You are on page 1of 15

Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa

pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon F6WG-1a-d-2

• Pansinin ang mga simbolo sa bawat larawan.


• Ano ang ibig sabihin ng sumusunod na mga
simbolo? Saan madalas makita ang mga
simbolong ito? Ano ang kapakinabangang
dulot ng mga simbolong ito? Sa iyong palagay,
nalalaman ba ng mga Pilipino ang mga
simbolong ito? Bakit hindi?
Basahin ang usapan ng mag-ama.
Joriz : Tay Kardo andami na pong basura sa likod
bahay. Itapon na po natin ang lahat ng ‘yun.
Mang Kardo : Joriz, anak tandaan mo hindi lahat
ng basura ay basura na. May mga basura na
maaari pa nating pakinabangan. Matutulungan
pa natin si Kapitan na maging maayos ang ating
paligid.
Joriz : Hala! Tulad ng ano po?
Mang Kardo : Halimbawa ang mga bote maaari
pa nating gamiting pandekorasyon tulad ng
plorera atbp. O di kaya ibenta natin. Ginagamit
rin ang mga lumang gulong at lata bilang
taniman ng mga halaman. Kulayan lang ito at
tiyak gaganda ang ating paligid. Noong bata pa
ako tinuruan ako ng aking mga magulang ng
wastong pagreresikulo ng mga basura. Kaya
ituturo ko naman sa iyo ito.
Joriz : Oo nga po naaalala ko na. Gawa sa mga
boteng plastik yung parol sa aming paaralan.
Pinakolekta kami ng aming mga guro ng boteng
plastik mula Hunyo hanggang Disyembre.
Tuwang-tuwa kaming magkakaklase sa aming
naipon. Pinagtulungan naming lahat ang pagbuo
ng parol na iyon.
Mang Kardo : Mahusay! Buti naman kahit
papaano ay naging bahagi ng gawain ninyo sa
klase ang pagreresikulo.
Joriz : Ano po ang pagreresikulo?
Mang Kardo : Ito ang proseso ng pagbubukod
ng mga nabubulok at hindi nabubulok. Ang mga
bagay tulad ng plastik, gulong, bakal at bote ang
mga bagay na hindi nabubulok at ilalagay natin
ito sa bukod na lagayan. Samantalang ang mga
balat ng prutas at gulay ay nabubulok. Maaari
nating gamitin bilang pampataba ng lupa ang
mga nabubulok samantalang ang mga hindi
naman ay lilinisin natin at gagamitin bilang
pandekorasyon at puwedeng ring ibenta.
Joriz : Ay! Ang galing po pala.
Marami pong salamat Itay.
• Ano ang napansin mo sa mga initiman na mga
salita?
• Ano ang tinutukoy ng mga ito?
• Ano ang magagalang na salita na ginamit sa
usapan
Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki- Tumutukoy ito sa pangngalang ukol
sa lalaki lamang.
Halimbawa: Gaudencio, Luis, Joriz, Pedro,
Juan,
2. Pambabae- Tumutukoy ito sa pangngalang
ukol sa babae lamang.
Halimbawa: Leticia, Maria, Agnes, Blossom,
3. Walang kasarian- tumutukoy ito sa
pangngalan ng mga bagay na walang buhay.
Halimbawa: pambura, lapis, papel, upuan
4. Di- tiyak- tumutukoy ito sa pangngalang hindi
tiyak ang kasarian
Halimbawa: anak, kapatid, doktor, abogado,
pulis
Pangkatang - Gawain
Balikan ang kuwentong “Ang Tambakan.”
• Pangkat 1- Isulat ang mga pangngalang ginamit
sa kuwento at tukuyin ang kasarian nito.
• Pangkat II-Gamitin ang mga pangngalan sa
isang usapan at tukuyin ang kasarian.
• Pangkat III- Gumawa ng tula batay sa
kuwento gamit ang pangngalan at
kasarian.
• Ano ang natutuhan mo sa aralin?
• Anong pagpapahalagang moral
ang ginamit sa usapan?
• Isaisip at isapuso ang wastong
pagreresikulo dahil ito ay ugat
ng malinis na pamayanan.
Pagtataya
Tukuyin ang kasarian ng pangngalang may
salunggguhit sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Magkasamang nagbukod ng basura ang mag-ama.
2. Nagturo ang guro ng wastong pagreresikolo ng
basura.
3. Pinagbukod-bukod ni Michelle ang mga nabubulok
sa hindi nabubulok.
4. Pinarangalan ang kanilang barangay bilang
pinakamalinis na barangay.
5. Tuwang- tuwa si nanay Leticia dahil sa paglilinis ng
kanyang mag-ama ng likod bahay.
TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng limang pangungusap. Bilugan ang
pangngalan at ibigay ang kasarian nito.

You might also like