You are on page 1of 93

TABLE OF CONTENTS

1. ALAMAT
Alamat ng pinya………………………………………………………………….1

Alamat ng lansones…………………………………………………………………2

Alamat ng Saging………………………………………………………………………3

Alamat ng Mangga…………………………………………………………………….4

Alamat ng Makopa………………………………………………………………………5

Alamat ng Ampalaya……………………………………………………………………6

Alamat ng Rosas……………………………………………………………………7

Alamat ng Bayabas………………………………………………………………….8.9

Alamat ng Butiki…………………………………………………………………….10.11

Alamat ng Pilipinas……………………………………………………………….12.13

2. TULA

Pamilya ko sandigan ko……………………………………………………………….14

Tula para sa pangarap………………………………………………………………….15

Ang aking pag-ibig………………………………………………………………………16.17

Babang luksa…………………………………………………………………………….18.20

Ang antipas mo, bagsik…………………………………………………………………...21.23

Si itay at inay ng
lipunan…………………………………………………………………………………….24.25

Ang buhay ngunit may taning……………………………………………26

Pikit-matang
lipunan…………………………………………………………………………...27

Mascara……………………………………………………………………………28.29
Preso…………………………………………………………30.32

3.PABULA

Ang agila at salagubang……………………………………….33.34

Ang anino ng bariko……………………………………………….35.36

Ang aso at ang leyeon………………………………………37

Ang bata at ang lobo……………………………………38.39

Ang kabayong nagdamit leyeon………………………………40.41

Si langgam at tipaklong……………………………………….42

Si kuneho at pagong…………………………………………….43

Si pagong at si matsing………………………………………….44.47

Ang daga at leon………………………………….48

Si paruparo at si langgam……………………………….49.50

4.PARABULA

Ang mabuting samaritano…………………………………51

Talinghagang tungkol sa lingkod na di marunong magpatawad…………………………


52

Talinghaga tungkol sa sampung dalaga……………………………………53.54

Ang nawala at ang natagpuang tupa………………………………………55

Ang aligbughang anak…………………………………………………56.57

Ang mayamang hangal……………………………………………….58

Talinghaga tungkol sa mga damo sa trigula………………………………59


Ang talinghaga tungkol sa kasalan……………………………………………60.61

Talingahaga tungkol sa manghahasik……………………………….62

Ang nagpaparumi sa tao…………………………………………….63

5.KWENTONG BAYAN
Si Mariang mapangarapin…………………………………….64

Ang puno ng bayan…………………………………………….65

Nakalbo ang datu………………………………………………66.67

Ang kalabasa at duhat………………………………………..68

Ang batik ng buwan………………………………………………69

Ang diwata ng karagatan………………………………………….70

Nagging sultan si pilandok…………………………………………71

Sina adlaw at bulan……………………………………………….72

Ang punong kawayan……………………………………………...73

Inang kabundukan…………………………………………………74.

6.KWENTONG MERANAW

Kaplilimpiyo…………………………………………………75

Si Amai pakpak……………………………………………..76

Maito a popot.....................................................................77

Aso a magiring sa mra……………………….78

Babak ago arimaw a myakapagalapa…………………………….79


Babak a kathakabor..................................................................80
Babak a myangakal mamolong……………………………81
“ANG ALAMAT NG PINYA”

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling
Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak.
Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay,
ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't
pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay.
Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan
dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling
Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang
araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung
nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari.
Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa
katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata
upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang
hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling
Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at
naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong
niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si
Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung
anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking
pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at
napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng
maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at
laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman
at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

1
“ALAMAT NG LANSONES”

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong
pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao.
Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw
sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong
patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang
nangahas kumain nito.

Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-
kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-
usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain.
Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan
niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari
na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones.
"Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason.
Kumain na kayo." At nawala ang babae.

Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga
ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.

2
“ALAMAT NG SAGING”

Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki. Ito ay
isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae sa
engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila
maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.

Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang
magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang lalaki. Maghigpit
niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero nawala ang lalaki, at sa
matinding pagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang kamay nito. Nahintakutan ang babae. Dali-
dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran.

Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang isang
halaman ang tumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na may malalapad na
dahon. Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag
na saging ngayon.

3
“ALAMAT NG MANGGA”

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana
siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang
kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman,
samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din
niya ito at binigyan ng damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na


pagalingin ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-
asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi
nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy
na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

4
“ALAMAT NG MAKOPA”

Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silang
nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang
nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan,
ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat.

Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy paalis
ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang
namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan
nakatago ang gong.

Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong. Naghihirap na ang mga tao. Isang araw,
isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis
batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga.
Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya
ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao
roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng
kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na
bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.

5
“ANG ALAMAT NG AMPALAYA”

by Augie D. Rivera, Jr.

Noong araw sa bayan ng Sariwa, naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay. Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at
malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may
lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si
Sibuyas na manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang
maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa
niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay
at kanyang isinuot.

Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay
pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na
kanyang ninakawan. Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at
laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay,
nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila
ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya.

Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha niya sa mga kapwa
niya gulay ay ibinigay sa kanya.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang
kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo. Ang balat niya ay
kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng
kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa
sa kanya at pait ang idinulot nito.

Mula noon, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Ngayon kahit naging
masustansiyang gulay na si Ampalaya ay marami ang hindi nagkakagusto sa kanya. Pero alam
nyo nagsisisi na si Ampalaya.

Sa sususnod na makita niyo siya sa inyong pinggan ay subukan niyo siyang tikman at patawarin
sa kanyang mga kasalanan.

6
“ALAMAT NG ROSAS”

Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang Rosa na
kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung
kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa ng mga kalalakihan.

Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw
na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng pahintulot na manligaw kay
Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa
rason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila.

Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at
pasiyahin ito.

Iyon ang naghimok kay Antonio kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa
pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang
dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.

Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin siya
labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya
ni Antonio nang marinig niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso
sa kanyang unang pag-ibig.

Hindi tumigil sa pag-iyak si Rosa habang siya ay pabalik sa kanilang bahay. Nag-aalala naman
siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga.

Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa mga sumunod na araw.

Isang araw ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan nina
Rosa at Antonio.

Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa
mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na
pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang
bulaklak na hindi nasasaktan.

7
“ALAMAT NG BAYABAS”

Bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas ay may isang sultan na ubod ng
lupit at hindi kumikilala ng katarungan. Siya si Sultan Barabas. Lubha siyang kinatatakutan ng
mag nasasakupan dahil sa kanyang kalupitan.

Ang salita ni Sultan Barabas ay batas. Wala siyang iginagalang sa kanyang pagpaparusa.
Matanda at bata, lalaki at babae ay pinarurusahan niya. Mabigat ang parusang ipinapataw niya sa
mga nakagagawa ng kahit maliit na kasalanan.

Mabibigat na parusa agad ang kanyang iginagawad. Iyon ay upang magkaroon daw ng kadalaan
at hindi na umulit pa ang mga taong nagkasala.

Araw-araw ay nabibihisan siya ng magagara at mamahaling damit. Tuwina ay nakalagay sa


kanyang ulo ang gintong koronang ipinasadya pa niya sa malayong bayan. Ang koronang iyon
ay isinusuot niya saan man magpunta. Iyon ay pagpapakita ng kanyang kapangyarihan at
pagiging mataas sa lahat.

Saganang-sagana din siya sa masasarap na pagkain. Gayunman ay ubod naman siya ng damot.
Walang pulubi ang nakahihingi sa kanya ng tulong o kahit konting pagkain. Hindi katakataka na
ang kanyang malawak na hardin na may tanim ng iba’t-ibang punong namumunga ay hindi niya
hinahayaang mapasok ninuman.

Siya lamang at ang mag aliping tagapitas ng mga bungangkahoy ang nakakapasok doon. Mas
mabuti pa sa kanya ang mabulok ang mga bunga ng puno kaysa ipakain sa iba.

Isang araw ay may isang mangingisda ang ipinadakip ng sultan sa kanyang mga tauhan. Ang
dahilan ay masyado itong ginabi sa pangingisda. Walang awa niyang ipinakulong ang pobreng
mangingisda. Iniutos pa niyang pahirapan ito upang magtanda.

Nakarating sa asawa ng mangingisda ang nangyari. Agad nagtungo ang babae sa kaharian ng
sultan kahit malalim na ang gabi. Ang asawang ito ng mangingisda ay mahusay gumawa ng
isdang daing. Ito ang nagdadaing ng mga isdang nahuhuli ng asawa.

Walang takot na nagtuloy sa palasyo ang magdadaing. Kinatok nito ang natutulog na sultan.
Dahil naabala sa tulog ay galit na galit na bumangon ang sultan. Nang malaman nito kung sino
ang umabala sa pagtulog at kung ano ang sadya nito ay lalo siyang nagalit.

Sa halip na maawa sa babae ay ipinakulong niya ito. Naisip niyang makakain na ang masarap na
daing dahil pahuhulihin niya ng isda ang asawa nito at ipadadaing naman niya sa babae.

8
Masaya na rin sana ang mag- asawa kahit pareho silang nakakulong. Magkasama naman silang
dalawa. Kaya lang ay nag-aalala sila para sa anak na binatilyo na naiwang mag-isa sa bahay nila.
Alam nilang walang mag-aasikaso sa mga pangangailangan nito kung wala silang dalawa.

Ang hindi nila alam ay inaalagaan ng mga diwata sa gubat ang kanilang anak. Ang mga ito ang
nagbibigay ng pagkain sa binatilyo sa araw-araw.

Isang araw, naisipan ng binatilyo na puntahan si Sultan Barabas. Ibig niyang hilingin dito na
palayain na ang ina at ama. Sinamahan siya ng mga diwata sa pagtungo sa palasyo.

Nang magkaharap ang dalawa ay tahasang nagsalita ang binatilyo. Sinabi nito na dapat siyang
bigyan ng sultan ng pagkain dahil ang kinakain nito ay ang isdang pinaghirapang hulihin ng
kanyang ama at idinaing ng kanyang ina.

Hindi pumayag si Sultan Barabas. Sa halip ay nagtawa lang ito. Sa galit ng binatilyo ay bigla
nitong inagaw ang suot na korona ng sultan at saka nagtatakbo. Humabol sa lalaki ang sultan.
Nakarating sila sa malawak nitong hardin. Hindi maabutan ng sultan ang binatilyo dahil higit
itong mabilis tumakbo.

Napagod ng husto ang sultan. Humihingal itong huminto sa tapat ng isang malaking puno. Habol
nito ang paghinga at dakot ang dibdib na naninikip.

Sa sumunod na saglit ay bigla na lamang itong natumba. Noon din ay agad itong binawian ng
buhay.

Sa hardin ding iyon ito ipinalibing.

Nagkaroon ng bagong sultan. Ito ay higit na mabait at makatarungan kaysa kay Sultan Barabas.
Binuksan nito sa lahat ang malawak na hardin upang makakain ng bungangkahoy ang sinumang
may nais.

Isang bagong halaman ang napansin ng mga tao na tumubo sa pinaglibingan kay Sultan Barabas.
Hinayaan ng mga tao na lumaki at mamunga ang nasabing puno.

Nang tikman nila ang bubot pang bunga ay napangiwi silang lahat.

“Ang pait!” sabi ng isa. “Simpait ng ugali ni Sultan Barabas!”

Nang magsilaki na ang mga bunga at muli nilang tikman ay nasabi ng ilan: “Ang asim. Sing-
asim ng mukha ni Sultan Barabas!”

9
“Kung gayon ay si Barabas ang punong iyan!” sabi ng marami.

Nang mahinog ang mga bunga ay nasarapan ang lahat dahil matatamis ang mga iyon. Mula noon
ay nakagiliwan ang bunga ng puno at nang lumaon ay tinawag na Bayabas.

“ALAMAT NG BUTIKI”

Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa. Natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang
anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.

Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang
makisig na binata.

Si Aling Rosa ay nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si Juan ay


siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling Rosa ay
hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal.

Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang
nakilala; si Helena.

Si Helena ay lubhang kaaki-akit kung kaya’t agad umibig dito si Juan. At dahil sa panunuyo ni
Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi.

“O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon,” ang
wika ni Aling Rosa sa anak.

Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat,” ang
pagsisinungaling ni Juan.

Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa
dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.

“Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya


nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita.”

“Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig.
Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko,” ang pagsusumamo ni Juan.

10
“Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na
nasa iyong mga palad!” ang matigas na wika ni Helena.

Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni
Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi

Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon.
Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip
ni Juan.

Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang itak at
inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit nanghihina na ay
nagsalita ito.

“Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng
tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina,” ang umiiyak na
wika ni Aling Rosa.

“Diyos ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!” ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa
katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.

Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na
hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.

Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si
Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit.

Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.

Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba’t ibang uri ng kulisap at
insekto, at naglaro sa paligid.

Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon
ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan
bilang kulisap.

Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at
ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon.

At hanggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa
paniniwala nila ay mga engkanto.

11
“ALAMAT NG PILIPINAS”

Noong unang panahon ay wala pang tinatawag na bansang pilipinas. Mayroon lamang maliliit na
mga pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo ay may nakatira ditong isang higante. Ang
kweba nya ay nasa kalagitnaan ng dagat pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang
tatlong anak na babae na sina minda, lus at bisaya.

Isang araw kinakailangang umalis ng amang higante upang mangaso sa kabilang pulo. Kailangan
maiwan ang tatlong magkakapatid kaya pinagsabihan nya ang tatlo.

“huwag kayong lumabas ng ating kweba”, ang bilin ng ama. “dyan lamang kayo sa loob dahil
may mga panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng kweba.”

Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kweba ang magkakapatid. Inayos nila itong
mabuti para masiyahin ang kanilang ama. Subalit hindi nila katulong sa paggawa si minda. Hindi
ito masunurin sa am. Lumabas pala si minda at namsyal sa may dagat. Hindi man lamang
nagsabi sa mga kapatid.

Tuwang tuwa si minda na naglalaro ng mga along nanggagaling sa dagat. Namasyal sya at hindi
nya napansin na malayo nap ala sya sa tabi ng dagat. Habang sya ay naglalakad, isang
napakalaking alon na masasabing dambuhala ang lumamon kay minda. Nagsisigaw sya habang
tinatangay ng malaking alon sa gitna ng dagat.

“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni minda. Narinig nina lus at bisaya ang sigaw ni minda. Abot ang
sigaw sa loob ng kweba kaya tumigil sa paggawa ang dalawa.

“Si minda humihingi ng tulong!” sabi nil us na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat.

“oo nga! Halika na! yaya ni bisaya. “bakit kaya?

Mabilis silang tumakbo sa may dagat. Tingin ditto, tingin doon. Nakita nila sisinghap-singhap sa
tubig ang kapatid.

“Hayon sa malayo!” sigaw sabay turo ni lus.

Mabilis nilang nilusong si minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa kapatid. Pati
sila ay nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak sigaw at walang tigil na
kawag. Sa kasamang palad ang tatlong dalagang higante ay hindi nakaahon.

Nang dumating ang amang higante nagtataka siya bakit walang sumalubong sa kanya. Dati-rati
ay nakasigaw na sa tuwa ang tatlo nyang anak kung dumating sya. Wala ang tatlo sa kweba, ni
isa ay wala roon.

12
“saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” tanong nya sa sarili. “saan kayo lus, minda at
bisaya!”

Walang sumasagot, hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila ro on. Pinuntahan niya ang ilang
malapit na pulo, ni anino ay wala.

“baka may pumuntang tao at dinala silang pilit,” sabi ng higante sa sarili.

Biglang umalon ulit at dumagondong, napalingon ang ama at naisip niya na baka nalunod ang
tatlo. Dumako pa sya sa malayo at hindi nagkamali ang higante. Nakita niya ang labi ng ilang
pirasong damit na nakasabit sa bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay na nakataas at
humihingi ng saklolo. Naalala niya bigla na hindi niya pinayagang lumabas ang mga ito.
Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip lamang pala niya ang larawan ng tatlong kamay na
nakataas, nawalan siya ng lakas.

“Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na sya ng ganang kumain. Tumayo,
umupo, tumingin sa malayo. Isa isang hinagod ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa
malayo. At sa pagod at hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog
ang nagawa ng kawawang higante.

Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mata. May nakita siyang wala doon dati.
Tumayo bigla at tiningnan mabuti.

“Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito?” Tanong sa sarili, lalong lungkot ang
nararamdaman ng amang ulila.

“Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi niyang malakas.

At buhay noon tinawag na Luson, Bisaya, at Mindanaw ang tatlong pulo. Nasa gawing timog
asya. Bahagi ito ng pilipinas sa katimugang bahagi ng asya.

13
“PAMILYA KO SANDIGAN KO”

Ni Jurunie B. Palao

Pagmamamahal nyo sa akin ibinigay

Sa araw-araw na ako’y nabubuhay

Pangangailangan ko binigay na tunay

Tunay nap ag-ibig pamana nyong taglay

Itay na haligi ng tahanan

Inay, ika’y ilaw ng hapag kainan

Kami’y busog sa inyong pagmamahalan

Habang kayo ay nandyan

Magpakailanman

Problemadong dumarating sa ating pamilya

Nilabanan natin hangga’t makakaya

Pagmamahal ng diyos sa’tin luminga

Kayo ang aking sandigan sa umaga.

14
“TULA PARA SA PANGARAP”

Mula kay: thefrustratedwriter

Isang pangarap ang nais kong makamit

Kahit ang pag-asang maabot ay kay liit

Sa mga kislap ng tala ako ay nakatingin

Hinihiling na sana ang pangarap ko ay dinggin

Parang gabing madilim ang paligid ko

Na nabubulag sa paghihirap at daing ng tao

Kaya ang tanging pangarap ko

Maging doctor upang hilumin ang kirot sa mundo

Mali bang mangarap ang musmos na katulad ko

At nagsisikap maabot ang mithiin ko

Na ang layunin ay makatulong sa kapwa

Lalung-lalo na sa aking pamilya

Isang pangarap na may mukhang ligaya

Tamis ng ginhawa at mga taong masaya sa pamamagitan ng hiling kong ito

Nawa’y matupad ang pangarap ko.

15
“ANG AKING PAG-IBIG”
Manunulat: Elizabeth Barrett Browning

Isinalin sa filipino ni Alfonso O. Santiago

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman

Kung paano kita pinakamamahal

Tuturan kong lahat ang mga paraan,

Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,

Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,

Lipad ng kaluluwang ibig na marating

Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko'y katugon, kabagay

Ng kailangan mong kaliit-liitan,

Laging nakahandang pag-utus-utusan,

Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking

Dahil sa katwira'y hindi paaapi,

Kasingwagas ito ng mga bayaning

Marunong umingos sa mga papuri.

16
Pag-ibig ko'y isang matinding damdamin,

Tulad ng lumbay kong di makayang bathin

Noong ako'y isang musmos pa sa turing

Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay

Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,

Na nang mangawala ay parang nanamlay

Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,

Ngiti, luha, buhay at aking hininga!

At kung sa diyos naman na ipagtalaga

Malibing may'y lalong iibigin kita.

17
“BABANG-LUKSA”

Salin mula sa kapampangan ni Olivia P. Dante

Sa isang “Pabanud” ni Diosdado Macapagal

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw

Tila kahapon lang nang ika'y lumisan;

Subalit sa akin ang tanging naiwan,

Mga alaalang di malilimutan.

Kung ako'y nasa pook na limit dalawin

Naalala ko ang ating paggiliw;

Tuwa'y dumadalaw sa aking paningin

Kung nagunita kong tayo'y magkapiling.

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay

Na kung saan una tayo'y nag-ibigan

Sa bakura't bahay, Sa lahat ng lugar

Itong kaluluwa'y hinahanap ikaw

Sa matandang bahay napuno ng saya

Sa araw na iyo'y pinagsaluhan ta;

Ang biyayang saglit, kung nababalik pa

Ang ipapalit ko'y ang aking hininga.

18
Bakit ba, mahal ko, kagayang lumisan

At iniwan akong sawing kapalaran

Hindi mo ba talos, kab'yak ka ng buhay

At sa pagyaon mo'y para ring namatay?

Marahil tinubos ka ni bathala

Upang sa isipa'y hindi ka tumanda

At ang larawan mo sa puso ko't diwa

Ay mananatiling maganda at bata

Sa paraang ito, kung nagkaedad na

Ang puting buhok ko'y di mo makikita

At ang larawan kong tandang-tanda mo pa

Yaong kabataan taglay na tuwina.

At dahil nga rito, ang pagmamahal

Ay hanggang matapos ang kabataan

Itong alaala ay laging buhay

Lalaging sariwa sa kawalang hanggan

Kaya, aking mahal sa iyong pagpanaw

Tayo'y nagtagumpay sa dupok ng buhay

Ang ating pagsintang masidhi't marangal

Hindi mamamatay, walang katapusan

19
Ang kaugalian ng ninuno natin

Isang taon akong magluluksa mandin

Ngunit ang puso ko'y sadyang maninimdim

Hanggang kalangitan tayo'y magkapaling

-Mula sa panitikang filipino nina sulit et.al.

1989. Grandwater publication

20
“ANG ANTIPAS MO, BAGSIK”

HYA Aug 2018

Malaking polo at malaking pantalon

May sapatos pang yari sa mga dahon

Ang itim na buhok na laging buhaghag

Kahit sa suklay, hindi nagpapatinag

Ito ay para sa babaeng kay bagsik

Huwag ikahiya ang iyong tinik

Kahit sa sapakan ka mas nasasabik,

Ang mga peklat mo'y huwag gawing batik

Mga bakat ng pakikipagsapalaran

Ng babae na naglalaki-lakihan

Gustong maging isang kataas-taasan

Sa hindi makatarungan na lipunan

Kanyang mga kilay, nagkakasalubong

Tila bang mga mahihirap na bugtong;

Magkakambal na humihingi ng tulong

Ang pagsigaw ay para pa ring pabulong

Bagsik, ako'y may tanong para sa iyo

21
Napapagod ka na bang maging matapang

O hindi kaya'y sa iyong pagkahibang?

Alam mo, mabuti rin namang umiyak

Dahil ang buhay ay hindi puro galak

'Wag sarilihin ang lahat ng problema

Huwag gawing sandata ang mga bala

Matuto kang magsalita at lumuha

At hindi puro bagsik ang ipakita

Tanggalin mo na ang antipas sa mukha

Tapusin ang pagyuko at tumingala

Ipaglaban mo kung sino ka talaga

Ipakita ikaw ay mahalaga

Ipagpaliban ang iisipin nila

Titigan mo ang sariling mga mata

Muli, lumuha ka, bagsik, lumuha ka

Lalangoy din sa tubig ang mga isda

Magpahinga ka kung nakakapagod na

Lumayo kung hindi nakakaginhawa

Pagkatapos nito, lumaban kang muli

Nang merong konsensya’t maputi ang budhi

22
Ipinagmamalaki ko ang ‘yong bagsik

Ang kamao sa hangin humahalik

Ngayon, bagsik, muli kitang tatanungin

Ang antipas, kailan mo tatanggalin?

23
“SI ITAY AT INAY NG LIPUNAN”

Sy Lilang May 2016

Minulat tayong may sukli ng kasaysayan,

Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan.

Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak

Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig,

Pagbili ng lakas ng loob

at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan;

Luha't dangal, pawang huling hain

Ng Ama't Ina ng Lipunan.

Nakakangalay makisabay sa uso

Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso.

Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso,

Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago!

Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit,

Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait.

Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit.

Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit.

24
Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina,

Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na.

Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla,

Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya.

At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila.

Mainam na ngang masaktan sa una,

Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba.

Masakit sa loob kapag tinatama ka,

At bawat palo't kusang pagdidisiplina.

Kung hindi susundin silang Ama't Ina,

Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema,

Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima,

Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala.

Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa,

Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa,

Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya,

At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.

25
“ANG BUHAY, NGUNIT MAY TANING”

Vincent Liberato Oct 2018

Ang tauhang ito ay kung lumisan sa mundo—mananatili na lamang ang mga salita, ngunit

walang kahulugan ang buhay o hindi alam ang kahulugan ng buhay.

'Walang pag-iral ang tao sa lipunan hangga't 'di kailangan ng lipunan ang tao.' Ang bulong ng
tauhan kasunod ang buntunghininga na nasa kawalan na. Tumigil lamang ang tauhan upang
pagmasdan ang kumukurap-kurap na liwanag sa rurok ng poste. 'Kahit anong tatag at tibay nito,
kung ang liwanag nito sa rurok ay pawala na—wala rin.' Ang bulong muli ng tauhan sa sarili.

Biglang bumuhos ang lakas ng ulan habang pinagmamasdan ng tauhan ang poste. Sa lakas ng
lagatik ng ulan, ngumiti lamang ang tauhan. Ngumiti lamang sa kabila ng buhos ng ulan sabay
tumawa. Sa mga sandaling iyon nasa kawalan ang tauhan—nasa kawalan ng ngiti—nasa
kawalan ng ulan.

Umuwi lamang ng may ngiti ang tauhan sa kabila ng buhos ng ulan. Madilim at liblib ang
kuwarto ng tauhan katulad na lamang ng damdamin at pag-iisip ng tauhan. Sa pagitan ng
bintana't pinto. Kumuha ng lubid at upuan ang tauhan. Inilagay sa pagitan ng bintana't pinto ng
liblib na kuwarto ang upuan. Tumungtong ang tauhan habang hawak ang lubid, itinali kung saan
dapat itali. Itinali sa sarili—iginapos ang katapusan sa leeg—ipiniid ang mga mata. Tumalon na
lamang ang tauhan sa upuan sa pagitan ng bintana't pintuan ng liblib na kuwarto. Pumanaw na
lamang ang tauhan ng buhay, ngunit may taning.

Sa ganoong paraan, nalaman ng buong lipunan na kabilang sa lipunan ang tauhan. Nalaman muli
ng lipunan ang pag-iral ng tauhan, ngunit nang pumanaw na ito. Kabilang na muli ang tauhan sa
lipunan, ngunit kabilang sa mga pumanaw.

26
"PIKIT-MATANG LIPUNAN"

dalampasigan08 Jun 2015

Tinatahak ko ng marahan ang isang makinang na landas sa gitna ng mga taong alam kong
nananalig din.

Hinihila ko ng pilit ang dalawang talampakang hindi dumarampi sa sahig na katulad ko’y
nakatingala din sa langit.

Ang aking mga palad ay magkaniig at ang mga daliri’y kayakap ang isa’t isa.

Naiibsan ang sakit ng aking mga sugat ng nalalanghap kong halimuyak mula sa mga puting
bulaklak sa paligid.

Tila piraso ng langit ang dambanang ito na kung saan sinasabing tutuparin ang lahat ng mga
kahilingan mo

at papawiin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas ng kahit na sino.

Sa lugar na ito nakalilimutan ko ang lahat ng hapdi at pagod na nararanasan ko araw-araw

para bang unti-unti niyang hinuhugasan ang buo kong katawan

at binibigyan ako ng bagong lakas at pag-asang harapin ang isang bagong bukang liwayway.

Habang nananalangin ay napansin ko ang mga matang natuon sa’kin

nagmamasid - tila kunot noong nagtatanong kung bakit ang basahang tulad ko na tinalikuran ng
lipunan at inaring kanlungan ang lansangan ay naririto’t naninikluhod sa harap ng dalanginan.

Alam kong ako’y kanilang napupuna ngunit sila’y bulag.

Niyayanig ng aking mga dasal ang buong simbahan ngunit sila’y bingi.

May kung sinong hindi ko naaninag ang umakay sa’kin patungo’t papalapit sa dambanang
ginigiliw.

sa bawat hakbang ay bigla kong naalala ang lahat ng pagdurusa

at nasambit ang "salamat sa lahat ng pag-asa."

Nilingon ko ang larawan ng madlang dukha’t kaawa

ngumiti at binitiwan ang aking huling hininga.

27
Ron Peter Jan 2019

“MASKARA”

isang mukhang naka kubli

itinatago ang totoong imahe

isang pagkukunwari kailanman

hindi maitatago ang katotohanan

sa maskara kasinungalingan

minsan masaya

minsan may pagsisisihan ka

minsan masasaktan

pero sa bandang huli

may matututunan ka

ito yung buhay na naranasan

ko sa likod ng maskara

na itinago ko sa paraan hindi ako

tinakasan ang buhay

na totoong nararanasan ko

gumawa ng sariling mundo

na hinango sa imahinasyon

paano pa ba makakatakas

sa aking buhay na binilanggo


ng pag papanggap na hindi ako

minahal nila na akala ay ako to

hinangaan nila akala totoo

marami naniwala na ang nasa

harap nila ay nabuhay

bilang malinis na tao

napag tanto ko na parehas

lamang ang tao napaniwala ko

at ako mismo ay nalinlang

lang din sa kainggitan ko

galing sa taong perpekto

na kinuhanan ko ng pagkatao.

na kahit ako mismo

ay nangarap na sana maging ganon man lang din ako

kahangaan ng iba at tanggapin bilang patas na tao sa mundo

minahal mo lang ba ako dahil

sa itsura ko?

nagustuhan dahil sinabi kong

mayaman at may kotse ako?

tinanggap kasi akala mo


nakahanap ka ng prince charming mo?

pasensya na nagising na rin

naman na ko sa katotohanan

kahit ako mismo ay napagod na

sa pagkukunwaring hindi

naman talaga ako.

kasi nangarap din ako na

tanggapin ako ng buo

di dahilsa istura nakaharap sayo

dahil gusto ko din ng may

taong mamahalin ako

kung sino at ano ba ako

ayoko na. pagod na ako.

dahil inaasahan ko rin naman

na kapag nalaman mo ang totoo

ay iiwan mo lang din naman ako

wala kahit sino mismo

ang makakaunawa sa taong

gumamit at napilitan

itago ang buhay sa isang mascara


dahil sa bandang huli

ako mismo parin naman

ang masasaktan dahil

umasa ako na matatanggap ang isang tulad ko sa lipunan.

Ysabelle Aug 2015

“PRESO”

Minsan gusto **** makalaya;

Malaya sa mapanghusgang lipunan,

Malaya sa mundong masyadong

Magulo at maingay para sa isip ****

Litong-lito kung ano ba talaga ang dapat.

Ano ba ang mali? Ano ba ang tama?

Minsan gusto **** mag-isa;

Malayo sa ideolohiyang malabo,

Malayo sa punyetang gulo ng

Lugar na masalimuot.

Doon sa eskinitang masikip na halos

Nagtipon ang dumi at kalawang

Na hindi na pinapansin.

Kasi madumi. Kasi makalawang. Kasi walang silbi. Kasi hinusgahan.

31
Gusto makaalis.

Gusto pumiglas

Sa mga kadenang ginagapos

Ang nagdurugo at sugatan

Katawan na ang tanging nais lang ay makalaya.

Gusto tumakbo.

Gusto tumakas,

Kahit sinasabi nila na hindi iyon ang sagot; at hindi iyon ang dapat.

Bakit? Bakit kailangang laging sundin?

Bakit kailangang laging paalipin?

Ang sikip sa dibdib lalo na't

Alam wala kang kayang gawin.

Lalo na't alam palaman ka lang

Sa sistemang paikot-ikot ng walang tigil.

Hilong-hilo ka na sa mga kagaguhang

Nais nilang iguhit sa iyong kapalaran.

Hindi mo na masikmura ang pait at

Walang saysay na pagiintay sa pinangako nilang katahimikan; kapayapaan ng iyong isipan.

Itinatanong mo, bakit di ko harapin?

Bakit laging pagtakas ang gusto kong suungin?

Hindi ko din alam gaya nang hindi mo pagintindi sa akin.

Pagod na pagod na akong mag-isip.


Alam ko naman, palagi akong mali. Palagi akong masama. Palagi akong walang silbi.

Kasi nahusgahan. Dahil sa isang mali.

Dahil sa isang baluktot na desisyon,

Hindi mo na naalalang, tao rin ako.

May puso. May pakiramdam. Nasasaktan.

Gusto kong lumayo. Gusto kong umalis. Gusto kong lumaya. Patuloy na lumaya.

Sobrang pasakit dahil alam ko na sobra akong pabigat.

Sana bumalik nalang ako sa pagiging tuldok.

Para kahit anong pangungusap na masakit ang maririnig ko, matatapos ito. At hindi na kailanman
babalik. Tuldok. Babalik ako sa pagiging tuldok dahil magulo.
"ANG AGILA AT SALAGUBANG"

Gutum na gutom na ang Agila kaya naghahanap siya ng hayop na gagawing pananghalian. Mula
sa kaitasaan ay napansin niya ang isang Kunehong masayang naglalakad sa kagubatan.

Nang tumingala ang Kuneho ay alam niyang sasakmalin siya ng Hari ng mga Ibon. Upang
makaiwas sa kapahamakan ay nagtatakbo ito upang magtago. Napansin ng Salagubang ang
paghabol ng Agila sa Kuneho. Nang magkatama ng paningin ang Kuneho at Salagubang ay
humingi ng tulong ang hinahabol.

Salagubang! Salagubang! Tulungan mo ako! Tiyak na aabutan at gagawin akong pananghalian ni


Haring Agila!

Mabilis tumakbo ang Kuneho pero mabilis ding lumipad at humabol ang Agila.

Awang-awa ang Salagubang sa di parehas na laki ng humahabol sa hinahabol.

Hoy, Agila! Mahiya ka sa sarili mo! Hari ka pa man din ng ibang kalahi mo pero isang maliit na
kuneho ang hinahabol mo!

Hindi pinakinggan ng gutom na Agila ang sigaw ng Salagubang. Ang alam niya ay kumakalam
ang kaniyang sikmura at masarap na gawing pananghalian ang Kunehong may matabang tiyan.

Umaatikabong habulan ang naganap pero kahit bilisan ng Kuneho ang pagtakbo at pagtalon ay
naabutan din siya ng Agilang gutum na gutom.

33
Kawawang Kuneho, buntunghininga ng Salagubang nang matanawan ang nagsisisigaw na
kaibigan ay gawing masaganang pananghalian ng Agilang walang awa kaninuman.

Naisip ng Salagubang na panagutin sa kasalanan ang Agilang hindi makatarungan.

Magmula nang gawing pananghalian ang kaibigan ay lagi na niyang sinusundan-sundan ang
Agila. Nalaman niyang sa ituktok ng bundok nangingitlog ang Agila. Sumunod siya dito.
Habang wala pa ang Agila ay nilipad ng Salagubang ang pugad ng Hari ng mga Ibon. Isa-isa
niyang itinulak ang mga itlog mula sa pugad. Basag ang mga ito nang malaglag sa lupa. Galit na
galit ang Agila na nagsumbong kay Jupiter.

Kamahalan, binabasag po ni Salagubang ang mga itlog na nasa pugad ko. Tulungan po ninyo
ako.

Upang hindi na maulit na mabasag ang mga itlog, pumayag si Jupiter na sa kandungan niya
mamugad ang Agila. Ito nga ang ginawa ng Agila. Nagsilbing pugad ang kandungan ni Jupiter.

Nang malaman ito ni Salagubang ay nakaisip siya ng paraan upang maipagpatuloy ang
paghihiganti. Nang nakatulog si Jupiter ay binagsakan niya ng dakut-dakot na lupa ang
kandungan ng Kamahalan. Nang magising si Jupiter at pagpagin ang lupa ay sumama ang mga
itlog na nangabasag sa lupa.

Magmula noon, lagi nang naghahanap ang mga Agila kung saan nila maitatago ang mga pugad
na pinangingitlugan nila. Sinasabing patuloy na ipinaghihiganti ng Salagubang ang Kunehong
matalik na kaibigan.

34
"ANG ANINO NG BURIKO"

Isang umaga inarkila ng isang manlalakbay ang Buriko ng isang magsasaka.

Nang lumabas sa kulungan ang Buriko ay sumakay na ang manlalakbay habang sumusunod
naman ang magsasaka sa likuran. Upang mabilis-bilis na lumakad ay pinapalu-palo ng
magsasaka ang likod ng Buriko.

Mainit na mainit ang kapaligiran kaya ang tatlo ay pawisang-pawisan. Kapag nakakatisod ng
malaking bato ay nawawala sa balanse ang Buriko. Ikinatitiwarik ito ng manlalakbay na
pagewang-gewang sa pagkakaupo niya sa ibabaw.

Tulak dito, hila diyan.

Pawisan ang manlalakbay. Humihingal naman ang magsasakang nasa likuran. At ang Buriko?
Pawisan na, hihingal-hingal pa bukod sa mga palong lumalatay sa likuran niya. Kaawa-awa
talaga ang Burikong sinakyan na ay minaltrato pa.

Mabuti at naisipan ng manlalakbay na magpahinga muna. Sapagkat disyerto ang kapaligiran ay


wala silang makitang punong mapagpapahingahan.

Nang mapansin ng magsasaka at manlalakbay na tanging anino lang ng Buriko ang


mapagpapahingahan ay nag-unahan ang dalawa sa munting silungan.

Aba, aba. Akin ang pahingahang iyan, pag-aangkin ng manlalakbay, ako ang may karapatan
diyan sapagkat ako ang umarkila sa Buriko.

35

Teka! giit ng magsasaka. Akin ang Buriko kaya akin din ang anino nito.
Akin ito! giit ng manlalakbay.

Hindi. Akin ito, galit na pagpupumilit ng magsasaka.

Sinuntok ng magsasaka ang manlalakbay na ikinatumba nito. Hinila naman ng manlalakbay ang
paa ng magsasaka na ikinagulong nito sa buhanginan.

Buntalang umaatikabo. Suntukang punung-puno ng galit. Murahan, sigawan. Nang matanawan


ng Burikong duguan ang mga mukha ng nagsisipaglabang galit na galit na nagsisigawan ay
nagtatakbo ito sa takot. Wala itong anumang dala kundi ang aninong pinagtatalunan ng dalawang
sakim na kaluluwa.

36
"ANG ASO AT ANG LEYON"

Kinatatakutan ng maraming hayop sa kagubatan ang Aso. Nanginginig na ang mga Kuneho
kapag tumitig na ito. Hindi na malaman ng mga Pagong ang gagawin kapag itinaas na nito ang
mga paang may matutulis na kuko. Pinipigil na ng mga Manok, Pusa at Bibe ang paghinga nila
upang di mapansin ng nag-aalborotong Aso. Sapagkat alam ng Aso na maraming natatakot na
hayop sa paligid kaya lalo niyang pinaghuhusayan ang pagtahol.

Pinupuno niya ng hangin ang dibdib upang lalong maging malakas ang pagtahol. Naniniwala
siyang ang mahinang tahol niya ay kaagad nagpapasisid sa mga Isda sa batis. Ang modulatong
tahol naman ay nakapagpapagising sa mga naiidlip na Ibong biglang nagkakampay ng mga
pakpak upang makalayo sa kinatatakutang ingay na nagbibigay sa kanila ng isang libo at isang
pangamba. Ang malakas na tahol ng Aso ay nagpapakaripas ng takbo sa Kambing, Pabo at
Baboydamo. Ang sunud-sunod na tahol naman ay hudyat na upang magtago sa mga yungib ang
mga Unggoy at mga Usa.

Totoong marami ang natatakot sa nakapaninindig balahibong mga tahol ng Aso.

Sa sobrang kayabangan ay sinundan minsan ng Aso ang Leyon na noon ay namamasyal sa


kagubatan. Balak din niya itong takutin. Nang mapalapit ito ay nagpakayabang-yabang na sa
tindig ang mananakot. Huminga ito nang malalim. Nang mapansing lumingon ang Leyon ay
nagsimulang magtatahol ang Aso. Parang matibay na Batong Gibraltrar na hindi man lang
natinag ang Leyon. Nang makita ng Leyon ang tumatahol ay nilundag nito ang Aso na napatulala
sa kahihiyan. Pinagsasakmal ng Hari ng Kagubatan ang Hari ng Kayabangan.

Mabuti na lang at naawat ng Tigre at Gorilya ang Haring Leyon nila. Kung hindi ay baka
tinanghal na bangkay ang Hari ng Kayabangan, na nang mahimasmasan ay yumukod at
humihingal na nagbigay galang sa Hari ng Kagubatang gusto sana niyang pasiklaban.

37
"ANG BATA AT ANG LOBO"

Minsan ay namamasyal sa kabukiran ang isang bata nang matanawan niya ang isang papalapit na
Lobo. Sa sobrang takot ay yumuko siya kaagad sa gitna ng mga damo.

Magaling maghanap ang Lobo kaya madaling-madali siyang nakita nito. Gusto niyang
kumaripas ng takbo pero natatakot ang batang sagpangin siya nito.

Huminga nang malalim ang bata at ipinagpasa-Diyos na lang niya ang mangyayari sa kaniya.

Ma... Maawa kayo, Ginoong Lobo. Huwag sana ninyo akong kainin. Mabait na bata po ako.

Ngumisi ang Lobo at mayabang na inilabas ang nangingislap na mga pangil upang lalong takutin
ang kaharap. Sapagkat busog pa sa kakakain pa lamang na bibe sa katihan, minabuti ng Lobo na
idaan sa isang pagsubok ang nangangatog na bata.

O sige. Hahayaan kitang makalayo kung masasabi mo sa akin ang tatlong bagay na sa ganang
sarili ay may katotohanang hinding-hindi ko mapapabulaanan.

Namimilog ang mga matang mabilis na nag-isip ang pobreng bata, kahit nangangalog ang baba
ay pinasimulan niya ang pagpapatotoo.

Una, sabi nito sa tinig na pilit na pinalalaki, kaawa-awa ang kalagayan ko kaninang makita mo
ako.

Ta... tama! mabilis na pagsang-ayon ng Lobo.

38
Ikalawa, lalong kaawa-awa ang kalagayan ko ngayong nasukol mo na ako!

Aba... aba... tama ka rin diyan. patangu-tangong pagsang-ayon ng nakatitig na Lobo. At ang
pangatlo?

Pangatlo? huminga nang malalim ang bata at buong tapang na nagsabing, Galit ako sa mga lobo
sapagkat wala silang pusong umunawa sa lahat ng bagay na pinapatay at kinakain nila!

Ginulat ng bata ang Lobo na noon ay napatulala sa katotohanang ipinauunawa.

Mapalad ang bata na nakubkob din nito ang damdaming makatarungan ng Lobong isinusuka sa
kasamaan.

Sa pagkapahiya ng Lobo ay ibinigay nito ang kalayaan sa matalinong batang nanindigan sa


katalinuhan at katapangan.

39
"ANG KABAYONG NAGDAMIT LEYON"

Isang Kabayo ang naiinggit sa mababangis na hayop ng kagubatan na kinatatakutan ng lahat.

Mabilis nga akong tumakbo, nasasakyan ng tao at nakapaghahatid ng mga kargamento pero hindi
naman ako niyuyukuran sa kagubatan.

Alin bang hayop sa kagubatan ang gusto mong tularan? usisa ng mga Unggoy.

Natural, gusto kong maging isang Leyon na kinatatakutan sa pagiging Hari nito sa buong
kagubatan.

Napakamot ng ulo ang Usa. Hindi niya akalaing walang kasiyahan ang Kabayo sa pagiging
Kabayo nito.

Isang tanghali habang naghahanap ng mga talahib na makakain ang Kabayo ay natanawan nito sa
gitna ng kagubatan ang isang nakabalumbong banig. Nang ilatag ng Kabayo ang banig ay laking
tuwa niya sapagkat tuyong katawan ng isang makisig na Leyon ang tumambad sa kaniya.

Isinuot kaagad ng Kabayo ang baro at tuwang-tuwang nanalamin sa batis. Mayabang na


naglakad siya sa buong kagubatan. Tuwang-tuwa siya nang sumaludo sa kaniya bilang Hari ang
Elepante, ang Oso at ang Gorilya. Lalo siyang yumabang nang layuan siya sa takot ng Unggoy,
Usa at Kuneho.

Minsang taas-noo siyang nagpapapansin sa kagubatan ay nakita siya ng mapanuring Lobo.

40
Haring Leyon. Haring Leyon. Bakit hindi po yata kumikislap ang inyong balahibo kapag
nasisikatan ng araw?

Ha? Hindi kaagad nakasagot ang tinanong. Na... naligo kasi ako sa batis nang makita kong
duguan ang mga kuko ko matapos gawing pananghalian ang Baboyramo.

Napaurong ang Lobo hindi sa pananakot ng impostor na Leyon kundi sa naibang tono ng
pagsasalita nito.

Nagduda ang Lobo. Alam niyang hindi Leyon ang kausap niya. Para patunayan na impostor ang
Leyon ay ibinalita ng Lobo na darating na ang mga Leyon sa kabundukan. Sa pagkasindak ng
impostor ay napahalinghing ito. Napagsino ng lahat na Kabayong nagdamit Leyon lang ang
impostor. Nang malaman ng lahat na naloko sila ng mapagbalatkayo ay hinabol nila ito upang
ilublob sa kumunoy pero mabilis itong nakatakbo papalayo sa kagubatan.

41
“SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG”

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam.
Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng
pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita
siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni Tipaklong. “Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba
wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”

“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon
tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang
maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may
makain pagsumama ang panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa
gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang
hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang
kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at maupo.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo. Kailangan nga
pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang mag-
impok.

42
“SI KUNEHO AT SI PAGONG”

Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong.

Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong.

“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal mong


lumakad.”

Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may maipagmamalaki


din naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban.

“Aba, Kuneho, maaaring mabagal nga akong maglakad pero nakasisiguro akong matatalo kita sa
palakasan. Baka gusto mong pabilisan tayong makaakyat sa tuktok ng bundok pagsikat ng araw
bukas. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?”

Tuwang-tuwa ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa bagal ng Pagong ay


tiyak na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay pinagtatawag ng Kuneho ang lahat ng
kamag-anak niya.

Pinulong niya ang mga ito at inutusang palakpakan siya kapag matagumpay na naakyat na niya
ang tuktok ng bundok. Iniutos din niyang kantiyawan sa mabagal na pag-usad ang kalaban.

Maagang-maaga dumating sa paanan ng bundok ang maglalaban.

Maaga ring dumating ang iba’t ibang hayop na tuwang-tuwang makasasaksi ng isang tunggalian.

Kapansin-pansing kung maraming kamag-anak si Pagong ay higit na maraming kamag-anak ni


Kuneho ang nagsulputan.

Nang sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng Alamid ang maglalaban. Ang mabilis na
pagbababa ng kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula na ang laban.

Sabay na gumalaw paakyat ng bundok ang magkalaban. Mabilis na tumalun-talon ang mayabang
na Kuneho paitaas na parang hangin sa bilis. Nang marating na niya ang kalahatian ng bundok at
lumingon paibaba ay natanawan niya ang umiisud-isod na kalaban.

Maraming naawa sa mabagal na Pagong.

“Kaya mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay, nanay, kuya,
ate, at mga pinsan.

“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-anak ni


Kuneho.

43
Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa pag-isod.

Malayung-malayo na ang naakyat ni Kuneho. Nagpahinga ito ilang sandali upang tanawin ang
anino ng kalaban. Nang walang makitang anumang umuusad ay ngingisi-ngising sumandal ito sa
isang puno at umidlip.

Kahit na sabihing napakabagal umusad ay pinagsikapan ng Pagong na ibigay ang lahat ng lakas
upang unti-unting makapanhik sa bundok.

Nang matanawang himbing na himbing sa pagtulog ang katunggali ay lalong nagsikap umisud-
isod pataas ang pawisang Pagong.

Palabas na ang araw nang magising si Kuneho. Nanlaki ang mga mata nito nang matanawang
isang dipa na lamang ang layo ng Pagong sa tuktok ng bundok.

Litong nagtatalon paitaas ang Kuneho upang unahan si Pagong. Huli na ang lahat sapagkat
narating na ng masikap na Pagong ang tuktok ng tagumpay.

“SI PAGONG AT SI MATSING”

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si


Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng
pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.

“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.

“Ang mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang
pagkain,” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling
Muning,” sabi ni Pagong.

“Kahit na, ako muna ang kakain,” pagmamatigas ni Matsing.

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni
Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na
lang kumain,” paliwanag ng tusong matsing.

44
Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko
itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito,” masayang sabi ni
Pagong.

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin,” sabi ni Matsing.

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito. Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?”
nakangising sabi ni Matsing.

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?” tanong ni Pagong.

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas
na parte,” sabi ni Matsing.

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang
si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng
pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta
ang tanim na saging ni Matsing.

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo
nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.

“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo,”
sabi ni Matsing.

“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang
bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat,” paliwanag ni Pagong.

“Hmp! Kaya pala nalanta ang aking tanim,” nanggigil na sambit ni Matsing.

“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin,” anyaya nito.

“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin,” sabi ni
Pagong.

45
“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t
bigyan mo lang ako ng konti para sa aking miryenda,” sabi ni Matsing.

Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno.
Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.

“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!”
tuwang-tuwang sabi ni Matsing.

Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik
sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng
tulong kay Pagong.

“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang
uulan ng malakas,” pagmamakaawa ni Matsing.

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. Mukhang
malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” Sabi ni Pagong sabay
alis papunta sa bahay ni Aling Muning.

Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si
Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong


matsing

“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin,” bulong nito sa sarili.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing ay hinanap niya si Pagong. Nakita
niya itong naglalakad sa may kakahuyan.

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.

“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong

“Tatadtarin kita ng pinong pino,” sabi ni Matsing.

Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.

“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagputul-putullin nang sa gayon ako ay dadami at
susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha,” sabi ni Pagong.

Nag-isip ng malalin si Matsing.

46
“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka,” sabi ni Matsing.

“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at
matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito,” pagyayabang ni
Pagong.

Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa


dalampasigan.

“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa
malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing

Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong
lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya


itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang
bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa ay parang ang gaan ng
katawan nito sa tubig.

“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa
dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!!” natutuwang sabi ni Pagong

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan.
Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

Aral:

Hindi porke’t mukhang mahina ang isang tao ay maari mo na itong isahan. Darating ang araw na
ang masamang ginawa mo sa iba ay pagbabayaran mo rin.

Huwag maging tuso.

Iwasan ang pagiging madamot.

Ang pagkakaibigan ay higit na mahalaga kaysa ibang bagay. Kaya pahalagahan sila dahil
mahirap makahanap ng isang tunay na kaibigan.

47
“ANG DAGA AT ANG LEON”

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat
ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan
sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong


masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong
kainin,” ang sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,” sabi ng
leon.

“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang


napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang
nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad
namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba
ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Aral:

Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng isang tao.

Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay may kakayahan pa rin
itong makatulong sa paraang hindi madalas inaasahan ng iba.

48
“SI PARUPARO AT SI LANGGAM”

Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa paghahakot


ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno.

“Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man
lang magpahinga?” tanong ni Paruparo. “Bakit di ka magsaya na tulad ko?”

“Naku, mahirap na,” aniya. “Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain bago
dumating ang tag-ulan.”

“Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig,” pagmamalaki ni Paruparo.

“Bakit nga ba?” Nagtataka si Langgam.

“Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?” inginuso niya ang nasa di
kalayuan.

“Sino?’ tanong ni Langgam.

“Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya ako ng
proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin,” pagyayabang ni
Paruparo.

“A, ganoon ba?” sabi ni Langgam.

“Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e,” sabi ni Paruparo.

“Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon,” mababa subalit
madiin ang tinig ni Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking gawain.”

Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.

49
Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May kasama pang
bagyo at baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring matagpuang pagkain.

Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog at dagat.
Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin ang pagbuhos ng
ulan.

Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga. Sagana
siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin ang kalagayan ng paligid.
Aba, ano ba ang kanyang nakita?

Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa. Mayamaya’y
dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.

Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang sarili:
“Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala.”

50
“ANG MABUTING SAMARITANO”

Mula sa Lucas 10:25-37

Isang dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya’y subukin. “Guro, ano ang dapat
kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” tanong niya.

Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?”

Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong
kaluluwa mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng
pag-ibig mo sa iyong sarili.'”

Sabi ni Jesus, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang
hanggan.”

Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki, “Sino naman ang aking
kapwa?”

Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang
siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.

Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis
siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad.

Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at
nagpatuloy sa kanyang paglakad.

Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima,
siya’y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan.
Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang
maalagaan siya doon.

Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan, at


sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik
ko.'”

At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong
hinarang ng mga tulisan?”

“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan. Kaya’t sinabi sa kanya ni
Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”

51
Aral:

Ang nagmamahal sa Diyos ay minamahal din ang kanyang kapwa. Kahit ano pa ang kanyang
paniniwala, magkaiba man kayo ng kulay o ng lahing pinagmulan, kahit pa kayo ay minsang
nagkagalit, ang ating kapwa ay kailangan nating mahalin. Hindi natin pwedeng sabihin na mahal
natin ang Diyos ngunit napopoot naman sa ating kapwa. Kung mahal natin ang Diyos, mahalin
din natin ang ating kapwa.

“ANG TALINGHAGA TUNGKOL SA LINGKOD NA DI MARUNONG


MAGPATAWAD”

Mula sa Mateo 18:21-35

Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang
aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”

Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.

Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang
kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. Nang simulan niyang magkwenta, dinala sa
kanya ang isang lingkod na may utang na milyun-milyong piso.

Dahil sa siya’y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga
anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya’y makabayad.

Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon
at babayaran ko sa inyo ang lahat.’Naawa sa kanya ang hari kaya’t pinatawad siya sa kanyang
pagkakautang at pinalaya.

“Ngunit pagkaalis roon ay nakita niya ang isa niyang kapwa lingkod na may utang sa kanya na
ilang daang piso. Sinakal niya ito, sabay sabi, ‘Magbayad ka ng utang mo!’

Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’

Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito’y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.

“Sumama ang loob ng ibang mga lingkod ng hari sa pangyayaring iyon, kaya’t pumunta sila sa
hari at nagsumbong. Ipinatawag ng hari ang lingkod na iyon. ‘Napakasama mo!’ sabi niya.

‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo. Hindi ba’t
dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’

52
At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang kanyang utang.

Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong
patatawarin ang inyong kapatid.”

Aral:

Matuto tayong magpatawad. Kung paanong pinatatawad tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan,
maliit man o malaki itong kasalanan, ganun din natin patawarin ang ating kapwa kung sila ay
nagsisisi sa kanilang nagawang kasalanan at humihingi ng kapatawaran.

“TALINGHAGA TUNGKOL SA SAMPUNG DALAGA”

Mula sa Mateo 25:1-13

“Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang sumalubong
sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima
nama’y matatalino.

Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Ang
matatalino nama’y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan. Naantala ang
pagdating ng lalaking ikakasal kaya’t inantok at nakatulog sila sa paghihintay.

“Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo
upang salubungin siya!’

Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa
matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga
ilawan.’

53
“‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili
ng para sa inyo,’ tugon naman ng matatalino.

Kaya’t lumakad ang limang dalagang iyon upang bumili ng langis. Habang wala sila, dumating
ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara
ang pinto.

“Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo
kami!’ pakiusap nila.

“Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.'”

Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya’t magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw
o ang oras man.”

Aral:

Palaging maging handa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesus.

54
“ANG NAWALA AT ANG NATAGPUANG TUPA”

Mula sa Lucas 15:1-7

Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit kay Jesus upang
makinig.

Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong
ito’y nakikisama at nakikisalo sa mga makasalanan.”

Dahil dito, sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito.

“Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya?
Hindi ba’t iiwan niya ang siyamnapu’t siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang
sa ito’y matagpuan?

Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin. Pagdating sa bahay, aanyayahan
niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa
akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!’

Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang


tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangang
magsisi.”

Aral:

Ang Diyos ay nagagalak sa pagbabalik-loob ng taong makasalanan. Magsisi at talikuran ang


iyong mga kasalanan habang may panahon pa.

55
“ANG ALIGBUGHANG ANAK”

Mula sa Lucas 15:11-32

Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki.

Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At hinati nga
ng ama ang kanyang ari-arian.

Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong
lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang kayamanan.

Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya’t siya’y
nagsimulang maghirap.

Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya’y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. Sa tindi ng
kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya
ang mga pinagbalatan ng mga bungangkahoy na pinapakain sa mga baboy.

Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-labis ang pagkain
ng mga alila ng aking ama, samantalang ako’y namamatay dito sa gutom! Babalik ako sa aking
ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako
karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”‘
At siya’y nagpasyang umuwi sa kanila.

“Malayo pa’y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang
sinalubong, niyakap, at hinalikan.

56
Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na
tawaging anak ninyo.’

Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit
at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng sandalyas. Katayin ninyo ang
pinatabang guya at tayo’y kumain at magdiwang. Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na,
ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga’y nagdiwang.

“Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, narinig niya
ang tugtugan at sayawan.

Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano’ng mayroon sa atin?’

‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang
guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy at walang sakit.’

Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at
pinakiusapan.

Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma’y hindi ko
kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing para
magkasayahan kami ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na
lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang
guya!

Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. Nararapat
lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay;
nawala, ngunit muling natagpuan.'”

Aral:

Laging handa at naghihintay ang Panginoon sa pagbabalik ng mga taong makasalanan. Labis
Niyang ikinatutuwa ang pagbabalik nila. Kaya habang may panahon pa, magbalik-loob ka sa
Diyos at talikuran ang lahat ng iyong kasalanan.

57
“ANG MAYAMANG HANGAL”

Mula sa Lucas 12:13-21

Sinabi kay Jesus ng isa sa karamihan, “Guro, sabihin nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay niya
sa akin ang bahagi ko sa mana namin.”

Sumagot si Jesus, “Kaibigan, tagahatol ba ako o tagahati ng pag-aari ninyo?”

Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang
buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari.”

At ikinuwento niya ang talinghaga na ito: “May isang mayamang may bukirin na umani nang
sagana.

Sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Wala na akong mapaglagyan ng ani
ko.

Alam ko na! Gigibain ko ang mga bodega ko at magpapagawa ako ng mas malaki, at doon ko
ilalagay ang ani at mga ari-arian ko. At dahil marami na akong naipon para sa maraming taon,
magpapahinga na lang ako, kakain, iinom at magpapakaligaya!’

Ngunit sinabi sa kanya ng Dios, ‘Hangal! Ngayong gabi ay babawiin ko sa iyo ang buhay mo.
Kanino ngayon mapupunta ang lahat ng inipon mo para sa iyong sarili?’

Ganyan ang mangyayari sa taong nagpapayaman sa sarili ngunit mahirap sa paningin ng Dios.”

Aral:

Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa araw ng bukas. Maaaring malakas ka ngayon at
maraming naipong kayamanan, ngunit bukas-makalawa ay maaaring bawiin na ng Diyos ang
ipinahiram Niyang buhay sa’yo. Kaya kung paanong pinaghahandaan natin ang araw ng bukas,
higit nating paghandaan ang araw ng ating kamatayan. Siguraduhin nating sa langit ang ating
punta at hindi sa impyerno.

58
“TALINGHAGA TUNGKOL SA MGA DAMO SA TRIGUHAN”

Mula sa Mateo 13:24-30

Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinghaga.

Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa
kanyang bukid.

Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng
mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din
ang mapanirang damo.

Kaya’t pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, ‘Hindi po ba mabuting binhi
lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’

Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’

Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga damo?’

‘Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,’ sagot niya. ‘Hayaan na lamang ninyong lumago
kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan.

Sa pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong
pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking
kamalig.'”

Aral:

Bagamat ang lahat ng tao ay nais ng Diyos na maligtas, sa araw ng paghuhukom ay pipiliin
lamang ng Diyos ang tunay na sa Kanya. Ang mga taong hindi nagsisi, hindi tinalikdan ang
kanilang mga kasalanan, at hindi nanampalataya kay Hesu-Kristo bilang Panginoon at
tagapagligtas ay hindi magkakamit ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos. Sa halip,
sila’y itatapon sa dagat-dagatang apoy o impyerno.

59
“ANG TALINGHAGA TUNGKOL SA KASALAN”

Mula sa Mateo 22:1-14

Muling nagsalita sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng talinghaga.

Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang haring nagdaos ng isang handaan para
sa kasal ng kanyang anak na lalaki.

Isinugo niya ang kanyang mga lingkod upang tawagin ang mga inanyayahan, ngunit ayaw nilang
dumalo.

Muli siyang nagsugo ng ibang mga lingkod at kanyang pinagbilinan ng ganito: ‘Sabihin ninyo sa
mga inanyayahan na nakahanda na ang mga pagkain, kinatay na ang aking mga baka at mga
pinatabang guya, at handa na ang lahat. Halina kayo!’

Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Sa halip, pumunta sila sa kani-kanilang lakad.
May nagpunta sa kanyang bukid at mayroon namang nag-asikaso ng kanyang negosyo.
Sinunggaban naman ng iba ang mga lingkod, hinamak at pinatay.

Galit na galit ang hari kaya’t pinapunta niya ang kanyang mga kawal upang puksain ang mga
mamamatay-taong iyon at sunugin ang kanilang lungsod.

Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, ‘Nakahanda na ang mga pagkain ngunit hindi
karapat-dapat ang mga inanyayahan. Pumunta kayo sa mga pangunahing lansangan at inyong
anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’

Pumunta nga sa mga lansangan ang mga lingkod at isinama nila ang lahat ng kanilang
natagpuan, masasama’t mabubuti, at napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

60
“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang taong hindi
nakadamit pangkasalan.

Tinanong niya ito, ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit
pangkasalan?’ Hindi nakasagot ang tao, kaya’t sinabi ng hari sa mga lingkod, ‘Talian ninyo ang
kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo’y mananangis siya at
magngangalit ang kanyang mga ngipin.'”

Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili.”

Aral:

Nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas. Kapag narinig mo ang salita ng Diyos na
ipinapangaral, makinig ka at huwag maging matigas ang iyong ulo. Talikdan ang iyong mga
kasalanan at manampalataya ka kay Hesu-Kristo dahil Siya lang ang daan patungo sa kaligtasan.
Maging handa ka araw ng Kanyang pagbabalik upang hindi ka matulad sa mga ihahagis sa apoy
ng impyerno pagdating ng takdang panahon.

“ANG TALINGHAGA TUNGKOL SA MANGHAHASIK”

Mula sa Marcos 4:1-20

Muling nagturo si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At dahil nagkatipon sa paligid niya ang
napakaraming tao, siya’y sumakay at umupo sa isang bangkang nasa tubig. Nanatili naman ang
mga tao sa dalampasigan, at sila’y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga
talinghaga.

61
Ganito ang sinabi niya: “Makinig kayo! May isang magsasakang lumabas upang maghasik ng
binhi.

Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa daan. Dumating ang mga ibon at tinuka
ang mga iyon.

May mga binhi namang nalaglag sa batuhan. Bagama’t kaunti lamang ang lupa roon, agad
sumibol ang mga binhing iyon. Ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang
mga binhing tumubo, palibhasa’y hindi ito masyadong nag-ugat.

May mga binhi namang nalaglag sa may damuhang matinik; nang lumago ang mga damo,
sinakal nito ang mga binhing tumubo, kaya’t hindi nakapamunga ang mga binhi.

At may mga binhi namang nalaglag sa matabang lupa. Ang mga ito ay tumubo, lumago, at
namunga nang marami, may tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisandaan.”

Sinabi pa ni Jesus, “Makinig ang may pandinig.”

Aral:

Ang binhing inihahasik ay ang Salita ng Diyos at ang mga binhi namang nalaglag sa daan ay ang
mga taong nakikinig sa Salita ng Diyos. Pagkarinig nila’y dumarating si Satanas at inaalis ang
salitang inihasik sa kanila. Kung sakaling mapakinggan mo ang Salita ng Diyos, tumimo nawa
ito sa iyong puso at magbunga sa iyong buhay. Huwag ka sanang magaya sa binhing inihasik sa
batuhan na pinakinggan at tinanggap nga ang napakinggan ngunit nang dumaan sa iba’t ibang
pagsubok ay hindi rin tumimo sa puso ang Salita ng Diyos. Nawa ito’y mamunga sa iyong puso
at buhay ng masagana.

62
“ANG NAGPAPARUMI SA TAO”

Mula sa Marcos 7:14-23

Muling pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat at unawain ang
aking sasabihin

Hindi nagiging marumi ang isang tao dahil sa pagkaing pumapasok sa kanyang bibig, kundi
dahil sa lumalabas dito. Makinig ang may pandinig!]”

Iniwan ni Jesus ang mga tao, at nang makapasok na siya sa bahay, siya’y tinanong ng kanyang
mga alagad tungkol sa talinghaga.

“Pati ba naman kayo ay hindi pa rin makaunawa?” tanong ni Jesus. “Hindi ba ninyo alam na
hindi nagiging marumi ang isang tao dahil sa pagkaing ipinapasok niya sa kanyang bibig,
sapagkat hindi naman iyon pumapasok sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay
idinudumi.” Sa ganitong paraan ay ipinahayag ni Jesus na ang lahat ng pagkain ay maaaring
kainin.

At sinabi rin niya, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.
Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya
upang makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng
pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan.

Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay nanggagaling sa puso at dahil sa mga ito ay nagiging
marumi ang tao.”

Aral:

Ang puso ng tao ay lubhang makasalanan. Dito nagmumula ang pagnanasa ng tao na makagawa
ng kasalanan tulad ng pagsisinungaling, pagnanakaw, pagpatay, pagmumura, at marami pang
iba. Kung ano ang kinikilos at sinasabi natin ay may malaking parte ang ating puso dito.
Gayunpaman, ang Diyos ay nag-aalok ng paglilinis sa ating mga puso. Siya lamang ang kayang
makapagpabago at maglinis sa ating pusong masuwayin. Manalangin ka sa Diyos na ikaw ay
Kanyang katagpuin upang magkaroon ka ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos
pagdating ng panahon. Hilingin mo sa Kanya na bigyan ka ng bagong puso at tulungan kang
huwag makagawa ng kasalanan upang sa Kanyang muling pagbabalik ay makasama ka sa
Kanyang kaharian.

63
”SI MARIANG MAPANGARAPIN”

Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya at masigla.  Masaya at matalino rin siya.  Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.  Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya.  Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising.  Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin.  Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.  Tuwang-tuwa
si Maria!  Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya.  Higit sa karaniwang
pag-aalaga ang ginawa ni Maria.  Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali
at sa hapon.  Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba.  At pinangarap ni Maria
ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming
itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria.  Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-
araw.  At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok
sa loob ng pitong araw sa isang linggo.  Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.  Nabuo ito sa limang
dosenang itlog.  At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.  Sunong niya ang limang
dosenang itlog.  Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.  Ipagbibili niyang lahat
ang limang dosenang itlog.  Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng
magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.  Lalong pinaganda ni Maria ang
paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.  Saka siya
umiyak nang umiyak.  Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan.

64
“ANG PUNO NG BAYAN”

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.  Mabunga ang
Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol.  Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga.  Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero.  Bulaklak ko'y marami at pulang-pula.  Kahit malayo,
ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo.  Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog.
Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan.  Payat na at wala pang bulaklak at bunga.  Tingnan
ninyo.  Wala siyang kakibu-kibo.  Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy.  Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.  Pinalakas niya nang pinalakas ang
kanyang paghiip.  At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang
mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy.  Tanging ang mababang-
loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di
nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot

65
“NAKALBO ANG DATU”

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim.  May katutubong kultura ang mga
Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa.  Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring
mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang
babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.  Lagi
siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.  Nalimutan ng datu ang mag-asawa.  Siya ay
pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya
ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay.  Naging pihikan ang datu dahil
sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan.  Sa tulong ng matiyagang
pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu.  Ngunit hindi
lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa.
Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya
pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.  Siya ay batang-bata at napakalambing.


Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa.  Mahal na mahal din siya ng datu
kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya.  Dahil sa pagmamahal sa matandang datu,
umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu.  Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko
lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin.  Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin
ng puting buhok ang asawa.  Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa.  Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu.  Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.
Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.

66
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu.  Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.


Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa.
Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya
nakilala ang kanyang sarili.

Kalbo! Kalbo, ako!  sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba't-ibang paraan.

67
“ANG KALABASA AT ANG DUHAT”

(Kuwentong-bayan / Folktale)

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat.  Gusto niyang makita kung
papano magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki.  Si Duhat ay lumaki pataas na ang
itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.

Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas.  Gumapang lang ito nang gumapang,
hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.

Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya sa dalawang
ito.

Matamang nag-isip si Bathala.

Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang kanyang bunga.  At si
Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na
ang mga bunga nito’y maliliit lamang.  Wika ni Bathala.

Ganyan nga ang nangyari.  Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga.  Agad niyang nakita na
hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga.  Si Kalabasa
nama’y hindi bagay dahil maliit ang bunga.  Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t natatakpan sa
malalapad na dahon.

Muling nag-isip ng malalim si Bathala.  Tunay na hindi siya nasiyahan.

Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito.  At napatunayan niyang tama ang
kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog man ito’y hindi malalaglag dahil ang puno ay
gumagapang lamang.  Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi masisira at
ginawa naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang ito’y malayo sa araw.  At kulay itim
naman ang duhat.  Pagkat ito’y malapit sa araw.

At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.

68
“ANG BATIK NG BUWAN”

Maikling Kuwentong – Bayan Ng Bisaya

         Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ng
araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit
pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw.
Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.

          Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin
niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan
nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang
naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga
anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang
natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa.
Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit kaya't hinanap niya
ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya
ang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag kang magsisinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at
tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isp
niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng
isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng
batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa
kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

69
“ANG DIWATA NG KARAGATAN”

Kuwentong - Bayan Ng Ilocos

                 Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang
kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa
maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y
nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-
maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na
napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda
ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y
sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa
diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng
karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira
sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling
dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

70
“NAGING SULTAN SI PILANDOK”

kuwentong bayan ng Maranaw

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.

Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa.

Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na
nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang
kumikislap na ginituang tabak.

"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong
tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa
harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.

"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng
dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang
magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni
Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman
ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."

"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng
dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni
Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang
pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako
ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.

"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga
ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak."

Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at
pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon
ang ultan sa loob ng isang hawla.

"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng
sultan. "Sino po angmamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok.
"Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay
magnanais silang magtungo rin doon."

71
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan,
Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa
akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong
mga ministro."

"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't
ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng
inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.

Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang
bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad
lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

“SINA ADLAW AT BULAN”

Ito ay isang kuwentong bayan ng Tinggiyan

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan.


Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng
masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan. Kinausap ni Adlaw si Bulan
at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang
tirahan. Tinutulan ni Bulan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit nilang
pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway
sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang
ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa
kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at hindi na pakikita sa kanya ang
mag-iina.

Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay
lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y
nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na
nagiging dahilan ng eclipse.

72
“ANG PUNONG KAWAYAN”

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang
Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo,
ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog.
Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan
ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang
kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang
mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-
loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di
nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.

73
“INANG KABUNDUKAN”

Sa isang isla sa Batanes, isang balo ang may dalawang anak na nais lamang maglaro buong araw.
Ang tanging hiling lang ng nanay sa kaniyang mga anak ay maghanda ng hapunan sa oras na
umuwi siya galing sa pagtatrabaho sa bukid. Isang gabi, pagkauwi ng nanay, hindi niya makita
ang kaniyang dalawang anak, kaya mag-isa siyang naghain at naghapunan. Nang dumating na
ang dalawa at nakitang ang kanilang nanay na ang abala sa pagluluto sa kusina, nagpasya silang
maglaro na lang ulit. Hindi nakayanan ng nanay kaya tahimik siyang lumisan sa kanilang
tahanan. Gayong sinundan ng mga anak ang kanilang nanay, huli na. Naghugis-bundok na siya,
at pinangalanang Bundok Iraya.

Napukaw ng “Mother Mountain” si Ong dahil tinalakay ng kuwento ang pangunahing takot ng
mga bata: kung hindi ka magiging mabait, aalis ang nanay. Kahanga-hangang kuwento rin ito
tungkol sa pagkabuo ng isang bundok na kahugis ng babae.

Sa kanilang paglaki, mainam na magkaroon ang bawat bata ng kanyang paboritong kuwentong
narinig mula sa kanilang pamilya at kasama sa pamayanan. Lumikha ng mga alaala at ipakilala
sa inyong mga anak ang maka-Pilipinong pamumuhay at kultura sa pamamagitan ng ating mga
kuwentong-bayan.

74
“KAPELILIMPIYO”

Inisorati: Amidah Mutia Tantao

Bapiya pen piyangdao I omi I aisah si wata iyan sa manga galebek sa walay na aden den a oras
pakhalipatan eyan so manga inipangdendao ron I omi iyan. Miyakaisa kapipita na minibagak sa
walay saki aisah ago so manga ari niyan ka shong si omi iran sa padian ka pendagang.
Inipanginsana niyan kiran a pelilimpiyo siran sa melilibeta sa walay, sa lamalama ago sa tolang.

“Aisah! Mapakakan ka so mga aring ka na pelilimpiyo kano sa bhalabala sa walay tano,” pitharo
I omi iyan,” Oway omi!” inisembag I Aisah.

Ogaid na baden oto miyaneg I Aisah, baden siran mimbhantay sa Tv ago mingitagita siran ago so
mga ari nyan. Anda iran bo pekelambeg so manga popot o gita iran. Aden pen a sii iran iniitog sa
rowasan.

Sa giyoto a oras na miyagendo sa mabeger sa liyo a walay iran, miyangaolog so manga silopen a
gita ago so manga raon a kayo sa lamalama. Bharabharang den a kiyaantapan o manga silopen a
gita ago so manga raon a kayo ko melilebeta sa walay iran.

“Aisah! Aisah! Aisah!” lalis den I omi iyan.

Pitaro aken reka a plilimpiyo kano sa melilebeta sa walay tano na da ako niyo paratiyayaa, na
kataya miyapeno tano a manga silopen ago raon a manga kayo. Pagoran sa mabager na khaolen
peman sa kakar tano a pagokitan a ig.”

Magaan sa magaan na miyapalalagoy I aisah so paypas na taros a piyaipas iyan so mga popot sa
melilibeta iran. Tiyaloan iyan so manga ari niyan na kominowa sa dustpan na tinimo iran so
popot na tiyago iran ko sako. Ininggosod o ari niyan a si amer so popot ko petimoan sa popot.

Miyakaoma si abi iran na piyanadang iyan so mga manga ped a raon ago silopin na tinimo iran
ko pethagoan sa popot.

“Alhamdulillah ka miyamamagogopa kano mga wata aken!”, tig I omi iyan.

“Omi, perilaiya ka kiyalipatan aken so insane aka raken, naino ipoon imanto na di aken den
kalipatan so manga petharoon ka raken.” Tig a Aisah ki omi iyan.

75
“SI AMA I PAKPAK”

Inisorat i: Mona Miscille T. Domato

Si Ama I pakpak na babantogen a dato. Sii seka niyan inimbawata sa budi sa kayo. Ped a
kakikilalaa rekaniyan na si dato a kadir. Sekaniyan I miyakabangon ko milalangkap a kota a
marawi. Katawan seka niyan ko kawawaraw ago kala I tindeg ko inged ago agama iyan.
Minikitidhawa seka niyan ko manga kastila, ped iyan so wata iyan ago so manga ped a dato
sabap ko di iran di kipanindegen koinged tano a Dansalan. Madakel a darpa a inipengaran reka
niyan sabap ko mala a miniogop iyan ko kiyasiyapa ko inged tano. Aya lagid iyan na giya Amai
Pakpak Central Elementary School (APCES) a babantogen ago pinakamala a iskowilaan imanto
sa Marawi City Division. Ago giya pen a Amai Pakpak Medical Center (APMC), a babantogen
mambo ago mala a ospital sa city. Miyasilang si Amai Pakpak sa di niyan di kipanindegen ko
inged tano.

“MAITO A POPOT”

Inisorat I: Mona Miscelle T. Domato

Di matao lomebhad phiyapiya sii ko basoraan si raha. Oman maoma so recess na bapiya anda
niyan den pekhipirik so popot iyan. Na miyakaisa a gawii na siyaparan seka niyan o goro iyan.

“Raha, di ka pephirikpepirik sa popot apiya and aka di anan mapiya a sowasowai.”

Ogaid na ba badn oto miyaneg I Raha.

Sii ko kapembaling I Raha ko kapekhagabi niyan na miyainengka iyan a domiyagem a langit.


Pinggagaan iyan lomenggan so peken iyan, inilebad iyan so opis sa lalan, na taros a miyalalagoy
den maling.

Miyakapanalamat si omi iyan sii ko kiyapakaoma niyan sa walay.

“Alhamdulillah ka miyakaoma ka. Ogop ka khapiyaan mamorot ko manga popot o aring ka na


lambegen ka ko basoraan.”

Ogaid na si Raha na da niyan lambigen ko basoraan ka ba niyan den inisapelid ko kakar.

Da mathay na mioran taman sa miyakabeger. Miyakapira den ka oras na daden thaid. Taman sa
lomiyapay so ig na miyakasoled sa walay saki Raha.

76
“Abi! Abi! Lindeban tano!” minilalis I raha.

“Ino man di khapakay so kapirik sa popot sa bapiya anda den.”

“inoto bes, Abi?” monipamemesa I Raha.

“pekhatimo man so manga roroni ago so bapiya antonaa a mipaparak a popot, na pekhaolen iyan
so manga kakar ago so ped a pekhaokitan a ig” osayanan I ina iyan.

Kiyatoosan baden I Raha so manga masa a baniyan baden ipelebad so popot iyan ko mga lalan.

“kowa ka sa baldi ka aden a maabak so ig” inisogoon I ama iyan.

Minggagaan mambo komowa si Raha sa baldi ago terapo, na miyogop melimpiyo sa walay.

Kagiya mapita na miyobay si Raha ko goro iyan.

Tig iyan a, “perelaiya, Ma’am ka da aken seka paratiyayaa makapantag ko kalebad sa popot
kobapiya anda. Imanto na siyabot aken so karata oto. Kagai na lindeban a walay ami.”
Miniphoon roo den na miyalayam den si Raha lomebad sa popot ko basoraan.

“ASO A MAGIRING SA MRA”

Miyanothol: Prof. Mas’ud al-hassan

Miyakaisa alongan. Na badn miyaolog so aso sii ko kawa a p’phangilsan o mga pangangawl, na
kiyataran so bombol yan sa mbarambarang a warna. Sabap ko kiyabaloy o bombol yan a
mbarambarang a warna, na aya kiyagdaa niyan sa ginawa niyan na mandn so papanok a mra a
mapiya e paras.

Kagiya a makambalingan ko mga pd yan a nga aso, na miyam’sa siran ko miyambontal yan.
Pitharo yank o mga pd yan a mga aso a “sabap ko kiyapakapiya e paras o warma ko, na
mimbaloy ako a mra a mapiya e paras. Sabap sii, naaya dna pthalon yo rakn na mra.”

So isa ko mga aso na pitharo yan a “ so mra na matao komoko,’na , na koko ka kon ka an kami
makan’g sa kakokoa mra.” Komiyoko mambo so aso, na ah na kanogonyan ka badn p’phakagbo
go badn p’phakatagaw. Sabap saya na palaya miyakasinga so mga aso sa kasinga a kasodi.

77
Tig mambo o ikadwa a aso a “so mrana mapsang man e kapanagariri, na na panagariri ka kon ,
ka an kami makambantay sa kasagariri a mra.” Miyanagariri mambo so aso, ogaid na ah na
kanogonyan ka badn p’phakatowad. Sabap saya na palaya miyakasinga so mga aso sa kasinga a
kagowad.

Pitharu o ikatlo a aso a “so mra na pkhabayong so ikog yan sa mandn so apir o mga onor” na, na
boyanga ngka kon so ikog kka, ka an ami kambantayi” biyoyang o aso so ikog yan, ogaid na ah
na kanogon eyan ka badn diimakaphaphalota so ikog yan, sabap saya, na somiyagoyan khakala
so mga aso sa kakhala a makaompatompatn.

So ikapat a aso na aya pitharo yan na “ so man ari so mra na sayana a lomayog, na layog ka kon
mambo ka an ami kabantayi.” Tomipng a mlayog, na ah na kanogon iyan ka badn makatitindg, a
ip’phamaropad yan so mbala a ai niyan a kamonamona. Sabap saya, na palaya mirmirmi so mga
aso sa karmi kagowad.

So kiyagiyaya niyan, na miyatarima o aso a apiya antonay sowaan yan, na ah na kanogonyan ka


di niyan bo khairingan so mra. Taman sa miyatharo yan a “Da a lalaw a kapagiring akn sa mra ka
di akn bo kharawat”.

“BABAK AGO ARIMAW A MIYAGALAPA”

Miyanotol: Johnny C. Young

And a babak a kagiya a phagoni phiyapiya sii ko kilid o baogan, na miyakan’g sa pzinga sii ko
katatalikhodan yan. Somiyangor sa talikhoda, na badn miyam’sa ka miyailay niyan a arimaw a
tomitindg a pzinga. Miyakatangkd sa akal o babak a da a phalagoyan yan sangkoto a pakalklk a
arimaw ka di mlakay malagoy. Sabap saya, na piyangoyatan yan a ginawa niyan sa kadai ron sa
kalk, na ba niyan dn inizaan so arimaw sa tig yan a “antawaay ipzinga aka?”

Aya inisumbag o arimaw na: “ska man e ipzinga akn. Sii sangkai a kinimbaratmowaan ko rka, na
ah na kanogonyan ka da a mala a mapnggona ko rka. Opama ka kana ko ska emanto, na da a
lalaw niyan ka di ako rka khaosog kagiya tanto ka maito. Opama o di ko ska kana, na khaoran
ako imanto a gawii.” Aya siyabot sii o babak na didn dowadowa na khn dn o arimaw.

Inidpo o babak a rarb iyan go mikhasakasa, na pitharu yan a “izaan ka a mala e tgo sa kiyatharoa
ngka rakn san! Aya ptharoon ko rka, na aya man a inipakala akn na kakan sa arimaw!”

Pitharo o arimaw a “di ako rka phakaparatiyaya. Opama na khagaga jo nga kuman?”

78
Pitharo mambo o babak a “aw di ako ngka bs pharatiyayaan! Ino oba ta dn mbatalo! Tpakn ta
angkai a kawasaig a mrngan ta, ka an mailay o antawaa rkita e malambt e katpak. Go phasadaan
ta pn a sa mawatan e khatpak, na khakan yan so marani e khatpak. Ino magayon ka saya?”

Sabap ko kasasarigi niyan ko kabgr o pat waro a ai niyan, na miyayon so arimaw go


piyakapamno’ yan sa napas yan ka zayaw ko sabala a thbaan. Mizolmsoln so babak, na
mithambitin ko ikog o arimaw a raks a khikb yan so bombol ko ikog o arimaw. kagiya a
phakatana dn so arimaw, na biyokaan o babak so ikog o arimaw, na sii pn sa poro so babak a
dapn makatana sa lopa. Somasana so arimaw sa skaniyan dn e miyakataban, na minilay sa oriyan
na da niyan non mailay so babak. Miyan’g yan a pnggiraw a: “antawaay dii ngka pangilaylayn?
Katii ako sa onaan ka ini”

Kiyatkawan so arimaw sangkoto a katharo, na minilay sa onaan, na miyailay niyan so babak a


aya niyan dn kap’phakatana sa lopa.

Pnggiraw so babak a: “nari, mailay ngka so kalambt aken e kasayaw, miyailay ngka pn so
kagaan akn, ka daan ako pn a komiyan sa arimaw.”

Tanto a miyam’msa so arimaw, go kiyalkan pn sabap ko kiyailaya niyan ko mga bombol a


arimaw sii ko ngari o babak.

Di katawan o arimaw a giyoto na bombol ko ikog ikog iyan. Sabap ko kiyapangimbnar yan sa
komiyan sa arimaw so babak na go tpak malagoy ka miyapikir yan a khn skaniyan pn o babak.

“BABAK A KATHAKABOR”

Miyanothol: Johhny C. Young

Miyakaisa a masa na so maito a babak na lomiyalakaw a diinggalatpak, na and a miyaona niyan


a pnggmaw a makapopoon ko didalm o ig. Miyabolandang a mata niyan kagiya a makagmaw ko
ig so marawa e songay go masla a lawas. Ah na tanto a kiyalkan so maito a babak, a pkhigoraok
yan a “hay ama, pamliin a miyakaslala a babak!” giyoto na karabaw sa ragat a gomimaw go
phlalakaw. Simbag o karabao sa ragat so ipnggoraok o maito a babak sa tig yan a “oway
miyakaslasla ako! Badn kiyaomanan a kaalki ko babak a maito go miyalagoy zabnar a pmbaling
ki ama yan sa walay.

79
Kagiya mailay e ama yan a da a maphophowaraan e wata eyan na kiyaizaan yan sa tig yan, “jay
ama, miyakailay ako roo sa miyakaslasla a karabaw,” ago inituro iyan run so kakarangab ko
katatagoan non. Pitharu e ama yan “ay taman a kala iyam? Ba ako niyan datar sa kala?” tigo
wata yan a “di aki ka tanto a mala a di ska” piyakapamno e ama yan a napas yan go inibtor iyan a
tiyan yan go pitharu yan ki wata yan a “ilaya ko nga man, hay wata ko. Samanaya, anday mala
rkami? “dapn aki ama masla pn adi ska,” a tig o wata yan.

Bitoran pman a lampangan a tiyan yan, na bitoran yan, go tanto a minimbtor, na pitharo yan
pman a: “samanaya, anday masla rkami?” inilay pman o maitk a babak si ama yan a lampangan
go pitharo yan a “da aki ka mas masla dn na masla a di ska,”

Oriyn yan, na giyanigani so ama yan a lampangan. Di niyan kabaya oba and a makadatar on odi
na malawan non sa kala di ta mambo khadaway ka kayawan yan mambo a skaniyan e da a onaan
yan sa kala a lampangan sii sangkoto a darpa na ino mambo da ganiganiya, di nyan dn
khababayaan oba aya tarimaan non e wata yan go so makasisima na ba and a lawan yan sa kala a
lampangan.

Sabap saya, na go niyan btobtori a tiyan yan, na pphakala dn mambo, na ah kanogonyan ka go


badn mbto a tiyan yan, sa taros a minitayak a lawas yan go tininggas matay.

BABAK A MIYANGAKAL MAMOLONG

Miyanothol: Jonny C. Young

And a babak a phamantiyari, na mindagang sa bolong a mbrambarang. Piyanago” yan sa


katiya so mga bolong iyan. Sadorog so mga katiya a gadong, sadorog so mga katiya a biro, ikatlo
dorog so mga katiya a mariga, go ikapat dorog so mga katiya a mapoti. Oriyan iyan na bitadan
yan sa kaban so panmpang o tinda niyan ka aya niyan dn dapoay a pindagang iyan ka an madaya
a kapkhailay on amay ko magpoon phasa Piyakapamno yan a napas iyan, na tomipak ko liyayaw
o kaban.

Ka magpoon phasa. Piyakalangkap yan a mingolalan ko kapiya niyan e katharo sa tig yan a
“Pamanong kano sii, hay omaniisa a and a sakit iyan. Pamolongan ko skano ko apiya antonay
gdamn yo. Bolong sa mata, bolong sa lpo, bolong sa ibol go apiya antonaa paniyakit na palaya
and a dagangan akn ko mga bolong iyan. “Da mapira ka oras na miyapno a mbrambarang a mga
bintang so panmpang o tinda niyan ka kiyabnabnaran siran ko kiyatahroa niyan sa magaan a
kap’phakapiya o mga bolong iyan.

80
Sii ko pamomolowan so posaiyan yan, na miyakaoma so lako. Pizabnaran o lako a
kiyatampar yan sa onaan go piyangingisaan yan so babak a padagang sa bolong. Iniiza o lako sii
ko babak a: “Ay taman a katatangkda ngka sa kakhapiya a bolong ka ko pithibarangan a sakit?”
“Ah, na mapiya nan a pakaiza” a tig o babak. “Aya titho a bnar na miyakasombak ako sii ko mga
papasang a mga pamomolong sa doniya a mga binatang. So mga bolong a piyanakat akn na
pkhapiya niyan so pizozonan a akit. Tiyangkd akn rka nan.” Sabap sangkai a katharo a
tomatangkd na badn minisg so kasasarigi ko mga bolong iyan go kiyaomanan badn so kadakl o
p’phamasa sa bolong iyan.

Sopman so lako na di makapangimnar. Pizipatan zabnar o lako so babak go da mathay


na inobay niyan go inizaan yan sa pakaiza a pasaling sa tig yan a: “kagiya a pitharo oka a
biyaksa ka a pamomolong, na ino ngka di khabolongi a ginawa ngka? Ino ngka di khabolongi so
kobala ka a garngkang a go miyangro rakz a mbobortikan? Ino ngka di khabolongi so mta ngka a
mil’ lepot? Ino ngka di khabolongi so mga ai ngka a khikap’pko ka miyangal’lpo”

Samanaya, na dadn a khapikir o babak a maptharo’ yan. Imanto na miyakasipat siran sa


sa palalalong go p’phangakal so babak. Ominiisa na iprodo’ yan so piyamasa niyan a bolong.
Tanto a miyakakhaya so babak go tanto kiyalkan a kiyadaan sa akal go miyalagoy, go miyagaw
sa kalasan, go tominipho ko ranaranaw. Inizamaya’ yan a didn p’phato sa kalasan sa ingud ago
didn p’pharoman mangkal.

81
.

You might also like