You are on page 1of 5

Ang Pabula ng Daga at ng Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang
inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga
at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at
nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala
akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo
akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan
kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo," sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay
kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at
agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga
nangagaso sa
kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat.
Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis
na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Mga aral ng pabula:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang
makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.










Ang Agila at ang Maya


Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at
ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay
nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?"
buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para
maturuan niya ng leksyon.
"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"
Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak
niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong
maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng
kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak."
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman
hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal
na dadalhin naman nito.
"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.
"Aba oo, payag na payag ako."
"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na
bundok na iyon," wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya
nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na
ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila
, kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya
natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo
niya ang mayabang na Agila.
MENSAHE:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at
huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.




Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit
keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng
dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng
gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.


Mga aral ng pabula:
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.

Ang Pabula ng Kabayo at ng Mangangalakal
Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa
palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang
nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang
bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil
sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at
napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako
ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa
palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal
sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may
lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa
magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay
magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit
laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng
tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang
sakong asin.

Aral:
Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang
balakin ay may katapat na kaparusahan.

ALAMAT NG PINYA
SI ALING ROSA AY ISANG BALO. SIYA AY MAY SAMMPUNG TAONG GULANG NA ANAK NA BABAE, SI PINANG.
MAHAL NA MAHAL NI ALING ROSA ANG KANYANG ANAK. NAIS NIYANG LUMAKING BIHASA SA GAWAING BAHAY
ANG ANAK. TINUTURUAN NIYA SI PINANG SA MGA GAWAING-BAHAY.
DAHIL SA NAG-IISANG ANAK, AYAW GUMAWA SI PINANG LAGI NIYANG IKINAKATWIRAN NA ALAM NA NIYANG
GAWIN ANG ANUMANG ITINUTURO NG KANYANG INA. PINABAYAAN LANG SIYA NG KANYANG INA.
ISANG ARAW AY NAGKASAKIT SI ALING ROSA. HINDI SIYA MAKABANGON AT MAKAGAWA SA BAHAY.
NAPILITAN SI PINANG NA GUMAWA NG GAWAING-BAHAY. INUTUSAN SIYA NG INA NIYA NA MAGLUTO SIYA NG
LUGAW. KUMUHA SI PINANG NG ILANG DAKOT NA BIGAS, INILAGAY SA PALAYOK AT HINALUAN NG TUBIG.
ISINALANG NIYA ITO SA IBABAW NG APOY. INIWAN NIYA ANG NILULUTO AT NAGLARO NA. DAHIL SA
KAPABAYAAN, ANG ILALIM NG BAHAGI NG LUGAW AY NAMUO AT DUMIKIT SA PALAYOK. NAGPASENSIYA NA
LANG SI ALING ROSA. KAHIT PAPAANO NGA NAMAN AY NAPAGSILBIHAN SIYA NI PINANG.
NANATILI SA HIGAAN ANG MATANDANG BABAE GN ILANG ARAW PA. SI PINANG ANG NAPILITANG GUMAWA NG
MGA GAWAING-BAHAY. ISANG ARAW, SA PAGHAHANDA NG PAGLULUTO, HINDI MAKITA NI PINANG ANG
SANDOK. LUMAPIT SIYA SA INA AT NAGTANONG. NASUYA NA ANG INA SA KATATANONG NI PINANG. "NAKU,
PINANG SANA'Y MAGKAROON KA NG MARAMING MATA UPANG LAHAT NG BAGAY AY MAKITA MO AT HINDI KA
TANONG NANG TANONG!"
DAHIL GALIT ANG INA, HINDI NA UMIMIK SI PINANG. UMALIS SIYA UPANG HANAPIN ANG SANDOK.
KINAGABIHAN, NABAHALA SI ALING ROSA NANG HINDI PA BUMALIK ANG ANAK. NAGPILIT SIYANG
BUMANGONG UPANG KUMAIN. TINAWAG NIYA ANG ANAK NGUNI'T WALANG LUMALAPIT SA KANYA.
ISANG UMAGA, NAGWAWALIS NG BAKURANG SI ALING ROSA NANG MAY MAKITA SIYANG ISANG URI NG
HALAMAN NA TUMUBO SA SILONG NG KANILANG BAHAY. HINDI NIYA ALAM KUNG ANONG URI NG HALAMAN
IYON. BINUNOT NIYA AT ITINANIM SA KANYANG HALAMANAN. LUMAKI ANG NATURANG HALAMAN AT DI
NAGTAGAL AY NAMUNGA ITO. NAGULAT SI ALING ROSA SA ANYO NG BUNGA. ITO AY HUGIS ULO NG TAO NA
NAPAPALIBUTAN NG MATA.
BIGLANG NAALALA NI ALING ROSA ANG HULING SINABI NIYA SA NAWAWALANG ANAK NA MAGKAROON SANA
SIYA NG MARAMING MATA UPANG MAKITA ANG KANYANG HINANAP. TAHIMIK NA NANANGIS SI ALING ROSA.
NOON NIYA NAPAGTANTO NA TUMALAB KAY PINANG ANG KANYANG SINABI. GAYUNPAMAN, INALAGAANG
MABUTI NI ALING ROSA ANG HALAMAN AT TINAWAG NIYA ITONG PINANG BILANG PAG-ALAALA SA KANYANG
ANAK. NANG MAGLAON ANG BUNGA ITO AY TINAWAG NA "PINYA."

You might also like