You are on page 1of 71

DAY 1

MODYUL 5:
ANG PAKIKIPAGKAPWA
PAUNANG PAGTATAYA
PANUTO:
Basahin at unawaing mabuti ang
bawat tanong. Isulat sa kuwaderno
ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang
tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang
kaniyang sariling pangangailangan.
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya
at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang
kaniyang pangangailangan.
2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ______
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at
dignidad.
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging
mapag-isa.
3. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa
pamamagitan ng sumusunod maliban sa ____________.
a. kakayahan ng taong umunawa
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may
kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan
ay inaasahang magtataguyod ng ________ bilang
paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. hanapbuhay
b. libangan
c. pagtutulungan
d. kultura
5. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa
pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Panlipunan
b. Pangkabuhayan
c. Politikal
d. Intelektwal
6. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa
pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa
mga samahan.
a. kusa at pananagutan
b. sipag at tiyaga
c. talino at kakayahan
d. tungkulin at karapatan
7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang
pakikipagkapwa dahil sa ________.
a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin
ng iba
b. kakayahan nilang makiramdam
c. kanilang pagtanaw ng utang-na-loob
d. kanilang pagiging emosyonal sa
pakikisangkot
8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-
ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing
panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng
kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa
ibang tao
d. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring
pakitunguhan ka
9. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa
diyalogo, maliban sa:
a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa
pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng
kasanayan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-
ugnayan sa kapwa.
d. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang
tunay na kalinga.
10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero
sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan
natin.”
d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
K
GAWAIN 1: SAKAY NA
1. Marami kang taong nakakasalamuha sa
iyong buhay. Isulat ang pangalan ng mga taong
itinuturing mong kapwa. Isulat ang mga ito sa
iyong kuwaderno.
2. Lagyan ng larawan at kulayan. Maaari ding
gumuhit ng karagdagang kasama sa dyip.
GAWAIN 2:
TSART NG KAHALAGAHAN NG KAPWA

Panuto: Isulat ang pangalan ng mga taong kabilang


sa iyong pamayanan at ang kaugnayan nila sa iyo.
Sa katapat nito, itala ang mga bagay na nagawa o
naitulong mo sa kanya gayundin ang mga nagawa
niya sa iyo.
GAWAIN 3: LIHAM PAGKILALA

Panuto: Sumulat ng isang liham para sa


isang tao na naglalaman ng pagkilala sa
mga bagay na nagawa o naitulong niya sa
iyo.
KARAGDAGANG GAWAIN:
Magsaliksik ng mga bagay-bagay tungkol sa
aspekto ng pagkatao na dapat malinang sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
DAY 2
TOTAL ISOLATION EXPERIMENT

Panandaliang pumikit at tumahimik upang


maging bahagi ng eksperimento. Isipin na ang
guro ay isang doktor na mag-uutos ng
pamamaraan sa nasabing eksperimento.
TOTAL ISOLATION
TANONG:

1. Ano ang iyong natuklasan matapos mapanood


ang dokyumentaryo?
2. Napatunayan mo ba na totoo ang kasabihang
“No Man is an Island”. Ipaliwanag.
BLIND ARTIST

Pangkatin ang klase sa limang grupo. Pag-


usapan kung paano maiguguhit ang mukha ng
isang tao habang nakapiring. Ang miyembrong
nakapiring ay gagabayan ng isa pang miyembro
habang gumuguhit.
1. Ano ang naramdaman mo bilang tagapaggabay sa
iyong kasama sa grupo? Bilang nakapiring at
ginagabayan ng kasama habang iginuguhit ang mukha?
2. Ano ang iyong natutunan mula sa gawain?
3. Sa paanong paraan napadali ang iniatas na gawain?
4. Ano ang nagagawa ng pakikipag-ugnayan mo sa
kapwa sa aspektong intelektuwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal ng iyong pagkatao?
5. Makakaya mo bang mapaunlad ang mga nabanggit na
aspekto kung walang tutulong sa iyo? Pangatwiranan.
DAY 3
“HUWAG MONG GAWIN
SA KAPWA MO ANG AYAW
MONG GAWIN NILA SA
IYO”
PANGKATANG GAWAIN:
GRAPHIC ORGANIZER
Pangkat 1 - Ang tao bilang panlipunang nilalang.
Pangkat 2 - Ang pakikipagkapwa at golden rule.
Pangkat 3 - Ang kahalagahan ng diyalogo.
Pangkat 4 - Ang kahalagahan ng pagkakaisa,
komunikasyon at pagtutulungan.
Pangkat 5 - Ang kahalagahan ng pagbuo at pagsali sa
mga samahan.
Pangkat 6 - Pakikipagkapwa-tao; kalakasan at
kahinaan ng Pilipino.
Pangkat 7 - Mga katangian ng makabuluhan at
mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa.
ANG TAO BILANG PANLIPUNANG NILALANG
• Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at
maging bahagi nito.
• Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng
Diyos.
• Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay nang
may kasama at maging panlipunang nilalang o
social being at hindi ang mamuhay nang nag-iisa
o solitary being.
ANG PAKIKIPAGKAPWA AT ANG GOLDEN RULE

PAKIKIPAGKAPWA - Ito ang pakikipamuhay


sa ibang tao at paglilingkod sa isa’t isa sa
pamamagitan ng diyalogo, katarungan at
pagmamahal.
GOLDEN RULE- Mabuting pakikitungo sa
kapwa
MGA ASPEKTONG NALILINANG SA
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA KAPWA:

1. INTELEKTWAL
2. PANGKABUHAYAN
3. PAMPOLITIKAL
4. PANLIPUNAN
GOLDEN RULE (MABUTING PAKIKITUNGO SA KAPWA)
“Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong
gawin sa iyo.”

“Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo


sa iyong sarili.”

“ Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mo ring


pakitunguhan ka.”
MGA BIRTUD NA KAILANGAN SA
PAGPAPATATAG NG PAKIKIPAGKAPWA

Katarungan Pagmamahal
“MAG – USAP TAYO”:
ANG KAHALAGAHAN
NG DAYALOGO
DIYALOGO
- Komunikasyon
• Pasalita
• Pasulat
• Di-pasalita
• Kilos
• Gawi
• Senyas, atbp.)
ANG KAHALAGAHAN NG
PAGKAKAISA,
KOMUNIKASYON, AT
PAGTUTULUNGAN
ANG KAHALAGAHAN NG PAGKAKAISA,
KOMUNIKASYON, AT PAGTUTULUNGAN

Upang maitaguyod ang ugnayang:


• may pagkakaisa (solidarity),
• may komunikasyon o diyalogo, at
• kooperasyon o pagtutulungan.
ANG KAHALAGAHAN NG
PAGBUO AT PAGSALI
SA MGA SAMAHAN
ANG KAHALAGAHAN NG PAGBUBUO AT
PAGSALI SA MGA SAMAHAN

* Kabutihang panlahat
* Pamilya
* Samahan ng mga laiko at relihiyoso,
* Bolunterismo
ANG KAHALAGAHAN NG PAGBUBUO AT
PAGSALI SA MGA SAMAHAN
Layuning ng iba’t-ibang institusyon o boluntaryong
samahan:
* Pangkabuhayan at panlipunan,
* Pangkultural at panglibangan
* Pampalakasan o isports,
* Panghanapbuhay, at
* Pangpolitikal
ANG KAHALAGAHAN NG PAGBUBUO AT
PAGSALI SA MGA SAMAHAN
Kaya, bilang panlipunang nilalang, ang tao ay:
1. kasapi ng isang pamilya at lipunan
2. kabilang sa mga gawaing pangkabuhayan,
produksyon, at pagkunsumo, na tumutugon sa
aspektong pangkabuhayan; at
3. isang mamamayan na inaasahang makikibahagi sa
pagkamit ng panlipunang pag-unlad.
PAKIKIPAGKAPWA - TAO:
KALAKASAN AT KAHINAAN
NG PILIPINO
PAKIKIPAGKAPWA-TAO: KALAKASAN
NG PILIPINO
- Pakikipagkapwa-tao ay isa sa mga kalakasan ng mga
Pilipino.
- Naipakikita ito ng mga Pilipino sa pamamagitan ng:
* pagmamalasakit sa kapwa,
* kakayahang umunawa sa damdamin ng iba,
* pagtulong at pakikiramay, bayanihan, at
* sa pagiging mapagpatuloy (hospitable).
PAKIKIPAGKAPWA-TAO:
KAHINAAN NG PILIPINO

* Pagtanggap ng pabor at ang pagtatanggi sa mga


kamag - anak at kaibigan.
* Labis na personalismo (extreme personalism)
* Labis at di makatwirang pakikisama.
MGA KATANGIAN NG
MAKABULUHAN AT
MABUTING PAKIKIPAG -
UGNAYAN SA KAPWA
MGA KATANGIAN NG MAKABULUHAN AT
MABUTING PAKIKIPAG-UGNAYAN SA KAPWA

* Nagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan sa tao.


* Lahat ng pakikipag-ugnayan ay nangangailangan ng
pagsisikap upang ito ay mabuo, mapatatag, at
mapanatiling makabuluhan at mabuti.
MGA PRINSIPYO SA
PAGPAPAUNLAD NG
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA
KAPWA
MGA PRINSIPYO SA PAGPAPAUNLAD
NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA KAPWA
1. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa.
2. Pagpapahayag ng mga damdamin.
3. Pagtanggap sa kapwa.
4. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa
(confidences).
MABUTING SAMARITANO
DAY 4
TOWER MAKING
1. Pangkatin ang klase sa apat ng grupo.
2. Sa loob ng limang minute, ang bawat grupo ay bubuo
ng isang tore sa pamamagitan ng pagpapatong-patong na
mga popsicle stick.
3. Ang tore na binuo ng bawat grupo ay dapat na matibay
at tatagal sa malakas na hangin.
4. Ang grupo na may pinakamataas at pinakamatibay na
tore ang siyang magkakamit ng mataas na puntos.
PANGHULING PAGTATAYA
PANUTO:
Basahin at unawaing mabuti ang bawat
tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik ng
pinakatamang sagot.
1. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ______
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at
dignidad.
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging
mapag-isa.
2. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa
pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa
mga samahan.
a. kusa at pananagutan
b. sipag at tiyaga
c. talino at kakayahan
d. tungkulin at karapatan
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero
sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan
natin.”
d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
4. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa
pamamagitan ng sumusunod maliban sa ____________.
a. kakayahan ng taong umunawa
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may
kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
5. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang
tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang
kaniyang sariling pangangailangan.
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya
at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang
kaniyang pangangailangan.
6. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa
lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________
bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang
panlahat.
a. hanapbuhay
b. libangan
c. pagtutulungan
d. kultura
7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang
pakikipagkapwa dahil sa ________.
a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin
ng iba
b. kakayahan nilang makiramdam
c. kanilang pagtanaw ng utang-na-loob
d. kanilang pagiging emosyonal sa
pakikisangkot
8. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa
pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Panlipunan
b. Pangkabuhayan
c. Politikal
d. Intelektwal
9. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-
ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing
panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng
kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa
ibang tao
d. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring
pakitunguhan ka
10. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo,
maliban sa:
a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa
pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng
kasanayan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-
ugnayan sa kapwa.
d. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang
tunay na agkalinga.
KASUNDUAN
• Magdala ng mga sumusunod:
• Larawan ng mga Kaibigan
• Gunting
• Glue / Paste
• Coloring Materials
• Colored Paper
• At iba pang kagamitan pangScrapbook.

You might also like