You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: _______________________ Grado at Seksyon: _________________ Marka ___________


Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan.Biluagan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ____________________.
A. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
B. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya
C. Pagtrato sa kanya na may paggalang at dignidad
D. Pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa
2. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
A. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling panganagailangan.
B. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
C. Ang taoay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
D. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang panganagailangan.
3. Ang makabuluhang pagtulong at pakikiramay sa kapwa ay ang _______.
A. pakikinig B. pagbabasa C. pakikisalamuha D. pakikipagkaibigan
4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng __________ bilang paglilingkod sa
kapwa at sa kabutihang panlahat.
A. hanapbuhay B. libangan C. pagtutulungan D. kultura
5. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
A. Panlipunan B. Pangkabuhayan C. Pulitikal D. Intelektwal
6. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa sa pakikibahagi sa mga samahan.
A. kusa at panangutan
B. sipag at tiyaga
C. talino at kakayahan
D. tungkulin at karapatan
7. Alin ang posibleng dahilan bakit may kahinaan ang mga Pilipino sa pakikipagkapwa?
A. Ang kakayahan nilang makiramdam
B. Ang kanilang emosyonal sa pakikisangkot
C. Ang kanilang pagtanaw ng utang-na-loob
D. Ang kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
8. Ano ang nakakahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
B. kakayahang tugunan ang pangangailan ng kapwa
C.pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
D.pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring sa pakitunguhan ka
9. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, MALIBAN sa:
A. Naipapakita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
B. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
C.Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
D. Naipahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
10. Ngayong panahon ng pandemya, kasama sa mga “pananagutan” ko sa kapwa ang mga sumusunod MALIBAN sa:
A. Siguraduhing magsuot ng face mask at face shield.
B. Manatili sa bahay kung wala namang importanteng lakad.
C. Hind pagsunod sa mga alituntuning pangkalusugan dahil ako ay malaya.
D. Maging maingat sa distansiya ng mga katabi
11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TOTOO:
I. Ako ay nangangarap para sa sarili lamang.
II. Walang lugar ang ibang tao sa pinapangarap ko.
III. Kasama sa mga pangarap ko ang makapaglingkod sa kapwa.
A. I B. II C. III D. Lahat nang nabangggit
12. Paano natin magagamit ang bibig bilang bahagi ng ating katawan sa mabuting pakikipagkapwa-tao?
A. Pagsasabi ng katotohanan C. Pagsasaliwalat ng mga fake news
B. Pagsasabi ng mga personal jokes D. Lahat ng mga nabanggit
13. Ano ang dapat gawin kapag nakatanggap ng fake news?
A. Ikalat para masaya C. I-share at i-post sa social media
B. Suriin at huwag ikalat D. Tangkilikin ang mga nakakatuwa
14. Pairalin ang tunay na pakikipagkapwa-tao kapag bukal sa ating puso ang:
A. Magpatawad ng may kondisyon C. Kumilos, magbigay at magpatawad
B. Magmatyag at manghusga sa iba D. Hayaang magdusa ang iba sa sariling katamaran
15. Sino sa mga sumusunod ang tunay na “kapwa”?
I. Si Maye na hindi nagpapakalat ng fake news sa social media.
II. Si Titser Anne na handang matutunan ang mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo para sa kanyang mga
estudyante.
III. Si Dingdong na mula sa tatlong oras ay ginawang isa na lamang inilaang oras sa paglalaro ng ML upang makatulong
sa gawaing bahay at pag-aaral ng leksyon.
A. I B. II C. III D. Lahat nang nabanggit
16. May mga pangangailangan ka na maari lamang na __________ sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan mo sa iyong
kapwa.
A. maalaala B. matugunan C. maranasan D. makaligtaan
17. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ikaw ay may pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa o confidences:
A. Pakinig at makibahagi sa usap-usapan tungkol sa ibang tao.
B. Ang pag-share sa social media sa isang fake news.
C. Ibahagi ang sikreto ng isang kakilala dahil galit ka sa kanya.
D. ang di-pagbahagi o di-pagkukuwento sa mga bagay na sensitibo o iniingatang sikreto na isang tao.
18. Ang pakikipagkapwa ay nagpapatatag ng mga ________ ng katarungan at pagmamahal.
A. birtud B. kakayahan C. kalakasan D. kasanayan
19. Kung ang pakikipag-ugnayan mo sa iba ay nag-uudyok sa iyo upang ikaw ay maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na
kapalit at nakahanda kang ibahagi ang sarili sa iba, ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit at ____________.
A. pagkawanggawa B. pagsasaya C. pagmamahal D. pagpapasalamat
20. Ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging possible ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan
A. pagpapayaman ng pagkatao C. simpleng ugnayang interpersonal
B. pagpapaunlad ng mga kakayahan D. pagpapabuti ng personalidad
21. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa parehong kasarian.
Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pagkakakibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang
alang ang:
A. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
B. Paggalang sa katangian at kahinang taglay ng kanilang seksuwalidad
C. Pagsuporta sa mg amithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
D. Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan
22. Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao MALIBAN sa:
A. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
B. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
C. Natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan
D. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan
ng iba
23. Bakit itinuturing na birtud ang pakikipagkaibigan?
A. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
B. dahil makakamit lamang ang tunay na pakikipagkaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas nito
C. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
D. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
24. Ano ang kabutihang naidudulot ng isang kaibigan?
A. saya B. tulong o pabor C. inspirasyon D. Lahat ng nabanggit
25. Ano ang nararapat na pinakamahalagang layunin sa pagkakaibigan?
A. Pagpapaunlad sa ating pagkatao
B. Pagkakaroon ng magandang benepisyo dahil sa koneksyon
C. Pagpanatili sa puwestong kinalalagyan dahil sa impluwensya
D. Pagpapaunlad sa kalagayang pang-ekonomiya
26. Isang uri ng pagkakaibigan kung saan ay inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao
A. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
B. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
C. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
D. Pagkakaibigan na nakabatay sa damdaming emosyonal
27. Isang uri ng pakikipagkaibigan na nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at paggalang sa isa’t isa
A. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
C. C.Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
D.Pagkakaibigan na nakabatay sa damdaming emosyonal
28. Bakiit mahalaga na marunong tayong magpatawad?
A. Ito ang batayan ng kabutihan at pagmamahal
B. Isang paraan na hindi lumala ang isang sitwasyo
C. Makaiwas sa alalahanin nab aka ikaw ay gantihan
D. Hindi natin alam ang panahon baka tayo pa ang masisisi
29. Uri ng pagkakaibigan na maglalaho sa panahong hindi na maging handa ang isa na muli pang magbigay sa kanyang tulong
A. Kaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
B. Pangkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
D. Pagkakaibigan na nakabatay sa damdaming emosyonal
30. Emosyon na nagpapahayag ng iba’ibang positibong damdamin mula sa simpleng kasiyahan hanggang sa rurok ng kaligayahan
A. pagkamangha B. kalungkutan C. takot D. kasiyahan
31. Emosyon na nararamdaman kapag may dumating na pangyayari na hindi inaasahan
A. pagkamangha B. kalungkutan C. takot D. kasiyahan
32. Emosyong nagpapahayag ng bagay na kinaaayawan
A. pagkamangha B. kalungkutan C. takot D. kasiyahan
33. Emosyong nagpapahayag ng kawalan o kahirapan
A. pagkamangha B. kalungkutan C. takot D. kasiyahan
34. Emosyon na reaksyon ng katawan sa panganib
A. pagkamangha B. kalungkutan C. takot D. kasiyahan
35. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong naramdaman
A. Ang ating opinyon B. Mga kilos o galaw C. Ugnayan sa kapwa D. Bilis nang tibok ng puso
36. Paano ka makakaiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
A. Suntukin na lamang ang pader
B. Kumain ng mga paboritong pagkain
C. Huwag na lamang siyang kausapin muli
D. Isipin na lamang na sadyang may taong nakakasakit ng damdamin ng iba
37. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
A. Nailabas mo ang iyong sama ng loob
B. Hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
C. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
D. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid
38. Sa tuwing tayo ay nakakaranas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay magrelax. Nakakatulong
ba ang paninigarilyo at pag-iinom ng alak para dito?
A. Opo, dahil tunay na ito ay nakakapagpa-relax
B. Opo, may pera naman upang makabili ng mga ito
C. Hindi, kasi bawal at mahal ang mga ito
D. Hindi, kasi walang mabuting dulot ito sa katawan
39. Paano mo nasabi na ang kaibigan ay nakakatulong upang maging ganap ang ating pagkatao?
A. Palagi silang matawagan tuwing oras na kailangan nating mamasyal at maglimaliw kahit saan
B. Tumutulong sila upang maging magaan at mapadali ang mga gawaing dapat tayo ang gagawa
C. Sila ang may tanging paraan upang higit na matuklas ang ating sarili at nakakakita sa yaman ng ating pagkatao
D. Ang ating mga kaibigan ay kasama natin kahit saan at hindi nila tayo iiwan kahit anupaman ang mangyayari
40. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ________________.
A. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat
B. impluwensya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng layunin
C. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat
D. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan

You might also like