You are on page 1of 20

Hele

• Isang awiting
pampatulog sa mga
Hele bata
Gabay na tanong
1. Paano hinarap ni Pinkaw ang suliranin?
2. Gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa sa kanyang
mga anak?
3. Paano kung ikaw ang isa sa mga doktor, anong
gagawin mo?
4. Bakit kaya hindi siya binigyang pansin?
5. Nararapat kayang gawin ito?
6. Maaari kayang mangyari ito sa totoong buhay?
Patunayan.
Si Pinkaw
(Maikling kwentong Hiligaynon)
Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong
iyon dahil sa napakaingay nasigawan at tawanan
ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong
bumangon,nagpahid ng pawis at dumungaw sa
bintana. Si pinkaw pala na sinusundan ngmga
bata. May karga-kargang kung ano at pasayaw-
sayaw na naglalakad.Gula-gulanit ang kanyang
damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang isang
paa’y may medyas na marahil ay asul o berde.
Hindi ko matiyak dahil malayu-layo narin ang
kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may
nakataling pulang papelna may nakakabit na lata
ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong
napalarang kumikinang tuwing tinatamaan ng
araw.
“Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang batang
nakasandong abot tuhod at may itinatawing-
tawing na daga, “kumanta ka nag ng blak is
blak.” “Sige na, Pinkaw,” udyok ng iba pang mga
bata. “Ayoko nga, nahihiya ako,” pakiyemeng
sagot ng babae sabay subo sa daliri. “Kung ayaw
mo, aagawin naming ang anak mo!”
nakangising sabat pinakamalaki sa lahat.
Mahaba ang buhok at nakakorto llamang. At
umambangaagawin an gang karga ni Pinkaw.
Umatras ang babae at hinigpitan pa angyapos
sa kanyang karga.Nagsigawan ang mga bata
habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si
Pinkaw. “Sige, agawin natin ang kanyang anak,”
sabi nila sabay halakhak. Maya-maya’y nakita
kong sumalampak si Pinkaw at nag
-iiyak na tumadyak-tadyak sa lupa.
“Huwag ni’yo namang kunin ang anak ko.
Isusumbong ko kayo sa mayor.”Patuloy pa rin ang
panunudyo ng mga bata sa babae. Lalong
lumakas anghagulgol ni Pinkaw. bata!Naawa ako
sa babae at nainis sa mga bata. Kaya’t sinigawan
ko sila upangtakutin. “Hoy, mga bata! Mga
salbahe kayo. Tigilan n’yo iyang panunukso sa
kanya. Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko
ang mga bata kaya’t isa-isang nag-alisan. Nang
wala na ang mga bata, tumingala sa akin si
Pinkaw at nagsabing:“Meyor, kukunin nila ang
aking anak.” Hindi ko napigilan ang pagngiti. May
koronel, may sardyen, may senador siyang tawag
sa akin at ngayon nama’y mayor. “O sige, hindi na
nila kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak.”
Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog
ang basahang nakabalot doon atnakita kong lata
pala iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon
at mulingibinalot sa lata.“Hele-hele, tulog
muna,wala rito ang iyong nanay...” ang kanyang
kanta habangipinaghehehebat siya’y patiyad na
sumasayaw-sayaw.Natigilan ako. Lumala na ang
pagkaloka ni Pinkaw. Nakakaawa naman.At
naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay
naming sa tambakan, nang hindi pa iyon
nababaliw.Paghahalukay ng basura ang kanyang
hanapbuhay (narito sa amin angtambakan ng
basura ng siyudad); dito siya nakakuha ng
makakain, magagamit o maipagbibili. Dati-rati,
madalas siyang kumakanta.
Hindi kagandahan angkanyang patagulaylay na
pagkanta. Habang tumutulak sa karitong may
tatlonggulong, pababa sa lubak-lubak at maputik na
lansangan, sinusundan siya ngmga asong kumakahol.
Isang bagay lamang ang mapupuna mo sa kanya lagi
siyang kumakanta. Hindi naman maganda ang
kanyang boses basag nga atboses lalaki. Subalit may
kung anong kapangyarihang bumabalani sa
pandinig.Marahil dahil ito sa malungkot na tono ng
kanyang awit o marahil sa iyongpagtataka kung bakit
ganoon siya kasaya gayong naghahalukay lamang siya
ng basura.Kadalasan, oras na ng panang halian kung
siya’y umuwi mula sa tambakan. Angkariton niya’y
puno ng mga karton, papel, bote , basahan, sirang
sapatos; at sa bag na buri na nakasukbit sa gilid ng
kariton, makikita mo ang kanyangpananghalian. Mga
tira-tirang sardinas, karne norte o kaya’y pork-en-
bins, pandesal na kadalasa’y nakagatan na, at kung
minsang sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may
lamang nakadikit.
Sa kanyang payat na katawan,masasabing tunay na mabigat
ang kanyang itinutulak, ngunit magugulat ka, tilanagagaanan
siya at madalas pang kumakanta ng kundimang
bisaya.Pagdating niya sa harap ng kanyang barungbarong, agad
niyang tatawagin ang mga anak: “Poray, Basing, Takoy, nanadito
na ako.” At ang mga ito’y kaagad magtatakbuhang
magkasalubong sa kanya habang hindi magkaringgan
sapagtatanong kung may uwi siyang jeans na istretsibol; ano ang
kanilangpananghalian, nakabili raw ba siya ng
bitsukoy?Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko
man lang nabatid ang tunay niyang pangalan. “Pinkaw” ang
tawag ng lahat sa kanya. Ayon sa kanya,balo na raw siya. Namatay
ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habangdinadala niya sa
kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Subalit sinusumpa
niPisyang sugarol sa kanyang paborit ong santo na hindi raw
kailanman nakasalsi Pinkaw. Iba-iba raw ang mga ama ng
kanyang tatlong anak. Ang kanyangpanganay na si Poray, ay labis
na mataas para sa kanyang gulang nalabintatlong taon at
napakapayat. Tuwing makikita mo itong nakasuot ngistretsibol
na dala ng ina mula sa tambakan, agad mong maaalala ang
mgapanakot-uwak sa maisan.
Si Basing ang pangalawa, sungi na
ngunitnapakahilig pumangos ng tubo gayong
umaagos lamang ang katas nito sa biyakng
kanyang labi. Ang bunso na marahil ay mga
tatlong taon pa lamang aymaputi at gwapong-
gwapo. Ibang-iba siya sa kanyang mga kapatid
kaya minsa’y maiisip mo na totoo nga ang
sinasabi ni Pisyang sugarol. Pagkatapos
mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang laman ng
kariton,ihihiwalay ang mga lata, ang mga bote,
ang mga karton, at iba pang bagay na napupulot
sa tambakan katulong ang kanyang mga anak, at
ang suungi angsiyang pinakamalakas na tinig.
Pagkatapos, itutulak na niya ang karitonpatungo
sa Intsik na tagabili.
Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa
tambakan, karaniwangmakikita mo na sinasaktan ng mga ina
ang kanilang mga anak, ngunit hindi moman lang makikita si
Pinkaw na inaambaan ang kanyang mga anak.“Ang mga bata,”
nasabi niya minsang bumibili ng tuyo sa tindahan at nakitang
pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuling tumitingin
sa malalaswang larawan. “Hindi kailangang paluin; sapat nang
sabihan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa
magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung
saktan, susunod siya sa iyo subalit magrerebelde at
magkikimkim ng sama ng loob.” Sa tunggalian ng kabuhayan sa
tambakan, kung saan ang tao ay handangtumapak sa ilong ng
kapwa-tao upang mabuhay, nakapagtataka ang katangianni
Pinkaw. lubha siyang matulungin, lalo na sa katulad niyang
naghahalukaylamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa
pagtutulak ng kariton ng iba,lalo na ng matatanda at bata.
Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing linggo’y hindi
kukulangin sa beinte sentimos ang ipinamamahagi niya sa
pulubi. Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito. Minsan,
nagkasakit ng El Tor angsunging anak ni Pinkaw. nagtungo siya
sa suking Intsik. Nakiusap na pautanginsiya. Magpapahiram
naman daw ang Intsik ngunit sa isang kundisyon.
Bukambibig na ang pagkahayok sa babae ng Intsik na ito,
kaya pinagdugtong-dugtong ng mga taga-tambakan kung ano
ang kundisyong iyon, sapagkat walanaman talagang nakasaksi sa
pag-uusap ng dalawa. Batid na ng lahat angsumunod na
nangyari. Ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pinkaw
saulo ng Intsik.Hindi rin nadala ni Pinkaw sa doctor ang
kanyang anak. Pag-uwi niya, naglagasiya ng dahon ng bayabas at
ipinainom sa anak. Iyon lamang ang nagpagalingsa bata.
“Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung ninais niyang
mamatay ang aking anak, sanay namatay na. Ngunit dahil nais pa
niyang mabuhay ito,nabuhay na kahit hindi naipaduktor,” sabi ni
Pinkaw nang magpunta siya sa tindahan bago pa man gumaling
ang kanyang anak.Minsan, napag-usapan ng mga nagtitipon sa
tindahan ang tungkol sa bigas,relip, at iba pang bagay na
ipinamimigay ng ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa
mahirap. Subalit si Pinkaw na nagkataong naroroon, “Bakit iaasa
ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at masigla pa
namanako sa pagtutulak ng aking kariton upang maging
palamunin. Marami pang ibariyan na nararapat bigyan ng
tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kungsino ang higit na
nangangailangan ay siyang hindi tinutulungan. Ngunit angibang
tao riyan na mabuti naman ang kalagayan sa buhay ang
siyangnagkakamal ng tulong. Kalokohan...”
Iyan si Pinkaw. kontento na siya sa kanyang maaabot sa
buhay.Naganap ang susunod na pangyayari ng wala ako sa amin
sapagkat nasa bahayako ng kapatid kong maysakit. Isinalaysay
na lamang ito ng aking mgakapitbahay pagbalik ko, at matinding
galit ang aking nadama sa kanila.Isang araw pala, matapos
mananghalian ang mag-anak, bigla na lamangnamilipit sa sakit
ngtiyan ang mga bata. Marahil, sardinas o anumang panis
napagkain ang naging sanhi nito.Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw.
Tumakbo sa mga kapitbahay upang humingi ngtulong. Ngunit
wala silang maitulong maliban sa pagsasabihan siyang dalhinang
anak sa ospital.Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa
kariton isinakay ni Pinkawang mga anak. Nagtungo siya sa bahay
ng doctor na malapit lamang, ngunitwala ang duktor sapagkat
naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong.Kaya natatarantang
itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa ppangduktor.
Matagal siyang tumimbre sa trangkahan ngunit walang
nagbukasgayong nakita niyang may sumisilip-silip sa
bintana.Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang
kariton papuntang bayan.Halos din a makakilos sa pangangapos
ng hininga, bukod pa sa lubhangkalungkutan sa pagiging
maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya angpagtulak ng
kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming
sasakyan siyangpinapahinto upang isakay ang maysakit na mga
anak, ngunit wala ni isa manlang ang tumigil. Maya-maya’y
napansing hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat
niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang mabatid niya ng
ito’y hindi na humihinga. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy
ang pagtulak ng kariton upang sikaping mailigtas ang buhay ng
dalawa pa niyanganak. Maraming tao ang nagmamasid lamang
sa kanya ngunit nakapagtatakakung bakit wala man lang kahit
isa ang lumapit sa kanya upang tumulong.Tumatalbog-talbog
ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwingdumaraan
ito sa lubak-lubak na kalsada. Pakiramdam niya’y isang daang
taon na lumipas bago niya narating ang ospital ng pamahalaan.
Matapos ang pagtuturuan ng mga duktor at nars, na
angbinibigyang pansin lamang ay ang mga pasyenteng mukhang
mayaman,nalapatan din ng gamut ang dalawang anak ni Pinkaw.
Kinagabiha’y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang araw pa
ang lumipas at sumusunod namang namatay ang
bunso.Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong
dumungaw. Bumalik siPinkaw, sinusundan na naman ng mga
pilyong bata. “Hele- hele, tulog muna. Wala rito ang iyong
nanay...” ang kanta niya habang ipinaghehele sa kanyang mga
bisig ang binihisang lata.
Ano ang kahulugan ng gobyerno ?

Ano naman ang mga tungkulin


nila?
Ano na ngayon ang kaugnayan ng tao sa
gobyerno?
Kung isa kang mambabatas na nakabasa sa kuwento,
ano ang ipatutupad mong batas upang maiangat ang
kalagayang pangkalusugan ng ating mamamayan?
Pagtataya:

Sa 3 pangungusap lamang, gawan ng wakas ang


kuwentong Si Pinkaw. Isulat sa kalahating papel pahalang.
Takdang Aralin
Sumulat ng isang liham pangangalakal sa pangulo
na nasasabi ang lahat ng hinaing. I-enkowd ito sa
isang short coupon bond. Sundan ang format.

Format:
1. Times new roman
2. Liham Pangangalakal
3. 12 ang tipo
4. 1 pulgada bawat gilid

You might also like