You are on page 1of 50

Hi, ako si Mhecy!

😊
Kamusta ka?
TRUTH OR DARE?
TRUTH OR DARE?
Kung truth ang iyong pinili, ano
ang hindi mo malilimutang
pangyayari sa buhay mo na
nagbigay ng aral sa iyo? Kung
dare naman, mag-open cam ka
na at gayahin ang nasa larawan.
TRUTH OR DARE?
Kung truth ang iyong pinili,
paano mo bibigyang kahulugan
ang pag-ibig? Kung dare
naman, mag-open cam ka na at
sayawin ang chicken dance.
https://youtu.be/l5sIspLfmXM
TRUTH OR DARE?
Kung truth ang iyong pinili, ano ang
iyong pananaw sa lirikong "Masakit
man ito, kailangan kong lumayo. Dahil
may mas mahalaga kaysa sa'ting
nadarama at hindi itong damdamin
ang dapat nating unahin." Kung dare
naman, kantahin mo ang ilang linya
ng iyong paboritong kanta.
M G A P A NA NA W A T
TEORYANG PAMPANITIKAN
(Humanismo, Moralismo)
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Matutukoy ang katangian ng pananaw/teoryang
humanismo at moralismo.

Makapagbabahagi ng sariling pananaw hinggil


sa nabasang akdang pampanitikan.

Makapagsusuri ng akdang pampanitikan gamit


ang teoryang humanismo at moralismo.
Alamin Natin!
PANANAW TEORYA
simulain ng mga tiyak na
tumutukoy sa paniniwala
kaisipang kailangan sa paglikha
o persepsyon ng isang ng malinaw at sistematikong
indibidwal o isang paraan ng paglalarawan o
pangkat pagpapaliwang sa isang bagay.
•Ang tao ang sentro ng
HUMANISMO
daigdig, ang sukatan ng lahat
ng bagay at ang panginoon ng
kanyang kapalaran.
(Protagoras)
•Ang batayang premis ng
HUMANISMO
humanismo ay nagsasabi na
ang tao ay rasyunal na nilalang
na may kakayahang maging
makatotohanan at mabuti.
•Sa pilosopiya, ang
HUMANISMO
humanismo ay pagpapakita
ng atityud na nagbibigay-diin
sa dignidad at halaga ng
indibidwal.
•Sa pagsusuri ng panitikan sa pananaw ng
humanismo, mainam na tingnan ang mga
sumusunod:

Pagkatao Tema ng Pagpapahalagang



Kwento pantao

Mga bagay na Pamamaraan ng


nakakaimpluwensya sa pagbibigay solusyon sa
pagkatao ng tauhan problema

Si Pinkaw
ni Isabelo S. Sobrevega
Naalimpungatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa
sigawan at nanunuyang tawanan ng mga bata sa kalsada.
Dali-dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at
dumungaw sa bintana. Si Pinkaw pala na sinusundan ng
mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang
ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na
ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya’t di ko
makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling
pulang papel de Hapon na may kabit na lata sa dulo.
Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na
kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.
“Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang bata na nakasundong abot
sa tuhod at may itinatawing-tawing sa daga.
“Sige nga, kumanta ka ng blak is blak.”
“Ay, hiya ako,” nag-aatubiling sagot ng babae, sabay
subo sa daliri.
“Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo,” nakangising
sabat ng pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at
nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni
Pinkaw. Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa
kanyang karga.
“Sige agawin natin ang kanyang anak,” sabi nilang
pahalakhak habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si
Pinkaw. Maya-maya’y nakita kong lumuhod si Pinkaw sa
lupa at nag-iiyak na parang bata.
“Huwag niyo namang kunin ang anak ko. Isusumbong
ko kayo sa meyor.”
Patuloy pa rin ang panunudyo ng mga bata kahit na
lumakas ang hagulhol ni Pinkaw. Nakadama ako ng
pagkaawa kay Pinkaw at pagkainis sa mga bata.
Kaya’t sumigaw ako para takutin sila.
“Hoy mga bata, salbahe n’yo! Tigilan n’yo ang
pagtukso sa kanya.”
Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko’y natakot ang
mga batang isa-isang nag-aalisan. Pagkaalis nila,
tumingala si Pinkaw sa akin at nagsabi:
“Meyor, kukunin nila ang aking anak.”
Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May
koronel, may sergeant, may senador siyang tawag sa
akin. Ngayon meyor na naman.
“O sige, hindi na nila kukunin yan. Huwag ka nang
umiyak.”
Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kanyang karga.
Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit.
Dali-dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa
lata.
“Hele, hele tulog muna, wala dito ang iyong ina…”
ang kayang kanta habang ang lata’y ipinaghele at
siya’y patiyad na nagsasayaw. Natigilan ako.
At naalala ko ang Pinkaw na dati naming kapitbahay
sa tambakan, nang hindi pa siya ganito. Ang
paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa
amin ang tambakan ng syudad) at dito nagmumula ang
kanyang makakain, magagamit o maipagbili. Madalas
siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan
ang kanyang tinig -basag at boses-lalaki. Subalit
kung may ano itong gayuma na bumabalani sa
pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na
tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa
pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa lamang
siyang naghahalukay ng basura.
Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya’y
umuwi mula sa tambakan. Ang kariton niya’y puno ng
kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa
loob ng bag na buri na nakasabit sa gilid ng
kanyang kariton, makikita mo ang kanyang
pananghalian. Ito’y mga tira-tirang sadinas, karne
norte o kaya’y pork and beans , pandesal na
kadalasa’y nakagatan na at kung minsan, kung
sinuswerte, may buto ng fried chicken na may
lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan
masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak,
ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at
nakakakanta pa ng kundimang Bisaya.
Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong,
agad niyang tatawagin ang kanyang mga anak:
“Poray, Basing, Takoy, nandito na ako.” At ang mga
ito’y dali-daling magtatakbuhan pasalubong sa
kanya habang hindi makaringgan sa pagtatanong kung
may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano
ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng
bitsukoy?
Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko
man lamang nalaman ang kanyang tunay na pangalan.
Pinkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b’yuda na
s’ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng
epilepsy habang dinadala niya sa kanyang
sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si
Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong
santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw.
Iba-iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang
kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas
para sa kanyang gulang na labintatlong taon at
masyadong payat. Tuwing makikita mo itong nakasuot
ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan,
maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si
Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang
pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas
sa biyak ng kayang labi.
Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang ay
maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga
kapatid kaya kung minsa’y naisip mong totoo nga ang
sinasabi ni Pisyang Tahur.
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang
mga laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata, mga
bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito na
napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak.
Kinasanayan na ni Pinkaw na umawit habang gumagawa.
Kung minsan, sumasabay ang kanyang mga anak at ang
sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,.
Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa
Tsino na tagabili.
Talagang mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa
tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng
mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man
lamang makikita si Pinkaw na inaambahan ang kanyang
mga anak.
“Ang mga bata,” nasabi niyang minsang bumili siya ng
tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina
ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa
malalaswang larawan, “hindi kailangang paluin, sapat
nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang
nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at
pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa
iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng
loob.”
Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan , ang isang
tao’y handang tumapak sa ilong ng kapwa tao upang
mabuhay lamang. Nakapagtataka ang katangian ni
Pinkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad
niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang
tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na
ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa
pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa
piseta (biente sentimos) ang kayang ipinamamahagi sa
mga nagpapalimos. Alam ng lahat sa tambakan ang
pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng El Tor ang
sunging anak ni Pinkaw. Nagtungo ang babae sa suking
Tsino.
Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw
ang Tsino ngunit sa isang kondisyon. Bukambibig na
ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito:
pinagdugtung-dugtong ng mga taga-tambakan kung ano
ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang
nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng
lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na
inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Tsino.
Hindi rin nadala ni Pinkaw ang kanyang anak sa
doktor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng
bayabas at ipinainom sa anak. Iyon na lamang ang
nakapagpabuti sa bata.
“Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais
Niyang mamatay ang aking anak, sana’y namatay na.
Ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay
rin kahit hindi naipadoktor,” ang sabi ni Pinkaw
nang magpunta siya sa talipapa bago pa man
gumaling ang kanyang anak.
Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa
talipapa tungkol sa bigas relip, at iba pang bagay
na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga
mahihirap. Sumabat si Pinkaw na nagkataong
naroroon, “Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking
pamumuhay?
Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng
aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba
na higit na nararapat tulungan. Ang hirap lang sa
ating pamahalaan, kung sino ang dapat tulungan ay
hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman
ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng
tulong. Kabaliwan…”
Iyan si Pinkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot
sa buhay. Naganap ang sumunod na pangyayari kay
Pinkaw nang ako’y nasa bahay ng aking kapatid na
may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay
pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama.
Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kaynang
mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga bata
sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o
sa kung ano mang panis na kanilang nakain.
Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa
mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit
wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang
kailangan dalhin ang mga anak sa ospital.
Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya
sa kariton isinakay ni Pinkaw ang kanyang mga
anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na
malapit lamang, ngunit wala ang doktor at
naglalaro ng golp, ayon sa katulong.
Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa
bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre
nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.
Kaya naguguluhang itinulak na naman ni Pinkaw ang
kanyang kariton papuntang bayan. May doktor doon
ngunit wala namang gamut para sa nalason.
Halos hindi makakilos sa pagod si Pinkaw, bukod pa
sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging maramot
ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng
kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming
sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay ang
kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa
sa mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin niyang
hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para
siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang
hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy
sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng
natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang
may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala
kahit isa mang lumapit upang tumulong. Tumalbug-
talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton
habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng
kalsada.
Pakiramdam niya’y isang daang taon na siya nang
makarating sa pambansang ospital. Matapos ang
pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang
tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na
wala namang sakit, binigyan din ng gamut ang
dalawang anak ni Pinkaw.
Nang gumabi’y namatay si Poray, ang pinakamatanda.
Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod namang
namatay ang bunso. Nakarinig na naman ako ng
kaguluhan. Muli akong dumungaw.
Si Pinkaw na nagbalik, sinusundan na naman ng mga
pilyong bata. “Hele-hele, tulog muna, wala dito ang
iyong nanay…” ang kanta niya, habang ipinaghehele ang
binihisang lata
HALIMBAWA NG PAGSUSURI
GAMIT ANG TEORYANG
HUMANISMO
PAGSUSURI
I.Pagkatao – Ang pagiging
mapagkumbaba, masipag, mapagmahal at
kontento ang mga katangiang
nangingibabaw sa katauhan ng
pangunahing tauhan na si Pinkaw.
Ipinapakita rin niya na kaya niyang
tumayo sa sarili niyang mga paa,
nagsusumikap sa pagbabanat ng buto at
naging mabuti sa kabila ng malupit na
mundo.
II.TEMA NG KWENTO
Walang hihigit sa
pagmamahal ng isang ina. Lahat
ay kaya niyang isakripisyo
alang-alang sa ikabubuti ng
kanyang mga anak.
III.MGA PAGPAPAHALAGANG PANTAO
Ipinakita ng pangunahing tauhan
ang kaniyang pagpapahalaga sa wagas
na pagmamahal sa kanyang mga anak na
kahit anong hirap ang kaniyang
pagdaanan ay patuloy pa rin siyang
kumakayod para sa pangangailangan ng
anak.
IV.MGA BAGAY NA NAKAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKATAO NG TAUHAN
Ang pangunahing bagay na
nakaimpluwensiya kay Pinkaw ay
ang katayuan nila sa buhay na
nagdulot ng pagkasawi ng kaniyang
tatlong anak na nagging dahilan
upang siya ay mawala sa sarili.
V.PAMAMARAAN NG PAGBIBIGAY
SOLUSYON SA PROBLEMA
Si Pinkaw ay naging matatag sa
pagharap sa mga nararanasan niyang
pagsubok sa buhay at naging kontento
basta masaya at kasama ang tatlong
anak. Siya ay gumagawa ng paraan
upang makaahon sa kahirapan subalit
nagbago ang lahat nang bawian ng
buhay ang kaniyang mga anak.
-Ipinapalagay na may
moralismo kapangyarihang maglahad ang akda,
di lamang ng mga literal na
katotohanan kundi ng mga
panghabambuhay at unibersal na
katotohanan.
-Gumagamit ito ng sukatan ng
moralismo tamang pag-uugali o ugaling
itinatampok sa isang akda bilang
instrumento sa sosyalisasyon at
may layuning magbigay-aral sa
mga mambabasa.
moralismo HORACIO (HORACE)
-Isa sa mga impluwesyal na
kritiko na nagbigay ng malaking
pagpapahalaga sa teoryang
moralismo
HALIMBAWA NG PAGSUSURI
GAMIT ANG TEORYANG
MORALISMO
I.PAMAGAT: TALAGA……..LALAYAS NA AKO
II.MAY-AKDA: Alfonso Sujeco
III.MGA TAUHAN:
a.Lyn- ang pangunahing tauhan ng kwento, ang
batang nagtampo at nagdamdam dahil sa
paghihigpit ng magulang.
b.Mang Nilo- ama ni Lyn, mahigpit at
konserbatibo ngunit walang ninanais na masama sa
anak.
c.Aling Sabina- ina ni Lyn na tanging hinangahan
ng sama ng loob ng anak.
d.Freddie- itinutukso kay Lyn, noon pa man ay
may pagtingin na sa dalaga.
e.Armando, Amy at Josie- mga kaibigan ni Lyn na
walang iniisip kundi magsaya nang magsaya.
IV.BUOD
Nasa mataas na paaralan na si Lyn ngunit hindi pa
rin siya malayang nakakapagdesisyon na kusa. Ang
lahat sa buhay niya ay pinatatakbo ng kanyang ama,
si Mang Nilo. Wala siyang karapatan sa mga bagay
hanggat hindi iniuutos ng ama. Wala siyang gagawin
hanggat hindi niya pinaalam dito. Sawang-sawa na
siya sa takbo ng kanyang buhay. Kung kaya lalong
nadaragdagan ang pagkainggit niya kina Amy at Jose
na kapwa Malaya sa bawat naisin. Si Amy ay may
nobyong kilala sa kampus, si Armando, at si Josie
naman ay sunod sa luho kahit anong naiisin niyang
bagay ay madali niyang nakakamtan.
Abot-langit ang pagkamuhi niya sa kanyang ama kung
kaya’t ipinagtapat niya ito sa kanyang ina. Bagamat
naiintindihan ni Aling Sabina ay hindi magawang
ipaglaban ito sa harap ng pagmamalupit ng asawa.
Maraming pagdiriwang at mahahalgang oksayon sa paaralan
ang hindi niya napagdaanan; Field Trip, Educational
Tour, JS Prom, Graduation Ball, Research Work at ang
minsang pagdidisco sa kaarawan ni Josie. Tiniis lahat
ito ni Lyn kahit nagpupumiglas ang loob dahil sag alit,
para siyang lamparang nais nang sumabog ngunit
nakapaghintay pa siya, bagay na lubos na kahahangaan sa
kanya. Natiis niya pati ang pagtalikod kay Freddie na
pinangakuan niyang ipapanhik sa bahay matapos ang
gradwasyon.
Apat na mahabang taon ang lumipas sa kolehiyo, mas
marami siyang pasakit na tiniis na lingid sa kanyang ina
na may galit pa rin siya sa ama. Ang batid ng lahat ay
naibsan na ito ngunit hindi pa pala. Sa pagdating ng araw
ng pagtatapos ikinagulat niya ang ibinalita ng kanyang
propesor. Siya ang Suma Cum Laude sa kanilang kolehiyo.
Pinakatangi siya sa karangalang natamo. Pinalakpakan siya
ng lahat sa gabi ng pagtatapos. Bago magwakas ang
napakagandang-araw na ito para sa kanya, binanggit niya
sa kanyang talumpati ang malaking naidulot ng ama sa
paghubog sa kanya bilang isang indibidwal. Binanggit din
niya ang paghingi niya ng tawad sa lahat ng sama ng loob
na idinulot niya at inialay niya ang medalya at
karangalan sa kanyang pinakamamahal na ama.
V.PAGSUSURI
1.Panahong Kinabibilangan- nabibilang sa lahat ng
panahon(noon at maging sa kasalukuyan)
2.Mga Sariling Puna:
Maganda ang kuwento, ang istruktura at ang
pagkakalahad. Tunay na hahangaan ang may-akda
sapagkat naipakita niya ang isang mabisang paglalahad
ng isang kwento. Nag-iwan rin ito ng magagandang
kaisipan na kapaki-pakinabang sa mga mambabasa.
Naging kaiga-igaya at mdaling maiugnay ang bawat
yugto ng pangyayari sa ating buhay. Ang mga kabataang
muntik nang malihis ng landas ay tunay na
mabibiyayaan.
3.GINTONG KAISIPAN:
“Ang paghihigpit ng magulang ay hindi dapat
ipagdamdam pagkat ito ay tanda ng
pagmamahal.”
Ang ating mga magulang ay walang hinangad
kundi ang mapabuti ang anak. Wala silang
ibang ninanais kundi lumigaya ang lahat ng
kanilang supling kung kaya’t ang mga anak ay
dapat na maging maunawain sa kanilang
paghihigpit. Ito ay para rin sa kanilang
kapakanan at para sa kanilang tagumpay.
PANGKATANG GAWAIN:
MARITEST SA PANITIKAN!
- Ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo. Bawat
pangkat ay kinakailangang pag-usapan ang akdang
susuriin gamit ang nakatalagang teorya.
UNANG PANGKAT: Teoryang Humanismo (Ako ang
Daigdig)
IKALAWANG PANGKAT: Teoryang Moralismo (Ang
Ningning at ang Liwanag)
PAMANTAYAN:
Ang pagmamarka ay ibabatay sa sumusunod na pamantayan.
Maraming
Salamat!

You might also like