You are on page 1of 9

BICOL REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

KOMPILASYON NG
MGA SULATING
AKADEMIKO

Rommel M. Quiped
Mag-aaral

Adrian Sanchez
Guro
ABSTRAK
KAHULUGAN
Ang abstark na sulatin ay kadalasang tinatawag na akademikong sulatin.
Kadalasan ito ay ginagawa ng mga mag-aaral bago sila matapos ng kanilang mga
asignatura. Thesis paper ang madalas na itawag dito. Mababasa sa mga thesis na ito ang
mga pag-aaral, pananaliksik at pagkakalap ng mga datus at mga tala na kapakipakinabang
para sa napiling diskusyon.

HALIMBAWA
Gamit ang isang survey kung saan sumagot ang 250 na lalake at 270 na babaeng
estudyante, nais naming ipakita ang mga iba’t-ibang teknik at metolohiyang ginagamit ng
mga mag-aaral sa Pilipinas upang makapag-aral ng husto. Ang aming pagsasaliksik ay
tumagal ng isang buwan. Kami ay gumamit ng software gaya ng SPSS upang masuri at
maintindihan ng maigi ang mga datos na nakalap. Base sa ang aming mga nakalap na
datos karamihan sa mga estudyanteng mas nagtatagumpay sa sekondaryang edukasyon ay
hindi gumagamit ng teknik na kung tawagin ay “rote learning”. Karamihan sa kanila ay
gumagamit ng kanya-kanyang proseso upang makalap ng impormasyon at matandaan ang
mga aralin.

BUOD
KAHULUGAN
Ang buod o summary ay ang mga pinagsama-samang mga pangunahing ideya ng
mga manunulat gamit ang sariling pangungusap. Ito ay kadalasang hindi ipinipresenta sa
paraan tulad ng sa orihinal.Ito rin ay mas maikli kaysa sa orihinal at naglalaman ng mga
kabuuang kaisipan ng pinagkunang materyal.

HALIMBAWA
BUOD: BARCELONA A LOVE UNTOLD
Si Ely (Daniel Padilla) ay nasa Barcelona nagpapakadalubha sa Arkitektura, at
kumakayod upang bilang waiter, tour guide at assistant photographer, habang pilit na
hinihilom ang pusong sawi sa pag-ibig. Makilala niya rito si Mia (Kathryn Bernardo) na
malaki ang pagkakahawig sa babaeng dahilan sa kaniyang kasawian. Baguhan si Mia sa
Barcelona, magkakaroon ito ng matinding problema at mangangailangan ng trabaho,
Tutulungan siya ni Ely subalit lagi siyang pumapalpak at nagkakaproblema sa mga
pinapasukan. Palibhasa pala’y anak mayaman si Mia. Nakatakas lamang nang saglit si
Mia sa kanyang ama kung kaya’t nagpakalayo-layo sa Barcelona. Unti-unting
napapalagay ang loob ni Ely kay Mia ngunit hindi tiyak kung handa na siyang magmahal
muli. May puwang ba ang kanilang pag-iibigan sa buhay na pilit nilang tinatakasan?
Nakapaligid sa kwento nina Ely at Mia ang kanyang kanyang kwentong-pamilya
sampu ng kanilang ilang mga kaibigan at kaanak. Pagkat sa Barcelona ang tagpuan ng
kwento, hindi rin maiiwasan na masalin ang mga isyung kinakaharap ng mga kababayan
nating OFW nasa paghahanap ng magandang kapalaran sa ibang bansa ay namumulat sa
katotohanan na hindi pala ito magiging madali.
Bagama’t nagkaroon naman ng relasyon ang lahat, saying pa rin sapagkat napayabong pa
sana ang bawat isa sa mga kuwentong pag-ibig nina Ely at Mia. Kung tutuusin kasi ang
totoong mabigat na kwento ay yung mga sugat ni Ely na hindi pa naghihilom, hindi ang
pagpapausbong pa lamang nilang romansa ni Mia ay nag-anyong mababaw din sa gitna
ng lawak ng sakop ng suliranin ng OFW’s.

BIONOTE
KAHULUGAN
Ang Bionote ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan isang talata
lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang indibwal at ng kaniyang
kredibilidad bilang propesyunal.Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga
tagumpay,pag-aaral,pagsasanay ng may akda.

HALIMBAWA
ANNA PATRICIA A. NABUTEL. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Mount
Carmel College-Baler, Aurora bilang 3rd honorable mention. Sa nagtapos ng Junior High
School at Senior High School Science and Technology, Engineering and Mathematics
Strand sa Aurora National Science High School. Nagtapos siya ng May Karangalan
noong siaya ay nasa Senior High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Veterinary
Medicine sa Unibersidad ng Pilipinas, Los Banos, Laguna. Kontribyutor siya ng The
Nucleus bilang tagapagsulat ng balita.
Noong siya ay nasa ika-limang baitang, naging parte siya ng “Ang Munting
Carmelian” ang opisyal na pahayagan ng Mount Carmel College, bilang tagapagsulat ng
balita sa kategoyag Pilipino. Nanalo siya sa Division Schools’ Press Conference ’10 ng
2nd placer. Noong siya ay nasa ikasampung baitang, naging parte naman siya ng “The
Nucleus”. Kabilang siya sa Collaborative Newspaper Publishing, sa kategoryang Pilipino.
Nasungkit nila ang 1st place sa DSPC’15, samantalang napasama sila sa Top 10 sa
RSPC’15. Naparangalan ang kanilang papel pananaliksik na may pamagat
na BIODEGRADABLE PLASTIC PRODUCTION USING TARO (Colocasia esculenta)
CORMS bilang Best Research sa kanilang paaralan.

TALUMPATI
KAHULUGAN
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

HALIMBAWA
Hinaing ng mga Kabataan sa mga may Katungkulan sa Bayan
Anim na taon sa elementarya, anim na taon sa sekondarya, at may kolehiyo pa.
Labas ang paghahanda na ginagawa bago kayo palayain sa mundong ito kabataan. Ang
akala ng iba’y madali, ang totoo bawat araw ay nagbabakasali. Subalit, pursigido ang
marami sa mga kabataan ngayon. Bawat gabi’y nananaginip ng magandang bukas, bawat
umaga’y dumidilat sa pag-asang may mas maliwanag na bakas.Habang hindi pa ito
dumarating, ngayon muna, hinaing sa may katungkulan sa bayan ang nais pakinggan.
Sana’y mas lalong paigtingin ang suporta sa edukasyon, iba pa rin ang sa araw-araw ay
may natutunan na leksyon. Sana ipaglaban ang kayamanan ng bayan, ang bawat parte na
siyang naging kapalit ng pagkamatay ng mga tao noon pa man. Sana’t huwag hayaang
droga ay manaig, huwag hayaang sakupin nito ang buong daigdig. Sana mas lalong
paunlarin ang kalikasan, pangalagaan ang yaman na kailanma’y hindi matutumbasan.
Sana, sana manaig ang katauhan. Hustisya sana sa bawat isa’y palaging pahalagahan. Sa
ngayon, ito muna, ito muna ang hinaing ng mga kabataan sa may mga katungkulan sa
bayan.

REPLEKTIBONG SANAYSAY
KAHULUGAN
Ang replektibong sanaysay ay pagsulat ng mga ginagad na mga ideya, konsepto at
katotohanan sa pamamagitan ng pag-iisip nang malalim, repleksyon o pagninilay mula sa
mga naranasan o nararanasang pagkakataon. Ito ay oportunidad upang mapalawak ang
kaisipan sa mga ginagawa o mula sa mga taong nakakasalamuha sa pamamagitan ng
pagninilay sa iyong karanasan o magkaroon ang isang indibidwal nang mas malawak
pang perspektibo mula sa ibang tao at teoryang nabuo. Maaari ring ang replektibong
sanaysay ay pagsusulat ng mga ideya na may kaugnayan pa sa isa pang ideya. At sa
bawat pagtuklas ng mga ganitong prinsipiyo at kaugnayan ng mga bagay-bagay ay siyang
pagkatuto pa lalo ng isang tao.
HALIMBAWA
Replektibong Sanaysay ni Rikki Mae Gavica
Pelikulang Anak
“Pamilya ay Pahalagahan isa itong yaman na di mananakaw ninuman”
Ang magkaroon ng masaya at buong pamilya ay isang napakagandang biyaya na
maaari nating matanggap mula sa Diyos. Pamilya na gagabay sa ating tatahaking landas
at pamilyang tatanggap sa atin talikuran man tayo ng mundo. Ngunit paano na lamang
kung ang pamilyang ito ay magkawatak-watak at mawalan ng pagmamahalan sa isa’t isa?
Kung ikaw ang tatanungin? Kaya mo ba? Sa pelikulang “Anak” matututunan natin ang
tunay na halaga ng pamilya. Pinupunto sa storyang ito ang pagmamahal ng isang ina sa
kanyang mga anak.
Nagsimula ang pamilya ni Josie sa masaya yung tipong walang problema at di na
maghihiwa-hiwalay dahil buo sila at samasama. Pero sabi nga nila walang perpektong
relasyon kung kaya’t kinailangan mag-abroad ng asawa nya para magtrabaho, pero di ito
nag tagal dun kung kaya’t si Josie na lang ang nangibang bansa. Nalayo siya sa pamilya
nya lalong-lalo na sa mga anak niya. Nagdaan ang mga panahon namatay ang asawa ni
Josie ngunit ang masakit doon ay di siya pinayagan ng amo na umuwi sa Pilipinas para
man lang makita ang asawa. Masakit na masakit man para sa kaniya pero wala siyang
magawa. Kung kaya namatay ang asawa niya na wala siya dito. Doon nagsimula ang
pagkagalit ng mga anak sa kaniya. Umuwi siya sa Pinas na sira na ang pamilya at ang
masakit pa doon ay nag rebelde pa ang anak nito na si Carla. Masakit para kay Josie
bilang ina ang mga nangyari sa pamilya. Napatawad naman na siya ng kaniyang
dalawang anak na si Michael at Daday pero ang panganay niya na si Carla ay matigas ang
puso mas pinili nitong mag rebelde at sirain ang buhay. Ginawa ni Josie ang lahat dahil
bilang ina mahirap na makita na hindi kumpleto ang pamilya kaya ginawa niya ang lahat
para mapatawad ni Carla. Hanggang sa napagtanto ni Carla na kailangan niya ng
patawarin ang ina at magbago. Sahuli nagka ayos silang pamilya at namuhay ng maayos
at tahimik.
Ang napagtanto ko sa pelikulang ito ay dapat matutunan natin ang magpatawad na
kahit gaano man kaliit o kalaki ang isang kasalanan gumagaan kapag natuto tayong
pakawalan ito. Dahil hindi habang buhay makakasama natin yung tao na gumawa sa atin
ng mali, hindi natin hawak ang oras at panahon kaya habang nandiyan pa siya
nakakasama mo pa patawarin mo na. At ang akin ring natutunan ay mahalin natin ang
ating pamilya lalong-lalo na ang ating mga magulang na siyang nagluwal at nagpalaki sa
atin sa mundong ito. Huwag pairalin ang pride dahil dadalhin lamang tayo nito sa
ikasasama natin. Patuloy tayong mag patawad at magmahal laong-lalo na kung para sa
ating pamilya.

REPLEKSYON:
Ang pamilya ang isa sa pinaka importante sa buhay natin, kung wala ito wala tayo.
Pero paano na nga lang ba? Kung ang pinangarap mong isang masaya at buong pamilya
ay maglaho na parang bula? Yung pamilyang akala mo perpekto, yung pamilyang inakala
mong sayo pero di mo pinahalagahan kaya naglaho.
Sa loob ng pamilya kailangan ng bawat miyembro nito ang pagmamahalan dahil ang
pagmamahalan ay ang syang magiging pundasyn ng isang malakas at masayang pamilya.
Pero paano kung ang pundasyon mismo ang naglaho? Paan kung yung pagmamahal
mismo ang nawala? Simple lang, matuto tayong mag patawad matuto tayong mag move
on at matuto tayong ibalik uli ang pagmamahalan na nawala. Dahil kahit pag balik
baliktarin man ang ng mundo pamilya at pamilya pa rin tayo. Iwan man tayo ng lahat,
talikuran man tayo ng mundo ang pamilya nandyan sa likod natin para tanggapin pa rin
tayo.
Kaya wag maging sarado ang mga puso gawin mo lahat ng makakaya mo para sa
pamilya dahil sinasabi ko nasa huli ang pag sisisi . baka mamalayan mo na lang na isang
araw napagtanto mo na dapat pala pinahalagahan mo na sila nung mga panahong
nandyan pa sila.

PICTORIAL ESSAY
KAHULUGAN
Ang pictorial essay isang uri ng sulatin kung saan ginagamit ng may akda ang
mga litrato na nagbibigay kulay o kahulugan, kaalinsabay ng mga teksto, sa mga
paglalahad o pagbibigay diskusyon sa isang usapin o isyu. Kadalasan din na walang
teksto ito at purong litrato lamang ang ginagamit upang magbigay ng imahe at
makapagbigay ng kahulugan sa isang paksa.
HALIMBAWA
“Kahirapan sa Pilipinas.”

Kung bibigyan ka ng papel na lukot at punit, itatapon mo lamang ito. Dahil sa tingin mo
ay hindi mo na ito mapapakinabangan pa. Ngunit kung ikaw ay bibigyan ng lukot at punit
na pera ay magagawan mo pa ito ng paraan. Ipinapahiwatig nito na mahalaga ang pera sa
atin at laging mayroong paraan tungkol dito.

Mayroon ngang kasabihang “hindi namumunga ng pera ang mga puno.” Na siyang totoo.
Dahil ang mga pera ay hindi basta-bastang pinipitas sa mga puno.

Ang kahirapan ay parte na ng ating lipunan. Ito ay araw-araw na nararanasan ng mga


taong kabilang sa mababang antas ng lipunan. Pilit na nilalabanan ng bawat indibidwal
ang suliranin na ito upang mabuhay at makapagpayuloy ng bagong yugto ng buhay.
Maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan. Maaaring dahil sa
kawalan ng trabaho ng mga magulang. Ngunit ang kahirapan ay hindi hadlang sa
tagumpay. Bagkus, gawain itong inspirasyon sa pagkamit nito.

Ang mga pera ay hindi rin napupulot sa basurahan. At hindi ito basta-basta itinatapon.
Kailangan mo pa itong paghirapan. Kung mayroon ka naman nito, dapat ay hindi mo ito
sinasayang o ginagamit sa hindi importanteng bagay.

Kung sa tingin ninyo ay malabo na ang pag-asa na malagpasan ang paghihirap, ay


nagkakamali kayo diyan. Marami pang paraan, para umahon at guminhawa. Para sa mata,
kailangan lamang ng salamin para luminaw ang paningin.
Maraming kapos sa pera na hindi makabili ng kanilang pangangailangan dahil sa
pangungurakot ng ilan at ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Sana ay unahin ng gobyerno
ang pagtulong at hindi ang kung anu-ano pang ginagawa. Kailangan lang natin maging
matibay sa mga dadaanan nating pagsubok sa buhay. Pagsubok lamang iyan, huwag
mong itigil ang laban! Pagsisikap ang tunay na sikreto ng tagumpay.

LAKBAY-SANAYSAY
KAHULUGAN
Ang lakbay-sanaysay ay hindi nalalayo sa tradisyonal na sanaysay. Mula nga sa
katawagan nito na lakbay-sanaysay, ang tanging pinanggagalingan ng mga ideya nito ay
mula sa pinuntahang lugar. Tinatampok dito hindi lamang ang lugar pati na rin ang mga
kultura, tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao, damdamin ng isang taong nakaranas
pumunta sa partikular na lugar at lahat ng aspektong natuklasan ng isang manlalakbay.
HALIMBAWA
Bohol
By: Antoneth Wenceslao
Hindi mawawala sa barkada, tropa, kaibigan o travel buddies ang pahirapan sa pagpla-
plano nang isang lakad. Yung all set na at hinihintay na lang ang kinabukasan o ang araw
ng pag-alis tapos biglang may magba-back-out dahil sa anumang kadahilanan. Sa
kabilang banda, ibang kaligayahan naman ang madarama kapag natuloy ang matagal-
tagal ninyong pinagplanuhang lakad.
Nadaanan namin ang isa sa mga lugar na hinihintuan ng mga motorista at turista dahil sa
kakaibang ganda nito, ito ay ang Bilar Man-Made Forest (Bohol Man-Made Forest). Ito
ay may haba na umaabot sa two (2) km sa pagitan ng Loboc at Bilar na puro Mahogany
Trees ang nakatanim. Although, bago ka man makarating sa man-made forest ay may
nag-e-exist na talagang natural forest sa nasabing lugar
Saglit lang ang naging pagbisita namin dito, tumawid lang kami sa tulay at bumili ng
peanut kisses (One of the Best Bohol Treats). Hindi kumpleto ang Bohol Adventure kung
hindi mo masisilayan ang Famous Chocolate Hills ng Bohol na matatagpuan sa bayan ng
Carmen, Batuan at Sagbayan. May mahigit 1,260 hills o mga burol ang masisilayan.
Tuwing panahon ng tag-init ang mga burol na ito ay nagkukulay brown kaya naman ito
pinangalanang Chocolate Hills at tuwing tag-ulan naman ito ay nababalutan ng mga
damo.
At syempre nakilala ang Panglao Island dahil sa white sand beaches nito katulad ng
Boracay Island. Hindi katulad ng Boracay na sobrang crowded lalo na kapag peak
season. Although, may mga resort na din dito at dinarayo na din ng mga turista ngunit
pansin ko lang mas tahimik dito kumpara sa Boracay. May nightlife din dito pero iba pa
din ang nightlife sa Boracay, party talaga dun eh.
Sulit ang naging bakasyon namin, madami akong natuklasan, natutunan at nakilala.
Worth it ang gastos at pagod. Akala ko hindi ganun kasaya ang magiging karanasan
namin dahil sa pinsalang tinamo ng Bohol sa matinding lindol at nasundan pa ng bagyo.
Akala ko wala kaming daratnan na ikakaligaya namin pero akala ko lang pala ang lahat.

You might also like