You are on page 1of 8

Custodio, Babylyn D.

BSIT 1H ALAMAT NG MAKOPA


Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silangnagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat. Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong. Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.

ALAMAT NG MANGGA
Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmanasiya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit. Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hininginito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugispuso. Marami angnakikinabang ngayon sa bungang ito.

ALAMAT NG LANSONES
Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanongpumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ngbula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.

Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakantakanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipagusap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya.

Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae. Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wariy lalong nagpalinamnam sa lansones. MGA PABULA Ang Pabula ng Daga at ng Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga. Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao

ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.


Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito. "O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata. At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya. Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila. MENSAHE: Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa. ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ngmais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pagani bukas!" Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mgamagsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!" "Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito."

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka. "Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamaganak ako lalapitupang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!" "Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!" Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukasdin, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!" Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka. Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoongwalang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"

MGA PARABULA
Ang Alibughang Anak (Lucas 15 :11-32)

Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso. "Ama, ibigay n'yo na po sa akin ang mamanahin ko." At ibinahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo'y nilustay ang lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at nagdalita siya. Kaya't namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing iyon. Siya'y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit na ng bungang kahoy na ipinapakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip- isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa kanyang sarili, " Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa samantalang ako'y namamatay na sa gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapatdapat na tawagin ninyong anak; ibilang n'yo na lamang akong isa sa inyong mga alila." At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama at ito'y labis na nahabag sa kanya, kayat patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. Sinabi ng anak, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo, hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong akong anak." Ngunit tinawag ng kanyang ama ang kanyang mga alila. "Madali! Dalhin n'yo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinakamatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya! Sapagkat

namatay na ang anak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpungan." At silay nagsaya. Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at ng malapit na sa bahay ay narinig niya tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa alila at tinanong: "Bakit? May ano sa atin?" "Dumating po ang inyong kapatid!" Tugon ng alila. "Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit." Nagalit ang panganay at ayaw nitong pumasok sa bahay. Kayat lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, "Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit noong dumating ang anak ninyong lumustay ng iyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!" Sumagot ang ama, "Anak lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko'y sa iyo. Ngunit dapat tayo'y magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpungan."

PARABULA NG AMA, ANAK AT KALABAW

Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang amay magsasaka samantalang mabuting may-bahay ang ina. Isang lalake ang anak ng mag-irog na naninirahan sa bundok. Pitong na taon na ngayon ang kanilang anak. Nang minsang bumaba sa bukid ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang makatulong kahit papaano at nang malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang mag-aararo sa lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang bukid ng ama. Kinakailangang dumaan ng apat na baryo bago marating ang bukid. Masayang-masaya ang batang lalake habang tinutulungan ang kanyang ama sa pagtatrabaho sa bukid. Nanghuhuli rin siya ng maliliit na langgam at ng luntiang tipaklong sa pagkakataong nag-aararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa dahil sampung kwadro na ang binungkal nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at niyaya na nga ang anak. Habang silay naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan sila sa isang baryo. Hapung-hapo ang ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang ipasakay sa kalabaw sa halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na nakatali sa kalabaw na kinasasakyan ng ama. Napansin nilang naguusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo. Narinig na lamang nila: Hay naku, anong klase ama yan? Kabata-bata ng anak inaalila nang ganyan. At siya, komportableng nakasakay sa kalabaw. Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay bumaba na ito at ibinuhat ang anak pasakay sa kalabaw. Hapung-hapo sa paglalakad ang ama habang hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na naman sila ng mga komento mula sa mga tagabaryo. Ano ba naman iyang batang yan? Nakita na ngang pagud na pagod ang ama sa pag-aaro nang buong araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. Napakawalang utang na loob sa amang kumakayod para sa pamilya. Kaya bago tumungo sa ikatlong baryo ay ibinaba ng ama ang anak Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. Nang maabot ang ikatlong baryo, nanghina ang mag-ama sa narinig mula sa isang tagaroon: Katangahan naman ang ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid

na pinanggalin. Pagod pa sa paggawa roon. Naglakad. Hindi man lamang naisip sakyan ang kalabaw. Ano pa ang silbi nito? Tsik...tsik... Sumakay sa kalabaw ang dalawa. Sakay sila ng kalabaw hanggang maabot ang ikaapat at panghuling baryo Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din yan. Siguro kung nakapagsasalita lamang ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na yan. Itong mag-ama, napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa kalagayan ng hayop. Kahit hayop, napapagod at may pakiramdam din. Narinig na lamang nilang sabi ng isang lalake habang lumalagok ng tuba sa tindahang nadaana. Nang makarating ng bahay, hindi maintidihan ng babae sa itsura ng kanyang mag-ama. Ang Parabula ng Mga Bulag at ang Elepante

Minsan ay may isang raha (hari) na anyayahan ang mga taong ipinanganak na bulag at ipakita sa kanila ang isang elepante. Sinunod ito ng kaniyang katulong. Sa isang bulag ay pinahawakan niya ang ulo ng elepante, sa isa naman ay ang tainga, sa isa ay ang mahabang ilong, ang isa ay ang isa sa mga sungay nito sa nguso; sa isa pa ulit ay ang katawan, habang ang isa ay paa, sa isa pang bulag ay ang likod at sa iba pang bulag ay ang buntot at ang dulo ng buntot. Pagkatapos nang lahat ay nagkarron ng pagkakataon upang mahawakan ang elepante, tinanong ni Buddha kung ano sa palagay nila ang elepante. Ang humawak ng ulo ay nagsabi na ito ay isang kalderong lutuan. Ang humawak ng tainga ay nagsabi na ito ay isang bilao. Ang humawak ng sungay ay nagsabi na ito raw ay talim sa pang-araro. Ang humawak ng mahabang ilong nito ay nagsabing ito ay ang pangararo. Ang humawak ng katawan ay sinabing ito ay imbakan ng inani. Ang humawak ng paa ay sinabing ito ay poste. Ang humawak ng likod ay sinabing ito ay bayuhan. Ang humawak ng buntot ay sinabing ito ay pambayo. Ang humawak ng dulo ng bunto ay sinabing ito ay panglinis. Dahil sa bawa't isa ay gumigiit ng kanilang paniniwala, di kalaunan, sila ay nag-aaway-away. Ang leksiyon sa parabula. Ang bawa't nagtuturo ay may iba'ibang paniniwala ayon sa kanilang iniisip na tama kahit sila ay tulad sa mga bulag na pinaniwalaan lang ang kanilang nahahawakan.

MGA ANEKDOTA
Ang Kwento ng Gamugamo

Tinuruan si Jose ni Donya Teodora na bumasa sa wikang Kastila. Isang gabi binigyan niya si Jose ng isang aklat, EL AMIGO DE LOS NINOS. Sa Tagalog ang ibig sabihin nito ay "ANG KAIBIGAN NG MGA BATA". Heto ang isang aklat, Jose ang sabi ng Nanay niya. Tignan mo kung mababasa mo ito. Tinignan ni Jose

kung mababasa niya ang aklat sa kastila, ngunit Hindi niya ito mabasa. Kinuha ng Nanay niya ang aklat at ito ang sinabi niya. " Ah, Hindi ka pa makababasa sa wikang Kastila. Makinig ka at babasahin ko ito para sa iyo." Nang buksan niya ang aklat, nakita niyang maraming drowing ang mga pahina nito. "Sino ang may gawa ng mga nakakatawang mga larawan ito? Ang tanong niya. :Ako po, Nanay". "Ah ! pilyo kang bata. Mula ngayon huwag mong guguhitan ng kung anu-anong mga larawan ang mga pahina ng alinmang aklat?". Matapos mapagalitan si Jose nagsimula na siyang magbasa sa liwanag ng ilawang langis. Sa simula, nakikinig si Jose sa kanyang pagbabasa. Hindi naglaon nawalan na siya ng kawilihan. Hindi niya maunawaan ang binabasa ng Nanay niya. Natawag ang pansin niya sa ningas ng ilawang langis. Napansin ni Donya Teodora na Hindi nakikinig si Jose sa kanyang binasa. Isinara niya ang aklat. "Makinig ka sa akin, Jose," ang sabi niya. "May ikukuwento ako sa iyo." "Nakikinig po ako, Nanay." Sinimulan basahin ng Nanay ang kuwento ng "Batang Gamugamo". Binasa niya ang kuwento sa wikang kastila. Pagkatapos, ikinuwento niya ito kay Jose sa Tagalog para maunawaan ito ng bata. Pagkatapos ng kuwento ni Donya Teodor, tinanong niya si Jose. " Alam mo ba ang nangyari sa munting gamugamong Hindi sumunod sa kanyang ina? Ang mga batang Hindi sumusunod sa kanilang mga magulang ay makakatulad din ng batang gamugamo. Hindi naniwala si Jose sa paalaala ng Nanay niya, para sa kanya , maganda ang ningas ng ilaw. Ang ningas na iyon ay kumakatawan sa isang mithiin sa buhay. Isang karangalan para kanino mang Tao ang mamatay para sa kanyang mithiin katulad ng munting gamugamo. At gaya ng batang gamugamo siya ay nakatakdang mamatay na martir para sa isang dakilang mithiin.

Submitted by: Custodio, babylyn d.

Submitted to: Mrs. Luningning mendoza

You might also like