You are on page 1of 4

ALAMAT NG ASO

Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at


Lito. Maliliit pang mga bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang
inaalala ang isa't isa. Lagi rin silang magkasama sa bawat lakaran.
Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang magbi-
natilyo na sila. Naging bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula
sa paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy sa gubat ay lagi silang
magkasama.
Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni
Masong. Humantong iyon sa kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si
Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang
dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na
parang nasa tabi lang at nakikinig sa kanya.
Minsan ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay
hilung-hilo na siya. Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni
Masong. Ilang araw siyang ganoon.
Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na
umuwi kina Lito. Lagi iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa
tapat ng silid ng binatilyo na tila nagbabantay sa kanya.
Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang
pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita niya ang hayop na araw-araw na
itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod at kawag nang kawag
ang buntot.
Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog
ito sa paanan niya at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng
kahol at kawag sa buntot nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot
ng pagkamatay ni Masong.
Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay
naging aso ang tawag dito.

























Si Juan, ang Pumatay ng Higante


Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. "Anak, dalhin mo kaya ang baka natin sa bayan at ipagbili mo.
Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan."

Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka
nang may nasalubong siyang matandang lalake.

"Saan mo dadalhin ang baka?" tanong ng matanda. ,

"Sa bayan po, para ipagbili," sagot ni Juan.

"Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic ito, makikita mo," alok ng matanda,

"Siyanga po? Mahiwaga?" Sapagkat bata, mahilig sa magic talaga si Juan, at madali ring mapaniwala. "Sige
po, payag ako."

Iniuwi niya ang isang dakot na buto ng halaman na palit sa baka. "Nasaan ang perang pinagbilhan mo sa
baka?" tanong ng kanyang ina.

"Wala pong pera. Ipinagpalit ko po ang baka sa mga butong ito. Mahiwaga raw po ito, sabi ng matanda."

Sa galit ng ina sa anak dahil nagpaloko raw ito, itinapon niya ang mga buto sa bintana. "Ikaw talagang bata
ka, hanggang ngayon ay madali ka pa ring maniwala sa mga manloloko."

Nang magising kinaumagahan si Juan, nagulat siya na may punong mataba sa labas ng bintana niya. Lumabas
siya para masdan ang bigla na lamang na lumitaw na puno at nakita niyang pagkataas-taas nito. Hindi niya
maabot ng tingin ang tuktok nito dahil nasa mga alapaap na.

"Nanay, tingnan ninyo ang puno! Mahiwaga nga pala ang mga buto! Aakyatin ko po."

Inakyat nga niya ito at matagal bago siya nakarating sa tuktok. Sa itaas, may nakita siyang malapalasyong
bahay at pumasok siya rito. May babaeng sumalubong sa kanya. "Naku! Bakit ka pumarito? Hindi mo ba alam
na bahay ito ng higante? Naku, ayan na siya, dumarating! Tago ka diyan sa ilalim ng mesa at baka ka makita."

"Ho-ho! Ano ba iyong naamoy ko?" Malakas ang tinig ng higante. "May ibang tao ba rito?"

"Wala po," sagot ng babae. "Naaamoy lang po ninyo ang masarap na pagkaing luto ko. Sige po, kumain na
kayo."

Umupo ang higante at kinain ang isang palangganang pagkain na inihain sa kanya. Nagpahid ng bibig at
tumawag sa babae, "Dalhin mo rito ang manok ko."

Sa pagkukubli ni Juan sa ilalim ng mesa, nakita niyang ibinigay ng babae ang isang makulay na inahing manok
sa higante. "Mangitlog ka, manok, at pagkatapos ay umawit ka para ako makatulog," utos ng higante at
inilagay sa mesa ang hinahaplos na manok.

Kitang-kita ni Juan na lumabas sa manok ang isang gintong itlog na tuwang-tuwang isinilid sa bulsa ng
higante. "Ngayon, patulugin mo ako sa pag-awit mo."

Pati ang tinig ng manok ay tila ginintuan din dahil madaling nahimbing ang higante. Dagling lumabas sa
pinagtataguan si Juan, sinunggaban ang manok sa mesa, at nagtatakbo sa punong inakyatan niya.

Nang bababa na siya sa puno, biglang tumilaok ang inahin, "Tak-ta-la-ok!" Malakas at hindi na ginintuan ang
boses nito, kaya nagising ang higante.

"Huy! Anong nangyari? Nasaan ang manok ko?" Nakita niyang halos nasa kalagitnaan na ng puno si Juan at
ito'y hinabol niya.

"Inay, dali!" tawag ni Juan sa ina.

"Akina ang palakol. Hinahabol ako ng higante."

Pagkaabot sa kanya ng ina ng palakol, inihataw niya itong dali-dali sa puno. Halos nasa ibaba na ang higante
nang maputol niya ang puno. Patay ang higante nang bumagsak ito sa lupa.

Naging mariwasa ang buhay ni Juan at ng kanyang ina dahil sa manok nilang umiitlog ng ginto. Hindi naman
nila ipinagmaramot ang mga biyaya nila sapagkat tumulong sila sa maraming salat sa buhay.

You might also like