You are on page 1of 11

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

A short story from Katig.Com book of fables.


Inspired by the ancient fables of Aesop.

Basahin dito kung ano ang pabula

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-


hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng
dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng
gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.
Mga aral ng pabula:
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.
Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa At Daga

Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan.


Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo'y isang paraiso.
Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang

kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kani 路 kanilang mga

suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari.

Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng
kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil
naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan
ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan kung ligtas
ang kaniyang amo.

Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang
nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan
ng bahay.

"Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa."
bulong ng daga sa sarili.

Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto.
Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang buto.
Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain. Tinulungan niya ang asc sa
paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay hanggang sa kinaroroonan
ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala nila ay sadyang kinuha ng daga ang buto
para masolo niya ito.

Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito. Nagpaliwanag ang daga
nguni't hindi rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-away silang dalawa kaya't ang
buto ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-daling tumakbo hanggang sa likods ng
bahay."Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila ditl. Siguro mamaya ay
magkakasundo na rin sila at masaya naming pagsasaluhan itong buto." bulong ng
asong humihingal. Dahil sa pagod at matagal-tagal ding paghihintay sa pagdating
ng dalawang kaibigan, kinain na ng aso ang ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya
ang parte ng daga at ng pusa.Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sagalit nang ito ay
dumating sa kinaroroonan ng aso. Inabutan niya ang aso na kumakai ng mag-isa.
Bigla niyang inangilan ang aso. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay
magkasakitan ng katawan. Narinig ng may-ari ng bahay ang ingay na dulot ng
pag-aaway ng aso at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay. Naghiwalay ang
aso at pusa na kapwa may tanim na galit sa isa't isa. Iyon na ang simula ng
kanilang pagiging magkaaway.

Magmula noon, sa tuwing makikita ng asc ang pusa ay kinakahulan niya ito. Ang
pusa naman ay di padadaig, lagi siyang sumasagot at lumalaban sa aso. At sa tuwi
namang makikita ng pusa ang daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa takot
ang daga ay pumapasok sa isang maliit na lungga at lumalabas lamang doon
kapag wala na ang pusa.

聽 Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw

Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa


kapitbahay ang kambing.

"Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain


ka ng kumain ng sariwang damo, Kakain naman ako ng kakain ng mga murang
mais ang sabi ng kambing sa kalabaw."Oo ,tayo na," ang sabi ng kalabaw.

"Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod mo. "Ang wika ng
kambing.Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog
hanggang sa kabilang ibayo. Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang
kambing. Ang kalabaw naman ay hihinay-hinay kumai.

Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog.


Nainip na ang kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.

"Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na akO," ang sabi ng kambing.

"Mabuti ka pa busog na," ang sagot ng kalabaw. "Maghintay kana muna."

Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil sa pagkain ang
kalabaw, Mayroon siyang naisib. Naglulundag ang kambing. Gumawa ito ng
malaking ingay.Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang
mga tao. Nakita nilang kumakain ang kalabaw. Hinambalos nila nang hinambalos
ang kalabaw."Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi? ang tanong ng kambing
sa kalabaw."Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko," ang sabi ng kalabaw, at
lumakad nang papunta sa ilog.Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang
kalabaw. Tinanong niya kung bakit nag-ingay ang kambing.
"Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at
magsayaw," ang sagot ng kambing.Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang
anu-ano ay narating nila ang malalim na bahagi ng ilog. Muling hum into ang
kalabaw."O. bakit kahuminto? ang tanong ng kambing.

"Alam mo kapag ako ay nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-gulong sa


tubig," ang sabi ng kalabaw."Aba, huwag! Paano ako, mahuhulog ako sa tubig.
Hindi naman ako marunong lumangoy," ang sigaw ng kambing.

"E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang gumulong-gulong sa tubig," at


sinabayan nga ng gulong sa tubig.Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing.
Hindi ito marunong lumangoy. Nalunod ang kambing.

. Ang Mag-anak na Langgam

Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam
ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan.

Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga, dahil sa may gawing
kaliwa ay may munting kanal, sabi ni Tatay Langgam.

Hindi po kami lalayo, sabi ni Unang Munting Langgam.


Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa, kung kayat hindi nila
napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.

Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain, matagal pa naman ang tag-ulan


ay naghahanda na kami, sabi sa sarili ng Bunsong Langgam. Buti pa’y maghanap
ako ng mas masarap na pagkain.

Walang anu-ano’y nakakita ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na


ipinagbabawal na puntahan ng kanyang ama.

Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin
ang kendi.

Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting
sinulid na kinapatiran ng kanyang paa, kaya nawalan siya ng panimbang at
tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.

Hindi mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang kanyang
Bunsong anak sa pila. Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin,
hanggang sa siya’y mapadako sa ipinagbabawal na pook. Pagtingin niya sa ibaba
ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kanyang bunsong anak.

Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na: Iyan ang
napapala ng mga anak na matigas ang ulo.
. Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang


iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa
kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at
hinamon niya ito.

"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis
lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang
hamon nito para maturuan niya ng leksyon.

"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"

Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.

"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni
Agila.

Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan,


natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para
lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay
magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw
nman ay bulak."

Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit
nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara
sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.

"Aba oo, payag na payag ako."

"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng
mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit
hindi siya nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan.


Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng
malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng
husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din


ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok


at tinalo niya ang mayabang na Agila.

Aral:

Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging


mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

. Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang


iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa
kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at
hinamon niya ito.

"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis
lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang
hamon nito para maturuan niya ng leksyon.
"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"

Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.

"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni
Agila.

Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan,


natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para
lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay
magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw
nman ay bulak."

Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit
nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara
sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.

"Aba oo, payag na payag ako."

"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng
mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit
hindi siya nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng


malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng
husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din


ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok


at tinalo niya ang mayabang na Agila.

Aral:

Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging


mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.
Ang Alitaptap at ang Paru-paro

Isang araw habang naghahanap ng nectar ang Paru-paro ay may batang

nanghuli sa kanya at siya’y pinaglaruan. Iniwan siya nitong nakabaligtad at

panay ang kawag sa lupa.

Sumigaw si Paru-paro upang humingi ng tulong, narinig siya ng kaibigang

Langgam ngunit dahil madami itong gawain ay iniwan siya nito. Makalipas

ang ilang oras ay dumating ang kaibigan niyang gagamba ngunit hindi rin siya

nito tinulungan sapagkat ayon dito ay aayusin pa nito ang bahay nito.

Malapit nang gumabi ngunit nanatili pa ding nakabaligtad ang Paru-paro.

Pagod at gutom ang nararamdaman nang Paru-paro. Pinanghihinaan siyang

may mga kapwa insekto pang makakita sa kanya lalo na’t magdidilim na.

Hanggang sa maya-maya ay may naaninag siyang munting ilaw na papalapit


sa kanya.“Anong nangyari sa’yo Paru-paro?” tanong ng Alitaptap.

“Ikaw pala Alitaptap, kaninang umaga ay nangunguha ako ng nectar ng may

batang lumapit at pinaglaruan ako.”“Ganun ba? Hayaan mo at tutulungan

kita.” Sabi ng Alitaptap.“Maraming Salamat , Alitaptap.”

Tinulungan nga ng Alitaptap ang Paru-paro at dahil doon ay nakalipad na

ang.Paru-paro at umuwi sa kanyang tahanang bulaklak. END

Aral: Sa oras ng kagipitan ay nakikilala natin kung sino ang ating mga tunay

na kaibigan.

You might also like