You are on page 1of 7

ANG

PAKIKIPAGKAPWA
MODYUL 5 – ANG PAKIKIPAGKAPWA

A. Ang Konsepto ng Kapwa


1. Ito ay ang pakikiisa ng sarili (self) sa iba (others).
2. Samakatuwid, ang kapwa ay “ang ibang tao” (sila) at
ako (self).
3. Kapwa = self (ako) + sila (others)
4. Ang pakikipagkapwa ay nagpapakita ng kahalagahan
(values) at paninindigan (conviction)

B. Mga Walong Pamamaraan ng Pakikipagkapwa


1. Pakikitungo - Sa pamamagitan ng pagpapakita ng
respeto o paggalang sa bawat isa, nariyan na rin ang
pag-unawa at pag intindi sa mga paniniwala, kultura,
tradisyon, atbp. Sa ganitong paraan, maipapakita ang
mabuting pakikitungo sa kapwa. Malayang
pakikipagkumunikasyon / pakikisalamuha na hindi
tinitingnan ang estado sa buhay, lahi at iba pang
aspeto ng buhay.
2. Pakikisalamuha - Ang pagsunod sa atas ng
mabuting asal ayon sa kaugalian sa pakikipagkapwa.
Ang pakikisalamuha ay tumutukoy sa pakikitungo sa
maraming tao at higit na malapit sa pakikiisa kaysa
pakikitungo.
3. Pakikibagay – ang pag-ayon ng mga kilos, loobin, at
salita ng isang tao sa kanyang kapwa. Ito’t hindi
kailangang tagos sa kalooban. Maaaring ang layunin
nito ay: 1) atas ng mabuting asal; 2) atas ng
pagnanais makinabang; o 3) atas ng hangaring ilapit
ang loob sa iba.
4. Pakikisama – ang paglahok at pagsamasa gawain ng
ibang tao dahil sa pakikipagkaibigan o dahil sa
maaaring ipakinabang sa hinaharap o siyang hinihingi
ng pagkakataon.
5. Pakikipagpalagayang-loob at Pakikibagay– mga
kilos, loobin at salita ng isang tao na nagpapahiwatig
na panatag ang kanyang kalooban sa kanyang kapwa.
Hindi na nahihiya sa isa’t isa at halos ganap at walang
pasubali ang pagtitiwala. Samantala, ang pakikibagay
ay ang pagtanggap sa kalagayan ng kapwa.
6. Pakikiisa / Pakikilahok– mga kilos, loobin, at salita
ng isang taong nagpapahiwatig ng ganap at lubos na
pagmamahal, pagkakaunawa, at pagtanggap sa
minimithi bilang sariling mithiin din. Ang pakikilahok
sa mga gawain nagtataguyod ng pagkakaisa ng bawat
isa.

Birtud ng JUSTICE Birtud ng CHARITY


o KATARUNGAN o PAGMAMAHAL
C. Mga Konsepto ng Pakikipagkapwa
1. Walang tao ang nabubuhay na mag-isa lamang.
2. May mga pangangailangan ng isang tao na maaari
lamang na matugunan sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa kapwa.
3. Samakatuwid, ang UGNAYAN ang pinakamahalagang
element ng pakikipagkapwa.
4. Sa pakikipagkapwa, napakahalaga na kalakip ang a)
paggalang; at b) pagmamahal kalakip ito sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa. Ito ay pahayag ni Agapay noong
1991 sa kanyang sulatin.
5. Ang pakikipagkapwa ay nagpapahayag ng maraming
bagay tungkol sa ating pagkatao.
6. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa ay nakikilala ang
ibang tao sa ating lipunan.
7. The Golden Rule – “Huwag mong gawin sa iyong kapwa
ang ayaw gawin sa iyo ng iba.”
8. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa
pangangailangan ng iba nang may paggalang at
pagmamahal.
9. Ang pakikipagkapwa nang walang hinihintay na kapalit at
nakahanda kang ibahagi ang sarili mo sa iba ay
pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal.

ANG DIYALOGO AT MGA KATANGIAN NITO


1. Ang Diyalogo ay ang kakayahan upang maipahayag ang
pangangailangan, ninanais at nararamdaman ng isang
tao. Ito ay napakahalaga upang matugunan ang mga
iba’t ibang pamamamaraan ng pakikipagkapwa.
2. Ang diyalogo ay umiiral bilang isang ugnayang
interpersonal sa pamamagitan ng dalawa o higit pang
tao. Dito sa Diyalogo ay may nagsasalita at
nakikinig.
3. Ang diyalogo ay nagaganap sa paraang pasalita o
pasulat at di-pasalita (kilos, gawi, senyas, atbp.)
4. Kaalinsabay ng pakikipagkapwa ay ang pagtataguyod ng
ugnayang may pagkakaisa (solidarity),
komunikasyon o diyalogo, at kooperasyon o
pagtutulungan.

Ang mga Tungkulin ng isang Tao sa Pakikipagkapwa:


1. Kasapi ng isang pamilya at lipunan kung saan bilang
bahagi ng lipunan ay inaasahang makikibahagi sa
pagtatakda ng mga layunin nito at sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.
2. Kabilang ang isang tao sa kanyang pakikipagkapwa ang
mga gawaing pangkabuhayan, produksiyon at
pagkunsumo na tumutugon sa aspektong
pangkabuhayan; at
3. Isang mamamamayan na inaasahang makikibahagi sa
pagkamit ng panlipunang pag-unlad (social progress), na
tumutugon sa aspektong political.
ANG PAKIKIPAGKAPWA TAO: KALAKASAN O KAHINAAN

A. Ayon kay Licuanan, ang pakikipagkapwa-tao ay isa


sa mga kalakasan ng mga Pilipino. Paano ito
naipapakita?
1. Sa papamamagitan ng pagmamalasaki sa kapwa.
2. Sa pamamagitan ng pagtulong at pakikiramay,
bayanihan at sa pagiging mapagpatuloy (hospitable).
3. Sa pamamagitan ng pakiramdam at sa pamamagitan
ng pagtitiwala at pagtanaw ng utang na loob.
4. Nagiging saligan ng pagkakakaisa at katarungang
panlipunan.

B. Mga nagdudulot ng kahinaan sa pakikipagkapwa:


Hindi lingid na iba-iba’t ibang dahilan ang
maaaaring magpahina sa samahan:

1. Hindi magiging madali ang pagsunod at


pagpapasunod sa mga kasama sa lipunan.
2. Lahat at nagiging impersonal.
3. Hindi naiiwasan ang pagtanggap ng pabor; at
4. Ang pagtanggi sa mga kamag-anak at kaibigan ng
trabaho, paghahatid ng serbisyo, pati ang pagboto.

Extreme Personalism – o labis na di makatuwirang


pakikisama ay maaring magdulot ng katiwalian at kabulukan
(graft and corruption).
Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan
sa Kapwa
1. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa –
Tandaan na bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang
katangian. Kailangan nating maging sensitibo sa mga
pangangailangan at damdamin ng bawat isa. Paano
naipapakita ang paggalang?
a. Pakikinig at pagsagot nang ayon sa sinasabi ng
iyong kausap
b. Pagpapakita ng empathy o kakayahang ilagay ang
sarili sa sitwasyon ng ibang tao
c. Pagmamalasakit at pagiging maalalahanin
d. Pagsusumikap na mapanatili ang kapayapaan at
kasiyahan;
e. Pag-iwas sa mga sitwasyong magbubunga ng di
pagkakasundo o pagtatalo
2. Pagpapapahayag ng mga damdamin – nagiging
maayos ang isang samahan kung ang mga tao at
kanyang kapwa ay nagkakaroon ng maaya at
mapanagutang pagpapahayag ng damdamin, ideya at
pangangailangan.
3. Pagtanggap sa Kapwa – tandaan na ang paggalang
sa dignidad ng tao ang pagtaggap sa kanyang pagkatao.
4. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa
(confidences) – ang pagtitiwala ay napakahalaga, at
dahil dito, kailangang pag-ingatan ang pagbabahagi ng
iba ng kanilang buhay o sitwasyon.

You might also like