Professional Documents
Culture Documents
Annotated
Annotated
Kasaysayan ng Panitikan
2010-7206 Abril 13, 2019
ANOTASYONG BIBLIYOGRAPI
BILANG PANGANGAILANGAN SA ASIGNATURANG
KASAYSAYAN NG PANITIKAN
Bago matapos ang taong 1910, ang pahayagang Ang Mithi ay nagbukas ng timpalak-
panitik sa maikling kuwento, isang bagay na nagpapakilala sa sarili ang babasa at sa
maununlat man naman. Sa nasabing tipalak, ang Kuwento, ang kuwentong “Elias” ni
Rosauro ALmario ay nagtamo ng unang gantimpla sa pamamagitan ng 14,478 halal ng mga
mambabasa. Mula noon, ang maikling kuwento ay nakahumalingan nan g mga mambabasa’t
manunulat hanggang sa yao’y mangibabaw sa lahat nang uri ng bababsahin, maliban marahil
sa tula. Kasabay ng pag-unlad ng maikling kuwento, ang nobelang Tagalog ay unti-unting
kinamalasan ng panghihina.
Ayon kay Piaget, ang paraan ng pag-unawa ng mga bata sa ganitong edad
ay maituturing na animistic. Sa unang mga taon ng paglaki ng bata, hanggang sa walo o
sampung taon, ang bata ay maaari lamang magkaroon ng na- pakapersonal na pag-unawa sa
mga bagay na kaniyang nararanasan. Bilang mambabasa, maaaring kailangan pa nila ng
matatanda para magbasa sa kanila. Mas mahilig silang makinig sa mga kuwentong binabasa
sa kanila. Ano ang kahulugan nito sa pagkatha ng kuwentong pambata? Maaari nating
pangunahan ang mga nagbabalak magsulat ng kuwento na ang haba ng salaysay o kalidad ng
wika sa pagkukuwento ay hindi limitado sa napakaik- ling naratibo o sa paggamit ng
napakapayak na wika. Ang Mito ng Haba at Kapayakan ng Kuwentong Pambata Ang
dalawang katangiang ito ay rekomendasyon lamang ng mga editor at tagapaglimbag ng
kuwentong pambata, mga praktikal na konsiderasyon lamang. Hindi kabilang sa nararapat na
katangiang dapat taglayin ng kuwentong pambata. Noong aktibo pa ako sa pagsusulat para
sa Adarna, mga katapusan ng dekada ’70 hanggang dekada ’80, hindi pa gaanong handa ang
mga akademikong institusyon sa siyentipikong pagtaya sa kakayahan ng mga batang
mambabasa. Halos walang mga pag-aaral sa lawak ng bokabularyo ng mga batang walo o
sampung taon pababa, lalo kung wikang Filipino ang ginagamit. Ang karaniwang
kinokonsulta ay mga pag-aaral sa mga batang mambabasa mula Europa o Estados Unidos, na
wikang Ingles o Europeo ang gamit. Natitiyak kong marami nang pag-unlad sa ngayon sa
larangang ito ngunit mahirap pa ring sabihin na may katiyakan kung gaano kahaba o kapayak
ang wika ng isang kuwentong pambata. Kung babasahin nating muli ang salin ng mga
orihinal na kuwento ni Hans Christian Andersen at ng Brothers Grimm, o kahit ang mga
kuwentong kabi- lang sa Arabian Nights, kapansin-
pansin ang haba at dawag (lushness) ng mga ito. At ang pagsasalin sa kanila sa modernong
bersiyon na mas maikli o mas payak ay hindi laging nangangahulugan ng kapaki-pakinabang
na karanasan sa pag-unawa ng mga batang mambabasa. Paanong Mag-isip ang mga
Bata Kailangan nating balikan ang katangian sa pag-iisip at paraan ng pag-unawa ng mga
batang mambabasa upang higit na malinawan ang isyu ng haba at kapayakan ng isang
kuwento para sa bata. Hamon sa Muling Pagsasalaysay ng Kuwentong-bayan Sa
kasalukuyan, maraming nailalathalang kuwentong pambata ang muling pagsasalaysay ng ating
mga sinaunang mito, alamat, at mga kuwentong-bayan. Sa isang banda, sinasabing
mahalaga ito dahil sa pagpa- pakilala sa bata ng kulturang Filipino. Subalit dalawang bagay
ang dapat isaalang-alang kaugnay ng ganitong tunguhin sa paglikha ng kuwento sa mga
batang Filipino. Una, ang mga alamat at mito, at marami sa tinatawag na kuwentong-
bayan ay malayong maituring na pambata at hindi binuo para sa kapakanan ng bata. Ang
mga mito at alamat ay nalikha sa panahong tinatawag nating “unang panahon.” Noong
ang ating mga ninuno ay hindi pa siyentipiko kung mag-isip. Maipapalagay natin nang
panahong iyon, dahil sa kabataan ng mundo, maraming bagay ang nakapagtataka at
nangangailangan ng paliwanag.
Almario, Virgilio S. (2011 ).Rizal: Makata. Anvil Publishing, Inc., 7th Floor Quad Alpha
Centrum Building 125 Pioneer Street, Mandaluyong City 1550 Philippines
Bukod sa mga nobelang Noli me tangere at El filibusterismo, tula ang malimit na sinisipi ng
mga nais magpakilálang nakabása kay Rizal. Tatlo palagay ko ang pinakapaboritong sipiin
mula sa kaniyang mga tula: “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”; “Ang hindi magmahal sa
sariling wika/ Mahigit sa hayop at malansang isda”; “Morir es descansar.” Alam mo ba kung
saan sinipi ang mga ito? Ngunit hindi iyon ang mahalaga. Ang higit na mahalaga, at nais
kong tumbukin, ay ang naging papel ni Rizal sa kasaysayan ng panulaan sa Filipinas. Ito ang
hindi napag- uukulan ng pansin ng kahit mga Rizalista at isang malaking patunay sa
kasalukuyang limitasyon ng pag-aaral kay Rizal. Ang mga nobela at mga sanaysay niya ang
laging tuon ng komen- taryo, mabuti man o masamâ. Kahit sinisipi ang nabanggit kong mga
taludtod mula sa kaniyang mga tula ay hindi naman natatalakay ang merito ni Rizal bilang
makata.
Sa pangyayaring ito, itinuturing na magkakatugma ang búkid, sabík, lákip, at lupít
samantalang maaaring gamiting magkatugma ang buhól, lámon, bayóng, at tulóy. Isang hali
m- bawa niyang bugtong ang maaaring gamitin ukol dito: May magasawang sing
ibig Maghapong walang imik Pakanin pa’y nagagalit. Idinagdag pa ni Rizal ang sumusunod
na obserbasyon tungkol sa tugma: (1) Na hindi kinikilála ang berso libre o malayang
taludturan sa pagtulang Tagalog; (2) Na laging isa- han o monorima ang tugma sa bawat
saknong at hindi dapat magkatulad ang tugma ng dalawang magkasunod na saknong; (3) Na
ang tugmang Tagalog ay makikíta lámang sa
hulíng pantig at hindi mahalaga, tulad ng nabanggit ko na, kung acen- tuado o hindi, at ito an
g ikinaiba ng tugmang Tagalog sa tugma ng mga wikang Europeo. Ang paliwanag niya
hinggil sa sukat ay naisagawa na kahit paano ng mga misyonero. Kung tutuusin, higit na
makab- uluhan ang banggit nina Fray San Agustin hinggil sa katu- tubong sukat, lalo na ang
tungkol sa pipituhin at wawaluhin, ng mga tanaga, diyona, at dalít. Nakapagbigay lámang si
Rizal ng isang bugtong na pipituhin: Tinaga ko sa gubat Sa bahay nag iiyak. Ang mga
oberbasyon sa tugma’t sukat ni Rizal ay magiging batayan ng mas permanenteng
kodipikasyon sa mga sangkap na ito nitóng ika-20 siglo. Susundan ito at lilinangin ng mga
makatang Balagtasista, lalo na dahil
sa makapangyarihang Peculiaridades de la poesia tagala, isang ma- habàng lekturang
binigkas ni Lope K. Santos sa Unibersidad ng Pilipinas noong 22 Nobyembre 1929. Sa
pamamagitan nitó nabuo ang maaaring ituring na Unang Panahon ng Pormalismo sa
poetikang Filipino. Kahit ang pagpupugay ni Rizal sa kadak- ilaan ni Balagtas bilang makata
ay naging malakas na
sandigan sa pagdangal ng mga Balagtasista sa Florante at Laura bilang huwaran ng pagtula.
Nakatimo din sa pagtingin ni Rizal kay Balagtas ang limitasyon ng kaniyang pagsusuri sa
panulaan. Sapagkat naka- batay lámang sa gunita ng kaniyang kamusmusan, o sa pagtu- lang
nakamulatan niya, kulang sa perspektibang pangkasaysayan ang kaniyang obserbasyon, at sa
gayo’y hindi nasipat ang naganap na pagbabago sa tradisyonal na pagtula bunga ng
kolonyalismo. Pangunahing halimbawa ng pag- babago ang sukat na ginamit sa hinahangaan
niyang pagtula ni Balagtas. Alinsunod na rin sa ulat ng mga misyonero, walang katutubong
tula na may sukat na lalabindalawahin.
Ayon kay Fray San Agustin, pawang pipituhin at wawaluhin ang sukat ng mga
popular at katutubong tulang Tagalog. Ang lal- abindalawahin ay sinikap ipasok ng mga
misyonero sa pamam- agitan ng kanilang pagtula ngunit hindi tinanggap ng mga
katu- tubo. Tinagurian pa itong “plosa” na korupsiyon ng prosa
upang ipahiwatig na lubha itong mahabà at kulang sa disiplina upang ituring na tula. Ngunit
nagsimula itong gamitin sa pag- tula ng mga edukado at naging sukat ng isa sa mga sanga
ng naging popular na tulang pasalaysay sa bungad ng ika-19
siglo. Ang metrico romance mulang Espanya ay naging awit at korido na ang tanging
pagkakaiba ay sukat ng taludtod—wawaluhin
Sa kasaysayan ng panulaang Filipino sa loob ng kolonyalismong Espanyol ay
maipagmamalaki ang tugma’t sukat sa mga katutubong sangkap na nagtanggol at iginiit ang
taal na katangian laban sa banyagang pananakop. Sinikap itong pasukan ng bersipikasyong
Espanyol ng tulad ni Fray
Fran- cisco de San Jose ngunit hindi nagtagumpay.² Pinintasan ng isang makatang Indio na
“Magaling, datapoua hindi tola”
ang mga eksperimento ni Fray de San Jose sa lira, octava real, romance, seguidilla, estribillo
, atbp. Hindi sinasadyang pinatunayan ng lektura ni Rizal ang matagumpay na pag- tatanggol
ng katutubong tugma’t sukat hanggang sa ika-19 siglo. Sa loob ng tatlong dantaon, ang
lalabindalawahin lámang ang maituturing na insersiyong naisagawa ng kolonyalismo sa taal
na tugma’t sukat ng mga Filipino.
Anonuevo, Roberto T. at Coroza, Michael M. (2003) Mga Kuwento sa Kasaysayan. UST
Publishing House, Espana Manila.
Tinalakay sa Librong ito ang Mga Pinagmulan – Bisperas ng Kasaysayan at ang mga
Tribu, nakapaloob dito ang kuwentong Yungib ng Tabon, sa kuwento ay inilahad na tahimik
na pumapaloob ang Tao sa daigdig, ayon sa sinulat ni Teilhard de Chardin, ang teologo,
pilosopo, at antropologong tumulong sa pagtuklas ng mga labing kalansay ng
Pithecantropus pekinensis na higit na kilala bilang Taong Peking. Nakatutlig ang katahimikan
sa paglipas ng panahon. Sadyang wala na tayong tala hinggil sa unang paglitaw ng tao sa
daigdig na ito, maliban na lamang sa iang kagamitang pinagpawisang hubugin mula sa bato,
sa mga iginuhit na hulagway ng mga hayop sa dingding ng kaniyang mga yungib , at sa ilang
lansag na buto.
Maraming pakahulugan ang panitikan ang iba't ibang manunulat tungkol sa panitikan.
May nagsasabing ang tunay na kahulugan daw ay yaong pagpapahayag ng damdamin,
panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining
na mga pahayag. Kasama na sa mga nagbigay pakahulugan sa panitikan ang mga sumusunod:
Atienza, Ramos, Salazar at Nazal sa kanilang aklat na " Panitikang Pilipino " , Bro. Azarias,
Webster, at Maria Ramos. Ang panitikan ay hindi lamang lumlinang ng nasyonalismo kundi
ito'y nag-iingat din ng mga karanasan, tradisyon at mga mithiin ng bawat bansa. Ito ay isang
ilaw sa walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao. Ang panitkan at kasanayan ay
matalik na magkaugnay. Ang kasaysayan ay naisatitik kaya't ito'y makatotohanang panitikan.
Samakatuwid, bahagi ng panitkan ang kasaysayan. Subalit, mayroon silang pagkakaiba. Ang
panitikan ay maaaring kathang-isip lamang samantalang ang kasaysayan ay pawing mga
pangyayaring tunay na naganap. Ang panitikan ay may apat na paraan ng pagpapahayag-
pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan, at pangangatwiran. Marahil, minsan ay napagtanto
natin kung bakit kailangan nating pag-aralan ang panitikan. Sa kabanatang ito, inilalahad na
mayroong limang(5) mahahalagang bagay kung bakit kailangan nating pag-aralan ang
panitikan. Isa na dito ay upang makilala natin ang sarili bilang Pilipino at matalos an gating
minanang yaman ng isip at angking talino n gating pinanggalingang lahi. Mayroon ding mga
mahahalagang bagay na nakapangyayari sa panitikan at ito ay ang sumusunod: (1) ang klima;
(2) ang hanapbuhay; (3) pook; (4) lipunan at pulitikan at; (5) edukasyon at pananampalataya.
Kung ang limang kalagayan ang nabanggit na nakapangyayari sa panitikan ay may
impluwensya sa anyo, hangarin, at laman ng panitikan, ang panitikan naman ay may dalang
mahahalagang impluwensya sa buhay, kaisipan, at ugali ng mga tao. Isa na dito ay ito ang
dahilan ng nagkalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng
ugali at nagkakatulungan. Marami ring mga akdang pampanitikan ang nagdala ng
impluwensya sa buong daigdig tulad ng mga sumusunod: Canterbury Tales, Uncle Tom's
Cabin, Ang Divine Comedia, Banal na Kasulatan o Bibliya, Koran, Ang Iliad at Odyssey,
Mahabharata, El Cid Compeador, Ang Awit ni Rolando, Aklat ng mga Patay, Aklat ng mga
Araw, at Isang Libot Isang Gabi. Ang panitikan ay may dalawang pangkalahatang uri. Ito ay
ang patula at tuluyan. Kasama sa tuluyang uri ang mga akdang maikling kwento, nobela,
dula, pabula, alamat, anekdota, sanaysay, talambuhay, balita, parabula at talumpati.
Samantala, ang mga tula naman ang mga akdang napabilang sa patulang uri ng panitikan.
Nahahati naman sa apat na uri ang mga akdang patula: tulang pasalaysay, tulang paawit o
liriko, tulang padula o pantanghalan, at tulang patnigan.
Isa rin sa ipinagmamalaking akada ay ang Sinaunang Bisaya. Waring walang ikinaiba
mula sa luamn Tipan o sa Mitolohiyang Griyego, Romano, at Asyano. Inakalang nag-ugat
ang daigdig sa parehong agos ng dibinong talisik , ng paglikha, ng sala at parusa. Para sa
sinaunang bisaya, ang Henesis ay binubuo ng dalawang bathala, si Kaptan at si Magwayen.
Makaraang magtaling-puso si Amihan at Dayaray , dinala ni Amihan ang pasyok na itattanim
ni Kaptan, ang pasyok na nabakli at pinagmulan ng unang lalaki at unang babae.
Ang librong ito ay may malaking ambag sa panitikan sapagkat tinalakay dito ang iba’t
ibang pinagmulan ng panitikan at ng iba’t ibang tribu. Naipapakita ditto na anumang tribu o
paniniwala mayroon ka, mas nararapat pa ring magtiwala sa nasa itaas at ipaubaya ang ating
kapalaran sa Kanya. Nawa’y mabasa ito ng nakararami upang mas lalaong maintidihan at
maging bukas ang kanilang isip sa pagkakaiba ng mga tribu.
Antonio, Teo T. (2016). Contemporary philippine poetry:Bagay bagay. Anvil publishing,
inc. 7th Floor Quad Alpha Centrum 125 Pioneer Street, Mandaluyong City 1550 Philippines
Hindi biro ang pagbuo ng isang konsepto para magpaaklat ng mga piling tula. Kung
minsa’y parang hinalong-kalamay ang pinagsama-samang mga tula ng ibang nagpapaaklat ng
sariling koleksyon. Hindi sila masisisi kung iilan lamang ang kanilang natipong tula. May
marami namang naipon na hindi malaman ang gagawin kung alin ang pagsasama-samahin o
kaya’y pagsasama-samahing lahat kahit hindi nababagay ang ibang tula. Napakahirap
talagang bumuo ng isang tema para sa isang koleksyon ng isasaaklat na tula. Nakagugulat
ang mga makatang bumubuo ng isang konsepto para maka- pagpaaklat ng tula. Pinag-iisipan
nila nang matagal at inihahanda ang mga piling tula na para sa kanila ay tumutugon sa
hinihingi ng kanilang nabuong konsepto. Hindi ako katulad nila, masinop at kalkulado ang
gagawing aklat ng tula Totoong marami akong nasusulat na tula, kung minsa’y parang gusto
kong ilathalang lahat sa isang aklat. Pero, napag-iisipan ko rin na hindi lahat ay puwedeng
isama. Bukod pa sa sinusuwerte akong magkaroon ng kaibigang makata na nagbibigay sa
akin ng payo na dapat kong piliin ang mga tulang may kaugnayan sa iisang tema para maging
solido o buo ang koleksyon ng mga tula. Kung minsan naman, nakabubuo ako ng konsepto
para sa isang tema ng gagawing aklat ng tula na parang kislap-sa-dilim. Biglang
nagliliwanag sa aking isipan ang kabuuan ng mga natipon kong tula, na tumutugma sa isang
tema na nais kong buuin. Ito ang naranasan ko nang mabuo ang ikat- long koleksyon ng
tulang “Bagay-bagay.” Noong Hunyo 1988, naisipan kong bumuo ng isang koleksyon ng
tula tungkol sa bagay o anumang bagay na nasa ating paligid. Ilarawan ang kabuluhan at
kahulugan nito. Kadalasan nga, may mga simpleng bagay sa ating buhay na ating binabale-
wala. May munting bagay na pinagsisimulan ng atingmga pangarap.
Sa pasimula, wala pang mga Dios na maaaring lumikha ng mga uniberso. Pero makiki
ta nang namamasyal ang sinaunang ilong sa ibabaw ng Banging May Walang Hanggang
Lalim. Naghahanap ang ilong ng kahit anong bagay na maaari niyang maamoy. Kung
kaninong ilong ito, wala talagang nakaaalam, pero ito ang Ilong Na Nakaaamoy Ng Lahat,
ang Animasolang Kanunununuan, Sibol na Walang Pinagsi- bulan at Tuldok na Walang
Pagtuldukan. Ito rin ang ilong na nakatakdang maila- rawan sa gitna ng tatsulok na makikita
sa mga watawat at pananda ng Samahang Banal Ng Mga Kumag Sa Lupa. Sa bahaging ito ng
ating kasaysayan, masasabing
Wala pang silbi ang kaniyang pang-amoy. Wala pa naman kasing kahit anong bagay na
maaaring maamoy noon. At ito ang labis na nagpapalungkot sa kaniya. Kasama ng sinaunang
ilong ang isang ubod liit na kulisap na niknik kung tawa- gin. Habang palipad-lipad ang
niknik sa ibabaw ng kawalan, pakiramdam niya’y nagpapaikot-ikot lamang siya sa paligid ng
isang naghihikab na bangin. Hanggang minsan, upang maiba naman ang nakababagot na
takbo ng kaniyang buhay, naisip niyang pasukin ang butas ng sinaunang ilong. Matagal na rin
naman niyang pinagmamasdan ang dalawang madidilim na butas na iyon habang pinagiisipan
kung ano nga kaya ang makikita sa loob niyon. Marahil, ang sabi niya sa sarili, isa sa
dalawang butas na iyon ang lagusan mula rito sa wala papunta sa mayroon. Gusto niyang
ipagpaalam sa ilong ang pagbisi- tang balak niyang gawin, pero dahil matangos kasi ang
nasabing ilong kaya nahiya siya rito. Pero hindi na niya matagalan pa itong tila walang
katapusang pagpa- paikot-ikot sa kawalan. Mababaliw na siya, pakiramdam niya, kung hindi
siya makakakita ng panibagong kapaligiran. Kaya baon ang kaunting lakas ng loob, walang
patao-po na pinasok ng niknik ang kanang butas ng ilong. Naramdaman naman ng
Animasolang Kanunununuan ang pagpasok na iyon ng kulisap. Dahil dito, napabahing nang
sunod-sunod ang maselang ilong.
TinalakayangKung paano maiiwasan ang pagkakasala sa pagbabasa sa banal na akl
at ng mga kumag Bakit ba tayo nagbabasa ng nobela? Kasi nakaka-relate tayo. At itinutuloy
natin ang pagbabasa, kasi’y natutuwa tayo. Gusto natin ng ending na — “ay oo nga,” o
kaya’y, “ay ganoon pala iyon.” Saka natin hahanapin ang totoo sa binasang kathang-isip, sa
mga tauhan at mundong hinabi ng awtor. Anong in- sight meron ang nobela. Doon
nagkakatalo. Mas malamang, naroroon ang bago.
Paano nabuo iyon ng awtor. Iyon ang istrakturang naglaman ng kanyang diskurso. Anyo ng
diskurso. Saka pa lamang natin masasabi kung maganda ba o hindi ang ating binasa.
Nagandahan kasi tayo sa anyo at pamamaraan ng pagsusulat ng diskurso ng awtor. Sa fiction
ay posible ang lahat.
Dahil nangaiba tayo sa akda, na sa kuwento’y inaakda pa lamang, na hindi pa
rin nakakatiyak na makapapasa sa pamantayan ng mga imahinaryong likhang dios ng akda
(metafiction), magtatanong na tayo kung ano ang gustong palabasin ng akda at ng may akda.
Isang pagtatasa ba ito o isang pagsisisi. Isang simpleng pagpa- pahayag o isang pagkakalag.
Sa gayo’y may iba pa tayong makikita sa akda at sa kasaysayan. Ito ang apropriyasyon ni
Derain sa isang posibleng pagbasa sa kanyang alternatibong kasaysayan, sa kung paano ang
posibleng laman ng isip ng mga katutubo noong nag-uumpisa pa lamang ipasok sa bansa ang
relihiyong Kato- liko. Mayroon siyang gustong baklasin. Para mas mabuo ang retelling na
ginagawa ni
Derain,magandasigurokung kukunekta ito sa tatlo pang akda na may ganito ring tangka. Una
ang Batbat hi Udan ni Jun Sungkit bilang panimula. Laman nito ang digmaan ng mabuti laba
n sa masama sa punto de bista ng mga katutubo. Sa akdang ito’y wala pa ang mga dayuhang
Espanyol. Mundo ito ng mga katutubong Higanon ng Bukidnon. Saka natin isunod ang
nobela ni Derain. Isunod ang bagong anyo ng metrical
romance, ang Hari Manawari ni German Gervacio. Labi ng mga kuwentong bayan at epiko ri
n ang laman nito tulad ng kay Derain, lamang ay may mga prinsesa at prinsipe pa
na mga naninirahan sa mga palasyo. At kung idadagdag pa ang nobelang Sa Kasunod ng 909
ni Edgar Samar. May makikita tayong kongkretong direksyon ng mga ak- dang retelling sa
Pilipinas sa ngayon. Parang pagbasa sa serye ng kasaysayan ng Pilipinas mula noon
hanggang sa ngayon, mula sa panahong pre-colonial hang- gang sa panahong postmodern sa
anyong fiction. Pawang kakaiba ang mga na- banggit na nobela. Pawang magaang basahin.
Sina Derain, Gervacio at Samar ay pawang witty at mapaglaro sa salita. Punong-puno rin ng
irony ang kanilang nalikhang katatawanan. Lahat sila’y naghahanap ng kahulugan ng
kabansaan. Malayong-malayo ang mga ito sa kinagisnang nobela. Ito ang halaga ng akda ni
De- rain at tatlo pang nabanggit. Ganito ang nagagawa ng mga ganitong akdang, nabibigyan
ng puwang ang hindi mabuhay ng kasaysayan at anthropology. Sa dulo, ang halaga ng mga
ito, bagama’t nasa anyo ng fiction, ay ang paglalahad ng nabit- ing natural na proseso ng
natural na pagbubuo ng bansa, na hinabi nilang remnant ng mga natitirang kuwentong bayan
at epiko ng mga rehiyon. Ito tayo, isang rep- resentasyon ng pagbubuo ng mga pinagwatak-
watak. Tulad ng marami pang mga manunulat sa kasalukuyan, lahat sila’y bahagi ng proyekto
ng pagbabansa. Karamihan sa kanila’y produkto ng akademya. Mahalaga rin itong banggitin
para luminaw kung nasaan na ang kontemporayong panitikan ng Pilipinas. Sa gayo’y isang
pagmamapa rin ito ng kasalukuyang anyo at tunguhin ng panitikan ng bansa.
Maipapaliwanag nito ang pagkakaiba ng panulat noon at ngayon. At kung ano ang ginagawa
ng mga manunulat sa akademya. Isa pang imbesti- gasyon ang kasunod sa tanong. Sapagkat
matamlay na ang print. Sapagka’t ang Pagsusulat ng nobela ay hindi na makabubuhay ng
pamilya (hindi kasali si Bob Ong). Sapagkat ang akademya na ang mas sumusunod na
paborableng trabaho ng isang manunulat. Kailangang magbagong anyo rin ang panulat para
makasabay sa panahon at giliw ng mambabasa. Nagpapakitang gilas ang mga batang
manunulat. Kaya naman ang ganitong akda’y isa ring selebrasyon. Hindi pumapayag ang
mga batang manunulat na mamatay ang panitikan. Sa halip, buong gilas, binubuhay
at pinalalakas nila ito. Nagbabalikwas sila, at higit pa, tulad ng akdang ito na maaar- ing
ituring ding isang akda ng pagbabaklas. Kailangang may mawarat para may mabuo. Ginigiba
ang mga kumbensyon para may lumabas na sariwa. Isang pag- aakda ng pagbabanta. Ganito
na ang tunguhin ng fiction, sa mundong nagbabago. Hindi tradisyunal, hindi rin tumatakas,
nagbabagong anyo. Simula rin ng redepin- isyon ng mga akdang may tunguhing transgresibo
(pasaway). Hindi masama, bagkus, dapat pa ngang tangkilikin. Sapagka’t tayo ang kuwento.
Tayo ang sensi- bilidad. Sa globalisadong mundo, hinahanap pa rin natin ang ating espasyo.
Dery, Luis C. (2003). Awit Kay Inang Kundiman: Ang Larawan ng Pilipinas Ayon sa mga
Tula’t Kundiman na Kinatha Noong Panahon ng Himagsikan. De La Salle University Press,
Inc. 2504 Leon Guinto St. Malate 1004, Maynila Pilipinas
Sa librong pinamagatang “Mga Piling Kuwentong Sebuwano” ipinakita dito ang iba’t
ibang panitikan ng Pilipinas. Dahil hindi mahagilap ang mga akdang ito, kalimita’y
nawawaglit na rin sila sa kamalayan ng ating mga mag-aaral at guro. Kaya di man dapat ay
natatawaran ang kalidad ng ating kultura, at naipipintas ng iba na “walang ibubuga” ang
panitikang bernakular kundi mga eskapistang komiks at magasin. Ilan sa mga akdang
nailimbag ay Apasumpay, Ug Gianod Ako, Ang Pahigmata, Si Manang Merin u gang Kasing,
Tingali ang Adlaw Mosilang Ugma, Sa Lunhawng Tugwayanan, Ang Hunsoy Sungsongan
Usab, Paingon sa Bag-ong kalibutan, Usa Niana Ka Gabii, Ang Kalibutan, Matapos,
Kinikilala naman ang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña bilang siyang
unang naisaaklat na nobela na nalimbag noong 1904. Naging popular ito sa bayan dahil
naging halos kapanabay nito ang umaangat na bilang ng mamamayang nagiging aral at
marunong bumasa, bukod pa sa nauna nang sekularisasyon ng mga palimbagan. Kung
pagbabatayan natin ang bilang ng mga Pilipinong kasalukuyang nahuhumaling sa mga
palabas pantelebisyong gawa sa Korea, masasabi nating napukaw ng mga Koreano ang
damdamin at atensyon ng masang Pilipino. Sa kasalukuyan, hindi lang isang Koreanovela
ang ipinalabas sa telebisyon. Karamihan sa mga dramang ito ay ipinalalabas sa gabi ngunit
mayroon din namang sa araw ipinalalabas. Kung dati-rati’y si Thalia ang bukambibig ng
taong-bayan, ngayon ay pawang mga Koreanong artista na ang laman ng kanilang
kuwentuhan araw-araw.
Ngunit ano ba ang dahilan kung bakit malapit sa puso ng mga Pilipino ang mga
palabas galing Korea?
Kung titingnan natin ang panitikan ng bansang Korea, masasabi nating may
pagkakatulad ito sa panitikan ng mga Pilipino kung tema ang pag-uusapan. Tulad ng mga
Koreano sa mga usaping may kinalaman o tungkol sa pag-ibig. Karamihan ng kanilang
panitikan ay may ganitong temang dala-dala at mababakas ito sa mga palabas na kasalukuyan
nating pinanonood.
Isa ang bansang Korea sa mga mayamang bansa sa Asya. Maraming kompanya na
kilala sa buong mundo ang nanggaling sa bansang ito. Tulad ng mga Hapones, malikhain at
masipag ang mga Koreano. Sinisiguro nila ang na lahat ng kanilang ginagawa ay tunay na
maipagmamalaki at de-kalidad.
Isa rin ito marahil sa mga dahilan kung bakit kinagigiliwan ng mga Pilipino ang mga
palabas na gawa sa Korea. Maliban kasi sa nasungkit nito ang temang gustong-gusto ng mga
Pilipino, kitang-kita rin na pinagkagastusan nang husto ang mga palabas na kanilang
ginagawa.
Kung mahal ng mga Pilipino ang mga palabas na gawang Korea, mahal naman ng
mga Koreano ang Pilipinas dahil sa taglay nitong likas na kagandahan. Humahanga rin ang
mga Koreano sa kagalingan ng mga Pilipinong magsalita ng Ingles. Dahil dito, parami nang
parami ang mga turistang Koreanong bumibisita sa bansa upang magbakasyon o kaya’y mag-
aral.
May nagsabi rin sa akin na nababanggit ni Ceres na siya ang aking ninang sa
panitikang pambatà. At tiyak na nakabatay ang kaniyang “paginaanak” sa akin sa dalawang
ulit kong paglahok sa naturang kumperensiya para sa mga guro. Sa totoo lang, ni walang
naging matiim na impresyon sa akin ang naturang karanasan. Pagkatapos ng dalawang ulit na
paglahok ay nakalimutan ko na ang panitikang pambatà. Ni hindi ako naganyak sumulat ng
kahit kaprasitong kuwentong pambatà. May maituturing na tulang pambatà na naisulat ko sa
panahong ito dahil mga tula ko iyong handog sa mga anak ko, gaya ng tula kong
“Pasalubong” para kay Asa, o kayâ’y mga tulang magaan ang rendisyon at batay sa
panitikang-bayan at
marami nitó sa aklat kong Doktrinang Anakpawis (1979). Isa dito ang nagustuhan ni Ceres, a
ng “Isang Linggo sa Sirko,” at ginamit niya sa kaniyang aklat. Sa kabilâ ng lahat, dapat
ituring si Ceres na “ninang” ng makabagong panitikang pambatà sa Filipinas. Magmula sa
panahon ng Amerikano hanggang noong dekada 70 ay walang nagbuhos ng talino, panahon,
at salapi sa panitikang pambatà na maikokompara kay Ceres. May manaka-nakang sumusulat
ng aklat pambatà—lalo na iyong tipong pampaaralaan—at malimit na sinulat ng isang
reti- radong guro. May manaka-nakang nag-oorganisa ng seminar, forum, kontest, at katulad
hinggil sa panitikang pambatà. Hindi nawawalan ng mga babaeng may ginintuang puso para
sa mga musmos. (Mga babae? Oo, wala akong matandaang lalaki bago ako.) Ngunit mga
ningas-kugon. Wala sa kalingkingan ng nakíta kong dedikasyon at bisyon ni Ceres, mula sa
pagtatatag niya ng Children’s Literature As- sociation of the Philippines, Inc. (CLAPI) at
paglalathala niya ng sariling mga aklat pambatà.
Naging mahalaga ko rin siyang katuwang sa mga panimulang
hakbangin ko sa Aklat Adarna bagaman naging matigas kong kritiko sa proyektong Sesame S
treet sa Filipinas. Huminto lámang siya ng atake sa sinimulan kong proyektong pantelebisyon
nang maghunos ito, tulad ng pangako ko, sa isang buong-buo at ori- hinal na palabas—
ang Batibot. Gayunman, marami kaming hindi pagkakasundo. Inilihim ko sa kaniya ang mga
ito sapagkat hindi ko nais saktan ang kaniyang kalooban. Una kong naram- daman ang mga
problema at limitasyon sa kaniyang pasok sa pagpapalaganap ng panitikang pambatà noong
lumahok ako sa kaniyang kumperensiya. Kaagad kong napansin, halimbawa, ang
komposisyon ng mga kalahok sa kumperensiya. Lahat halos ay mga guro at laybraryan. Na
maganda kung iisipin na ang kumperensiya ay isang paraan ng pagpapaalab sa kanilang
malasakit sa mga paslit at pagmamahal sa aklat. Hanggang ngayon, at kung isasaalang-alang
ang marawal na estado ng edukasyong elementarya at mga aklatan sa Filipinas, ay sadyang
kailangan ang pat- uloy na pagpapaalab sa damdamin ng mga guro at laybraryan. Gayunman,
wika nga’y captive audience silá. Ikakatuwa nilá ang gayong kumperensiya ngunit mahi- rap
asahang silá ang magiging pasimunò ng pagpapaunlad sa panitikang pambatà. Kakatwa
samakatwid na silá ang tinuturuan sa workshop kung paano sumulat ng kuwento o tulang
pambatà. Ibang talino ang pagsulat at hindi iyon natutuklas sa mga kumperensiya’t workshop
ng CLAPI, bunga na rin ng pangyayari na mga guro at laybraryan ang mga miyembro at lider
nitóng kasáma ni Ceres. Sa panahong iyon, ipinagtataká ko ang estratehiya ng CLAPI at ni
Ceres. Iki- nakalat nilá ang halaga ng panitikang pambatà ngunit hindi napagtutuunan
ng pansin ang paglikha ng panitikang pambatà. Sapagkat sa panahong iyon ay ano
ang babasahíng maaaring gamitin ng magulang para sa kanilang anak o ng guro para
sa kanilang mag-aaral? Puro mga aklat na imported ang mabibili sa National Book Store.
Puro mga komiks at magasing komersiyal ang karaniwang babasahín ng mga dukha.
Malaking bahagi samakatwid ng programa sa panitikang pambatà ay ang pagsasanay ng mga
manunulat, mga manunulat na mag-uukol ng talino para mag- dulot ng angkop na babasahín
sa mga batàng Filipino. inupad ni Ceres ang tungkuling ito sa pamamagitan ng paglalathala
sa kaniyang sariling mga akda. Mahigit sampu yata ang librong isinulat niya at ginas- tusan
ang paglilimbag. Marahil, upang maging modelo sa naturang gawain. Ang mga librong ito
ang nakadispley sa mga kumperensiya ng CLAPI at ipinang- hahandog niya sa mga kaibigan
at kapanalig. Ngunit sáyang. Wala akong alam
na pumuri sa kaniyang mga nailathalang aklat pambatà. Maliban sa Kangkong 1896 kung
ituturing na aklat pambatà ang nobelang ito. Marahil, higit pang kapaki- pakinabang kung
sinikap niyang tumuklas o magsanay ng isa o dalawang ma- nunulat at ginastusan ang mga
aklat ng mga ito. Ngunit waring malayò sa kaniyang isipan ang misyong ito. Natatandaan
kong bahagi ito ng frustration ni Susan Aragon, isa sa kaniyang mga alagang kabataang artist
sa CLAPI. Maraming idea si Susan, magagandang idea para sa aklat pambatà, ngunit hindi
niya maisakatu- paran. Hanggang katulungin lámang siya ni Ceres sa pagdidisenyo ng
kaniyang libro o pagtuturo ng drowing sa mga kumperensiya. Kayâ tuwang-tuwa si
Susan nang isáma ko sa mga unang Aklat Adarna ang kaniyang Nang Magkakulay ang Nayo
n. .
Ang iba’y nakatakdang kalimutan noon pa. Nang ilathala ang mga premyadong akda,
may magagandang banggit sa diyaryo. Ngunit hindi dinu- mog ng mga mambabasá. At
marahil isa iyong dahilan kung kayâ itinigil ng organ- isasyon ang pagtustos sa isang
magastos na proyekto. Ngunit bakit hindi tinangkilik ng madla ang mga premyadong aklat
ng Pamana? Kaugnay ito ng isa pang kaso ng hindi namin pagkakasundo ni Ceres. Ito ang
wika ng panitikang pambatà. Inglesera si Ceres. Gaya ng pangyayaring naka- sulat din sa
Ingles ang mga kuwento ng Pamana. Iginigiit ko noon at hanggang ngayon na halos
imposibleng maging popular ang anumang panitikan kung naka- sulat ito sa Ingles. Hindi
nagbabasá sa Ingles ang masa. Babasáhin lámang nilá at pagkakagastusang bilhin ang
babasahíng gaya ng komiks at romance novel sapagkat nakasulat sa wikang alam nila.