa sa pagsusulong ng karapatan
8. Ang tao ay may kakayahang magbigay at tumulong sa iba.
A. Tama, dahil ang tao ay marunong makipag-ugnayan sa iba.
B. Mali, dahil likas sa tao ang makasarili.
C. Tama, dahil isa itong bahagi ng pamilyang Pilipino.
D. Mali, dahil isa itong pagsasakatuparan ng gampaning political ng pamilya.

15
9. May kakayahang gampanan ng pamilya ang tungkulin nito sa lipunan sa tulong
ng:
A. Pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan
B. Pagbabahagi ng kaalaman sa iisang tao lamang
C. Hindi tamang pakikitungo sa tao
D. Pagbibigay ayuda sa mga nangangailangan
10. Ang pamilya ay ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan subalit may malaking
gampanin ito sa bawat isang mamamayan.
A. Ito ay nagsusulong ng pagkakaisa sa lipunang ating ginagalawan.
B. Larawan ito ng pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod
C. Ang pamilya ay tinatawag na “extended family”
D. Kaisa ang pamilya sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Inihanada nina:

MEDEL ROSALES GELLIE ROSE YBAÑEZ


Master na Guro I Guro I

MGA SANGGUNIAN:

https://prezi.com/zshz6tqh3t3j/ang-papel-na-panlipunan-at-pampolitikal-ng-pamilya/
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/5535
https://www.scribd.com/document/240977630/Aralin-4-Ang-Papel-Na-Panlipunan-at-
Pampolitikal-Ng-Pamilya
https://www.google.com/search?q=ang+kahalagahan+ng+panlipunang+papel+ng+pami
lya&source=lmns&bih=655&biw=1366&hl=en-GB&ved=2ahUKEwiR4vyp-
enpAhUICpQKHTbpBU4Q_AUoAHoECAEQA

16

You might also like