You are on page 1of 75

Saint Theresa College of Tandag, Inc.

Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300


Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

MODYUL
2046 Fil. Lit. 105 – Maikling Kwentong Filipino

MAIKLING KWENTO O MAIKLING KATHA


Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay
hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling
Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na
hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.Ito ay nababasa sa isang tagpuan,
nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming
may kaisahan.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Si Edgar Allan Poe (Enero 19, 1809 - Oktubre 7, 1849) ay


isang Amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na
mga maiikling kuwento at mga tula. Ang "The Raven" ang pinakakilala niyang tula,
nagsasalaysay tungkol sa ng pagdadalamhati at kawalan ng isang lalaki. Kasama sa
iba pa niyang mga akda ang "The Tell-Tale Heart" at "The Cask of Amontillado."
Gumanap ring patnugot at manunuring pampanitikan si Poe, kaya itinuturing din siya
bilang bahagi ng Kilusang Romantiko sa Amerika. Kinikilala siya bilang imbentor ng
uri ng salaysaying kathang-isip na pangdetektibo, at isa ring kontributor sa
lumalaganap nang henero ng salaysaying makaagham. Siya ang kauna-unahang
kilalang Amerikanong manunulat na sumubok na maghanapbuhay sa pamamagitan
ng pagsusulat lamang, na naging sanhi ng kahirapang pangpananalapi  sa buhay at
larangan.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Deogracias A. Rosario
Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, si Deogracias A. Rosario ay
ang Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng
mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at
Rosalino. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa “Ang
Mithi”, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa
pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.

Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nang kinalaunan ay


nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa
tula at maiikling kwento. Sa Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng
patnugot at sa huli, ay naging patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News,
Sampaguita at Lipang Kalabaw.

Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa,


si Rosario ay isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway.

Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat.


Kabilang dito ay ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng
mga Dalubhasa at ang Akademya ng Wikang Tagalog. Nagsilbi siya bilang pangulo
ng Ilaw at Panitik, na may mga prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H.
Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Mga Uri ng Maikling Kwento


May siyam na uri ang maikling kuwento at ito ang mga sumusunod:
1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
isang mambabasa.
2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.
3. Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan
ng buong bayan.
4. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling
kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ang walong(8) elemento ng maikling kwento at kanilang mga kahulugan.


1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kwento. Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:
 Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
 Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan
sa kwento.
 Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
 Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema.
 Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.
4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.
7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, o tao laban sa kalikasan.
8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

Sanggunian:
https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-kahulugan/

___________________________________________________________________
Ihinanda ni:
Bb. Jackelyn C. Laurente
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Kalipunan ng mga
Piling Maikling
Kwentong Tagalog ng
mga Tanyag na
Manunulat
2046 Fil. Lit. 105-Maikling Kwentong Filipino

Inihanda ni:

Bb. Jackelyn C. Laurente


Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ANG KWENTO NI MABUTI


ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa
isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit
sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig
ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at
bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan n buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin,
sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit
walang anumang maganda sa kanyan anyo… at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa
kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala
niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang
pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang
iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga
salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling
pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng
paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti
nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya
akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata
ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga
nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay
tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking
suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig.
“Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong
isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa
hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako
makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat
na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang
kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang
ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa
pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya
sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung
paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit,
siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y
tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin
ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na
iyo na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na …
iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:
“sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin
ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”
Si Mabuti’y nagging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal
at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa
kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon
ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong
iyon. At habang tumaaginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y
hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan n pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-
aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong…
aming dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula
akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi.
Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-
aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang
aming pandinig at natutuhan naming unti-inti ang kagandahan ng buhay. Bawat
aralin naming sa anitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa
kagandahan at ako’y humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama
niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa


silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa
mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasa;ling ng damdamin. Marahil, ang
pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na
karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng
pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na
babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin
kailanman tungkol sa ama ngh batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral
naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay
nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang
paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan,
tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba
ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng
kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa
kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat
walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay
nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang
isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng
kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang,
ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y
anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya’y magsisimula na iyong mag-
aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang
mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran
ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang
mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang
may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang
ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa
lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya,
tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa
sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan
sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang.
Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong
nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng
kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya


ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito :
“Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga
lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti,
at ngayon, magsimula sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap
na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit
samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang
pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga
nilalang na sapagkat nakaranas n mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga
lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay
ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas sa ang mga nagtatagong kagandahan sa
aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng
pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang
tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil
ay magiging isang manggagamot din baling araw, ay namatay at naburol ng
dalawang gabi at dalawang araw sa isan bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at
ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa
buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. …….

 http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/ang-kwento-ni-mabuti.html
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Sa Bagong Paraiso
(Ni Efren Reyes Abueg)

Nilisan ng batang lalaki at batang babae ang kinagisnang daigdig upang lasapin ang
biyayang handog ng itinuturing nilang Bagong Paraiso.

Sa simula’y mga bata silang walong taong gulang - isang lalaki at isang babae. At
ang kanilang daigdig ay isang malawak na loobang tinitirikan ng dalawang tabla’t
yerong bahay, na ang isa’y nasa Silangan at ang isa’y nasa Kanluran: at sa pagitan
niyon ay walang bakod na nakapagitan.

Ang malawak na looban ay mapuno, mahalaman, maibon, at makulisap at may


landas na humahawi sa dawagan at tumutugpa sa dalampasigang malamig ang
buhangin kung umaga, nguni’t nakapapaso sa tanghalian.

Ang kanilang daigdig ay tahimik; ang kanilang kabuhayan ay hindi suliranin; ang
kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway – ang mga ito’y maka-Diyos at walang
araw ng Linggo o araw ng pangilin na hindi makikita ang mga ito sa kanilang bisita
sa dakong hilaga ng nayon.

Ang mga ito’y may rosaryo sa kanilang mga palad at may mga usal ng dalangin sa
mga labi.

At silang dalawa - ang batang lalaki at ang batang babae - ay nagsisipag-aral,


kasama pa ng ibang bata sa maliit na gusaling may tatlong silid sa dakong timog ng
nayon. Sila’y may mga pangarap, na ang sakop ay lumalakdaw sa hangganan ng
nayong iyon, ng bayang iyon, at ng lalawigang kinaroroonan niyon.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal.
Silang dalawa’y naglalaro sa loob ng bakurang iyon, mula sa umaga hanggang sa
hapon. Umaakyat sila sa mga punong santol, sa punong bayabas, sa marurupok na
sanga ng sinigwelas, maaligasgas at malulutong na sanga ng punong mangga.
Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang kanilang mukha at kung
minsan ay nalilinsaran sila ng buto kung nahuhulog – ngunit ang lahat na iyon ay
hindi nila iniinda, patuloy sila sa paglalaro.

Malamig sa ilalim ng punong mangga. Makapal ang damo sa sakop ng lilim niyon
kung umaga at doon silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran at kung
sila’y humihingal na ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang malalabay
na sanga ng puno, sisilip sila sa pagitan ng masinsing mga dahon at
magkukunwaring aaninawin sa langit ang kanilang mukha.

“Loko mo … makikita mo ba ang mukha mo sa langit? “ minsan ay sabi ng batang


babae.

“Bakit hindi? Ang langit ay isang malaking salamin, sabi ni Tatay ko.” sagot naman
ng batang lalaki.

Ang batang babae ay makikisilip din sa pagitan ng masinsing mga dahon, na waring
ibig patunayan ng sariling paningin ang sinabi ng kalaro. At pagkaraang tumingin sa
langit nang matagal, sila’y lalagumin ng katahimikan – ang kanilang katawan ay
nakalatag na parang mga kumot, hanggang sa sila’y makatulog at gisingin sila ng
tawag mula sa kanilang bahay.

Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising: kung minsan naman ay ang
batang babae. Nguni’t sino man sa kanila ang unang magising, kukuha ito ng
kaputol na damo at kikilitiin ang taynga ng natutulog. At ang natutulog ay
mapupukaw, mababalikwas at pagkarinig na siya’y pinagtatawanan ay magtitindig at
ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila’y maghahabulan sa
damuhang iyon, magpapa- ikut-ikot haggang sa ang isa’y mahapo at sila’y muling
bumagsak sa kalamigan ng damuhan, magkatabi at hindi nila pinapansin ang
pagkaka - dantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga
katawan.

Kung sila’y nagsasawa na sa loobang iyon, sila’y nagtutungo sa dalampasigan kung


malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi. Inilalagay ng batang
lalaki sa bulsa ng kayang putot na pantalon ang nakukuha niyang kabibi, at ang
nadarampot naman ng batang babae ay inilalagay nito sa sinupot na laylayan ng
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

suot niyang damit. Kung hindi naman kabibi ang pinagkakaabalahan nila sa
dalampasigan, naghuhukay sila ng halamis sa talpukan, o kaya’y gumagawa ng
kastilyong buhangin, o kaya’y nanunugis ng mga kulukoy na kung hindi nangungubli
sa kanilang malalalim na lungga ay lumulusong sa talpukan at bumabaon sa
masigay na buhangin.

Ngunit hindi lamang iyon ang kanilang ginagawa: Nagtutudyuhan din sila,
naghahabulan at kapag nahahapo na, mahihiga rin sila sa buhangin, tulad ng
ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi, nagkakangitian
sila. Minsan ay itinatanong ng batang lalaki sa batang babae:

Naririnig mo ba na may tumutunog sa aking dibdib?”

At ang batang babae ay nagtaka. Bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro.

“ Pakinggan ko nga,” anang batang babae.

Inilapit ng batang babae ang kanyang taynga sa dibdib ng batang lalaki,dumadaiti


ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang
halimuyak ng kanyang buhok.

“Ang bango mo pala!” ang batang lalaki ay nakangiti.

“Aba … hindi naman ako nagpapabango, “ anang batang babae na lumupasay sa


tabi ng nakahigang kalaro. “ Paglaki ko raw ay saka na ako magpapabango, sabi ng
nanay ko.”

“Teka nga pala, narinig mo ba ang tunog sa dibdib ko? usisa ng batang lalaki.

“Oo … ano kaya ang ibig sabihin niyon?”

Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. “Malay ko …
tena na nga.”

Bumangon ang batang lalaki, pinagpag ang buhanging dumikit sa kanyang bisig at
sa kanyang pantalon at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at
habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad,
nakatanaw sila sa paglubog na araw.

“Ang ganda, ano” naibulalas ng batang lalaki. “Parang may pintang dugo ang langit.”
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?” sagot naman ng
batang babae.

Hindi sumagot ang batang lalaki. Nakatanaw ito sa mapulang latay ng liwanag ng
araw sa kanluran.

Puring-puri ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga


kanayon. At kinaiinggitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng
pagkakataong makihalubilo sa kanila.

“Siguro, paglaki ng mga batang ‘yan… silang dalawa ang magkakapangasawahan.

Narinig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila’y nagtataka. Hindi nila madalumat
ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit
pang nakakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang
dalawa’y parang tuko - magkakapit.

At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking
malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila ay humarang sa kanilang
dinaraanan at sila’y tinudyo nang tinudyo.

“Kapit-tuko! Kapit-tuko!”

Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag nito sa paanan ng
nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban.
Nagpagulong-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong,
nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila’y
inawat at sila’y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing “desk” at
tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit.

Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa


kanila. At sila’y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-
malay.

Namulaklak ang mga mangga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang
mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga.
Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa
pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog.
Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang
tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang
dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-sagot ang bugtong
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

kung bakit kulay dugo ang silahis ng araw kung dapit- hapon. At sa wakas ay
namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang
isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila’y naasiman at idinalangin nila ang
maagang pag-ulan – sapagkat sabi ng kanilang lola’y madaling bibintog at
mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila’y naniwala at hinintay nila
ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo, silang dalawa’y
naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong
damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhanan ngayon. Pagkaraan
pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas . Nagmamadali
silang nanaog at ang batang lalaki’y umakyat sa puno at ang batang babae naman
ay naghanap ng sungkit.

At ang pamumulaklak at pamumunga ng mangga, santol at sinigwelas at ng iba


pang punongkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay
natuyo at muling sinibulan ng bagong supling: ang araw ay lumubog at sumikat at
hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyon kung dapit - hapon.

Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng


isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-uusapan kundi ang
katalinuhan ng kanilang mga anak.

Nang dumating ang pasukan, ang batang lalaki at ang batang babae ay sakay ng
kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng haiskul. Ngunit iba na ang
kanilang ayos. Ang batang lalaki’y hindi na nakapantalong maikli - putot: siya’y
nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid ng
pomada. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at
ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita ng batang lalaki ang
alak-alakan nito.

Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na hindi nila napigil at siyang
nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan.

Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki’y hindi na sa batang babae


lamang nakikipaglaro – siya’y nakahalubilo na rin ng maraming batang lalaking
pumapasok sa nagagapok nang gusaling iyon ng paaralan. Nakikipagharutan siya
sa mga ito, nakikipagbuno, nakikipagsuntukan – at higit sa lahat, nakikipagtuklasan
ng lihim sa isa’t isa. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki
ang nakapabilog sa isang batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan
niyang kailangang mangyari sa kanya.

Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-aral.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Naupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon
ng kanyang ama.

Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung
bakit kailangang gawin pa iyon.

Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat.

“Kailangan ‘yon upang ikaw ay maging ganap na lalaki! “ sagot ng kanyang ama.

Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata’y naghiwatig ng
pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang malay.

“Hayaan mo … “dugtong ng kanyang ama. “Isang araw, isasama kita kay Ba Aryo.
Maging matapang ka lamang sana … “

Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya
siya. Ngayon lamang iyon. Kaya’t kahit patuloy pa rin silang nagtutungo sa
dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa
sigla ng batang lalaki.

At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba


Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan
ng iba pang ginawa, siya’y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog.

“Ang damuho … pagkalaki-laki’y parang hindi lalaki.”

Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang
ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang
kawalang malay.

Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang
pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng
bahay ni Ba Aryo, hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung
nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito’y nakahiga sa
damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula
ang mga mata ng batang babae nang dumating ito sa isang dapit - hapon sa tabing-
dagat.

“Bakit?” usisa niya.


Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Wa – wala … wala!”

Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang sigla niya sa
pakikkipaglaro rito ang dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol
dito … hanggang sa mahawa ito at sila’y naghabulan sa buhanginan. Sumisigaw sila
sa katuwaan hanggang sa manigas ang kanilang mga binti at kinakailangang
humiga naman sila sa buhanginan. Humagikgik pa sila nang mapatong ang kamay
ng batang lalaki sa kanyang dibdib at nadama niyang lalong malakas ang pintig
doon.

“Tingnan mo … pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko,” anyaya ng batang lalaki.

Ngunit hindi kumilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa
maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at
tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito.

“Bakit?”

Saka lamang tumigin ang batang babae sa batang lalaki. At ito’y umiyak at ang
luhang tumulo sa pisngi’y pinahid ng palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay
pinaniktan ng buhangin.

“ Hindi na pala tayo maaaring maglaro… ng tulad ng dati,” anang batang babae sa
basag na tinig.

“Hindi na?” Parang sasabog sa kawalang-malay ang katauhan ng batang lalaki.

“Malalaki na raw tayo … malalaki nang tao. Hindi raw maglalaon, tayo’y magiging
dalaga … at binata.”

“Sinabi ‘yon ng Nanay mo?”

“Oo, sinabi niya … na hindi na tayo maaaring maghabulan, o kaya’y umakyat sa


punongkahoy o kaya’y pagabi sa tabing dagat,” sabi pa ng batang babae.

“Kangina sinabi sa’yo … ng Nanay mo?”

Tumango ang batang babae “Ngayon daw … hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita
na … at ikaw raw ay binatilyo!”

At waring ang batang lalaki’y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig,
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ang kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay naunawaan niyang totoo


ang sinabi nito.

“Ayaw ka na palang papuntahin dito’y … bakit narito ka pa … gabi na!?

Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at
mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo
at ang pagkakahawak nila sa bisig ng isa’t isa ay parang isang pagpapatunay ng
tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan.

Hindi na nga sila mga bata. Siya’y dalagita na. Siya naman at binatilyo na. Ang
pagbabagong iyon ang nagpapaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa

pagitan nila. Nagkita pa rin sila sa looban, ngunit hindi nga lamang tulad ng dating
nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang laging may nakatingin sa
kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa
paaralran, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tulo’y ay hindi na matunog; ang
hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, malayo sa hiyaw nito noong araw; ang
kanilang pag-uusap ay hindi na malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang
gagamitin.

At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng


kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang
lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng likod bahay.

Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa


kanya: Hindi mo na kailangang dito pa labhan ‘yan…

Nagtapos sila ng haiskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang


diploma. At nang magsayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi
naman sila nahapo, ang tibok sa kanyang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay
hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-usap ang kanilang mga mata
ngunit ang kanilang mga labi’y tikom at kung gumagalaw man upang pawiin ang
panunuyo o paglalamat niyon.

At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpalaki
sa lamat a kanilang kawalang - malay.

Maliwanag ang naririnig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng


karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawan niya ang ibig sabihin niyon,
nguni’t ang pagtutol ay hindi niya maluom sa kanyang kalooban.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Pero, Inay … Kaibigan ko si Ariel.” May himagsik sa kanyang tinig.

“Kahit na … kayo’y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin. “
May langkap na tigas ang sagot na iyon.

Alam niya ang kahulugan niyon: Masama? Parang pait iyong umuukit ng kung anong
bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama.

“Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!”

At ang pait na may iniuukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang
kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawngaw ng :
Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim
ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid.

“Ayaw nila … ng Inay, ng Itay … masama raw,” at ang mga labi niya’y nangatal,
kasabay ng luhang umahon a kanyang mga mata.

Iyon lamang at minsang dalawin siya ng binata sa dormitoryo, natuklasan nila sa


isa’t isa na mataas na ang dingding sa kanilang pagitan. Matatag iyon, makapal, at
waring hindi nila maibubuwal.

“Huwag na muna tayong magkita, Ariel,” sabi niya sa binata. Napatitig sa kanya si
Ariel at nakita niya ang pamamantal ng noo nito – at pagtataka sa damdaming unti-
unting nasasaktan.

“Ba-bakit … dati naman tayong …”

At si Ariel ang kanyang kababata ay lumisang larawan ng isang bilanggong hindi


nakaigpaw sa isang mataas na pader.

Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at


napuna agad iyon ng kanyang ama.

“Bakit?”

“Ayaw nang makipagkita sa akin si Cleofe,”

Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng kaugalian nito tuwing may ilalapit siyang
suliranin.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Walang kuwenta ‘yon. Makita mo, kapag tapos na si Cleofe ay magkakalapit kayong
muli. Hindi mo ba alam … na gustung-gusto ng kanyang mga magulang na maging
doktora siya?

Pagsigaw ang alingawngaw ng kanyang tinig sa kanyang isip.

“At habang nagdodoktora siya ay masamang kami’y magkita?”

“Tama ka! “ maagap na pakli ng kanyang ama. “Hindi mo ba alam na kapag malapit
ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso! “

“Tukso! Tukso! Parang matalim na kutsilyong isinaksak sa kanyang utak ang


katagang iyon. Mahapdi, Makirot. Parang binibiyak ang kanyang ulo.

Napapikit siya. Nagunita niya ang luntiang damuhan sa looban ang malamig na
buhanginan kung hapon, ang mapulang silahis ng araw na parang dugo.

At ang dalawa’y hindi nagkita, gayong nasa isang lungsod na maliit at maglakad ka
lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala.
Mangyari’y iniiwasan nila ang magkita, mangyari’y sinisikil nila ang paglago ng
halaman sa kanilang katauhan na pinag-uugat at pinapag-usbong ng mga araw sa
luntiang damuhan sa looban at malamig na buhangin sa dalampasigan kung dapit -
hapon. Hindi sila nagkita, sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay
masama, tukso. At sa kanilang bagong daigdig ng aklat, ng mataas na gusali ng
malayong kabataan sa kapaligiran, ang isiping iyon ay parang tabak na nakabitin sa
kanilang ulo o kaya’y tulad din ng isang mansanas na bibitin - bitin sa nakayungyong
na sanga ng punongkahoy.

Hindi sila nagkita sa loob ng mahaba ring panahon, mga buwan at sana’y mga taon
kung nakatiis sila - kung tuluyang nasikil nila ang halamang patuloy sa pagbabago
sa kanilang katauhan.

Hindi nga sila nakatiis - isang araw na hindi sinasadya’y nagkasalubong sila sa
pamimili ng kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglakad at nabangga na sila ng
mga tao sa bangketa ay hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ay naglakas loob at
binati niya ang dalaga.

Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang
anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restaurant ay
napasunod lamang siya, napatangay sa agos ng kanyang damdamin. At sa harap ng
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

kanilang

hininging pagkain, sila’y nagkatitigan at sila’y nakalimot at akala nila’y nasa luntiang
damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa’t isa.

At sila’y nagkita sa Luneta, hindi lamang minsan kundi sa maraming pagkikita,


marami-marami, at ang kanilang sikil na damdamin ay lumaya at sa unang
pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan sila’y lumigaya.

Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isip


ay sumibol na at nagpapaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama.
Nguni’t sila’y naghihimagsik.

Malinaw ang sinabi sa sulat: sa pook pa namang iyon, sa lahat ng pook na dapat
mong pakaiwasan - doon kayo nakita. Hindi na sana malubha kung nagkita lamang
kayo ngunit nakita kayong magkahawak - kamay … sa karamihan ng tao sa paligid.
Hindi kayo nahiya.

Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga


sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang
iyan.

… ipinaaabot dito ng mga magulang ni Cleofe ang ginawa ninyo. Hiyang-hiya kami
ng iyong ama. Ibig naming makatapos ka … at ibig naming ipaalalang muli sa iyo na
ang babae ay tukso … tukso!

Kaya ibig niyang umalis sa silid na iyon upang hindi marinig ang alingawngaw ng
katagang iyon: tukso – tukso – tukso !

Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinabi ng binata:


magkikita tayo, magtatago tayo … ililihim natin sa kanila ang lahat.

At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon
sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik, ng takot na matutop, at ng
pangangailangan.

Sa mga pook na iyon pilit nilang iginupo ang dingding na ipinagitan sa kanila. At sa
palagay nila sila ay nagtagumpay. Naalis ang hadlang. Ngunit sa kanilang utak,
nagsusumiksik at nanunumbat ang alingawngaw ng pagbabawal: lumalarawan ang
nananalim na tingin! Masama … tukso!
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

At ngayon, ang kanilang paraiso ay hindi na ang malawak na looban, o kaya’y ang
dalampasigang malamig kung dapit - hapong ang silahis ng araw ay mapulang
parang dugo. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, sulok-sulok, malamig din ngunit
hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan.

Maligaya sila sa kanilang daigdig, Maligaya sila sa kanilang bagong paraiso.


Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan at nangagulat ang
mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang
madalang ay naging masinsin.

Ang dalaga ay dumungaw sa bintana – masama ang kanyang pakiramdam. May


kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig
niyang itapon. At iyon ay umakyat sa kanyang lalamunan.

Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang


pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip
niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nalinis ng tubig ang
bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang isinikad na pataas sa lalamunan
ang kanyang bituka at siya’y napanganga at siya’y napapikit at siya’y napaluha at
paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal siya … at
ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at
pagkaraa’y nilinis ng patak ng ulan, inanod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng
daan.

At ang dalaga’y napabulalas ng iyak.


 http://teksbok.blogspot.com/2011/03/sa-bagong-paraiso.html
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Tata Selo
ni Rogelio Sikat

Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit
nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang
Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad
makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May
nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may
inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at
paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang
kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang
tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga,
“talagang hindi ko mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo.
Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga
taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito,
walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na
alikabok.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa
partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako.
Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng
kahit isang pinangko kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa
rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang
propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang
nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi,
nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta
kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang
kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis
ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa
binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong
dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking
asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang
iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi
ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa
kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa.
Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay!
tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo,
tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo
at lumapit sa isang pulis.
“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang
magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad
na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may
halas. May sukbit itong lilik.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa
may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap
ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang
bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya
sa balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang
maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina
Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa
pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si
Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito,
kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang
busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di
pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang
alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang
malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing
inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan.
Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked
si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata
Selo sa istaked.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang


tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang
nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa
nasasalaminang mesa.\
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong
umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at
naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw
na luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong
magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente,
malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas
sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko
ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa
pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi
niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako.
‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan
po niya ako nang tinungkod.”
“Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang
nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-
galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa
makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang
paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Hindi sumagot si Tata Selo.


“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
“May sakit po siya?”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng
kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde
upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata
Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang
labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig,
napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang
tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo
ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang
papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin,
may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde
sa matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak
si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang
kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong
mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang
dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng
maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at
lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas
nguni’t pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang
tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon.
Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis.
Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo.
Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi
makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa.
Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos,
dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong
napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan.
Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay
Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo
sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka
Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang
kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya


ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi
ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga
halata.”
“Ang anak, dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata
Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw
ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na
humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag
niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang
kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah.
Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
“Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang
tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang
umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling
bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik,
pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon.
May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata
Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked.
Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na
mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa
rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang
papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na
ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha


na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa
kanila... http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/07/tata-selo-ni-regilio-sikat.html
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Walang Panginoon
Ni Deogracias Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay


malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling
daliri, hindi niya malaman kung saan magtutungo. Isinisiksik ang kanyang ulo kahit
saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipapasak sa mga butas ng kanyang
tainga.

Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo
ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang
bayan. Gayunman, kahit na saan siyang magsiksik, kahit na saan siya magtutungo,
kahit na anong gawin niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay lalong nanunuot sa
kaniyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

“Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’y dinadaya ang
sarili kung wala na siyang nauulinigang ano mang taginting ng kampana.

“Tapos na. Tapos…” ang sunud-sunod namang itinugon ng kanyang ina paniwalang-
paniwala hindi nga naririnig ang malungkot na animas.

“Ngunit Marcos..” ang baling uli na matandang babae sa anak. “Bakit ayaw mong
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

marinig ang oras na ukol sa kaluluwa?” iya’y pagpapagunita sa mga tao na dapat
mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay.
Lalo ka na Marcos, marami kang dapat ipagdasal. Una-una’y ang iyong
ama,ikalawa’y ang kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong bunso,
saka… saka si Anita.” Ang hul;ing pangalan ay binigkas na marahan ng matandang
babae.

Si marcos ay di kumibo. Samantalang pinararangalan siya ng kaniyang ina, ang mga


mata niyang galing sa pagkapikit kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahan
siniputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya magsasalita. Subalit sas kanyang sarili, sa
kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may nangungusap may nagsasalita.

“Dahil din sas kanila, lalung-lalo na kay Anit, ayaw kong marinig ang malungkot na
tunog ng batingaw,” ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang labi hanggang
sa dumugo upang ipahalata sa ina ang pagkukuyom ng kanyang damdamin.

Akala nang ina’y nahulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng
matandaay nabasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naisip niyang
kaya nalulungkot si Marcos ay sapagkat hindi pa natatagalang namatay si Anita, ang
magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan.
Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng
pagpupunyaging matuto sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat ng pag-iimpok na
ginawa upang maging isang ulirang anak-pawis ay ukol kay Anita. At saka namatay!
Nararamdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot para sa kanyang anak ang
gayong dagok ng kasawian. Dapat ngang maging malungkutin ang kanyang anak.
Ito ang kanyang ibig libangi. Ito ang nais niyang aliwin. Kung maari sana’y
mabunutan ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.

“Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka
kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara.” “Si Inang naman,”
ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasabi nang
malakas. Sa kanyang sarili’y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina
kung gaano kapait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa
kaalaman ng matanda ang tunay na nangyayari sa pagkamatay nito.

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,” ang nasabi niya uli sa kanyang sarili
samantalang minamasdan niya ang kanyang ulilang bituin sa may tapat ng libingan
ng kanilang bayan na ipinalalagay niyang kaluluwa ni Anita, “ disi’y hindi ako itataboy
sa kasiyahan.

Pinag-usapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang


kapalaran sapagkat mabuti ang lagay ng tanim nilang palay, nang isang utusan sa
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

bahay-pamahalaan ang dumating na taglay ang utus ng hukumang sila’y pinaalis sa


kanilang lupang kinatatayuan , at sinamsamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang
lahat ng lupa nilang sinasaka.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ni Marcos sa ina matapos
matunghayan ang utos ng hukuman.

“Anak ko!” ang palahaw na panngis ng matandang babae sabay kapit sa leeg ng
anak. “Bakit ka mag-iisip ng gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa
daigdig?”

Ang tinig ng matanda ay nakapagpapalubag sa kalooban ng binata. Gayon man, sa


harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa- isang
nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang
sinasaka.

Ang sabi’y talagang sa kanunununuan ng kaniyang ama ang naturang lupa. Walang
sino mang sumisingil ng buwis at walang sino mang nakikialam sa ano mang bunga
ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya’y maging ano man sa mga gulay
na tanim nila sa bakuran.

Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng lupa at sinasabing
kanila. Palibhasa’y wala silang maibayad sa manananggol, ang pamahalaan ay
nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilin ang kanilang
karalitaan upang tangkilin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit
silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang taon sa bawat
ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit habang nagtatagal ay unti-unti na
silang nababaon sa pagkakautang sa may lupa dahil sa mga kasunduang
ipinapasok sa pana-panahon, gaya ng takipan at talindawa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama ng loob ng kay
Don Teong. Ang kapatid niya’y namatay dahil sa paglilingkod sa bahay nito at higit
sa lahat, nalalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagkat natutop ng amang
nakipagtagpong minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag
ang buwan.

Saka ngayo’y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?

Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, maging isang taon noon. Sapul
nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng
mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng mallaking pag-ibig sa kanya.
Alam ni Marcos ang kanyang lkalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

at sa pagtikin sa kanilang lamo sa ilog.

Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskwelahan sa silong ng kumbento sa


kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Ngunit gayon
man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at
pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sas pagkatuto sapagkat sa pabanib niya
sa mga samahang pambayn ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi
ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sarilng wika na
hindi binabasa ni Marcos. Kahit manghiram lamang kung wala na siyang ibili.
Nagbabasa rin siya ng nobela at ibang akdang katutuhan niya sa wikang Tagalog, o
kaya’y salin sa wikang ito.

Lalo na ng magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa


kanyang buhay kundi ang balang araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng
anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa’y bukod sa naniniwala
siya sa kasabihang “ang lahat ng tao, kahit hindi magkakulay ay sadyang
magkapantay,” ay tinatanggap din niya ang palasak na kawikaang “ ang katapat ng
langit ay pusalian”. Dahil diyan kahit bahagya ay hindi siya nag-atubili nang
pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.

At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsa si Anita
ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos
noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang
makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog at sa pamamagitan ng
langoy na hampastikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog.
Matapos niyang kalawatin ang kaliwa niyang bisig sa may baba ang dalaga ay bigla
niyang isinikdaw ang dalawang niyang paa sa ilalim kayat pumaibabaw sila, at sa
tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagtikad ng dalawa niyang paa ay
nakasapit sila sa pampang.

“Marcos, matagal na rin kitang iniibig,” ang tapat ni Anita sa binata., makaraan ng
may ilang buwan buhat nang siya’y mailigtas.

Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang lisanin ang
lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang mga ninuno ay binubuwisan na nila at
sinamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itataboy. Sino ang hindi
magdadalang-poot sa gayung kabuktutan?

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang bagang. Kinagat niya
ang kanyang labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang mga
kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mag kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang


malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hininga. Mliit naman ang kanilang
bayan upang malihaim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang
nalalamang may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkakatutop sa kanila isang gabi,
ang dalaga ay sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata
lamang ang walang latay.

Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita


nang tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may
hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya.
Maaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang inibig, bukod sa
magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa talaan ng
pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binibuwisan.
Pangangagaw ng lupa sa kanila. Pagpapautang ng patung-patong. Pagkamatay ng
kanyang ama. Pagkamatay ng kanyang kapatid. At saka noon pagtatangka sa
kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa
balita niya’y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli, ay
pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulong ng kanilang
pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, ay


lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa
pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita,
akala niya’y maari pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing
niyang panginoon. Datapuwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis
siya roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing
batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa
hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Bathala sa
mga maliit. Magtiis tayo.”

Hindi na niya itinuloy ang paghahanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya
ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y
sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat ng limang alaga
niya. Llumabas siya sa bukid at hinampasan niya ng tanaw ang karagatan ng
namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumangatngat sa
kanyang puso. Gaaanong pawis ang nawala sa kanya upang masaka ang naturang
bukid? Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila’y magbungng
mabuti? Saka ngayo’y pakikinabangan at matutungo sa ibang kamay?

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man nyang magdimlan


ng isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, subalit ang alaala ng kanyang ina’y
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na


lamang sila sa daigdig upang huwag niyang pabayaan ang kaniyang ina; ipinangako
niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay, bago nalagutan ang
kanyang ama.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y nagsasarili.
“Tutungo tayo sa hilag at kukuha ng homestead. Kakasundo tayo ng mga bagong
magsasaka; paris ni Don Teong, di kailangan magkaroon din ako ng gayak na paris
niya.”

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina. Wala siyang
nalalaman kundi takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon, ang buong
kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang
linggong gayon nang gayon ang ginagawa ni Marcos, hanggang isang araw ay
tawagan siya ng pansin ang matanda.

“Marcos,” sabi ng matanda. Dalawang linggo na lamang ang natitira sa ating taning
ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong. Kung may magiging sukli
man lamang tayo sa ating ani ngayon?”

“Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak, “nalaglag po ang dahon
sa kanyang kapanahunan.”

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man ay may nagunita siyang
isang bagay na ibig niyang malaman sa anak.

“Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran mo?” tinutukoy ang kalabaw na
mahal na mahal ni Marcos. Maaring magpakahinahon si Marcos, subalit ang huling
kapasyahan ni Don Teong ay numakaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw
niyang gumamit ng dahas, subalit hinihingi ng pagkakataon.

Nagunuta niya ang sinabi Rizal na “walang mang-aalipin kung walang napaalipin”.
Napahilig siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang
ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin.
Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa
kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg ng manok na
unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat
ang kkayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-
ari at nagpapabuwis pa.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!” ang tila pagsumpa sa harap ng


katalagahan na ginawa ni Marcos.

“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter at latigo,anak ko?” ang tanong ng matanda
kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

dalahan.

“Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon paris ni Don Teong,” ang nakatawang


sagot ng anak. “Kung tayo po’y makaalis na rito di tayo’y magiging malaya,” ang tila
wala sa loob na tugon ng anak.

Ang tototo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hangganan ng lupang


sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas,
gora, switer at sak adala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating
niya sa pook na kinapupugulan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa
ito’y umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung
di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa
niya ito titigila. Sa gayon ay matulin ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na
siya sa bayan. Kung dumarating siya’y daratnan niya nag kaniyang inang matuwid
ang pagkakaluhod sa harap ng maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan
ng isang malaking kandila.

“Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang sasabihin na lamang ng matanda. “Akala
ko’y napahamak ka na.”

Si Don Teong ay ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kaniyang lupa,


ang ipinanganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong si Marcos at ang kanilang
panginoon, ay hindi makapagpigil ang sinuman. Nalalaman din ng matandang babae
na laging dalang rebolber sa beywang ang mayamng asendero buhat ng magkaroon
ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalala ang pagalis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang


pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don
Teong ay namatay sa pagkasuwang sa kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na
pagkakita kay Don Teong ay tila may sinisimpang galit sapagkat bigla na lamang
sinibad ang mayamng matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na
sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at
paglagpak ay sinalo naman sa kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak ang
switer sa katawan at saka pulinas. Kumilos agad angkapangyarihan upang gumawa
ng kailangang pagsisiyasat subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halag sa
hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang
napakalaking pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan. Hindi nila
malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga
niyang hayop.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong minuto na lamang


ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi gaya ng dating ayaw niyang marinig. Sa halip na
idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang na
kalabaw.

“Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.

 http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/05/walang-panginoon-ni-deogracias-
rosario.html
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Geyluv
by Honorio Bartolome de Dios

‘Yun lang at hindi na siya nagsalita pang muli. Pigil-pigil ng umid niyang dila ang
reaksyon ko sa kanyang sinabi.
I love you, Mike. Nagpaulit-ulit ang mga kataga sa aking diwa. Walang
pagkukunwari, ngunit dama ang pait sa bawat salita. Natunaw na ang yelo sa baso
ng serbesa, lumamig na ang sisig, namaalam na ang singer, pero wala pa ring
umiimik sa aming dalawa.
Mag-aalas-tres na, uwi na tayo.
Miss, bill namin.
Hanggang sa marating namin ang apartment n’ya. Wala pa ring imikan. Kaya ako na
ang nauna.
Tuloy ba ang lakad natin bukas sa Baguio, Benjie?
Oo, alas-kwatro ng hapon, sa Dagupan Terminal. Good night. Ingat ka.
Are you okay, Benjie?
Wala ni imik.
Are you sure you don’t want me to stay tonight?
Don’t worry, Mike. Okey lang ako.
Okey. Good night. I’ll call you up later.
Usaman nanamin iyon kapag naghihiwalay sa daan. Kung sino man ang huling
umuwi, kailangang tumawag pagdating para matiyak na safe itong nakarating sa
bahay.
.
That was two years ago. Pero mga ateeee, bumigay na naman ako sa hiyaw ng
aking puso. Di na ako nakapagsalita pagkatapos kong banggitin sa kanyang “I love
you, Mike.” At ang balak ko talaga, habang panahon ko na siyang di kausapin, after
that trying-hard-to-be-romantic evening. Diyos ko, ano ba naman ang aasahan ko
kay Mike ano?
Noong una kaming magkita sa media party, di ko naman siya pinansin. Oo, guwapo
si Mike at macho ang puwit, pero di ko talaga siya type. Kalabit nga ng kalabit sa
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

akin itong si Joana. Kung napansin ko raw ang guwapong nakatayo doon sa isang
sulok. Magpakilala raw kami. Magpatulong daw kami sa media projection ng aming
mga services. I-invite raw namin sa office. Panay ang projection ng luka-luka.
Pagtaasan ko nga ng kilay ang hitad! Sabi ko sa kanya, wala akong panahon at
kung gusto niyang maglandi nung gabing iyon, siya na lang. Talaga naman pong
makaraan ang tatlong masalimuot na love-hate relationship na tinalo pa yata ang
love story nina Janice de Belen at Nora Aunor, sinarhan ko na ang puso ko sa mga
lalaki. Sa mga babae? Matagal nang nakasara. May kandado pa!
Aba, at mas guwapo pala sa malapitan ang Mike na ito. At ang boses! Natulig talaga
nang husto ang nagbibingi-bingihan kong puso. And after that meeting, one week
agad kaming magkasama sa Zambales. Of course, siya ang nagprisinta. di ako. At
noon na nagsimula ang problema ko.
Imbyerna na ako noon kay Joana, noong magpunta kami sa Zambales para sa
interview nitong si Mike. Aba, pumapel nang pumapel ang bruha. Daig pa ang
“Probe Team” sa pagtatanong ng kung anu-ano rito kay Mike. At ang Mike naman,
napaka-accomodating, sagot nang sagot. Pagdating naman sa Pampanga, bigla nga
akong nag-ayang tumigil para mag-soft drink. Kailangan ko na kasing manigarilyo
nang mga oras na iyon. Tense na ako.
Gasgas na sa akin ang puna ng mga amiga kong baklita na ilusyon ko lang ang
paghahanap ng meaningful relationship. Sabi ko naman, tumanda man akong isang
ilusyunadang bakla, maghihintay pa rin ako sa pagdating ng isang meaningful
relationship sa aking buhay. Naniniwala yata akong pinagpala din ng Diyos ang mga
bakla!
.
Mataray itong si Benjie, mataray na bakla, ‘ika nga. Pero mabait. Habang lumalalim
ang aming pagiging magkakilala, lalo ko namang naiintindihan kung bakit siya
mataray.
Well, if you don’t respect me as a person dahil bakla ako, mag-isa ka. I don’t care.
‘Yun ang usual defense niya ‘pag may nanlalait sa kanyang macho.
I’ve been betrayed before, and I won’t let anybody else do the same thing to me,
again. Ever!
Ang taray, ano po? Pero hanggang ganyan lang naman ang taray nitong si Benjie.
Para bang babala niya sa sarili. Lalo na pag nai-involve siya sa isang lalaki.
Natatakot na kasi siyang magamit, ang gamiting ng ibang tao ang kanyang
kabaklaan para sa sarili nilang kapakanan. May negative reactions agad siya ‘pag
nagiging malapit at sweet sa kanya ang mga lalaki.
At halata ang galit niya sa mga taong nate-take advantage sa mga taong vulnerable.
Tulad noong nakikinig siya sa interview ko sa namamahala ng evacuation center sa
isang eskuwelahan sa Zambales. Naikuwento kasi nito ang tungkol sa asawa ng
isang government official na ayaw sumunod sa regulasyong ng center sa
pamamahagi ng relief good upang maiwasan ang gulo sa pagitan ng mga “kulot” at
“unat na pawang mga biktima ng pagsabog ng Pinatubo. Simple lang naman ang
regulasyon: kailangang maayos ang pila ng mga kinatawan ng bawat pamilya upang
kumuha ng relief goods. Ang gusto naman daw mangyari ng babaeng iyon, tatayo
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

siya sa stage ng eskuwelahan at mula doon ay ipamamahagi niya ang mga relief
goods, kung kanino man niya maiabot. Alam na raw ng mga namamahala ng center
ang gustong mangyari ng babae: ang makunan siya ng litrato at video habang
kunwa’y pinagkakaguluhan ng mga biktima—unat man o kulot. Nasunod ang gusto
nung babae, ngunit ang mga unat lamang ang nagkagulo sa kanyang dalang relief
goods. Ayon sa namamahala ng center, nasanay na raw kasi ang mga kulot sa
organisadong pagkuha ng mga relief goods. Pero nagreklamo rin sila nung bandang
huli kung bakit hindi sila nakatanggap ng tulong. Iiling-iling na kinuha ni Benjie ang
pangalan ng babaeng iyon.
Irereport mo?
Hindi.
Susulatan mo?
Hindi.
Ano’ng gagawin mo?
Ipakukulam ko. Ang putang inang iyon. Anong akala niya sa sarili niya, Diyos? Isula
mo iyon, ha. Para malaman ng lahat na hindi lahat ng nagbibigay ng tulong ay nais
talagang tumulong.
Takot din siyang makipagrelasyon. At ‘di rin siya nanlalalaki, ‘yun bang namimik-ap
kung saan-saan. Bukod sa takot itong si Benjie na magkaroon ng sakit at mabugbog,
di rin niya gustong arrangement ang money for love. Gusto niya, ture love at
meaningful relationship.
‘Yun din naman ang hanap ko. Now, don’t get me wrong. I’m straight, okay?
Si Carmi ang pinakahuling naging syota ko. Sabi nila maganda. Sabagay, maganda
naman talaga itong si carmi. Sexy pa. Ewan ko nga lang dito kay Carmi kung bakit
laging nagseselos sa akin. Hanggang ngayon, di pa rin niya maintindihan ang nature
ng trabaho ko, e dalawang taon na kaming magsyota. Kung mag-demand sa akin,
para bang gugunawin ng Diyos ang mundo kinabukasan. E, para sa’kin, di rin ito ang
ibig sabihin ng meaningful relationship. Ayoko nang binabantayan ang lahat ng kilos
ko. Ayoko ng laging ini-interrogate. Ayaw ko ng pinamimili ako between my career at
babae. Para sa akin, pareho itong bahagi ng future ko.
Last year, inisplitan ako ni Carmi. Di na raw niya ma-take. Gusto raw muna niyang
mag-isip-isip tungkol sa aming relasyon. Gusto raw niyang magkaanak sa akon,
pero di niya tiyak kung gusto niya akong pakasalan. Naguluhan din ako. Parang
gusto kong ayaw ko. Mahal ko si Carmi, and I’m sure of that. Pero kung tungkol sa
pagpapakasal, out of the question ang usaping ‘yun. Una, di kayang buhayin ng
sweldo ko an gpagbuo ng isang pamilya. Pangalawa, di ko alam kung an
gpagpapakasal nga ay solusyon para matigil na ang pagdedemand sa akin ni Carmi.
At pangatlo, di rin sigurado itong si Carmi sa gusto niyang gawin. Pumayag ako.
Almost one year din akong walang syota. Isinubsob ko ang sarili sa trabaho. Pero,
from time to time, nagkikita kami ni Carmi para magkumustahan. Well, every time na
nagkikita kami ni Carmi para magkumustahan, bigla ko siyang mamimi-miss, kung
kailan kaharap ko na. Siguro’y dala ng lungkot o ng libog. Kung anumang dahilan ng
magka-miss ko sa kanya ay di ko tiyak. Pinipigilan ko na lang ang sariling ipadama
sa kanya ang nararamdaman ko, dahil sa tingin ko’y mas naging masaya siya mula
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

nang isplitan niya ako. Nakakahiya naman yatang ako pa ang unang umamin na
gusto ko ulit siyang balikan, e siya itong nakipag-break sa akin.
Naipakilala ko si Camrmi kay Benjie sa mga dates na iyon. At naikuwento ko na rin
noon kay Benjie ang tungkol sa nakaraan namin ni Carmi.
Carmi, this is Benjie. Benjie, this is Carmi.
Hi.
Hello.
.
Daaay. Maganda ang Carmi. Mas maganda at mas sexy kaysa kay Carmi Martin.
Pinaghalong Nanette Medved at Dawn Zulueta ang beauty ng bruha. Ano? At bakit
naman ako mai-insecure, ‘no? May sariling ganda yata itong ditse mo. At isa pa, wa
ko feel makipag-compete sa babae. Alam ko namang may naibibigay ang babae sa
lalaki na di ko kaya. Pero manay. Mayroon din akong kayang ibigay sa lalaki na di
kayang ibigan ng babae. Kaya patas lang.. kung may labanan mang magaganap.
Pero maganda talaga ang bruha. Bagay na bagay sila ni Mike. Nagtataka nga ako
kung bakit pa niya pinalampas itong si Mike, e ang kulang nal ang sa kanila ay isang
fans club at buo na ang kanilang love team. Nanghihinayang talaga ako sa kanilang
dalawa. They’re such a beautiful couple. Na-imagin ko agad ang kanilang mgagiging
mga anak. The heirs to the thrones of Hilda Koronel and Amalia Funetes o kaya’y ni
Christopher de Leon at Richard Gomez. Noong una, medyo naaalangan ako kay
Carmi. Para kasing nu’ng makita ko silang dalawa, ang pakiramdam ko, kalabisan
na ako sa lunch date na pinagsaluhan namin. Di naman feeling of insecurity dahil
ang gusto ko lang, makausap sila ng tanghaling iyon at baka sakaling maayos na
ang kanilang relationship. Tingin ko naman dito kay Carmi, ganoon din. Parang may
laging nakaharang na kutsilyo sa kanyang bibig ‘pag nagtatanong siya sa akin o kay
Mike. Di kaya siya na-insecure sa beauty ko? Tingin n’yo?
.
Naging magkaibigan na nga kami ni Benjie. Kahit tapos na ang ginagawa kong
article tungkol sa kanilang project, madalas pa rin kaming magkita. Nag-iinuman
kami, nanonood ng sine, o kaya’y simpleng kain lang sa labas o pagbili ng tape sa
record bar. Marami naman akong naging kaibigang lalaki, pero iba na ang naging
pagkakaibigan namin ni Benjie. Noong una’y naalangan nga ako. Aba, e baka ‘ka ko
mapaghinalaan din akong bakla kung isang bakla ang lagi kong kasama. Sabagay,
di naman kaagad mahahalatang bakla nga itong si Benjie.
Loveable naman si Benjie. Kahit may katarayan, mabait naman. Okey, okey,
aaminin ko. Sa kanya ko uanang naranasang magkaroon ng lakas ng loob na ihinga
ang lahat ng nararamdaman ko. ‘Yun bang pouring out of emotions na walang
kakaba-kabang sabihan kang bakla o mahina. At pagkaraan ay ang gaan-gaan ng
pakiramdam mo. Sa barkada kasi, parang di nabibigyan ng pansin ‘yang mga
emotions-emotions. Nakakasawa na rin ang competition. Pataasan ng ihi, patibayan
ng sikmura sa mga problema sa buhay, patigasan ng titi. Kapag nag-iinuman kami
(at dito lang kami madalas magkasama-sama ng barkada), babae at trabaho ang
pulutan namin. Sino ang minakamahusay na mambola ng babae, sino sa mga
waitress sa katapat na beerhouse ng opisina ang nadala na sa motel, sino ang
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

pinakahuling sumuka nu’ng nakaraang inuman? Well, paminsan-minsan, napag-


uusapan ang tungkol sa mga problemang emosyonal, pero lagi at lagi lang
nagpapaka-objective ang barkada. Kanya-kanyang pagsusuri ng problema at
paghaharap ng immediate solutions bago pa man pagpakalunod sa emotions. Kaya
hindi ako sanay na nagsasabi kung ano ang nararamdaman ko. Ang tumbok agad,
ano ang problema at ano ang solusyon. Pero ‘yun nga, iba pala kapag nasusuri mo
rin pati ang mga reactions mo sa isang problema, basta nase-share mo lang kung
bakit ka masaya, kung bakit ka malungkot. Kay Benjie ko nga lang nasasabi nang
buong-buo ang mga bagay na gusto kong gawin, ang mga frustrations ko, ang mga
libog ko. Mahusay makinig itong si Benjie. Naipapakita niya sa akin ang mga bagay
na di binibigyan ng pansin. Tulad ng pakikipagrelasyon ko kay Carmi. May karapatan
naman daw mag-demand si Carmi sa akin dahil siya ang kalahating bahagi ng
relasyon. Bada daw kasi di ko pa nalalampasan ang nangyari sa akin nang iwan na
lamang ako basta-basta nu’ng una kong syota kaya di ko mabigay ang lahat ng
pagmamahal ko kay Carmi. Di lamang daw ako ang lagin iintindihin. Unawain ko rin
daw si Carmi.
.
Di ba totoo naman? Na baka mahal pa rin niya talaga si Carmi? Kahit ba mag-iisang
taon na silang break, nagkikita pa rin naman sila paminsan-minsan. Ni hindi pa nga
siya nakikipag-relasyon sa ibang babae after Carmi. Ito ngang si Joana, panay na
ang dikit sa kanya ‘pag dinadaanan ako ni Mike sa office, di pa rin niya pansin.
Sabagay, di naman talaga niya matitipuhan si Joana. Not after Carmi.
So, noong una, sabi ko, wala namang masama kung magiging magkaibigan kami.
Nasa akin na ang problema kapag nahumaling na naman ako sa lalaki. Madalas
kaming lumabas, lalo na after office hours at during weekends. Manonood ng sine,
kakain, iimbitahan ko siya sa apartment for beer o kapag may niluto akong espesyal
na ulam o kaya’y nag-prepare ako ng salad. Kapag umuwi ako sa Los Baños para
umuwi sa amin, sumasama siya minsan. Na-meet na nga niya ang mother ko.
Nagpapalitan rin kami ng tapes at siya ang nagtuturo sa akin ng mga bagong labas
na computer programs.
So, okey lang. Pero unti-unti, di na lang tapes at salad o computer programs ang
pinagsasaluhan namin. Aba, may kadramahan din sa buhay itong si Mike. Ang dami
pa raw niyang gustong gawin sa buhay na parang di niya kayang tuparin. Gusto raw
niyang makapagsulat ng libro, gusto daw niyang mag-aral muli, gusto raw niyang
mag-abroad. Kung bakit daw kasi di pa niya matapus-tapos ang kanyang M.A. thesis
para makakuha siya ng scholarshi? Kung kuntento na raw ba ako sa buhay ko? Ang
lahat ng iyon ay kayang-kaya kong sagutin para kahit papaano ay ma-challenge siya
na gawin niya kung ano ‘yung gusto niya at kaya niyang gawin. Maliban na lang sa
isang tanong na unti-unti ko nang kinatatakutang sagutin nang totoo: kung mahal pa
raw kaya niya ni Carmi?
.
Madalas akong malasing na siya ang kasama, pero ni minsan, di niya ako “ginalaw”
(to use the term). May mga pagkakataong tinutukso ko siya, pero di siya bumibigay.
Tinanong ko nga siya minsan:
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Don’t you find me attractive, Benjie?


At bakit?
Wala.
Wala rin naman akong lakas ng loob na sabihin sa kanya kung bakit. Baka siya
masaktan, maka ‘di niya maintindihan, baka lumayo siya sa akin. Ayaw kong lumayo
sa akin si Benjie.
Di rin naman perpekto itong si Benjie. Pero di ko rin alam kung ituturing kong
kahinaan ang naganap sa amin minsan.. Kung kasalanan man iyon, dapat ay sisihin
din ako.
Nagkasunod-sunod ang disappointments ko. Di ko matapus-tapos ‘yung article na
ginagawa ko tungkol sa open-pit mining sa Baguio dahil nagkasakit ako ng tatnlong
araw at naiwan ako ng grupong pumunta sa site para mag-research. Na-virus ‘yung
diskette ko ng sangkaterbang raw data ang naka-store. Nasigawan ako nu’ung office
secretary na pinagbintangan kong nagdala ng virus sa aming mga computers. Na-
biktima ng akyat-bahay ‘yung kapatid kong taga-Ermita. At tinawagan ako ni Carmi,
nagpaalam dahil pupunta na raw siya ng States.
Ang dami kong nainom noon sa apartment ni Benjie. Nang nakahiga na kami,
yumakap ako sa kanya, mahigpit. Bulong ako ng bulong sa kanyang tulungan niya
ako. Kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko kasi, wala na akong silbi. Ni ang
sarili kong mga relasyon ay di ko maayos. Alam kong nabigla si Benjie sa pagyakap
ko sa kanya. Kahit nga ako’y nabigla sa bigla kong pagyakap sa kanya. Pero parang
sa pagyakap ko kay Benjie ay nakadama ako ng konting pahinga, ng konting
kagaanan ng loob. Matagal bago niya ako sinuklian ng yakap. Na nang ginawa
niya’y lalong nagpagaan sa pakiramdam ko. At ang natatandaan ko, hinalikan niya
ako sa labi bago ako tuluyang makatulog.
Ako ang hindi makatingin sa kanya nang diretso kinabukasan.
Sorry.
For what?
Kagabi, tinukso kita uli.
Nagpatukso naman ako, e.
Pero wala namang malisya sa akin iyon.
‘Wag na nating pag-usapan.
Nakatulog ka ba?
Hindi.
Bakit?
Binantayan kita.
Bakit?
Iyak ka ng iyak.
Oo nga. Para akong bakla.
Di porke bakla, iyakin.
Sorry.
Mag-almusal ka na. Di ka ba papasok?
Hindi muna. Labas na lang tayo.
Marami akong gagawin sa office. Di ako pwede.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pwedeng dito na lang muna ako sa bahay mo?


Sure. Mamayang gabi na lang tayo lumabas.
Sige. Ikaw ang bahala.
Inaamin ko ulit. Kakaibang closeness ang nadama ko kay Benjie mula nung gabing
iyon. Noong una’y idini-deny ko pa sa sarili ko. Pero sa loob-loob ko, bakit ko idi-
deny? Anong masama kung maging close ako sa isang bakla? Kaibigan ko si Benjie,
and it doesn’t matter kung anong klaseng tao siya. Sigurado naman ako sa sexuality
ko. ‘Yun ngang mga kasama ko sa trabaho, okey lang sa kanila nang malaman
nilang bakla pala si Benjie. Di sila makapaniwalang bakla si Benjie at may kaibigan
akong bakla. E, super-macho ang mga iyon. Ingat lang daw ako. Na ano? Baka raw
mahawa ako. Never, sabi ko pa. Hanggang kaibigan lang.
.
Sinasabi ko na nga ba, walang patutunguhang maganda ang pagka-kaibigan namin
nitong si Mike. Ayoko, ayoko, ayokong ma-in love. Di ko pa kayang masaktan muli.
Ayokong sisihin niya ako sa bandang huli. Baka mawala ang respeto niya sa akin.
Baka masira ang magandang pagkakaibigan namin. Pero, Mike, di ako perpektong
tao. May damdamin ako, may libog ako, marunong din akong umibig at masaktan.
Ang drama, ateeee. Pero ang mga ito ang gusto kong sabihin sa kanya nang gabing
iyon. Gusto ko siyang tilian at sabihing: tigilan mo ako, kung gusto mo pang magkita
tayo kinabukasan! Naloka talaga ako nang bigla na lang isyang yumakap sa akin. E,
ano naman ang gagawin ko, ano? Lungkot na lungkot na nga ‘yung tao, alangan
namang ipagtabuyan ko pa. At para ano? Para lang manatili akong malinis sa
kanyang paningin? Para  lang mapatunayan sa kanyang ako ang baklang
ipagduldulan man sa lalaking nasa kalagayang katulad niya, sa gitna ng madili na
kuwartong kaming dalawa lang ang laman, ay di lang yakap at halik ang gusto kong
isukli sa kanya nang gabing iyon. At di rin kahalayan. Gusto ko siyang mahalin.
Gusto kong ipadama ang nararamdaman ko para sa kanya. Isang gabi lang iyon.
Marami pang gabi ang naghihintay sa amin. At di ako bato para di matukso. Higit sa
lahat, bakla ako.
Take it easy, Benjie.
How can I take it easy, Mike, biglang-bigla ang pagkamatay ni Nanay. Ni hindi ko
alam ngayon kung magsu-survive ako ng wala siya.
Kaya mo, matatag ka naman.
Not without Nanay. Napaka-dependent ko sa kanya. Alam mo ‘yan.
Nandito naman ako, Benjie.
Napatingin ako kay Mike. Oh, my hero! Sana nga’y totoo ang sinasabi mo. Sana
nga’y nandito ka pa rin five or ten years after. Kahit di ko na iniinda ang pagkawala
ng nanay. Sana nga’y nandiyan ka pa rin even after one year. Ewan ko lang, Mike.
Di ko alam kung alam mo nga ang sinasabi mo.
Pampadagdag talaga sa mga dalahin kong ito si Mike. Sa halip na isipin ko na lang
kung paano mabuhay nang wala ang nanay ko, iisipin ko pa ngayon kung paano
mabuhay ng wala siya. Okay, okay, I admit it. Mahal ko nga si Mike. Pero sa sarili ko
lang inaamin ito. Hanggang doon lang. Di ko kayang sabihin sa kanya nang harap-
harapan. He’s not gay. Imposibleng mahalin din niya ako ng tulad ng pagmamahal
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ko sa kanya. Kaibigan ang turing niya sa akin. At alam ko na kung ano ang isasagot
niya sa akin kapag ipinagtapat ko sa kanyang higit pa sa kaibigan ang pagmamahal
ko sa kanya ngayon: that we are better off as friends. Masakit iyon, daaay. Masakit
ang ma-reject. Lalo na’t nag-umpisa kayo bilang magkaibigan. Nasawi ka na sa pag-
ibig, guilty ka pa dahil you have just betrayed a dear friend and destroyed a beautiful
friendship.
Naalala ko ang nanay. Di niya inabutan ang lalaking mamahalin ko at makakasama
sa buhay. Sana raw ay matagpuan ko na “siya” agad, bago man lang siya mamatay.
Noong una niyang makilala si Mike, tinanong niya ako kung si Mike na raw ba? Ang
sagot ko’y hindi ko alam.
.
Nandito lang naman ako. Tumingin sa akin si Benjie. Napatingin rin ako sa kanya.
Siguro’y kapwa kami nabigla sa sinabi ko. Nandito naman ako. Ano bang ibig sabihin
nito? Well, nandito ako as your friend. I’ll take care of you. Di kita pababayaan.
Ganyan ako sa kaibigan, Benjie. Pero sa sarili ko lang nasabi ang mga ito. Buong
magdamag nag-iiyak si Benjie sa kuwarto nang gabing iyon bago ilibing ang nanay
niya. Hinayaan ko siyang yumakap sa akin. Hinayaan ko siyang pagsusuntukin ang
dibdib ko. Yakap, suntok, iyak. Hanggang sa makatulog sa dibdib ko. Noon ako
naiyak.
Tahimik pa rin si Benjie hanggang sa matapos ang seminar na dinaluhan niya sa
Baguio. Habang sakay ng bus pauwi, noon lamang siya nagsalita.
Sorry sa mga sinabi ko kagabi sa bar, Mike.
Sabi ko na’t ‘yun pa rin ang iniisip mo.
Bakit, di mo ba naiisip ang ibig sabihin nu’ng mga sinabi ko sa’yo?
Iniisip ko rin. So what’s wrong with that?
What’s wrong? Mike, umaasa ako sa imposible.
Di masamang umasa.
Kung may aasahan. At alam ko namang wala.
But don’t you think that we are better off as friends?
(Sabi ko na. Sabi ko na!) But I’ve gone beyond my limits.
Alam mo naman ang ibig kong sabihin.
So what do you expect from me?
.
Ano ba talaga ang gustong palabasin nitong si Mike? Ni hindi nagalit. Di rin naman
nagko-confirm na mahal din niya ako. Ay naku daaay, imbyerna na ako, ha! Ayoko
ng mga guessing game na ganito. Pero mukhang masaya siya sa mga nangyayari
sa buhay niya lately. Open pa rin siya sa akin at mukhang wala namang itinatago.
Wala naman siyang resentment nang sabihin niya sa aking umalis na sa Pilipinas si
Carmi.
Pero ako na naman ang naipit sa sitwasyon. Kung pagdedesisyunin ko siya, baka di
ko makaya. Pero dalawa lang naman ang maaari niyang isagot: oo, mahal din niya
ako bilang lover. Ang problema na lang ay kung matatanggap kong hanggang sa
pagiging magkaibigan na lang talaga ang relasyon namin.
Ayain ko kaya siyang maki-share sa aking apartment? ‘Pag pumayag siya, di
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

magkakaroon ako—at kami—ng pagkakataong palalimin ang aming relasyon. ‘Pag


tumanggi siya, bahala na. Sanay na naman akong nag-iisa.
Tiningnan ko sandali si Mike at pagkaraan ay muli kong ibinaling sa may bintana ang
aking tingin. Mabilis ang takbo ng bus sa North Diversion Road. Mayamaya lang ay
nasa Maynila na kami. Sana, bago kami makarating ng Maynila, masabi ko na sa
kanya ang balak ko. Ano kaya ang isasagot ni Mike? But, does it matter?

Hindi na siya uli nagsalita. Pero, habang nagbibiyahe kami ay marami na uli akong
naikuwento sa kanya. Nai-enroll ko na uli ‘yung MA thesis ko at papasok na uli ako
this semester. Tinanong ko siya kung pwede niya akong tulungan sa research dahil
‘yung thesis ko rin ang balak kong pag-umpisahan ng isinusulat kong libro.
Ikinuwento ko ring umalis na si Carmi at kasama ako sa mga naghatid. Tumawag
nga rin daw sa kanya at ibinigay ang address sa States para daw sulatan niya.
tinanong ko kung susulatan niya. Kung may time raw siya.
Inaya niya akong umuwi ng Los Baños para dalawin ang puntod ng nanay niya. Sabi
ko’y sure this coming weekend.
‘Yung tungkol doon sa sinabi niya sa akin noong isang gabi, pinag-iisipan ko naman
talaga nang malalim. Di ako na-offend pero di rin naman ako sure kung gusto ko nga
ulit marinig sa kanyang mahal niya ako. Natatakot akong magbigay ng anumang
reaksyon sa kanya. baka mai-misinterpret niya ako. Ayokong mag-away kami dahil
sa nararamdaman niya sa akit at nararamdaman ko sa kanya. One thing is sure,
though. Ayokong mawala si Benjie sa akin. Napakahalaga niya sa akin para mawala.
Ang balak ko’y ganito: tatanungin ko siya kung puwede akong maki-share sa
kanyang apartment. ‘Pag pumayag siya, di mas mapag-aaralan ko talaga ang gusto
ko—at namin—na mangyari sa aming relasyon. Kung gusto ko siyang makasama
nang matagalan. Kung mahal ko rin siya. Kapag hindi, we’ll still be friends.
Mabilis ang takbo ng bus sa North Diversion Road. Nakatingin sa labas ng bintana si
Benjie. Alam kong nahihirapan siya. Kinuha ko ang palad niya at pinisil ko ito. Kung
bakla rin ako? Hindi ako sigurado. But, does it matter?

 http://bihirangpanitikangpilipino.blogspot.com/2013/08/geyluv-by-honorio-bartolome-
de-dios.html
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ang Kalupi
ni Benjamin P. Pascual

(May mabigat na pagkakasala sa batas si Aling Marta dahil sa mali niyang paghatol
sa katauhan ng bata. Madalas mangyari na dahil sa ayos ng isang tao ay dagli
siyang napagbibintangan ng di mabuti. May karanasan ka ba na nakapagbintang o
dili kaya’y napagbintangan ng di mabuti? Basahin ang kwento at ikaw na ang
humatol sa mga tauhan nito.)

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na
bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan
ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok
sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng
kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang
katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang
sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral
ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay
hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa
mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa
isang kasuotang putting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang
mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng
kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang
naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot
nitong sinusukat sa harap ng salamin ang nagbubur-dahang puting damit na isusuot
sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng


kanyang pamimiling uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang
bayan sa Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin.
Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi
pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong
baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili na rin siya ng
garbansos. Gustong-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na
garbansos.

Mag-ikakasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay


naririnig na niya ang di magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng
mga magbabangus na pagkanta pangisinisigaw ang halaga ng kanilang paninda,
ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili.

Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya painiling magdaan.


Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan
siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng
mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na
papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang
kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama
sa kanyang dibdib. “Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng
daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-lilis


ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang
pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta
na ang bata ay anak-mahirap.

“Pasensya na kayo, Ale” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos.
Tigbebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya,
“Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako e.”

“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y


pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya, ay
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan
ng hindi mabuti ay sa kanyang pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang
inisip kung me iba pang nakikita sa nangyari. Marahas ang kanyang
pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig
ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili
ng ilang kartong mantika.

“Tumaba yata kayo, Aling Gondang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera
na siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang


magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis
niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang
anyo.

“Bakit ho?” anito.

“E…e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.

“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na
sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung
bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng
kanyang loob upang sabihing, “E, sandaan at sampung piso ho.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng
mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang
alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa
kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong
lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang
nakaraan, ang tabas ng mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa
harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangailan-
ngilang namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalingan-
linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos
mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng prusisyon na di kalayuan
sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang
hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay
tumatawad. Hindi siya maaari magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

mahabang panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang
palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na
tigbebente.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sabi niyang
humihingal. “Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap


ng isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinang sumagot:

“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”

“Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko
at wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha? Magaling, magaling ang
sistema ninyong iyan! Kikita nga kayo rito sa palengke!”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng


namimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata at ito’y pilit na
iniharap sa karamihan.

“Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako,” ang sabi niya.
“Nang magbabayad ako ng pinamimili ko’t kapain ang bulsa ko e wala nang laman!”

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaeng nakikinig.
“Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.”

“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ako dadalin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa
pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang
dalawahing-kamay ang pag-alis ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa
pagkakasakal ng kanyang liig. May luha nang nakapaminta sa kanyang mga mata at
ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga
manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at
nang ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko
hong siya dahil nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang
kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

kaagad pagkat ako’y nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa
sa duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap ng nito at sinimulang
mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay
lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes
sentimos na papel at tigbebenteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis
kay Aling Marta.

“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalisik na tanong ng pulis sa bata.
“Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata.


“Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi
ho ako mandurukot.”

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo
kung ang pitaka ko e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba
ganon kayong mga tekas kung lumakad…dala-dalawa, tatlu-talto! Ku, ang mabuti ho
yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matulong matakot
iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis, “Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang evidencia.
Kinakailangang kahit paano’y magkakaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya
nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”

“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan
ang pamumupo. “Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang
kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?” Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y
nag-iisip ng dapat niyang Gawain, maya’y maling naupo at dumukot ng isang lapis at
isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming


bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa
bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga
tiyo ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo.
Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam para Mamayang tanghali.”

“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng


pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata. “Pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng
bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong
bumasa e.”

Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa


kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon
ay dumarami ang tao sa kanyang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya
sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng
pagkainis.

“Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya.
“Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito at wala namang nangyayari. Kung
hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad, e” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto
n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel.
Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon ninyo gawin ang gusto ninyong
gawin.”

Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi
umiyak na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti
habang silang tatlo ay pinagmamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sa sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa
kanya at pumasok. Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong
kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng
tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita
niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan
niyang ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na.
naalala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na
kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung
siya’y darating na walang dalang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ang poot sa kanya na kanina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong
sumalak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap.
Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay
pabalingat niyang pinilit sa likod nito.

“Tinamaan ka ng lintek na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman.


“Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng
ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa
kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila
upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na
nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit
sa kanyang bibig ay buong panggigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya
ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay
bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang
kalayuan, kay Aling Marta at sa dumakip na pulis, at siya ay humahanap ng
malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa
ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na
salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang
sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang pandinig ang
malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim
sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa
pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng
kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.

Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng
kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig
na pawis ang gumigiit sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangatog.
Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon
ang paningin ng lahat at siyang binuntunan ng sisi. Bakit ba ako nanganganino sa
kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin nino man
at nalalaman ng lahat na ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa
kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay


napagtulungan ng ilan na buhatan sa bangketa upang doon pagyamanin at
ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang
dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kasuotang ay tuluyan
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay


pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha
ni Aling Marta.

“Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputol-
putol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig na naramdaman si Aling Marta na gumapang sa kanyang


katawan; ang nata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay
lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong
napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya.


Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y
matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling
Marta.

“Wala naman, sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung me mananagot niyan ay
walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing.
Tsuper na rin ang mananagot niyan,” may himig pangungutya ang tinig ng pulis.

“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang
inyong pangalan at direksyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng
kaunting pag-aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa
karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulong-magulo ang kanyang isip. Sali-
salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ng
walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang
ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng
kanyang asawa sa, sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong
iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng
mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang mga anak niyang ga-
graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay puntahan at payapain ng
mga kapitbahay.

Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay


Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

muling nadako ang pinag-uugatang diwa sa bangkay na bata na natatakpan ng


diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung hindi sa Tinamaan ng lintek na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito,
usal niya sa sarili. Kasi imbis, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng
kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y


makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay
malamig na ang kokote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera.
Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na ang
lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangan na makagpadal ng labis na salaping
ipamimili, upang maka-pamburot t maipamata sa kapwa na hindi na sila naghihirap.
Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring
sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at kung sakali’t darating ang
pulis na kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang siya
ng pera sa tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya
rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay
napakalaki na upang ang lima o sampung ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip.
Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa manipis na labi ni
Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa


tarangkahan, ay natanaw na niya nag kanyang na dalaga na nakapamintana sa
kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay minamasdan, ngunit nang malapit
na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabuhayan at
may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.

“Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-
graduate,

“E…e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama.

“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa. “Ang pitaka mo e Naiwan mo!
Kaninang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at
kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba
kumuha ng ipinamili mo niyan?” Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan,
nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang
katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa
‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinanganga-
pusan ng hininga at sa palagay na niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya
tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng
kanyang asawa’t anak, at ang papaliit na lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit
kaya?
 http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/ang-kalupi-maikling-kwento-ni-
benjamin.html
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

SANDOSENANG SAPATOS
ni Luis P. Gatmaitan, M.D.

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan.
Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi,
tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina.
Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.
“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”
“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”
“Parang may madyik ang iyong kamay!”
Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay.
Bihirang magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan
ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago
ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung
nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos
kapag may mga tira-tirang balat at tela.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko.
Sa ‘kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.
Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay
na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang
dasal na masundan ako.
“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na
kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”
Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!”
“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak
ngballet dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos
na pang- ballet .”
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita
ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko.
Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang
parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa.
Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa
mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.
“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”
“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measleshabang
ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging epekto,” malungkot na
kuwento ni Nanay.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw,
ganu’n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si
Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-
ballet). Pero.
“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa
banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser
ko sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga
pangarap na masyadong mailap.
 
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng
manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang
mama na nakakita kay Susie.
“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang
nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. “Ano’ng
problema mo, ha?”
Mabuti’t napigilan siya ni Nanay.
Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si
Susie.
“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo
na lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong
hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag
sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa
kuna.
“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni
Tatay.” bulong ko sa kanya.
 
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang
kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di
nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa
sungka, jackstone ,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may
nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!
Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang
aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng
mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!
 
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang
sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.
“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.
“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na
may dekorasyong sunflower sa harap!”
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang


kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.
“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may
malakingbuckle sa tagiliran.”
Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang
mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula.
Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas
na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa
harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit
na detalye ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon,
butones, sequins ,beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.
“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na
napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?”
 
Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos.
Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong
nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may
nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan
naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer .
“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.
Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang
pumanaw si Tatay.
 
Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng
mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa
paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi
nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat
na nakasalansan!
” Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko sa
sarili.
Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng
mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May
sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first communion .
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na


pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie,
Alay sa kanyang unang kaarawan
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie.
Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?
Para kay Susie, lugod ng aking buhay
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng
kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso
Sa kanyang ika-12 kaarawan
Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala kalalim
magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay
at Susie.
“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.” Namuo ang
luha sa mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”
“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi ni
Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.
“Ha?”
Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.
Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na
may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang
mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari
sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay
lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para
maipasuot sa kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang
pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga
sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
http://panitikan.ph/2014/06/12/sandosenang-sapatos/
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Utos ng Hari
Jun Cruz Reyes
galing kay ephephurray sa kanyang Tumblr account

“See you in my cubicle, after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character
kanginang matapos ang klase. Si Mrs. Character ang teacher namin sa Social
Science. Siya rin ang adviser namin.
Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito
sa akin. Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang
sermunang umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang
kanyang calculator para ipakita kung gaano ako “katanga” at kung gaano katama
ang kanyang pagsuma sa aking mga 5. Hindi naman maikatwirang “paano ko di
masi-5 kung kalian ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan
tinatamad mag-recite saka mamimilit.” Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong
sabihin kakapain yung pulang ballpen.
Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunaya’y ‘yung
kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin. ‘Yung kanyang dazzling
Malaysian at ang kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati).
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang
binasted noong dalaga pa siya. Si Miss Kuwan daw kaya wala sa eskwelahan hindi
dahil nag-study leave: nagpa-abort sa America. Magbi-bell na nang maalala niya ang
leksyon namin, ang normalization process sa gobyerno.
Sabi niya kangina, “Para tayo maging fully democratic kailangang mataas ang
literacy rate.” (Sinabi na ‘yon ni Rizal.) “May sapat na communication system ang
pamahalaan at may mataas na moralidad ang mamamayan. At higit sa lahat,
kailangang maging westernized ang ating pamantayan. By so doing, hindi tayo
magiging uncivilized sa western standards.
Nang tanungin niya ako, sabi ko’y mas basic ang dapat na pamamaraan sa
pagtingin sa problema. Halimbawa’y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng
bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung
maraming dissatisfied, natural na abnormal ang sistema. Hindi basta effective
communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate. Mga manipestasyon
lang ito ng talagang problema. Nabigla siya. Doon na kami inabutan ng bell.
Ay, konsumisyon sa buhay, gusto kong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa
kasalukuyan. ‘Pag nasa bahay ako, ako ang bida. ‘Pag ang kababayan ko ang
magkukwento, ako ang sikat. Pero dito sa iskwelahan, walang isko-scholar ng
bayan.
Talagang gusto kong maghinto, pero ayaw ni Tatay. Kung sabagay sino ba namang
ama ang matutuwang magkaanak ng drop out? Talagang sawa na akong mag-aral.
Kay ganda sanang isiping hindi ako nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na
kasama ko sa bawat hakbang. Ipaling kung saang sulok gusting dalhin, ikaliwa kahit
kahan ang gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gustong mamahinga. At isipa
kahit ako ang masaktan.
Ay, buhay estudyante. Maka-uno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra sa
kanila, singkong maliwanag. Tumango-tango ka naman para maka-uno, ibig sabihin
noo’y sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting
kompromiso, konting tango at “yes, ma’m lang,” dos na’yon o tres. Kung bakit naman
kasi nauso pa sa mundo ang diploma. Kung wala akong diploma, sino naman ang
maniniwalang may kaubrahan nga ako. Sana’y di nauso ang grade, di sana’y hindi
ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila Aide. Kung graduate naman ako,
hingan ng experience sa pag-aaplayan ko, dedo rin. At kung tapos nga, nakakahiya
naming pati trabahong pang mahirap ay pagtiyagaan ko.
Grade lang naman, problema ba ‘yon? Uno kung uno. Singko kung singko, tapos
ang usapan, bakit kailangan pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kick-out kung kick-
out. Pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.K., matigas ang ulo ko, rugged
at medyo bastos pa raw, pero bakit kailangang isali pati conduct at ayos ng katawan
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

sa usapan? Hindi naman ito military school, hindi rin naman seminaryo, bakit panay
“yung conduct mo” at “appearance” ang panakot nila?
Ano ba ang sama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa
kinikilalang constitutionalist ngayon. Si Einstein, bumagsak sa Physics at grammar
school pero big time scientist. Kahit teacher niya hindi alam ang theory niya sa
relativity. Kung sabagay, hindi ako si Recto at si Einstein. Si Jojo lang ako, kung ang
walang sinabi kong teachers ang tatanungin. Sa mga kapitbahay namin, pambihira
daw ako, biro mong sa probinsiya namin ay ako lang ang nakarating ng Maynila para
mag-aral ng libre. Kung nalalaman lang nila.
Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman
maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusan ng ipari-
research. Walang alam itanong kung hindi “What is our lesson for today?” Parang
mga Diyos na sila lamang ang may monopolyo ng tama. Kaya hindi pwedeng
tanungin at lalong hindi pwedeng pagsabihan ng mali.
Ay, mga teachers sa mundo, bakit ba ginawa pa? Tulad ni Mrs. Moral Character,
bago mag-umpisa ang leksyon, magsesermon muna na virtue of honesty, kesyo
masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskwelang nakalimutan
ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. Lahat
na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam. Pero ang kanyang lihim ay buking
na namin. Noon daw nakaraang referendum ang teacher naming morally upright ay
biglang nabulag at nabobo. Nang mag-watcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang
ang kabisadong basahin. Katwiran nito’y “Anong sama doon, kahit matalo, panalo
par rin. Bakit, me magagawa ka ba?” Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs.
Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lang.
Tapos magtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo.
E sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo? ‘Yung teacher ko sa
English, walang pakialam sa mundo. Basta magamit lang niya ‘yung nalalaman niya
sa voice at diction, maligaya na siya sa buhay. Basta kami ang papel lang namin,
tagapakinig sa kanyang mga asides. Para tuloy kaming pang-therapy niya lang.  At
ang kanyang paboritong paksa, ‘yung kanyang nuno na purong Kastila raw na
nagpatayo ng simbahan sa kanilang bayan. Antique s’yempre ‘yung simbahan (tulad
niya at ng kanyang lolo). Ibig lang niyang palabasin ay may dugong bughaw siya.
Sarap sanang bukuhin na ang Kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero
at kriminal sa Espanya. Kesa nga naman maging problema sila ng gobyerno nila, di
Pilipinas na ang bahalang magtiis ng konsumisyon. ‘Yung ganoong sistema ang
namana niya sa kanyang lolo, ang mangunsumi ng mapagtiis. ‘Pag nabuko mong
hindi nag-aral, lagot ka. Pagsasabihan ka nito ng “What? Iyon lang hindi mo pa alam
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

hanggang ngayon? O.K. that’s your assignment for tomorrow.” Saka niya sasabayan
ng bura ng maling nakasulat sa blackboard.
Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging gago ka nagtataka pa. Hindi ka na
nga pwedeng magwala, hindi ka pa rin pwedeng maglibang. Kung sa pagtitiis ng
kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntunan ng sama ng loob, ayun at,
“Sinasabi ko na nga bang masama sa pag-aaral ang bisyo,” ang agad ikakatwiran ng
mga ito.
Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at
nikotina. Para na rin sinasabing, ‘pag teacher ka na ay pwede. Dahil estudyante ka
pa lang, tiis. Itanong mo kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot. Huwag
mo nang itanong kung nagdaan din siya sa pagkabata, kung noong araw ay gago rin
siya, dahil sa isasagot nito’y, “Kaya nga ayaw kong matutuhan n’yo ang bisyo dahil
pinagdaan ko na ‘yan.
Sa amin sa barkada, dalawa lang kaming mag-gu-goodbye my school goodbye.
Kick-out ako sa kagaguhan daw. Si Minyong nama’y sa kabobohan daw.
Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming
paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. Moral Character
(Eraser), Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa at Mr. Discipline.
“Hindi naman korum, say quorum, kuwow, quorum. That’s correct, that Jojo Boy has
no sense of de-quo-rum. I feel though he is brilliant, only my reservation is that….”
“Only he is stubborn. Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom, para pang nang-iinis
na lalapitan ka. Ipaaamoy sa iyo ang hininga.”
“How true, how true, I swear to God that’s true.”
“Hindi lang ‘yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo’y
mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ng research
work, di atras siya.”
“And he is always absent. Sometimes I don’t want to give him an excuse slip
anymore.”
“So what is the verdict of the group?”
“I could not pass him.”
“Ako rin.”
“God will punish his naughtiness.”
“I will report the matter to his parents immediately.”
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong. Nababaliw daw. Tuwang-tuwa
silang pagtsismisan ito. Iyon ay kung hindi sila ang tinatamaan ng mga pinagsasabi
ni Minyong. Pag medyo kinabubuwisitan nilang co-teacher ang tinamaan “hi-hi-hi”
lang ang sagot nila. Pag bulls-eye si Minyong, “My God, baliw talaga, hindi alam ang
sinasabi,” ang katwiran nila.
Si Minyong kasi ay “cultural minority.” Kindi naman nagprisinta sa kanila ‘yung tao na
ditto sa Maynila mag-aral. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang
makakasabay ito sa standard ng exclusive school, pinaniwalang dito nito
matututuhan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo, saka ngayon, basta na
lang sisipain. Bobo, ang sabi nila. Binigyan ng isang pagkakataon. Pinagsalita nang
pinagsalita, para raw mahasa nang sa gayo’y mawala ang inferiority complex nito.
‘Ayun, nang matutong magsalita ang tao, na-shock silang marinig ang katotohanan.
Sabi ng pangkat ng mga Hari.
“I find him kinda weird lately.”
“So what shall we do with him.”
“Definitely I could not pass him.”
“Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa
eskwelahan. Remember, Philippine School for Science and Technology ito. Tapos
magpapasa tayo ng estudyanteng so-so? Hindi pwede.”
“Pero cultural minority ‘yan.”
“And so what?”
“Kailangan babaan natin ang standard sa kanya.”
“Excuse me, mayroon lamang isang standard ang excellence at wala nang exception
pa.”
“What now?”
“Ano pa, e di ibagsak.”
Saka sila nagkorus ng “Ibagsak.”
Kung sabagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskwelahan, humigit-
kumulang ay nakapagpasya na sila sa magiging dulo ng istorya. Ganito raw iyon.
“Have you considered his case lately?”
“Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?”
“Mabuti siguro’y pauwiin na natin sa kanilang tribo.”
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Dapat nga, baka manakit pa ‘yan ay maraming madamay.”


“Oh, how I abhor violence.”
“Baka ‘ka mo manunog pa yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.”
“E kung ipa-confine natin sa mental?”
“At sinong magsu-shoulder ng bill?”
Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon.
Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-minsan
nama’y “humane” sila ika nga. Tulad halimbawa ng kaso ni Osias at Armando, mga
kaiskwela rin namin.
“Ipasa na natin si Osias.”
“Pero mababa ‘yan sa Physics.”
“Sus, naman ito, e talaga naman mahirap ‘yang klase mo.”
“Thoughtful yang batang yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning.”
“Talaga. At prisintado agad yan pag nakasalubong ka na maraming dala.”
“How about Armando? Another cultural minority?”
“Excuse me. He is not a thoroughbred cultural minority. It is only the mother. The
father is an Ilocano who migrated to Mountain Province.”
“Ang sweet-sweet ng batang ‘yan. Manang-mana sa Tatay nya.”
“Pogi talaga.”
“You bet. Doctor pala ang ama nyan.”
“Ipapasa ko ‘yan. Kaya lang naman ‘yan mababa, kasi matagal umabsent.
Nagkasakit kasi.”
“Ano, pasado na tong dalawa?”
“Approve.”
Mahirap talaga sa mundo ang hindi pogi at walang amang duktor.

“Come on in. Sit down.” Sabi ni Mrs. Moral Character matapos akong kumatok at
papasukin sa kanyang cubicle. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Called you for two reasons. Regarding our lesson and your attitude in class.” Idiniin
niya yung your attitude. Heto na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hindi
na lang ako nagkasakit. Sana’y natuloy na ang lagnat ko para wala nang sermunang
naghihintay.
“Jojo, ang tao’y hindi pulos tiyan tulad ng gusto mong palabasin.” Sabi niya habang
nakataas ang isang kilay.
Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili. Konting tiis. Mahirap makipagtalo sa
teacher. Ngiti ka lang basta. Titigil din ‘yan pag nagsawa. Pero tipong wala siyang
balak mag-short cut ng sermon.
“Walang essence ang pinagsasabi mo kanina. Iyon ay isang halimbawa ng a priori
statement. Do you get me?” Tumango naman ako.
“Good. Now, alam mo sigurong wala kang pinanghahawakang data, which I happen
to have.Panay speculation lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa
scientific world. Our lesson is more complicated than you thought. What you mean
probably is the role of economic determinism in contemporary philosophy, which is
altogether wrong. Bait hindi mo gamitin ang power o elite approach? Behavioralism
ang trend ngayon sa West. Bakit hindi ka makigaya?”
Huwag mong pansinin, ngiti lang. Paalala ko ulit sa sarili ko. Hayaan mo lang siyang
magsalita nang magsalita. Pasasaan ba’t mauubusan din yan ng sasabihin. Pasok
sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya’y
siya lang ang pwedeng tama.
“Do you get me?”
Tango pa rin ako. At ngayon, ang part II ng kanyang sermon.
“To be honest about it, I don’t like your attitude in class. Smart aleck!” Yuko na lang
ako. Saka ako bumulong ng “I’m sorry, Ma’m.”
Kahit hindi ko siya tingnan alam kong tatangu-tango siya sa tuwa. Napaamo niya
ang suwail ng eskuwelehan. Sana’y kasing “honest” din niya ako, di sana’y nasabi
ko ring “The feeling is mutual. I also don’t like you, Ma’m.” Sa halip ang nasabi ko na
lang ay “Can I go now, Ma’m?”
“I’m not yet through.” Ibig pa palang sabihin ay may part III pa ‘tong usapang ito.
“They saw you in the chapel last night.”
Diyos me, pati pala personal life ko’y pinakikialaman na rin nila ngayon sa loob-loob
ko. Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha.
“How young are you, Jojo? Speak up.”
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Hindi ako sasagot.


“Speak up I said.”
“Seventeen.”
“Seventeen and already you are…” Sa ayaw at sa gustoniya, tama na ang narinig
ko. Tumayo ako para umalis. Bago ako nakahakbang, dinugtungan pa niya ang
kanyang sermon, “I’ll let your mother know about this.”
Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa
mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sanay kasing tapang ako ng gusto
kong mangyari. Ano ba’ng masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak lang
kami ng kamay ni Tess. Masama ba yon? Siguro ang masama’y kung bakit biglang
napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel ng ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess.
Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ng mga Mrs. Moral
Character ng kung anong hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante. Si
Mrs. Gles-ing, tiyak na halos pumasok ang dila sa pagbabando ng kanyang scoop.
Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang ulit sa hangin at magbubulong ng
“balang araw.” Kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro’y hindi nila ikatutuwa,
pero natitiyak kong ipagtataka nila kung bakit.
Nasa lobby ang mga kabarkada kong alaskador.
“Jo, balita nami’y bida ka na naman.”
Hayaan mo na ang mga hayupak na ya’t magsasawa din yan” sagot ko naman.
“Kung nagmu-motel kayo, di wala sana silang alam.”
“Tigil,” sabi ko.
“Ano ba talaga ang ginawa nyo’t nagpuputok ang butsi ni Mrs. Gles-ing sa klase
namin kanina?”
“Isa pa ‘to, anong magagawa ko sa chapel? Kahit ka may madyik, walang himalang
mangyayari doon,” sabi ko.
“Ligawan mo kaya si Mrs. Gles-ing.”
“Isa ka pa.” Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako.
“Malay mo, baka may lahing Mrs. Robinson yon.” Saka sila nagtawanan. Nakitawa
na rin ako kahit na nabuburat na ako sa buhay.
“Tara na lang sa Cubao.” Yaya ko sa kanila.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

‘Yung isang round ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka
pinabuntutan ng one for the road. Kung gaano kabilis ang bote ng beer ay ganoon
din kabilis ang oras.
“Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?”
“Ano ba, di holding hands. Masama ba ‘yon? Para nagsusumpaan lang kami sa
harap ng altar na hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick-out. Kabastusan na ba yon?
Bakit kasi ang dudumi ng isip nila. Akala mo’y hindi nakipag-holding hands noong
mga bata.”
“Sila kaya, paano naging tao?”
“Natingnan lang, nabuntis na.”
Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paano’y masaya. Ako yata, kahit sa
paglilibang ay mga teachers ko pa rin ang nakikita. Sobra na ‘to. Bakit ba ayaw
nilang makakita ng katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto
nilang maging kamukha nilang lahat ang tao sa mundo. Dahil ba sa kanilang palagay
ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama, kaya wala nang natira para sa
amin para diskubrihin? Pero hindi ba ‘yung tinatawag nilang expertis,  ‘yung
dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin isang taong karanasang
pinatagal ng dalawampung taon?
Ngayon ko lang naiisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa
ekswela kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin.
Philippine School for Science and Technology ito, ang eskwelahan ng mga magiging
scientists balang araw, tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung
sinong bukod sa tamad magbihis ay madalang pang maligo?
Si Einstein kaya? Henyo ‘yon, kaya lang hindi nagsusuklay. Kick-out din siya. Bawal
sa school ang mahabang buhok. Tiyak na pagsasabihan siya ni Mr. Discipline ng
“Comply with school requirements. Maximum tolerable haircut please.” Ibig sabihin
noon ay ahitan ang batok. Gawing korteng kutsarita ang tuktok.
Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao ‘yan. Bawal ang lasenggo sa
klase. E si Maxim Gorky kaya, ang greatest Russian writer para kay Chekhov at
Tolstoy, pwede kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay ko’y
hindi rin. Bukod sa wala siyang unit sa English ay wala rin siyang diploma sa
education.
Si Kristo kaya kung mabuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit
walang M.A. at Ph. D. Papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung
makasalubong siya roon ni Mrs. Moral Character o ni Mrs. English, baka ma-shock
pa ang mga ito. Palagay ko, ganito ang sasabihin nila: “Imagine, kay lakas ng loob,
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ang bastos naman ng appearance. Long hair, hindi nag-aahit, tapos nakasandalyas
pa. Maano kung anak siya ng Diyos, wala naman siyang sense of decorum.” Saka
kung magsermon dito si Christ, baka mabuko lang siya ng “Who is your authority,
where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa West, bakit hindi ka
makigaya…” Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birthplace niya, dahil
kung sa Science siya ipinanganak, mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa
mundo.
Ay, sense of propriety at decorum talagang nakakataranta. Clean cut (pagsuklayin
mo si Einstein) white polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si Kristo). Naiisip ko
tuloy kung propriety din ‘yung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila
kapag Miyerkules. ‘Yan bang parang aatend sila ng party. ‘Yun bang ang tipo ng tela
ay mapapansin agad at mapagsasabihang “Ay, ang ganda, saan mo nabili? Siguro
ang mahal ano?” na sasagutin naman ng kausap ng “Mura lang ‘yan , siento isang
yarda. Christian Dior, original ‘yan, hindi gawang Rustan’s.” At para talagang
mapapansin, kailangang humahalimuyak din sila sa bango. ‘Yung parang walking
pharmacist. Saka kukulayan ang mukha na parang painting (pa-surreal). At saka
tatambakan ng brilyante ang tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri. Sa kanilang
“ganda” at “ningning,” para kang nakakita ng Xmas tree sa isang mahal na araw.
‘Yun ang proper sa kanila.
Kung sabagay, hindi nila maiino ‘yon. Noong gabing mahuli kami ni Tess ni Mrs.
English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo
kaya ipinako nang hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral
Character, Mrs. English, Miss Spermatozoa, Mr. Mathematician at Mr. Discipline at
kanilang mga katribo. Kaya siguro nila tinakpan ang kahubdan ni Kristo ng pelus na
nangingintab sa dami ng borloloy. Si Virgin Mary ay asawa daw ng isang hamak na
karpintero, pero sa bigkas niya ngayon ay mistulang peacock at Xmas tree na rin
siya. Pati nga kanyang luha ay ginawang perlas.
Ang hindi nila naging kamukha ay agad nilang napapansin. Ang taong naniniwala sa
sarili ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na “isang
kung sino lang.” Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa
Science? Scholar din kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng
mahabang panahon? Iyon lang kaya ang alam nila sa buhay, ang magturo? Para
silang hindi naging bata. Para bang nang ipinanganak sila’y alam na nila ang lahat
ng bagay. Baka akala nila’y biru-biro ang maging estudyante. ‘Yun kayang conduct
nila sa klase noong araw, panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali, dapat
itong ireport agad sa Santo Papa ng Roma. Nasa Pilipinas lang pala ang mga living
saints.
Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya pwedeng maging bida sa
mundo? Buti pa sa referendum kasali kami. Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ng Pilipinas o ang moral character? ‘Yung kapalaran ng Pilipinas, pwedeng isugal,


pero kung sino ang mas seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi
namin pwedeng pagpasyahan, “for adults” lang kasi ‘yon.
Ops, nakadi-jingle mag-isip. ‘Yung barkada, iba na ang usapan.
“Lagyan kaya natin ng thumbtacks ‘yung upuan ni Mrs. English?”
“Di aaray yun!”
“Hi-hi-hi.”
Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. Ako kaya, kanino pwedeng magreklamo?
Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng “Uminom ka na lang
ng kape.” Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong
problemahin nito pati kapalaran ng Pilipinas, tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa
kasaysayan baling araw, paano ako nito mapapansin? Magreport kaya ako kay
Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalaran ng mga sinasadistang
estudyante, pero mahirap namang umingles. Saka interesado lang ito sa giyera na
naluluma sila.
Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya
tiyak alam na niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the Mount of Sinai
wala yung “Blessed are the poor students for they shall inherit…” Siguro dahil wala
na siyang langit o lupang pwede pang ipamana sa iba.
Ayaw kong maging Minyong. Kailangang magsalita na ako, baka ako mabaliw. Ayaw
kong maging robot, ayaw kong maging bato. Hindi baleng drop-out, basta tao lang
ako. Maliit ang comfort room kung doon ko isusulat ang akung sumbong. Marami na
roong nauna. “What you’re holding now is the future of the fatherland.” “If you can
reach this high, you shall be great.” “Ibagsak ang pasismo.” “LABAN.” “Putang’ina
n’yo.” “Alpha Phi Omega.” “Wanted pen-pal.”
Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at
makarinig ng aking sumbong. Pero sa ngayon idi-jingle
ko na lang muna ang sama ko ng loob.
------------------------------------------------------------------
    Ang aking value-added para sa kwentong ito.Ito ay ang nacite ni CJ Corona
tungkol kay Presidente Noynoy. Si PNoy daw nag-uUTOS na parang HARI. Diktador
daw. Ang sabi ko naman talaga? Kung diktador siya paano naman si CGMA? 
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

http://walking-writer.blogspot.com/2012/01/maikling-kwento-utos-ng-hari-jun-
cruz.html

You might also like