You are on page 1of 10

MAIKLING KWENTO

1. Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko


Mayaman at komportableng pamumuhay ang kinalakihan ni Stella, ang nag-iisang anak ng
mag-asawang Don Manuel at Señora Faustina. Ngunit ni minsan ay hindi inabuso ng dalaga ang
pagiging anak-mayaman niya.

2. Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas


Palagi na lang ang lumang sapatos ang sinusuot ni Kulas kahit binibilhan naman siya ng bago
ng ina niya. Kahit hindi sila mayaman, ibinibigay ng mag-asawang Julio at Vina Cruz ang
kailangan ng mga anak nila. Subalit, hindi alam ng mag-asawa na may ginagawa pala ang anak
nilang si Kulas kung kaya’t palaging lumang sapatos ang suot nito.

3. Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon


Simula noong binigyan siya ng selpon ng ina niya bilang sorpresa sa pagtatapos niya sa
elementarya, nag-iba na si Inday. Sa lahat halos ng oras ay nakababad na siya sa selpon at may
nakilala siyang si Rico. Sa kabila ng pagpigil ng ina niyang si Aling Peling, itinuloy pa rin ni Inday
ang pakikipagkita kay Rico. Hindi niya inasahan na iyon ay magdudulot ng malaking aral sa
kanya.

4. Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas Parang


magkapatid na sina Lino at Tomas. Sabay silang lumaki at lagi ring nagtutulongan lalong-lalo na
sa mga gawain sa paaralan at pangangailangan. Subalit, isang insidente ang nagbago sa
masayahing si Tomas.

Hindi inakala ni Lino na lubos na naapektuhan ang kaibigan sa nangyari sa mga magulang niya.
Naging abala rin siya sa buhay niya hanggang sa isang araw ay nagising siya sa balita na
nagdulot ng maraming panghihinayang sa kanya.

5. Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa . Dahil nag-iisang anak, malapit sa


mga hayop si Maymay. Mayroon siyang aso at pusa sina Bruno at Kiting. Subalit, hindi alam ng
bata na may tinatagong galit o inggit pala si Bruno kay Kiting.
Isang araw, nadatnan na lang ni Maymay na maraming pasa si Kiting. Nagalit siya kay Bruno at
pinarusahan ito. Ang pusa naman ay pawang alam na may kasalanan rin siya. Sinuyo niya ang
aso noong umalis ang bata at ang nanay niya.
ALAMAT
1.Alamat ng Pinya
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at
ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si
Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging
ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya’t pinabayaan na lang
niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay.
Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil
sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa,
napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya’t napilitan si Pinang na gumagwa sa bahay. Isang araw, sa
kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang
beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di
makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya’t
nawika nito:

“Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at
hindi ka na tanong nang tanong sa akin.”

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang
sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya
ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya
ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang.
Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri
ang halaman iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito’y magbunga. Laking pagkamangha ni
Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito’y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pinang, na sana’y magkaroon ito ng
maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking
pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag
itong Pinang. Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang Pinang ay naging Pinya.
2. Alamat ng Rosas
Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang
Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga
pisngi, kung kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa ng mga kalalakihan.

Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga
manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng
pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga
magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang
umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang
mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.

Iyon ang naghimok kay Antonio kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa
pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na
ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.

Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon
rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan
lang pala siya ni Antonio nang marinig niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang
kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig.

Hindi tumigil sa pag-iyak si Rosa habang siya ay pabalik sa kanilang bahay. Nag-aalala
naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga.

Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa mga sumunod na araw.

Isang araw ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan
nina Rosa at Antonio.

Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing
paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot
sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha
sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.
3.ALAMAT NG AMPALAYA Noong araw, sa bayan ng Sariwa
naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya
na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang
pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may
manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may
maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa
kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga
gulay at kanyang isinuot.

Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay


pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga
gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila
ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki
ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong
nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng
magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa
niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay
nag-away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay
naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang
kanyang kulay ay naging madilim na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa


kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.
4.ALAMAT NG BAYABAS
Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim at
mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang mga sinasakupan
ngunit palihim din nila itong kinamumuhian. Walang ibang alam gawin ang hari kundi ang
mag-utos at pagalitan ang kanyang mga alipin. Ang mga utos pa man din nito ay
imposibleng gawin at hindi makatwiran. Ang hari ay mahilig kumain, matulog at mag-
aksaya ng kayamanan niya.

Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang naging ani ng
mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga mangangalakal. Ang lahat sa
kaharian ay inutusang magtipid upang maka-alpas sa taghirap na kanilang nararanasan.

Lahat nga ng tao ay gumawa ng kanya-kanyang paraan upang makatipid maliban sa


isang tao. Ang mismong hari na si Barabas ay hindi sumusunod sa kanyang utos. Walang
itong pakialam na naghihirap ang mga taong kanyang nasasakupan. Patuloy siya sa
paglustay ng kanyang kayamanan sa mga walang kwentang mga bagay.

Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw kung kumain, ang hari
ay parang piyesta kung magpaluto sa kanyang mga alipin. Iba’t ibang putahe ng iba’t
ibang mahal na klase ng pagkain ang kanyang ipinapahanda. At ang masaklap pa dun ay
siya lamang ang kakain ng mga pinaluto niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya
niyayaya ang kanyang mga kasambahay o ang mga taombayan na saluhan siyang
kumain. Ang mga hindi niya maubos ay hinahayaan lang niya hanggang sa tuluyan na
itong masira at hindi na puwedeng makain.

Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay may lumapit
na isang matandang pulubi. Humingi ng limos ang pulubi maski pagkain na lamang
pantawid sa kanyang gutom ngunit hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip,
pinagtabuyan pa niya ito. Nawawalan daw siya ng ganang kumain dahil sa mabahong
amoy ng pulubi.

Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan niya ito ng
isang leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos magsalita ang matanda ay
biglang kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong
humihingi ng tawad sa matanda ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda
habang ang hari ay naging isang ganap na halaman.

Nakita ng taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay may nakita
silang bunga nito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. Ito na nga ang kanilang
hari na si Barabas na dahil sa kasakiman ay naging isang halaman.

Mula noon tinawag nila ang halaman na bayabas mula sa pangalan ni Haring Barabas.
5.ALAMAT NG LANSONES
Noong unang panahon, sa isang bayan sa Laguna matatagpuan ang napakaraming mga puno na may
mga bilog-bilog na bunga. Mukhang masarap ang prutas ngunit wala sino man ang mangahas na
kumain nito sapagkat ang mga bunga ay lason. Ni lumapit sa nasabing puno ay ayaw gawin ng mga
taong bayan.

Napatunayan nilang lason ang mga bunga nang isang araw ay may napadpad na manlalakbay sa
kanilang bayan. Dahil sa pagod, naupo ang matanda sa ilalim ng nasabing puno upang
makapagpahinga. Nang makita ng manlalakbay ang mga nakasabit na bunga ay bigla niyang naalala
ang kanyang gutom at pumitas ng mga ito.

May isa sa mga taong bayan ang nakakita nang isubo ng matanda ang bunga. Tinangka niya itong
pigilan ngunit huli na ng naabutan niya ang matanda. Nakain na nito ang lasong bunga at unti-unti na
itong nangingisay at bumubula ang bibig. Dahil sa pangyayaring ito, mas lalong natakot ang mga taong
bayan na lumapit sa puno.

Sumapit ang isang matinding tagtuyot sa lugar. Namatay ang mga pananim at ang tanging natira ay
ang mga lasong puno na hitik na hitik sa bunga. Taimtim na nag-dasal ang mga taong bayan na
matapos na sana ang tagtuyot upang sila ay muling makapagtanim at makapag-ani ng makakain
sapagkat malapit ng maubos ang naka-imbak nilang pagkain.

Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at kumatok sa mga pintuan
ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng makakain. Ngunit walang maibigay ang
mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain. Isang bata ang lumapit sa magandang babae at nagbigay
ng kapiranggot na makakain. Pagpasensyahan na daw niya ito dahil iyon na lamang ang natitira niyang
pagkain.

Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. Pinanood ng bata ang babae habang ito
ay kumakain. Pagkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata kung bakit nila nasabing salat sila sa
pagkain samantalang marami namang bunga ang kanilang mga punong-kahoy. Ikinuwento ng bata sa
babae na lason ang mga bungang ito. Napangiti ang babae at umiling ito.

Pumitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. Bago pa man napigilan ng bata
ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga. Nagtaka ang bata sapagkat walang nangyari

sa babae; sa halip nakangiti nitong ibinigay ang prutas sa bata na siya namang tinikman din ang bunga.

Masarap at manamis-namis ang prutas. Sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at tinawag ang mga
kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang mga taong bayan. Noong una ayaw
nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay tinikman din nila ito at napag-alaman ngang matamis
ang bunga. Hinanap nila ang magandang babae upang pasalamatan ngunit wala na ito.

Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga. Simula ang dating "lason"
ay naging "lansones".
TULA
1.ANG WATAWAT
Asul,pula,puti Mga kulay ng watawat
Isang araw, tatlong bituin
Nagpapaalala sa atin
Ito ay sagisag ng ating bayan Ipagmalaki natin!
2.MAGLINIS TAYO
Halina’t maglinis ng ating tahanan,
Sikaping maayos sa araw-araw,
Sa bukid at bayan ang ganyang asal,
Dapat manatiling magpakailanman!
3.AKO AY MALIGAYA
Ako ay maligaya Pagkasama kita,
kapag kasama kita. Kapag kasama kita
Ako ay maligaya ‘Pag kasama kita,
Kapag kasa-kasa-kasama ka!
4.BATANG MUNTI
Kahit ako’y isang batang munti,
Pangarap ko’y sari-sari.
Paggalang at wastong gawa,
Ginagawa ko palagi.
Sarili ay paunlarin,
Maling kilos ay baguhin.
Pag-aaral ay pagbutihin,
Tiyak tagumpay ay kakamtin!
5.SA BUKID
Ang hangin sa bukid
Ay sariwang tunay
Lalo’t kung umagang
Masarap mamasyal.
Dito ay sagana sa lahat ng bagay,
Matamis na prutas Berdeng berdeng gulay.
SAWIKAIN
1. butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi
ka nagsusugal.

2. ilaw ng tahanan – ina


Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan
pagdating sa pagluluto.

3. alog na ng baba - tanda na


Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng
mabigat.

4. alimuom – mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.

5. bahag ang buntot – duwag


Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?
PROJECT
IN
FILIPINO
Carl Jhendel O. Gilarman
Grade V-MABINI

You might also like