You are on page 1of 2

SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL

San Jose, Mahayag Zamboanga del Sur


Pagadian City, 7016

ESP 8
nd
2 SUMMATIVE TEST
NAME: DATE:
YEAR& SECTION: TEACHER:

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilogan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
b. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
c. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
b. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
c. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
3. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa
__________.
a.  espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
b. kakayahan ng taong umunawa
c. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
d.  pagtulong at pakikiramay sa kapwa
4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng
________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. Hanapbuhay b. pagtutulungan c.  libangan d. kultura
5. Kumikilala ito sa kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapwa sa buong mundo at
pinaniniwalaan anuman ang relihiyon sa buong mundo ng kahalagahan ng mabuting pagtrato at
pakikitungo sa kapwa.
a. Batas Moral b. Golden Rule c. Saligang Batas d. Batas Trapiko
6. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.
a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
b. kanilang pagtanaw ng utang na loob
c. kakayahan nilang makiramdam
d. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
7. Anong uri ng pagkakaibigan ang inilaan lamang sa tao dahil sa pangangailangan?
a. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
c. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
d. Pagkakaibigang walang hanggan
8. Anong uri ng pagkakaibigang nabubuo sa pagitan ng mga taong may hilig sa gawa?
a. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
c. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
d. Pagkakaibigang walang hanggan
9. Alin sa sumusunod ang HINDI dulot ng pagkakaibigan sa pagpapaunlad ng pagkatao?
a. Nakakalikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
b. Pagpapahalaga sa mabuting ugnayan
c. Nagkakaroon ng bagong ideya tungkol sa pagkakaibigan
d. Maaring gamitin ang kaibigan para sa sariling kapakanan
10. Alin sa sumusunod ang dulot ng pagkakaibigan sa pagpapaunlad ng pagkatao?
a. Ang tao ay nagiging suwail
b. Ang tao ay nagiging mabuting tagapakinig
c. Ang tao ay tumataas ang pagtingin sa sarili
d. Nawawalan ng ideya para sa kinabukasan

Para sa bilang 11-15, Unawain ang tanong kung ito ba ay TAMA o MALI.

11. Ang pakikipagkapwa ay napatatatag ng mga birtud ng katarungan at pagmamahal.


A. Tama B. Mali
12. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may
paggalang at pagmamahal.
A. Tama B. Mali
13. Ang tao ay isang panlipunang nilalang
A. Tama B. Mali
14. Sa buong mundo, hindi kinikilala ang kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapwa (Golden
Rule).
A. Tama B. Mali
15. Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag
ng pakikipagkapwa.
A. Tama B. Mali

You might also like