You are on page 1of 3

Ang Kubo

Nakatira si Leni sa kubo. Ang kubo ay nasa tabi ng puno. Marami ang sanga ng puno. Marami ang bunga ng
sanga. Ang ama ni Leni ay nasa kubo. Ang ina niya ay nasa kubo. Masaya sila sa kubo.

Pista sa Nayon

May pista sa nayon. Naroon ang mga taga Hulo. Iniwan ang kanilang mga dampa. Naroon ang mga taga
bukid. Iniwan ang kanilang pananim. May musiko sa daan. Makintab ang suot na damit. Puno ng tao ang loob
simbahan. Lahat ay masaya.

ANG ASONG GUBAT

"Kaibigan, marami akong alam na hindi mo alam," pagmamalaking asong gubat sa pusa.

"Ang husay ko nga! Napakarami kong paraan para makalusot sa kaaway. Madali ko silang maliligaw."

"Mabuti ka pa," sagot ng pusa. "Ako, iisa lang ang alam kong paraan."

Dumating ang isang pangkat ng mga mangagaso. Mabilis na umakyat sa puno ang pusa. Ang asong gubat
naman ay nag-iisip pa kung ano ang gagawin niya.

Nakarating na ang mga mangangaso ay natataranta pa sa pagtakas ang asong gubat. Nahuli tuloy siyaHinila
siya patungo sa kanyang kamatayan.

MAGTULUNGAN TAYO

Papasok na ng paaralan ang tatlong mag-aaral. Nakita nila ang nagkalat na mga sanga ng puno sa mahabang
daan. Katatapos lang ng malakas na bagyo at di pa nalilinis ang ilang kalsada.

Pagdating sa paaralan, gayundin ang kanilang nakita. Maputik ang silid at madungis ang pader. Nagkalat ang
mga dahon sa buong paligid.

"Halikayo," tawag sa kanila ng mga kaklase. "Tulungan natin si Gng.

Ramos sa paglilinis." Mabilis na kumilos ang mga mag- aaral. Tahimik silang tinitingnan ni Gng. Ramos.

"Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang gawain kung nagtutulungan," sabi niya.

"Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae"

Noong unang panahon, may isang matandang babae ng may magandang hardin ng mga bulaklak sa tabi ng
lawa. Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na
bumibisita ang mga mangingisda at ang kani-kanilang pamilya a matandang babae upang magbigay ng isda
kapalit ng ilang magaganda at mababangong bulaklak mula sa hardin.

Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking kapangyarihan ang matandang babae dahil palaging
nagliliwanag ang kapaligiran ay may kasamang magandang babae at duwendeng tumutulong sa pag-aalaga
ng tanim. Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala siyang kasama.

Isang araw ay may isang mag-asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang hardin. Pumasok sila
at pumitas ng bulaklak na walang pahitulot. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit
pinagkatuwaan lamang dahil sa pangit nitong anyo.

Dahil sa kalupastangan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap. Noon diin ay nagbago ang anyo ng
dalawa naging paru-paro at nakita lamang nga taumbayan na may kakaibang kulisap na aalialigid sa mga
bulaklak.

"Nang Namatay si Boogie"

Lungkot na lungkot si Jay nang makita niyang hindi na gumagalaw si Boogie. Tahimik na tahi- mik ito. Hindi na
humihinga. Hindi mapigilan ni Jay ang umiyak. Paano nama'y matagal din nya itong naging kasama kasama at
kalaro. Pakiramdam niyaly parang siyang nawalan ng kaibigan Nasa ganito siyang kalagayan nang datan siya
ng kanyang tatay. Hindi halos malaman ng batary niya kung gaano niya kamahal ang kanyang alagang aso.

"Huwag ka nang umiyak, Anak Maghahanda tayo ng isang magandang libingan para kay Bo- gie. Ilalagay
natin siya sa isang ataul na may kumot na makintab. Tapos pagagawan natin siya ng isang lapida na
magsasaad ng kanyang kabutihan bilang isang alagang hayop. Araw-araw, da- dalhan natin siya ng mga
sariwang bulaklak mula sa hardin ng iyong Nanay at babakuran din natin ang kanyang libingan upang hindi na
siya magambala

Pagkarinig nito, pinunasan ni Jay ang kanyang mga mata at naging masigla siya kaugnay ng kanilang
proyekto ng kanyang tatay. Nang handa na ang lahat ng makikiisa sa libing-Tatay, Na- nay, katulong at si Jay,
agad-agad na nga nilang napitan si Boogie, ngunit wala na roon ang bangkay ni Boogie

Walang anu-ano, nakita nila si Boogie na papalabas mula sa ilalim ng mga punong rosas ng kayang lan-
masiglang masigla habang nginangangat ang isang lumang tsinelas. Biglang naра Stig si Jay sa kanyang
Tabay. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang labis na panghihinayang sa bay sabing Tayo na patayin natin
siya.

Ang Aming Mag-anak

Ang aming mag-anak ay laging masaya,

Maligaya kami nina ate at kuya. Mahal kaming lahat nina ama't ina.

Hanga ako sa kanilang dalawa

Kahit sa paggawa'y pagod ang katawanTulong ni ama ay laging Nakaabang. Suliranin ni ate ay nalulunasan,
Ang tulong ni ina laging nakalaan.

Ang Bagyo

Sabi ni Tatay may bagyo. Malaki at malakas daw ito. Dadaan daw sa amin ang bagyo. Maghanda raw kami
para rito.

"Tatay, ano po ba ang bagyo?" tanong ko. "Para ba itong Pasko na dapat may handa tayo?"

"Hindi, anak," sabi ng tatay ko. "Ang bagyo ay hindi tulad ng Pasko.

Masamang panahon ito. Magdadala ng ulan at hangin ito. Baka tubig-baha ay pumasok dito. Ito rin ay may
malakas na hangin. Marami itong paliliparin."

SI PARUPARO AT ALITAPTAP

Malungkot si Alitaptap. Tatlong araw na siyang hindi kumakain. Masakit na ang kanyang tiyan. Kahit malakas
ang ulan, hinanap niya ang kaibigang si Paruparo. Hihingi siya ng tulong dito. Nabigla si Paruparo nang makita
si Alitaptap. Basa at nanghihina ito. Dali-dali niya itong pinatuloy at pinakain. Niyakap niya ito pagkatapos.
Mahal niya ang kaibigang si Alitaptap. "Dalhin mo itong pagkain. Sa susunod, mag-imbak ka ng pagkain.
Sumama man ang panahon, di ka magugutom," payo ni Paruparo. "Tatandaan ko, kaibigan. Salamat muli,"
nakangiting wika ni Alitaptap. Masaya itong lumipad pauwi.

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”


Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung
hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.

Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa
mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga
mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.

“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga matalik na
kaibigan ng dalagita

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang taon
ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.
“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni Bea
sa kaibigan.

Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng piniritong
manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi pa
nabubuksan na mga regalo.
Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na dahilan
kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.

“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila. Maswerte tayo at
lumaki tayo kasama ang pamilya natin.

E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing tinititigan ko
nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila,” pagpapaliwanag ni Stella.

“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”


Si Juan Franciso ay anak ng mayamang mag-asawa. Pagmamay-ari ng ama niya ang pinaka-malaking
hacienda sa baryo nila. Isa namang simpleng maybahay ang ina niya, hindi na nito kailangang magtrabaho sa
dami ng pera nila.

Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawa, kampante si Juan na hinding-hindi na siya mamumulubi
hanggang sa pagtanda niya. Ito ang dahilan kung bakit tamad siya mag-aral.

“Hindi ko naman kailangan gumradweyt, e, hindi ko na nga kailangan mag-aral sa dami ng pera niyo ni daddy,”
palaging katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng ina dahil sa hindi pagpasok sa klase niya.

Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit guro niya ay pinupuntahan na siya sa bahay nila
upang kamustahin kung bakit wala siya sa klase.

“Anak, kailangan mong mag-aral. Ang pinag-aralan ang tanging bagay na hinding-hindi makukuha sa iyo nino
man,” sabi ng ina ni Juan pagka-alis ng guro niya. Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataong
pinuntahan siya ng guro niya sa bahay nila. Ngunit, talagang tamad si Juan. Mas gugustuhin pa niyang
lumiban sa klase at maglaro sa kompyuter or mamasyal kasama ang barkada.

Isang araw, habang naglalaro ng kompyuter si Juan at kaibigan niyang si Pedro sa kwarto niya, may narinig
siyang isang malakas na sigaw ng ina niya.

“Juan! Juan! Ang daddy mo,” sabi ng ina ng batang tamad mag-aral. Inatake sa puso ang ama ni Juan.
Sinundan ito ng iba’t ibang komplikasyon. Halos dalawang buwan na nakaratay ang daddy niya sa ospital
bago ito pumanaw. Pati yung hacienda na pagmamay-ari nila ay naibenta pambayad sa gastusin sa ospital.
“Anak, sa darating na pasukan, kailangan mong lumipat ng eskwelahan. Hindi na natin kakayanin yung bayarin
sa pribadong paaralan diyan sa baryo,” malungkot ng sabi ng ina ni Juan sa kanya.

Naghirap silang mag-ina. Maraming pagkakataon na kinailangan ni Juan na pumunta sa paaralan na walang
laman ang tiyan o ang bulsa niya. Doon niya napagtanto na kung sana e nag-aral siya ng mabuti eh gradweyt
na siya sa kolehiyo at makakatulong na sa ina niya. Mas bata sa kanya ang mga kaklase niya at ang mga
kasing-edad niya naman ay nagtatrabaho na. Labis ang panghihinayang ni Juan sa mga nasayang na
panahon ngunit wala na siyang magagawa.

“Kung sana pinahalagahan ko na noon pa ang pag-aaral ko, ‘di sana hindi na nahihirapan si Mama
maglabada,” ang pagsisisi na laging bumubungad sa kanya sa tuwing makikita ang ina na hirap na hirap
makakain lang sila.

You might also like