You are on page 1of 3

Video Animated Lesson SCRIPT-GRADE 10

SDO ALBAY
S.Y. 2022-2023
QUARTER 1, LAS 7-8
Topic: Ang Papel ng Pamilya sa Pamayanan
Length/Estimated Running Time: 15 minutes
Scriptwriter and Teacher/Narrator: RINA R. ROMANO

AUDIO
GENERAL INTRO

Mabuting tayo! Ikaw, ako…mabuting tao!

Kamusta ka kaibigan? Halina’t tuklasin ang panibagong aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 8. Ako si ang iyong makakasama sa isa na namang makabuluhang aralin tungkol sa Papel
ng Pamilya sa Lipunan.

Nakikilahok ba ang inyong pamilya sa mga gawain sa inyong pamayanan? Nakikialam ba


kayo sa politika? Kung hindi pa, ito ang hamon sa iyong pamilya sa araling ito. Tara! Ating
simulan ang talakayan!

LESSON INTRO

Ang pamilya bilang isang munting lipunan ay kailangang makipag-ugnayan sa ibang pamilya
at sektor ng lipunan upang siya ay magkaroon ng gampanin sa lipunan. Sa araling ito ay
matutukoy mo ang papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya.

Natutunan mo sa nakaraang aralin na ang bukas na komunikasyon sa loob ng pamilya ay


nagbibigay daan sa mabuting pakikipag-ugnayan ng pamilya sa kapwa.

Ang bukas na komunikasyon ay daan sa pakikipagkapuwa. Ngunit hindi natatapos sa


pakikipagkapuwa ang halaga at tungkulin ng pamilya. Dagdag pa dito ang paghubog sa pamilya
sa pagiging responsableng mamamayan.

Samahan mo ako at sabay-sabay nating tuklasin ang mga gawaing ginagampanan ng


pamilya na angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel nito.

ABSTRACTION

Ang pamilya ay isa sa mga pinakamahalagang sangay ng lipunan, Ito ay may ginagampanang
malaking responsibilidad.

Sa loob ng isang pamilya nag-uugat ang pagiging isang mamamayan ng indibidwal. Dito
hinuhubog ang pagkatao ng bawat isa.

Layunin ng isang pamilya ang matugunan ang pangangailangan ng lahat sapagkat sila ang
bumubuo sa isang komunidad. Kung walang pamilya, walang lipunan dahil sa loob pa lamang ng
pamilya ay nagaganap na ang pakikipag-ugnayan ng mg miyembro nito sa isa’t isa na may
pagtutulungan at pagkakaisa.

Ngunit hindi lamang natatapos ang pakikipag-ugnayan na ito sa bawat miyembro ng pamilya.
Bilang isang pamilya, kailangan niyang makilahok sa mga gawain sa pamayanan. Sa
pamamagitan nito nagkakaroon siya ng gampanin sa lipunan. Bukod sa pagiging ama, ina, o anak,
sila ay mga mamamayang maaaring maging punong-guro, doktor, abogado, at iba pang
propesyon sa lipunan.

Bilang bahagi ng lipunan na kanyang ginagalawan, tungkulin ng pamilya na panatilihin at


paunlarin ang kaniyang ginagalawan. Magagawa ito ng pamilya sa pamamagitan ng pagtupad sa
kaniyang papel sa lipunan at papel pampolitikal

PAGPAPALALIM
Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas-palad at diwa ng bayanihan. Sapat na
kaya sa bawat pamilya lamang matutunan natin ang pagmamahal at pagtutulungan? O mas
magaan sa pakiramdam kapag tayo ay marunong magbigay ng anumang tulongg na maaari
nating maibot sa mga nangangailangan.
Tunghayan natin ang mga sumusunod na larawan na nagpapakita ng papel sa lipunan ng
pamilya.
Pamilyar ba kayo sa nakikita niyo sa mga larawan?
Ang mga larawan ay nagpapakita ng pagbabayanihan. Tungkulin ng pamilya ang paghubog
ng mga mamamayang nakikilahok sa mga gawaing panlipunan, nakikisangkot sa paglutas ng mga
suliranin sa pamayanan. Ang pagbabayanihan ay makikita sa kahandaan natin na tumulong sa
ating kapuwa
Sa panahon ng kagipitan, karaniwan nating inaasahan ang kagyat ng tulong ng ating
pamahalaan. Bago pa man dumating ang tulong na ating inaasahan, karaniwan na may mga
kababayan tayo na handang kumilos upang tumulong.
Isang magandang halimbawa dito ay ang “Community Pantry” na inilunsad ng ating mga
kababayan sa gitna ng Covid-19 Pandemic. Dala-dala ng inisyatibong ito ang hangaring
malabanan ang pagkalam ng sikmura ng maraming Pilipinong higit na nangangailangan. Ang
pag-aambagan ng mga pamilya at pagbabahagi ng kung anuman ang kanilang makakaya upang
makatulong sa mga lubos na apektado ng pandemya ay isang gawi ng pagbabayanihan.
Ang kasunod na larawan naman ay nagpapakita ng pakikibahagi ng pamilya sa mga gawaing
panlipunan kagaya ng tree planting, coastal clean-up at Clean and Green Projects. Tungkulin ng
pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng
Diyos. Sa pagtulung-tulong na mangalagaan ang kapaligiran sabay-sabay ang lipunan sa
pagkakaroon ng maayos na pamilya at pagkakaisa sa mga kapwa tao. Bilang pamilya, ano ang
magagwa niyo upang magampanan ang tungkuling ito?
Maari kayong makilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan tulad
ng pagtatanim ng mga puno o kahit anong uri ng community service na naglalayong pangalagaan
ang ating kalikasan.
Maaari rin kayong makatulong sa pangangalaga ng kalikasan bilang isang pamilya sa
pamamagitan ng pag-iwas sa pagsusunog ng mga plastic, pagsunod sa 3Rs or Reuse, reduce at
recycle at ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar.
Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa pamamagitan ng
pakikialam sa politika.

Sa kasakuluyang panahon, madaming hinaharap na isyu ang mga pamilya. Isang halimbawa na
lamang ang usapang diborsyo. Sa panahon ngayon, madami nang mag-asawa ang nagnanais na
maghiwalay dahil sa madaming rason.

Nariyan din ang isyu patungkol sa RH Bill o Reproductive Health Bill. Kung ang mga ito ay
maisasabatas, ano kaya sa tingin niyo ang epekto nito sa pamilya?

Ang pagpapatupad ng mga ito bilang batas ay makakasira sa mga pamilya. Ito ay mga banta sa
integridad ng pamilya sa makabagong panahon.

Preserve life , bakit nakakasira sa integridad ng pamilya ang RH Bill?

Bilang pamilya, kailangan natin pangalagaan ang buhay na nagpapatatag sa pamilya.

Kung tuluyan nan masisira ang pamilya, mawawala na rin ang tunay na kanlungan ng
moralidad.

Tanong: Bilang isang miyembro ng pamilya, paano mo gagampanan ang papel para
mapangalagaan

EXTRO

Kung ating titignan, madaming kontribusyon o naitutulong ang ating mga pamilya sa lipunan.

Kung ang bawat pamilya ay gagampanan ang mga pampolitikal at panlipunang layunin na
inaasahan sa kanila, maitataguyod natin ang isang lipunang progresibo at pamahalaang
binubuklod ng pagkakaisa at pagtutulungan.

Tinatanggap mo ba ang hamon uoang gampanan ang mga tungkuling inaasahan sa inyong
pamilya?

You might also like