You are on page 1of 60

Si Pinkaw

ni: Isabelo S. Sobrevega


Buod
Banghay
Simula
Ang kwentong si pinkaw ay sinimulan sa paglalarawan
ng kanyang kapitbahay sa naging buhay ni pinkaw sa
kasalukuyan
Simula
“Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na

sigawan at tawanan ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong bumangon,

nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si pinkaw pala na sinusundan ng

mga bata. May karga-kargang kung ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-

gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang isang paa’y may

medyas na marahil ay asul o berde. Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin

ang kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel na

may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na

palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng araw.”


Saglit na Kasiglahan
“Nagtungo siya sa bahay ng doctor na malapit lamang, ngunit wala
ang duktor sapagkat naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong.
Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa
ppang duktor. Matagal siyang tumimbre sa trangkahan ngunit
walang nagbukas gayong nakita niyang maysumisilip-silip sa
bintana.Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang
kariton papuntang bayan. Halos din a makakilos sa pangangapos
ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan sa pagiging maramot
ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.”
Suliranin
Ang suliranin sa kwentong “Si Pinkaw” ay ang pagkakasakit ng
anak ni Pinkaw dahil sa kahirapan. Silang kumain ng pagpag o mga
pagkain tira-tira, na naging sanhi ng pagkakasakit ng kanyang
tatlong anak. “Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-
anak, bigla na lamang namilipit sa sakit ngtiyan ang mga bata.
Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang naging sanhi
nito.”
Tunggalian
TAO LABAN SA LIPUNAN

“kung sino ang higit na nangangailangan ay siyang hindi


tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman ang
kalagayan sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong”

“Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya,


subalit wala kahit isa mang lumapiot upang tumulong.”

“Matapos ang pagtuturuan ng mga duktor at nars, na ang


binibigyang pansin lamang ay ang mga pasyenteng mukhang
mayaman, nalapatan din ng gamut ang dalawang anak ni
Pinkaw.”
Tunggalian
TAO LABAN SA SARILI
“Hele-hele, tulog muna, wla rito ang iyong nanay...” ang kanyang
kanta habang ang lata’y ipinaghehele at siya’y patiyad na
sumasayaw-sayaw. Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni
Pinkaw. Nakakaawa naman.”
Kasukdulan
“Maya-maya’y napansing hindi na kumikilos ang kanyang
panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang
mabatid niyang ito’y hindi na humihinga. Humahagulgol niyang
ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping mailigtas ang
buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming tao ang nagmamasid
lamang sa kanya ngunit nakapagtataka kung bakit wala man lang
kahit isa ang lumapit sa kanya upang tumulong. Tumatalbog-talbog
ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito
sa lubak-lubak na kalsada. Pakiramdam niya’y isang daang taon na
lumipas bago niya narating ang ospital ng pamahalaan”
Kakalasan
“Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at nars, na ang
binibigyang pansin lamang ay ang mga pasyenteng mukhang
mayaman, nalapatan din ng gamot ang dalawang anak ni
Pinkaw. “
Wakas
Ang wakas ng kwento ay masasabi kong tuwirang sabi dahil
nagpapakita ito ng ang eksaktong sinabi ng pangunahing
tauhan sa kwento. “Kinagabiha’y namatay si Basing, ang
sungi. Dalawang araw pa ang lumipas at sumusunod namang
namatay ang bunso.” “Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang
iyong nanay...”
Tauhan
Pinkaw
• Isang balo ngunit mapagmahal, marangal, may paninindigan
na ina na nasiraan ng bait dahil sa pagkawala ng kanyang
tatlong anak.

• LAPAD

Panloob Panlabas
• Mapagmahal na Ina • Payat
• Matiyaga at masipag • Kayumanggi
• Maunawain
• Mabait at matulungin
• Mapagbigay
• May takot sa Diyos
Nagsasalaysay
• Mapagmahal na kapatid, may masalakit sa kapwa at
maunawain na kapitbahay ni Pinkaw
• LAPAD

Panloob Panlabas
• Mabait
• Maunawain
• Mapagmahal
• May malasakit sa kapwa
Pisyang Tahur/ Sugarol
• Isa sa mga kapitbahay ni Pinkaw na naniniwala na ang tatlong
anak ni Pinkaw ay magkakaiba-iba ang ama.
• LAPAD

Panloob Panlabas
• Nininiwala sa Santo at
Santa
• Mapanghusga
• Chismosa
Poray
• Ang panganay na anak ni Pinkaw na labintatlong tatong
gulang
• LAPAD

Panloob Panlabas
• Matulungin • Matangkad
• Mapagmahal na anak • Payat
Basing
• Ang pangalawang anak ni Pinkaw at mahilig pumangos ng
tubo
• LAPAD

Panloob Panlabas
• Matulungin • Sungi
• Mapagmahal na anak • Payat
• Kayumanggi ang
balat
Takoy
• Pinakabata at pangatlong anak ni Pinkaw. Tatlong taong
gulang at pinkagwapo sa tatlong anak ni Pinkaw
• LAPAD

Panloob Panlabas
• Matulungin • Payat
• Mapagmahal na anak • Gwapo
• Maputi
Suking Instik
• Tagabili ng mga ibinibintang bote, karton, lata at dyaryo na
kinakalakal ni Pinkaw.
• LAPAD

Panloob Panlabas
• Mapagsamantala • Singkit
• Maputi ang balat
Mga bata
• Mapang-asar at makukulit na batang kalye
• LAPAD

Panloob Panlabas
• Mapang-asar • Nabanggit na ang isang bata
• Makulit na siyang pinkamalaki ay
may mahabang buhok
Taga Tambakan
• Mga taong kayang gawin lahat para mabuhay
• LAPAD

Panloob Panlabas
• Chismosa • Kayumanggi ang balat
• Makasarili
Mga Nars at doktor
• Mga taong pinapahalagahan lamang ang pera
• LAPAD

Panloob Panlabas
• Hindi patas ang trato sa
pasyente
• Patay mali
Tagpuan
Pinagganapan
• sa Ilo-ilo “Bitsukoy”

• Kalye/ Lansangan “Naalimpongatan ako sa pagtulog nang


hapong iyon sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga
bata sa lansangan. “

• Tambakan ng basura “sa amin ang tambakan ng syudad”

• Tindahan ““Ang mga bata,” nasabi niya minsang bumibili ng


tuyo sa tindahan “

• Kalyehon “Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa


kariton isinakay ni Pinkaw ang mga anak.”
Pinagganapan
• Bahay ng dalawang Doktor “Nagtungo siya sa bahay ng doctor
na malapit lamang, ngunit wala ang duktor sapagkat
naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong. Kaya
natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa
ppang duktor. Matagal siyang tumimbre sa trangkahan
ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-
silip sa bintana.”
• Bayan “Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang
kariton papuntang bayan.”
• Punong Kalsada “Nang makarating siya sa punong kalsada,
maraming sasakyan siyang pinapahinto upang isakay ang
maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang
tumigil.”
• Ospital “Pakiramdam niya’y isang daang taon na lumipas
bago niya narating ang ospital ng pamahalaan.”
Panahon
• Hapon “Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon”

• “Oras ng pananghalian kung siya’y umuwi mula tambakan”

• “Isang araw pala, matapos mananghalian ang mga anak”

• “Pakiramdam niya’y isang daang taon ang lumipas bago siya


nakarating sa Ospital”
Kalagayan
• “naalimpungtan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa
napakaingay na sigawan at tawanan ng mga bata sa
lansangan”
• “pasayaw-sayaw na naglakad”
• “Umatras ang babae at hinigpitan pa ang gapos sa kanyang
karga”
• “Maya-maya’y nakita kong sumalakpak si Pinkaw at nag-
iiyak na tumadyak-tadyak sa lupa”
• “Habang nag hehele siya’y patiyad na sumasayaw-sayaw”
• “Matinding galit ang aking nadarama sa kanila”
Kalagayan
• “Bigla na lamang namilipit sa sakit ng tiyan ang mga bata”
• “Natuliro si Pinkaw, nagsisigaw, tumakbo sa kapitbahay
upang humingi ng tulong”
• “natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa
pang doctor”
• “Litong-litong itinulak na naman ni Pinkaw ang kaniyang
kariton papuntang bayan”
• “Halos di na makakilos sa pangangapos ng hininga”
• “Parang sinakluban siya ng langit ang mabatid niyang ito’y
hindi na humihinga”
• Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng
kariton”
Mga Teorya
Bayograpikal
Si Isabelo S. Sobrevega ang manunulat ng maikling kuwentong
“Si Pinkaw” ito ay inilathala sa Hiligaynon noong Agosto 14, 1968
at isinalin sa Pilipino para sa Philippine Collegean noong Agosto
14, 1975. Kilala si Sobrevega sa mga akda niyang lubos na
matapat at gumagamit ng mga tauhang itinakwil ng lipunan,
mga biktima ng kawalang katarungan, mga tagakalkal ng basura
at iba pang api-apihan sa mundo.
Pormalistiko
Porma ng wika at istilo
Ang wikang ginamit sa kwento ay antas lalawiganin dahil maliban
sa ang kwentong ito kay kentong Hiligaynon, ito’y naglalaman ng
mga dayalekto sa lalawigan ng Ilo-ilo tulad ng kantang “Ili-ili” na
nakapaloob sa kwento.
Pormalistiko
Ang istilong ginamit ng may akda sa paglalarawan ay “flashback”
na kung saan ikwenento ng kapitbahay ni Pinkaw ang kanyang
naging pamumuhay noong ito’y hindi pa nasisiraan ng bait.
“Hele-hele, tulog muna, wla rito ang iyong nanay... ang kanyang
kanta habang ipinaghehele ang lata siya’y patiyad na
sumasayaw-sayaw. Natigilan ako, lumala na ang pagkaloka ni
Pinkaw. Nakakaawa naman. At naalala ko ang Pinkaw na dating
kapitbahay namin sa tambakan, nang hindi pa iyon nababaliw.
Pormalistiko
Panauhan
• Ikalawang Panauhan
“Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa
napakaingay na sigawan at tawanan ng mga bata sa lansangan.
Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa
bintana. Si pinkaw pala na sinusundan ng mga bata. May karga-
kargang kung ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-
gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang
isang paa’y may medyas na marahil ay asul o berde. Hindi ko
matiyak dahil malayu-layo na rin ang kanyang kinaroroonan. Sa
kabilang binti, may nakataling pulang papel na may nakakabit
na lata ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na
palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng araw.”
Kultural
• “Nakakorto lamang”
• Paghehele “Hele-hele, tulog muna, wla rito ang iyong
nanay...”
• “Isang bagay lang ang mapupuna mo sa kanya-lage siyang
kumakanta”
• Barung-barong
• “Bitsukoy”
• “Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang
paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw.”
• “pumangos ng tubo”
Kultural
• “pagmamalasakit sa kapwa”
• “pagsisimba tuwing linggo”
• Pautang “Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni
Pinkaw. nagtungo siya sa suking Intsik. Nakiusap na pautangin
siya. “
• “naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon
na lamang ang nakapagpabuti sa bata.”
• Paniniwala sa Diyos “Nagpapatunay pa rin na may awa ang
Diyos. Kung ninais niyang mamatay ang aking anak, sanay
namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito,
nabuhay na kahit hindi naipaduktor,”
• Pagkanta “Dati-rati, madalas siyang kumakanta”
Klasisismo
• Gumagawa siya ng paraan kaysa isisi sa gobyerno ang
kahirapan

• Imbis na mag-alala sa anak na si Basing, pinainom niya ito ng


nilagang dahon ng bayabas. “Hindi rin nadala ni Pinkaw sa
doktor ang kanyang anak. Pag-uwi niya, naglaga siya ng
dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon lamang ang
nagpagaling sa bata.”
Romantisismo
• Pagmamahal ng Ina sa mga anak

• Ang pag iyak ni Pinkaw noong nagtangkang aagawin ng mga


bata ang kanyang “anak” “Huwag ni’yo namang kunin ang
anak ko. Isusumbong ko kayo sa mayor.” Patuloy pa rin ang
panunudyo ng mga bata sa babae. Lalong lumakas ang
hagulgol ni Pinkaw.”

• “Ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pinkaw sa ulo


ng Intsik.”

• “pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuling


tumitingin sa malalaswang larawan.”
Romantisismo
• Ang galit ng tagapagsalaysay sa mga kapitbahay ni Pinkaw
“Naganap ang susunod na pangyayari ng wala ako sa amin
sapagkat nasa bahay ako ng kapatid kong maysakit.
Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik
ko, at matinding galit ang aking nadama sa kanila.”
• Pagmamahal sa kapwa “Madalas siyang tumutulong sa
pagtutulak ng kariton ng iba, lalo na ng matatanda at bata.
Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing linggo’y hindi
kukulangin sa beinte sentimos ang ipinamamahagi niya sa
pulubi. Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito.”
• Pagkabaliw ni Pinkaw
• Ang patuloy na pagtulak ni PInkaw sa kariton patungong
Ospital
Realismo
• Paghahalukay ng basura bilang hanapbuhay

• Pagkain ng pagpag

• Pagtataguyod ng pamilya na mag-isa/pagkabalo

• Mga magulang na hindi namamalo ng anak

• Mga taong handing gawin lahat para mabuhay

• Mapagsamantalang tao

• Hindi nagpapadoktor dahil sa kakulangan ng panggastos

• Pagpapakulo ng bayabas bilang gamot

• Mga chismosang kapitbahay


Realismo
• Pagkamatay dahil sa kahirapan

• Gagawin ang lahat para sa anak

• Pagsasawalang bahala ng lipunan sa mahihirap

• Taong katulad ng tagapagsalaysay

• Pagkabaliw sa pag-aalala

• Ang pakikitungo ni Pinkaw sa kanyang kapwa manghahalukay

• “kung sino ang higit na nangangailangan ay siyang hindi


tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman
ang kalagayan sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong”
Naturalismo
• “Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa
napakaingay na sigawan at tawanan ng mga bata sa
lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at
dumungaw sa bintana. Si pinkaw pala na sinusundan ng mga
bata. May karga-kargang kung ano at pasayaw-sayaw na
naglalakad. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit
nang tinagpian, at ang isang paa’y may medyas na marahil
ay asul o berde. Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang
kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may nakataling
pulang papel na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa
kanyang ulo, may nakapatong na palarang kumikinang
tuwing tinatamaan ng araw.”
Naturalismo
• “Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita kong lata
pala iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling
ibinalot sa lata.”
• “Habang tumutulak sa karitong may tatlong gulong, pababa
sa lubak-lubak at maputik na lansangan, sinusundan siya ng
mga asong kumakahol. “
• “Ang kariton niya’y puno ng mga karton, papel, bote ,
basahan, sirang sapatos; at sa bag na buri na nakasukbit sa
gilid ng kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga
tira-tirang sardinas, karne norte o kaya’y pork-en-bins, pan de
sal na kadalasa’y nakagatan na, at kung minsang sinuwerte,
may buto ng prayd tsiken na may lamang nakadikit. “
Naturalismo
• “natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa
ppang duktor. Matagal siyang tumimbre sa trangkahan
ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-
silip sa bintana. Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang
kanyang kariton papuntang bayan. Halos din a makakilos sa
pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan
sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang
pagtulak ng kariton.”
• “Maya-maya’y napansing hindi na kumikilos ang kanyang
panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit
nang mabatid niyang ito’y hindi na humihinga. Humahagulgol
niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping
mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang anak. “
Idealismo
• Si Pinkaw ay isang Ideal na Ina

Feminismo
• Pagiging matatag ng isang Ina

• Pagtaguyod sa kaniyang mga anak na nag-iisa

Humanismo
• Hindi siya umaasa sa tulong na galing sa pamahalaan bagkus
pinili niyang tumayo sa sarili niyang mga paa dahil alam
niyang kaya niya
Moralistiko

• Pagpalo ng kanyang kapitbahay sa kanilang anak.

• Pagmamahal ng Ina sa anak

• Pagrespeto sa mga taong kulang sa pag-iisip

• Mas inuna pa ang mayayamana kaysa mahihirap

Simbolismo

• “Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang


tao ay handang tumapak sa ilong ng kapwa-tao upang
mabuhay”

• “Sinakluban ng langit”
ARKITEPAL

• Noli me Tangere Chapter 16 Si Sisa

SIKOLOHIKAL

• Ang pagkasira ng bait ni Pinkaw

• Id- gusto niyang mapagamot ang kanyang mga anak

EKSISTENSYALISMO

• Hindi siya umaasa sa tulong na galing sa pamahalaan bagkus


pinili niyang tumayo sa sarili niyang mga paa dahil alam
niyang kaya niya.
Kabisaan
Bisa sa Isip
Hindi perpekto ang buhay, kailangang matuto tayong tanggapin
ang buhay na ibinigay sa atin ng Diyos, tulad na lamang ng
pagtanggap ni Pinkaw sa kanyang buhay. hindi niya kailanman
tinanong sa panginoon kung bakit ganon ang kanyang buhay at
hindi niya ito inasa sa iba. Hindi niya rin sinisi ang ibang tao sa
kung anong kalagayan ng buhay meron siya, bagkus gumawa
siya ng paraan upang mabuhay sa buhay na kinaroroonan niya.
Bisa sa Asal
• “Ang mga bata hindi kailangang paluin; sapat nang sabihan
sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang
dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung saktan,
susunod siya sa iyo subalit magrerebelde at magkikimkim ng
sama ng loob.”

• Hindi hadlang ang katayuan sa buhay upang makapagbigay ng


konting tulong sa iba.
Bisa sa Damdamin
Walang makakapantay sa pagmamahal ng isang Ina.
Simbolo
Kariton

Sumisimbolo sa katatagan ni Pinkaw bilang isang


Ina
Tema at Paksang Diwa
Ang tema sa kwentong “Si Pinkaw” ay
pagmamahal at ang paksang diwa ay
pagmamahal ng magulang sa kanyang anak. Ang
kwentong ito ay nagpapakita ng kalakasan ng Ina
bilang isang magulang. Kaya niyang gawin lahat
para sa ikabubuti ng kanyang mga anak
Ang Pamagat
Si Pinkaw
Ang ibig sabihin ng salitang pinkaw sa wikang Filipino ay ang
pagkabaluktod ng kamay. Ito ay tinatawag ding “Singkaw” sa
Cebuano. Tulad ng naging buhay ni Pinkaw, hindi ito dumaan sa
matuwid na daan kung saan karangyaan at kasiyahan lamang ang
pumapaloob. Dumaan ito sa daang baku-bako na naglalaman ng
mga problemang nagturo sa kanya na maging isang mabuting
magulang. Sumasalamin din ito sa baluktod na pag-iisip ng mga
taong nakapalibot kay kanya.
Pangkalahatang Pagsusuri
Ang kwentong “Si Pinkaw” ni Isabelo Sobrevega ay isang akdang
nakapupukaw sa damdamin ng lahat ng mambabasa. Ipinapakita
rito kung paano magmahal ang isang magulang at gagawin niya
ang lahat mapabuti lang ang kalagayan ng kanyang mga anak. Sa
kwentong ito, nailahad na balo na si Pinkaw at hindi masyadong
maganda ang kanilang pamumuhay ngunit hindi ito naging
dahilan upang sumuko sya’t magalit sa diyos. Nawala man sya sa
kanyang katinuan, siya ay isang mabuting magulang na karapat-
dapat tulungan.
Makikita rin sa kwento na hindi batid ni Pinkaw ang kahirapan ng
kanilang buhay nang hindi pa nagkakasakit ang kanyang mga
anak, doon lamang niya nadama ang kahirapan noong wala niisa
man lamang na tumulong sa kanila upang maihatid ang kanyang
mga anak sa ospital at maipagamot. Maraming katotohanan ang
ipinakita sa kwento, tulad ng pahapyaw na pagtalakay sa
pamamalakad ng ating gobyerno. Kung nais ng kwento na imulat
ang tao sa katotohanan ng buhay, tiyak kong panalo si Isabelo
Sobrevega rito.

You might also like