You are on page 1of 11

Ang Aso at ang Kanyang Anino

Naglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada ng may maaninag siyang nakaumbok sa lupa. Agad
niya itong nilapitan at natuwa siya ng makitang isang malaking buto ang nakatusok sa lupa. Dali-dali
niya itong hinukay at kinagat. Tuwang-tuwa siyang naglakad pauwi bitbit ang buto sa kanyang bibig.
Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa isang tulay upang makauwi ng mas mabilis, sa ilalim
ng tulay ay ang ilog, habang naglalakad ay napagawi ang tingin niya sa ilog at nagulat siya sa
repleksyong nakita niya. Isang malaking aso na may bitbit na malaking buto ang kanyang nakita, sa
pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito ng tinahulan, upang ito’y matakot at ibigay sa kanya
ang buto. Kakatahol, nabitawan niya ang bitbit na buto at nalaglag pa siya sa ilog. Umuwi siyang
basang-basa at ang buto namang dapat ay dala niya ay naanod sa ilog.

END
Aral: Huwag maging ganid bagkus ay makuntento ka sa kung anong meron ka.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang


kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na
may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang
lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may
gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na
may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di
maipaliwanag.

Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura
at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa
niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang


katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.

Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay


pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang
mga gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking


gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang
taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain.


Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang
diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa
ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang
kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at
kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang
lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait
ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi


nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.

Aral

 Walang mabuting naidudulot ang inggit.


 Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento
tayo at iwasang ikumpara ang sarili sa iba.
SEE ALSO: Alamat ng Sampalok
Alamat ng Ampalaya (Buod)
Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may kanya
kanyang katangian.

Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at makinis na
kutis, ang luya ay may kakaibang anghang, ang labanos ay may sobrang
kaputian, ang talong ay may lilang kulay, ang mustasa ay luntian.

Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya ay may
maputla at may lasang di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa ibang gulay.

Isang araw, nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian ng ibang


gulay. Nang sumapit ang gabi, naisakatuparan nya ang balak. Isinuot nya ang
taglay na katangian ng lahat ng gulay.

Tuwang tuwa si ampalaya sakapagkat ang dating di pinapansin ay pinag


kakaguluhan na ngayon.
Ngunit walang lihim na di mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng gulay na
sundan ang kakaibang gulay.

Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si ampalaya.
nagalit ang lahat at si ampalaya ay iniharap sa diwata ng lupain.

Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob ng


kanyang katawan ay naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa ng ibang
gulay.

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta
ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian.”

Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi


tanghaliin.

Nang makarating si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may


tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan
ang tindera ng alimango at nagpasalamat siya.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din
ang bahay nila sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng
isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa
kanya ang ina kaya’t naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango.

“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang


aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo
sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na
kayo.”

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang


magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil
sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising
si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang
kanyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan.

Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may


puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok
nito sa tarangkahan.
“Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?”

“Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. “Juan, ano
ang ibig mong sabihin?”

“Nanay, kaninang umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay


narito na.”

“Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.”

Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung
bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina
ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay naliwanagan si
Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.

Aral

 Unahin ang inuutos ng Ina at iwasan ang pagiging tamad.


 Huwag utusan ang mga hayop ng mga gawaing pang-tao dahil hindi lahat ng
hayop ay may kakayahang sundin ito.
Ang Inapi
Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa
kanyang tiyahin sa Metro Manila. Labing-tatlong taong gulang lamang siya noon
ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing bahay: paglilinis,
paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke
at kung anu-ano pa.

Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at
senyorito mula nang pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn,
gayong dalawampung taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at likod
tuwing maliligo. Pati sarili nitong underwear ay si Rona pa ang naglalaba. Ang
tatlong lalaki naman, maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos, laging
pasigaw o pagalit. Kapag naglilinis ng sahig si Rona ay di man lamang mag-alis
ng sapatos ang mga pinsan kapag dumarating. Animo’y nang-iinis pa na dadaan
sa harapan ng nakaluhod at nakayukong si Rona na nagpapahid ng floor wax.
Kadalasan ay pabalibag pang ihahagis ang pantalong de maong kay Rona at
pasigaw na “O, labhan mo ‘yan! Pag natuyo, plantsahin mo ha?!!

Bakasyon noon.
Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Rona: linis, saing, laba, plantsa. Ang
bibigat pa mandin ng mga pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang
taga-laba ng mga ito.

Si Rona ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na


kaibigan ang mga pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya.

Sa hapag kainan, si Rona ang taga-silbi. Hindi siya isinasabay sa pagkain, laging
huli, gayong mahaba naman ang mesang kainan. Kung ano ang matira ay iyon
lang ang makakain niya. Apat na beses sa isang linggo ay tinapang isda ang
ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni Rona. Iyon ang laging
itinitira sa kanya ng tiyahin.

Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling


ng tiyahin ay hindi niya inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy
siyang nakapag-aaral sa Pasig High School. Lagi niyang nilalakad pauwi ang
Pasig at Pateros na halos ay apat na kilometro ang layo. Wala siyang pocket-
money, walang snack, laging nagugutuman. Pagdating ng bahay, kahit pagod at
gutom, kailangan niya munang maghugas ng mga kaldero’t pinggan na
nakatambak sa lababo bago siya makakakain. Kadalasan, matutulog na lang
siya ay pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan.

“Hoy, plantsahin mo muna yung maong! ‘yung polo!”

Dalawang taon nahirahan at nanilbihan si Rona sa tiyahin. Nang makatapos ng


high school ay kinuha siya ng kapatid at dinala sa Cebu City. Nagpatuloy ng pag-
aaral si Rona, naging academic scholar at nagtapos ng edukasyon nang may
karangalan – Magna cum laude. Muli siyang nag-aral tatlong kurso ang natapos
niya at naging Doctor of Education. Nakapag-asawa siya ng isang abogado.

Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si Rona. Isa na


siyang milyonarya at maligaya sa piling ng tatlong anak at mapagmahal na
kabiyak.

Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at


respetadong tao sa mataas na lipunan? Ang mga pinsan nasa kanya ay nang-api
ay walang natapos na pinag-aralan, ganoon pa rin ang buhay hindi umasenso.
Ang iba ay nakapag-asawa ng mga hirap din ang buhay.
Aral:

 Maging matiyaga at sikaping makapagtapos ng pag-aaral anuman ang


kalagayan sa buhay.
 Ang taong masipag at nagsusumikap sa buhay ay may matagumpay na
hinaharap.
 Huwag gantihan ang gumagawa sa iyo ng hindi maganda. Ipagpasa-Diyos na
lamang sila at magpatuloy ka sa iyong buhay.
Ang Batang Maikli ang Isang Paa
Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon
at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga
magulang sa mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala na
iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na
nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.

Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan
ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.

“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.

Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa


kanya. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na
madasalin. Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa
niyang tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa loob niya.

Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba’t


ibang instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa
pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng


pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra
naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa musika ang humanga sa
kanya. Lahat ay gusto siyang maging estudyante.

Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang


piyanista. Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya.
Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng Espanya
para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso ngayon. Hindi na pinagtatawanan.
Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang
pambihirang kakayahan sa pagtugtog.
Aral:

 Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong manalig at tumawag sa


Panginoon.
 Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol sa’yo. Huwag mo na
lang pansinin ang pangit na sinasabi nila, sa halip ay ipagpatuloy na linangin
ang iyongb kakayahan upang makamit ang iyong pangarap.
 Ang bawat tao ay may angking kakayahan na kung pagsusumikapan ay
maaring maging mahusay ka sa larangang ito.
Si Juan, ang Pumatay ng Higante
Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya ang baka
natin sa bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan.”

Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at hila-hila
nga niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang matandang lalake.

“Saan mo dadalhin ang baka?” tanong ng matanda.

“Sa bayan po, para ipagbili,” sagot ni Juan.

“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic ito, makikita
mo,” alok ng matanda.

“Siyanga po? Mahiwaga?” Sapagkat bata, mahilig sa magic talaga si Juan, at


madali ring mapaniwala. “Sige po, payag ako.”

Iniuwi niya ang isang dakot na buto ng halaman na palit sa baka. “Nasaan ang
perang pinagbilhan mo sa baka?” tanong ng kanyang ina.

“Wala pong pera. Ipinagpalit ko po ang baka sa mga butong ito. Mahiwaga raw
po ito, sabi ng matanda.”

Sa galit ng ina sa anak dahil nagpaloko raw ito, itinapon niya ang mga buto sa
bintana. “Ikaw talagang bata ka, hanggang ngayon ay madali ka pa ring
maniwala sa mga manloloko.”

Nang magising kinaumagahan si Juan, nagulat siya na may punong mataba sa


labas ng bintana niya. Lumabas siya para masdan ang bigla na lamang na
lumitaw na puno at nakita niyang pagkataas-taas nito. Hindi niya maabot ng
tingin ang tuktok nito dahil nasa mga alapaap na.

“Nanay, tingnan ninyo ang puno! Mahiwaga nga pala ang mga buto! Aakyatin ko
po.”

Inakyat nga niya ito at matagal bago siya nakarating sa tuktok. Sa itaas, may
nakita siyang malapalasyong bahay at pumasok siya rito. May babaeng
sumalubong sa kanya. “Naku! Bakit ka pumarito? Hindi mo ba alam na bahay ito
ng higante? Naku, ayan na siya, dumarating! Tago ka diyan sa ilalim ng mesa at
baka ka makita.”

“Ho-ho! Ano ba iyong naamoy ko?” Malakas ang tinig ng higante. “May ibang tao
ba rito?”

“Wala po,” sagot ng babae. “Naaamoy lang po ninyo ang masarap na pagkaing
luto ko. Sige po, kumain na kayo.”

Umupo ang higante at kinain ang isang palangganang pagkain na inihain sa


kanya. Nagpahid ng bibig at tumawag sa babae, “Dalhin mo rito ang manok ko.”

Sa pagkukubli ni Juan sa ilalim ng mesa, nakita niyang ibinigay ng babae ang


isang makulay na inahing manok sa higante. “Mangitlog ka, manok, at
pagkatapos ay umawit ka para ako makatulog,” utos ng higante at inilagay sa
mesa ang hinahaplos na manok.

Kitang-kita ni Juan na lumabas sa manok ang isang gintong itlog na tuwang-


tuwang isinilid sa bulsa ng higante. “Ngayon, patulugin mo ako sa pag-awit mo.”

Pati ang tinig ng manok ay tila ginintuan din dahil madaling nahimbing ang
higante. Dagling lumabas sa pinagtataguan si Juan, sinunggaban ang manok sa
mesa, at nagtatakbo sa punong inakyatan niya.

Nang bababa na siya sa puno, biglang tumilaok ang inahin, “Tak-ta-la-ok!”


Malakas at hindi na ginintuan ang boses nito, kaya nagising ang higante.

“Huy! Anong nangyari? Nasaan ang manok ko?” Nakita niyang halos nasa
kalagitnaan na ng puno si Juan at ito’y hinabol niya.

“Inay, dali!” tawag ni Juan sa ina.


“Akina ang palakol. Hinahabol ako ng higante.”

Pagkaabot sa kanya ng ina ng palakol, inihataw niya itong dali-dali sa puno.


Halos nasa ibaba na ang higante nang maputol niya ang puno. Patay ang
higante nang bumagsak ito sa lupa.

Naging mariwasa ang buhay ni Juan at ng kanyang ina dahil sa manok nilang
umiitlog ng ginto. Hindi naman nila ipinagmaramot ang mga biyaya nila sapagkat
tumulong sila sa maraming salat sa buhay.

Aral:

 Huwag magnakaw o kumuha ng hindi sa iyo. Ang hindi mo pag-aari ay agad


na isauli sapagkat kung minsan, ikaw ang sumasalamin sa kung anong klase
ng pamilya mayroon kayo.
Huling Limang Oras
Isinulat ni silentwrider galing sa Wattpad
Tumunog na ang bell. Hudyat para magsiuwian na ang mga estudyanteng
kagaya ko. Pero bakit ang aga? Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang
pagpupulong ng mga guro para sa darating na foundation day. Mukhang
umaayon sa akin ang tadhana dahil ngayon din ang pag-uwi ng aking ina galing
sa abroad.

Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang ako ng huli ko siyang
makita. Ano na kayang itsura nya ngayon na ako ay nasa ikalawang baitang na
ng pagiging high school.

Sa aking pag uwi ay may nasulyapan akong isang babaeng umiiyak, tinulak ako
ng aking pagkausyoso para tanungin kung bakit sya umiiyak.

“Ale, bakit po kayo umiiyak?” natanong ko sa babae.

“Hindi ko na kasi makikita ang aking anak habangbuhay.”

“Kung hindi ninyo po mamasamain, maari ho ba kayong sumama sa akin upang


mawala ang inyong lungkot, iyon ay kung nais nyo lamang,” ang di ko mawari
kung bakit ko nasabi.

Ang pagtango niya at pag-abot sa akin ng kanyang kamay ay senyales lamang


ng kanyang pagpayag.
Hindi namin namamalayan ang oras habang kami ay magkasama, tila isang
panaginip ang nangyayari. Sa kalagitnaan na aming kasiyahan ay nagwika ang
ale, “Maari mo bang ipikit ang iyong mga mata?”

Sinunod ko ang kanyang utos at gayon na lamang ng maramdaman ko ang


pagdampi ng kanyang mga labi sa aking noo at ang narinig ko ay ang kanyang
pagsabi sa akin ng “Mahal Kita”.

Sa aking pagmulat ay nawala ang ale na hindi ko man lang naitanong kung ano
ang kanyang pangalan. Biglang umihip ang malamig na hangin na niyakap ang
aking buong paligid.

Hindi ko namalayan ang oras. Tiningnan ko ang aking relo.

“Aba, anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi” nasabi ko sa aking sarili.


Nilisan ko ang lugar na iyon ng may tanong na hindi ko alam kung kailan
masasagot.

Sa aking pag-uwi ay nakita ko ang aking ama na tila kakatapos lang lumuha.
Anong problema? Lumapit ako sa kanya at nagmano. Siya ay biglang nagwika,

“Anak iniwan na tayo ng nanay mo, namatay siya sa aksidente limang oras na
ang nakalilipas.”

Imbis na umiyak ay naitanong ko lang sa kanya kung may litrato siya ng aking
ina, nagulat na lamang ako sa aking nakita…

Hindi nya ako iniwan ng walang paalam. Ipinarating niya sa akin kung gaano ako
kahalaga at kamahal niya.

Siya pala ang ale na aking nakasama kanina, ang umiiyak na ale.

Ang inakala ko na isang istranghero ay ang mahal kong ina. Kahit sa kaunting
panahon ay nakasama ko siya. Sa huling limang oras ay pinuno ang buhay ko ng
kasiyahan na noon ko lang naranasan.

Aral:

 Laging iparamdam sa mga magulang kung gaano natin sila kamahal. Hindi sa
lahat ng panahon ay makakasama natin sila kaya hangga’t maari ay sabihin
natin ng madalas ang mga salitang “I love you” sa kanila at pahalagahan natin
ang lahat ng sakripisyo nila sa atin.
 Kung ang iyong Ama o Ina ay nasa ibang bansa, maglaan ng oras upang
makausap sila sa telepono man o sa mga chat. Maliit na bagay ito para sa
atin ngunit sa kanila ay sobrang mahalaga nito. Kahit sa ganoong paraan ay
maiparamdam mo na mahalaga sila sayo at kaya mo ring masakripisyo ng
kahit kaunting oras para lang makasama sila

You might also like