You are on page 1of 3

Si Juan, ang Pumatay ng Higante

Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya ang
baka natin sa bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng ating mga
kailangan.”

Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at


hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang
matandang lalake.

“Saan mo dadalhin ang baka?” tanong ng matanda.

“Sa bayan po, para ipagbili,” sagot ni Juan.

“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic ito,
makikita mo,” alok ng matanda.

“Siyanga po? Mahiwaga?” Sapagkat bata, mahilig sa magic talaga si Juan,


at madali ring mapaniwala. “Sige po, payag ako.”

Iniuwi niya ang isang dakot na buto ng halaman na palit sa baka.


“Nasaan ang perang pinagbilhan mo sa baka?” tanong ng kanyang ina.

“Wala pong pera. Ipinagpalit ko po ang baka sa mga butong ito.


Mahiwaga raw po ito, sabi ng matanda.”

Sa galit ng ina sa anak dahil nagpaloko raw ito, itinapon niya ang mga
buto sa bintana. “Ikaw talagang bata ka, hanggang ngayon ay madali ka
pa ring maniwala sa mga manloloko.”

Nang magising kinaumagahan si Juan, nagulat siya na may punong


mataba sa labas ng bintana niya. Lumabas siya para masdan ang bigla
na lamang na lumitaw na puno at nakita niyang pagkataas-taas nito.
Hindi niya maabot ng tingin ang tuktok nito dahil nasa mga alapaap na.
“Nanay, tingnan ninyo ang puno! Mahiwaga nga pala ang mga buto!
Aakyatin ko po.”

Inakyat nga niya ito at matagal bago siya nakarating sa tuktok. Sa itaas,
may nakita siyang malapalasyong bahay at pumasok siya rito. May
babaeng sumalubong sa kanya. “Naku! Bakit ka pumarito? Hindi mo ba
alam na bahay ito ng higante? Naku, ayan na siya, dumarating! Tago ka
diyan sa ilalim ng mesa at baka ka makita.”

“Ho-ho! Ano ba iyong naamoy ko?” Malakas ang tinig ng higante. “May
ibang tao ba rito?”

“Wala po,” sagot ng babae. “Naaamoy lang po ninyo ang masarap na


pagkaing luto ko. Sige po, kumain na kayo.”

Umupo ang higante at kinain ang isang palangganang pagkain na


inihain sa kanya. Nagpahid ng bibig at tumawag sa babae, “Dalhin mo
rito ang manok ko.”

Sa pagkukubli ni Juan sa ilalim ng mesa, nakita niyang ibinigay ng babae


ang isang makulay na inahing manok sa higante. “Mangitlog ka, manok,
at pagkatapos ay umawit ka para ako makatulog,” utos ng higante at
inilagay sa mesa ang hinahaplos na manok.

Kitang-kita ni Juan na lumabas sa manok ang isang gintong itlog na


tuwang-tuwang isinilid sa bulsa ng higante. “Ngayon, patulugin mo ako
sa pag-awit mo.”

Pati ang tinig ng manok ay tila ginintuan din dahil madaling nahimbing
ang higante. Dagling lumabas sa pinagtataguan si Juan, sinunggaban
ang manok sa mesa, at nagtatakbo sa punong inakyatan niya.
Nang bababa na siya sa puno, biglang tumilaok ang inahin, “Tak-ta-la-
ok!” Malakas at hindi na ginintuan ang boses nito, kaya nagising ang
higante.

“Huy! Anong nangyari? Nasaan ang manok ko?” Nakita niyang halos
nasa kalagitnaan na ng puno si Juan at ito’y hinabol niya.

“Inay, dali!” tawag ni Juan sa ina.

“Akina ang palakol. Hinahabol ako ng higante.”

Pagkaabot sa kanya ng ina ng palakol, inihataw niya itong dali-dali sa


puno. Halos nasa ibaba na ang higante nang maputol niya ang puno.
Patay ang higante nang bumagsak ito sa lupa.

Naging mariwasa ang buhay ni Juan at ng kanyang ina dahil sa manok


nilang umiitlog ng ginto. Hindi naman nila ipinagmaramot ang mga
biyaya nila sapagkat tumulong sila sa maraming salat sa buhay.

Maikling  Kwento Tungkol sa Pagmamahal Sa Pamilya


Aral:

 Huwag magnakaw o kumuha ng hindi sa iyo.


 Ang hindi mo pag-aari ay agad na isauli sapagkat kung minsan, ikaw ang
sumasalamin sa kung anong klase ng pamilya mayroon kayo.

You might also like