Professional Documents
Culture Documents
Isinuri nina:
Archibido, Lady
Bobis, Eloisa
Saga, Jonathan
Segobia, Aeron
Tapel, Angel
Testa, Fe Esperanza
Trenea, Karen
Valentin, Angelyn
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
Lady C. Archibido
Eloisa R. Bobis
Jonathan Saga
Aeron Segobia
Angel Tapel
Fe Esperanza Testa
Karen Trenea
Angelyn A. Valentin
I. Pagsusuri ng Pamagat
Bakit ito ang naging pamagat?
Masasabi na ito ang naiisip na pamagat ng may akda sa kaniyang nobela ay dahil sa
mismong paksa nito.Simula sa pag bunga ng pagmamahalan ng dalawang nilalang hanggang
sa pagtuloy na paglaki ng kanilang anak at maging ganap ito na tao. Ipinapakita ng nobela ang
reyaledad na pilit iniiwasang pag-usapan ng mga tao.Ang nobela ay pinamagatang ‘Bata,Bata
Paano Ka Ginawa?” dahil sinasalamin nito ang mga katanungan ng lipunan sa mga suliraning
kadalasang nangyayari sa isang pamilya. Paghahanap ng mga kasagutan kung saan
mawawala ang mga gumugulo sa isipan at matagpuan ang kapayapaan. Paano ka nga ba
nagawa at nabubuhay sa mundong ito? Mundo kung saan maraming gulo ang nararanasan,
maraming tao ang nakikialam, maraming tao ang hinuhusgahan, at marami ang mga maling
bagay na napagdedesisyunan.
Kapupulutan ng naraming aral ang nobelang ito. Hindi lamang para sa mga kababaihan,
kundi para sa mga anak at magulang. Huwag itago at pagtakpan ang katotohanan dahil mas
masama kung itatago mo ito at papalitan ng kasinungalingan. Ang bata ay hindi mananatiling
bata kaya habang mas maaga pa ay dapat na maimulat na ito sa katotohanan. Matutong
magkaroon ng tamang panahon sa pagdedesisyon, pagisipan at padesisyunan ng maigi, at
panindigan ang naging desisyon dahil makakatulong ito sa paghubog ng isang pagkatao dahil
ikaw mismo ang gumawa nito. Maaaring tama o mali ang magiging desisyon pero ang
mahalaga ay may aral na matututunan. Pahalagahan ang mga magulang at laging gantihan ng
pagmamahal at pagaalaga. Huwag titigil sa paghahanap ng katotohan dahil ito ang magdadala
sa iyo ng kapayapaan.
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
MS.CABALE
CORNADO EVANGELISTA
ZENY
SISTER ANN
CHONA
MRS.ZALAMEA
2.2 Ugali
LEA - Hindi nag papatalo kahit na anong mangyari,siya ay mabait na ina at masipag at
matiyaga sa kanyang pamilya at mapag mahal ding asawa at ina sa dalawang anak.Siya ay
nagpapaaral kay Maya at Ojie.
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
OJIE- Magaspang ang pag-uugali at mapang-asar sa kan'yang kapatid ngunit kahit ganon ay
mahal niya ito at ang ka'yang ina.
DING- Desisyon at nakabatay parin sa sinasabi ng kaniyang ina. Siya naman ang pangalawang
asawa ni Lea at mayroon silang isang anak na babae.
RAFFY- Mapagmataas na lalaki, hindi ito nagpapatalo at hindi rin iniiwan ang trabaho niya.Siya
naman ay unang asawa ni Lea na nagkaroon sila ng anak na lalaki na si Ojie.
Cubao
Nilalarawan nito na dito sila nagkakilala at nag tatagpo ngunit dito rin naputol ang kanilang
ugnayan sa isa’t isa.
Fiestival Carnival
Bahay ni Lea
Nilalarawan dito na ang bahay ni Lea ay puro pag subok at problema ngunit kung makikita
mo ang nakitira malakas at matatapang na walang inuurangang problema.
BAHAY NI LEA
Sa bahay ni Lea halos naganap ang lahat ng pangyayari at nag handa sa pagkapanalo ni
Maya Miss Kinder.
RESTURANT
Ang muling pagkikita ni Lea at Raffy matapos ang matagal na taon kung saan doon sila nag
uusap.
PRINCIPAL OFFICE
TRABAHO SA PCO
Ginawa ng isang miyembro ng organization kung paano nila ipaglalaban ang karapatan ng
bawat tao.
MALL
Sa mall kung saan nag bonding sila Lea at Raffy kasama ang mga bata.
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
IV.BUOD
Sa kabilang banda may isang bantang nagpupumilit na mag cr pero hindi sya pinayagan ng
kan'yang guro dahil hindi pa tapos ang pagmamarcha,ang bata ay namahala kaya nilabas nya
ang kanyang ano kasama ang pagtilamsik ng kanyag ihi.Natalamsilan ang batang babae
simbolo ng pag dungis ng kanilang dangal.Pagkatapos dumisente ang mga tao para sa pag-
awit ng lupang hinirang,pagkatapos nito nagbigay ng opening speech ang prinsipal.Dahang-
dahang tumayo ang mga bata para sa pilian ng Ms. kinder '83.Abalang -abala ang mga
magulang kasama ang kanilang mga assistant sa pag-aayos sa kani-kanilang mga anak,si
Maya ang kalahok sa nasabing fashion show kaya't inaayusan din sya ng kaniyang nanay
kasama si Flor na nakaassign kay Maya.
Nagsimula na ang fashion show,Inihanda na ng mga hurado ang kanilang mga papel para sa
pagbibigay ng marka sa kaukulang personalidad ng mga batang kandidato.Kasabay nito ang
pagrampa ng mga bata suot-suot ang mga naggagandahang kasuotan,si Maya na ang
sasalang 'di mawala ang focus ng kamera ni Lea kay Maya at inaamin na maganda ang anak
nya at manang-mana ito sa kan'ya.Inisip ni Lea kung mananatiling ligtas si Maya sa panahong
kamus-musan pa lamang nya,nag anawns na ang tagapagsalita para sa kasunod na bahagi ng
programa.
kandidata.Matapos ibigay ang mga sertipiko ng pagtatapos agad naman inanunsyo kung sino
ang mga nagwagi sa pilian ng Miss kinder '83.
Unang binigay ang mga special award.Naubos na ang mga tropeyo,nabanggit na din ang third
and second Ms.kinder '83.Sa pag anawns ng tagapagsalita si Maya ang itinanghal na
nagwagi,napalundag si Lea sa resulta ng patimpalak.Isa din si Maya sa mga nakatanggap ng
medalya para sa mga honor students inanawns sya sa ikatlong
karangalan.Kinabukasan,nagdiwang si Lea bumili sya ng ice cream,spaghetti at pritong chicken
skin,Inimbitahan ni Lea ang mga kapit-bahay at kamag-aral ni Maya.Maya-maya, dumating si
Pilar at ibinahagi ang mga naging dahilan kung bakit nagwagi si Maya,sinabi n'ya na isa sa mga
nagpanalo kay Maya ay ang pagiging simple ngunit angat pa din ang ganda ng
bata.Nakakalimutan na nang mga bata ang pagkain ng hotdog at ice cream dahil sa pag-
entertain ni Maya.
Sa kabilang banda, labis na nagagandahan si Pilar kay Maya at sinabing iisponsoran nya ito
para sa contest ng johnson and johnson search for the prince and princess of manila
'83.Napatingin si Lea sa orasan,alas sais na kaya kaya pinahinto na nya ang pagdiriwang kahit
na gusto pang ipagpatuloy ng mga bata,Kasunod nito nagpaalam na rin si Pilar.Minsan
dumarating sa isip ng babae kung anong gusto n'ya,hindi naman s'ya nanonood ng bold,kung
anong kapangyarihan ang libido ng tao para bigla na lang n'yang maisip,samantala,Ikinumpara
ni Lea si Ding kay Raffy.Si Ding ay aligid-aligid lang,hindi tulad ni Raffy na naghahatak pa nga
minsan at nanghahalik.Minsan parang octopus ang kamay nito dahil napupunta kung saan-
saan,kumatok si Ojie sa kwarto ni Lea at pinag-usapa ang patungkol sa ugnayan nito kay Ding.
Mamayang hapon kasama sya sa grupong pupunta sa isang lugar na base sa report ay kasama
na sa mga probinsyang hinahamlet ng militar.Sa huling sandali kailangan nya mag back out
kase walang mapag-iiwan sa mga anak nya.Sa sandaling iyon may taong gustong kumausap
kay Lea.
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
Hindi n'ya inasahan na si Raffy ito,ang dati nyang asawa. Biglang may gumapang na di
maunawaang kuryente sa pagkatao niya.Hindi niya malaman kung ano ito.Tumawa't umiyak si
Lea ipinakita na kahit may bionic eye si Raffy ay nakita nito ang mukha niyang tilang tinutuping
yero.Maraming taon 'di nagkita si Lea at Raffy.Para s'yang namatayan noong umalis si
Raffy.Araw-gabi mula umalis si Raffy,pighati at kalungkutan ang nararanasan nito.Ano pa't ano
paman ang gawin ni Lea ay hindi rin s'ya liligaya.Sa paglubog nya sa depresyon nandon si Ding
tuwing nalulungkot si Lea.
Pagkatapos maglaro ang kan'yang isipan.Mula kay Raffy papunta kay Ding.Naaliw na rin s'ya
kay Ding.Pagkatapos mag-anuhan nila ni Ding agad namang umalis ang lalaki,sumunod nito
ang pagdating ni Raffy.Niyakap ni Raffy si Lea ng mahigpit.Inalok ni Lea si Raffy ng kape ngunit
napagtanto nito na alak ang gusto nito.Nalaman ni Raffy na nagkaroon ng bisita si Lea.Sinikap
ni Lea malampasan nito ngunit sa hindi kagalinga n'yang magsinungaling.
Tumango sya at inilarawan ang anak na si Maya ngunit ang intensyon n'ya ay kay Ojie at
napatanong kung spoiled ba ito sa kanya .Nagpepersonalan na ang dalawa masama ito lalo
nasa mag-asawa na pinaglayo ng mga panahon at pangyayari.Ibinahagi ni Raffy ang naging
ugnayan nila ni Ding sa panahong wala si Raffy sa piling ni Ojie.Bumagsak ang mundo ni Lea
ng sabihin ni Raffy na meron na din s'yang asawa at buntis ito ng tatlong buwan.Nagpaalam si
Lea dahil hinihintay na s'ya ng anak nya.Tumayo na si Lea at tumayo na 'di si Raffy.
Hinatid ni Raffy sa pinto. Pagdating ni Lea sa kanilang bahay bumungad ang kaniyang asawa at
napatanong kung saan galing si Lea at sinabi ni lea na nadito si Raffy at gustong makita si
ojie.Sinabe din ni lea na sa isasama si nya bukas si ojie upang makita ni raffy si ojie. Sinabihan
si ojie ni lea na aalis sya at uuwe ng maaga kailangang pag-uwe ay nakaligo na ito.Sa kabilang
bansa gusto sumama ni maya.Sa kabila ng pagtatalo ni ojie at maya kasama si ding at
lea.Napilitan si lea isama si maya kasama ni ding.Tumawag na si raffy maski sya payag sya na
kasama sj maya.Ngunit may umanong kaba kay lea baka kasama din ni raffy ang supresa
nya.Di na sumama si ding at palihim na ipinabilin kay maya bantayan ang mga bawat galaw
nila.Nakarating na sila sa bukana ng lugar na pinag-usapan nila ni raffy.
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
Natanaw ni lea na naghihintay si raffy doon.Nang lumapit sila at nakita ni ojie si raffy agad itong
niyakap ng mahigpit kasabay ng pagtulo ng mga luha.Ipinakilala ni ojie si maya kay raffy at nag-
abot ito ng kamay.Makalipas ng ilang segundo ginala ni raffy si maya at ojie kasama si lea sa
malapit na pook pasyalan.Kinaumagahan nagtalo si ojie at maya kung sino ang tunay na mahal
ni lea na naging dahilan sa pagkakaroon ng mainit na alitan.Lumipas ang araw naging kalmado
ang lahat.Ngunit may nangyari nila ding at lea.Saan-saan napunta ang kanilang
usapan.Ipinagdamit ni ding si lea baka makatulog ito ng nakahubad at nagtanong si ding kay
lea .Tumawa si ding at nag-umpisang gawin ang isa pa.
Dumating ang araw kung saan itutuli na si Ojie,tanda ng unti-unting pagbibinata nito. Maraming
pumapasok at gumugulo sa isip ni Lea,Kinakausap maski ang kaniyang sarili. Naisip niya ang
mga kakulangan kapag walang ama na tutulong at sasama sa kaniya sa pag gabay Kay Ojie.
Mga kakulangan na dapat ang ama ang gumagawa. Naisip ni Lea na mas doble ang sakit at
hirap na nararamdaman ng kaniyang anak sa tuwing namimiss ang ama nito. Nakikita niya itong
tulala, malayo ang tanaw at malalim ang iniisip.
Tumira pansamantala si Ojie sa bahay ng kaniyang tatay Raffy. Nag aalala man ay pumayag si
Lea dahil alam niya kung gaano na ito namimiss ng kaniyang anak. Nag aalala siya sa magiging
reaksyon ni Ojie kapag nakitang may kasamang iba ang kaniyang tatay Raffy at magkakaanak
pa. Hindi sang ayon si Ding sa pagpapatira Kay Ojie sa puder ng kaniyang tatay Raffy dahil
narin sa kung ano ang magiging pagtrato ng asawa nito. Isa rin sa rason ang pagiging mag isa
ni Maya at walang kalaro. Sa pagkikita ni Lea at ng bagong kinakasama ng kaniyang dating
asawa ay napagtanto niyang iba nanga ang mahal ng kaniyang dating asawa. Walang
pagkakatulad o kinuha mula sa kaniya.
Purong Elinor ang minahal ng kaniyang dating asawa.Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at
sinabi ni Raffy na gusto niyang isama si Ojie sa Amerika. Dinala nila ulit sa karnabal si Ojie para
makapag usap sila. Kinausap ni Lea ang kaniyang anak. Na panahon naman para kay Ojie na
makasama at maramdaman ang pangangalaga ng kaniyang tatay Raffy. Na maranasan niyang
mag kwento ng tanging sa kapwa lalaki niya lamang maikukwento at iyon Ang tatay Raffy niya.
Malaki na si Ojie at napagisip isip ni Lea na panahon na para bigyan ng kalayaan ang kaniyang
anak na mamili at magdesisyon. Mayroon pa itong isang taon.
Araw na nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito, nalito pa ang guro
sapagkat akala nito ay De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat
ng magulang sa eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya
na ang magsasalita ay sinabi nito na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras.Nabasag ang
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
habang pinipigilan niya ang hindi mapamura ng makita ang baluktot at walang kaseryosohan na
nga botante . Sa pagbobotohan ay may isang lalaking laging sinasama ang pangalan ni lea sa
mga kandidato na naging dahilan upang hindi na makapagpigil si lea na magsalita at sabihin
lahat ng katiwalian na kanyang napansin sa pagpupulong ,Umayon naman sakanya ang lahat at
binoto at nanalo siya bilang chairperson sa eleksyon.
Samantalang Naapektuhan naman si Ojie dahil sa pagiisip nito sa kanyang ama at sa kung
anong sitwasyon niya dito ,Nagbulakbol siya sa pamamagitan ng hindi pagpasok sa school at
paglalaro nalang ng pool buong maghapon , Galit na sinermunan naman ito ni lea ngunit hindi
niya inaasahan na may isusumbat sakanya si ojie na naging dahilan upang masampal niya ito
.Agad namang nagising at nagsisi si lea sa ginawa niya at naawa sa nararamdamang
pangungulila ng kaniyang anak sa ama nito.Binilhan ni lea ng bisikleta si ojie upang makabawi
sa kaniyang anak . Nagkaroon pa sila ng pagtatalo ni Ding sa nga possibleng mangyare dahil
sa bisikletang iyon . Samantalang Unti-unti namang nahulog ang loob ni lea sa kaniyang
kaibigan na si Johny Deogracias dahil ito ang laging nandiyan para sa kaniya at sa kaniyang
mga anak kapag wala ang kaniyang asawang si Ding kaya naman ng nagkaroon siya ng
pagkakataong makapagsolo silang dalawa ay ginawa na ni lea ang lahat upang makapunta sa
lakad na iyon kaya't laking panghihinayang at pagkabigo ni lea ng sabihin sa kanya ni johny na
hindi siya makakapunta dahil sa isa pang trabaho at lakad nito.
Pagkarating ni lea sa Baguio ay nakita niya ang magagadang tanawin nito bukod dito ay nakita
niya rin ang pamumuhay ng ilang sa mga kabataang paslit na nag-aagawan sa mga
kakapiranggot na hinahangis ng mga turistang dumadayo roon . Madaling araw na ng makauwe
si lea sa kaniyang bahay .Agad niyang tinawagan si Raffy para kunin ang kaniyang mga anak
na iniwan niya rito ngunit hindi ito sumasagot. Dumating si Ding at nagalit kung bakit iniwan ni
lea ang kaniyang anak kay raffy natigil lang ito ng may tumawag kay lea na nanganak na ang
asawa ni raffy na si Elinor .Agad namang pumunta si Lea sa ospital ngunit galit na Raffy ang
sumalubong sa kaniya . Nagkaroon sila nang pagtatalo dahil gustong sustentohan ni raffy ang
mga anak nila lea upang manatili at maalagaan ito ng maayos ngunit hindi pabor dito si lea .
Umuwi ang silang mag-iina na may iniwang sakit kay lea ang nagyaring pagtatalong
iyon.Natapos na ang unang kwarter ng pasukan at ibinigay na ng mga anak ni lea ang kanilang
nga report card .Mas mataas ang nakuhang grado ni maya kay sa kay ojie at dahil sa malalim
na pagiisip ni lea ay napagpalit niya ang pagpirma sa dalawang bata .Kaya naman nagbigay
siya ng sulat sa guro nito na upang makahingi ng panibagong report card at magbabayad na
lamang siya pero ang sabi ng guro ay kailangan makausap niya ang principal.
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
Nang makausap niya ang principal ay nalaman nito na nagtatrabaho si para sa mga karapatang
pantao.Humanga naman ito sa kaniya at nagkwento rin tungkol sa mga karanasan niya rito.
Nang araw na iyon ay naging magkaibigan sina Lea at ang principal na si Mrs.Zalamea.Nasa
opisina at nagtatrabaho si lea nang tunawag ang kaniyang kapitbahay at ibinalita nito na
naospital ang kaniyang mga anak dahil sa bisikleta kaya't dali-dali siyang umalis at pumunta sa
ospital at nalaman na nagtamo lamang sila ng bukol at mga gasgas ngunit kahit na ganon ay
pinatawag parin ng magkapatid ang kanilang mga ama . Galit na Galit nang dumating sina Raffy
at Ding na pinagtutulungan at pinagbabato ng sermonan si lea na para bang ito ang may
kasalanan sa nangyari.Dahil sa galit ay iniwan ni lea ang kaniyang nga anak sa kani-kanilang
mga ama.
Dumating si Lea sa bahay na tumutunog ang telepono.Hinulaan agad niya kung sino sa dalawa
niyang asawa ang tumawag at kung sino man ito kina Raffy at Ding ay tiyak na papabalikin at
aaregluhin lang siya para magrebelyo sa mga bata.Kinuha ni Lea ang telepono na hindi tumitigil
sa pagtunog,minura at sinigawan nito ang ang kausap.Sumagot ang na sa kabilang linya na si
Johnny Deogracias:katrabaho- at kaibigan ni Lea. Tinanong ni Johnny kung ayos lang ba ito
dahil sa inasta,napaupo si Lea sa sopa,nagpandalas ng hininga at sinabing 'oo'.Bumuntong
hininga si Johnny at iniba ang tanong,kinamusta nito ang mga bata.Sinabi naman ni Lea na
ayos na ang mga ito at kasama ang kanilang mga ama.
Nakiusap si Lea na magkita sila ni Johnny,nanoood sila ng sine na ang istorya ay tungkol sa
triyanggulong pag-ibig.Sa gitna ng baliktaktakan ng dalawang tauhan na pinapanood nila ay
biglang nagtanong si Lea kay Johnny ngunit sinuway at pinatatahimik lang siya nito.Ng hindi
tumahimik si Lea kakatanong ay hinila at lumabas na lang sila.Pagod at nagsisismula nang
kumirot ang ulo ni Lea para itong pinupokpok,kanina pa siyang nakabilad sa kalye,nagpunas na
lang siya para alisin ang konting lagkit at alikabok sa kaniyang katawan.Naisin man nitong
maligo ngunit pasma ang aabutin niya.
Nagtangkang magbiro ni Lea, at hindi maganda ang kinalabasan,may gustong sabihin si Lea
kay Johnny ngunit nahihiya itong magsabi.Tumawa si Johnny,kalaunan,itin-apat ni Lea na gusto
nitong magpaano sa kaibigan.Muntik nang mapalundag si Johnny,pinapawisan ito at sinabi na
hindi niya ito magagawa.Si Lea naman ay gumaan na ang pakiramdam sakaniyang matagal
nang gustong sabihin.Naawa si Johnny sa kaibigan kaya inakbayan niya ito para konsulahin at
ipadama nito na ang pagtanggi niya ay hindi naman dahil sa hindi ito kaibig-ibig.
Hinapit,binulungan at hinalikan pero d'on siya nagkamali,dahil pagkatapos nitong halikan si Lea
ay sa hotel ang kanilang bagsak.Pinaghandaan ni Lea ang pagdating ng kaniyang mga anak.Sa
telepono lang niya inalam kung ire-release na ang mga bata.Hanggang huli,hindi siya nagpakita
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
sa ospital at pinarusahan niya sina Ding at Raffy.Nalaman din niya na bayad na ang hospital
bill,nagtaka ito kung binayaran lahat ito ni Raffy o nagkanya-kanyang anak ang dalawang
lalaki.Tanghali nang dumating ang mga bata at si Ding ang kasama.
Niyakap niya sina Maya at Ojie,Inusig siya ng anak niyang lalaki sa hindi pagsipot nito sa
ospital,ipinagtanggol naman siya ni Maya.Sa pagsulyap ni Lea kay Ding,naisip niya bigla kapag
nalaman nito na magdamag siyang kayakap ng iba.May isa pang naisip si Lea,na matagal nang
hindi sila nag-aano.Tinanong ni Lea si Ding kung sino ang nagbayad sa ospital,nainis agad si
Ding at sinabi ang saloobin,sinabi rin nito na naghati sila ni Raffy sa pagbayad.Itiniklop ni Ding
ang dyaryo na kaniyang binabasa at agad na umalis.
Nakatanga ang mga bata sa nangyari,binalingan naman ni Lea ang mga ito at
pinagpahinga.Nang kinagabihan,pumunta ang asawa ni Johnny na si Chona sa bahay ni
Lea,sinabi nito na inaresto ang kaniyang asawa.Pumunta sa Plasa Roma si Lea.Lalaki't
babae,bata't matanda ay pumunta para sa okasyon na isang linggong fasting bilang isa pang
porma ng protesta para sa kalayaan ng mga bilanggong pulitikal.Ininda ang pagod at gutom
para sa kalayaan at hustisya.Disyembre na,nag-uumpisa na ang mga kantang pamasko at
pamaskong tanawin.Dumating ang bisperas ng pasko,hinintay ni Lea ang mga bisita na mga
anak ng mga bilanggong pulitikal na magka-caroling,pero hindi ng pera kundi pagkaunawa at
pakiisa.
Dala ang letter of appeal para sa dagdag na pangalang pipirma sa listahan ng mga tumututol sa
patuloy na pagkabilanggo ng mga asawa't ama.Bisperas ng Bagong taon,kumpleto si Lea sa
handa para sa mga anak.Inimbita ni Lea si Sister Ann sa kaniyang bahay para doon na
magsilebrita ng bagong taon.Mag-aalas dose na kaya may namumuo ng usok na galing sa mga
sinisindihan paputok,ginising ni Lea si Maya para salubungin ang bagong taon.Nag-uumpisa na
ang klase ngunit hindi parin dumarating si Ding.
Napag-isipan ni Lea na baka may pagkakataon pa siyang ipakilala ang sarili sa lalaki,na baka
makalikha pa rin sila ng tunay na pagsasama.Isang gabi,dumating si Ding na hindi inaasahan ni
Lea na darating.Tinangkang magbiro ni Lea ngunit hindi siya pinansin ng
lalaki,bagkus,pinunt-ahan nito ang mga natutulog na bata sa kuwarto at hinaplos ang buhok at
hinalikan ang mga ito.Kinausap ni Ding si Lea,ipinagtapat nito na ikinasal na siya sa ibang
babae,noon pang pasko at gusto rin nitong kunin ang anak niyang si Maya kung
maaari.Kinabukasan,s-inabi ito ni let sa mga anak.Marso A-Primero,nagsimula ang pagprotesta.
Dumating si Raffy at hindi namalayan ni Lea na nasa harap na niya ito,napaupo si Raffy at
umorder ng beer.Nagsalin ito sa baso ng makarating ang inorder,pinag-usapan nila ang
pagdesisyun na hindi pagsama ni Ojie kay Raffy.Sa mga oras na iyon,binuhay nila ang dating
panahon,Iyong panahong halik at masusuyong haplos,Yung walang nakakaalam.Nakatapat sa
mukha ni Lea ang mukha ni Raffy,tumutulo pati ang sipon niya sa pag-iyak pero maligaya
siya.Niyakap uli siya ni Raffy at hinalikan sa huling pagkakataon. Ika-siyam ng umaga ang
simula ng graduation ngunit ikawalo pa lang ay dumadagsa na ang mga estudyante na kasama
ang kanilang mga magulang.Ikawalo't kalahati'y inaayos na ng mga titser ang linya ng kanya-
kanyang section,Hindi umuupo ang mga naunang pumasok dahil hinihintay makapasok ang
lahat. Kumanta ng Pambansang Awit at pagkatapos nito'y nagsalita ang prinsipal. Tinawag ang
magbibigay ng Inspirational Talk na walang iba kundi si Lea Bustamante,nagpalakpakan ang
mga tao.Natapos ang talumpati at dumilim ang paligid ng Auditorium,sumindi ang maliliit na
hingas ng kandila ng mga bata at sama-samang umawit ang lahat.
DALUBHASA ANG OLIVAREZ
Dr. Pablo R. Olivarez- Senior-High School
Taong Panuruang 2019-2020
V TEORYANG PAMPANITIKAN
5.1 FEMINISMO
Hindi porke ina na ko'y huminti na ako sa paglaki.Hindi porke ako'y maiiwan ako sa
labanan.Para sa kaligtasan ng lipunan at kinabukasan ng anak ko.Sa digmaan ng mga uri't
prinsipyo,magtiwala kayo.....Sasama ako...