ng Pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan
kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. sang lobo ang nahuli ng isang tigre. papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin nang bigla itong magsalita at tumutol. “Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!” “Bakit?” tanong ng tigre. Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sayo ang Diyos na naglalang sa akin. Paparusahan ka niya.” Ayaw maniwala ng tigre “sapagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw sa buong kagubatan”. “kung gayon, sabi ng lobo “sumama ka sa akin at papatunayan ko sa iyo!” SUmama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang kagubata na may ibat-ibang uri ng hayop. Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga hayop at lumisan ng takot na takot. Dahil ditto, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya totoong natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino. sang araw ay makikitang paikut-ikot sa gubat ang Leyon. Naghahanap siya ng pagkain sa pananghalian. Nang matanawan ang nakabiting inihaw na tapa ng Usa sa isang puno ng akasya ay dali-dali itong nagtatakbo. Sa kasamaang palad, bitag pala iyon ng mga mangangaso. Nakulong sa makakapal na lubid ang Hari ng kagubatan. Hindi siya makawala sa bitag. Pinilit niyang magdadamba pero napatali pati mga paa niya. Walang nagawa ang lakas ng Hari. Nagkataong nagdaraan ng tanghaling iyon ang Daga kasama ang kaniyang mga anak. Naisip ng Inang Daga ito ang oras na kailangang bayaran niya ang pinagkakautangan ng buhay. Dali-daling lumapit ang Daga at pinagngangatngat ang makapal na lubid sa paa ng Leyon. Inutusan niya ang mga anak na ngatngatin naman ng mga ito ang makakapal na lubid sa ulunan ng Hari. Sa tulung-tulong na pagkagat sa mga lubid ay napalaya ng mga Daga ang Leyon. “Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan mo,” pagpapakumbaba ng Leyon. “Totoo nga pala na kung may malalaking nakakatulong sa maliliit ay makatutulong din ang maliliit sa isang higanteng katulad ko.” Naging matalik na magkaibigan ang Daga at ang Leyon magmula noon. insan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili. sang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito. "O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata. At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya. Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila. sang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Maraming uri ng mga awitin. May mga awit tungkol sa pagdakila sa kanilang Bathala, pag-awit sa pagsisisi sa kasalanan, pag-awit upang sumagana ang ani, pag-awit sa pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag-awit sa pagpapatulog ng bata,pag-awit sa kasal, pag-awit bilang pagpuri sa kanilang mga ninuno. Ang dalagang Pilipina Parang tala sa umaga Kung tanawin ay nakaliligaya May ningning na tangi at dakilang ganda Bulaklak na tanging marilag Ang bango ayhumahalimuyak Sa mundo’y dakilang panghiyas Pang-aliw sa pusong may hirap Batis ng ligaya at galak Hantungan ng madlang pangarap Ganyan ang dalagang Pilipina Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta Bahay kubo, kahit munti Ang halaman doon ay sari-sari. Singkamas at talong, sigarilyas at mani Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa At
saka mayroon pang labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya sa paligid-ligid ay puro linga Manang Biday, ilukat mo man ‘ Ta bintana ikalumbabam Ta kitaem ‘toy kinayawan Ay, matayakon no dinak kaasian
Siasinnoka nga aglabaslabas
Ditoy hardinko pagay-ayamak Ammom ngarud a balasangak Sabong ni lirio, di pay nagukrad
Denggem, ading, ta bilinenka
Ta inkanto ‘diay sadi daya Agalakanto’t bunga’t mangga Ken lansones pay, adu a kita No nangato, dika sukdalen No nababa, imo gaw-aten No naregreg, dika piduten Ngem labaslabasamto met laeng
Daytoy paniok no maregregko
Ti makapidut isublinanto Ta nagmarka iti naganko Nabordaan pay ti sinanpuso
Alaem dayta kutsilio
Ta abriem ‘toy barukongko Tapno maipapasmo ti guram Kaniak ken sentimiento Sitsiritsit, alibangbang Salaginto at salagubang Ang babae sa lansangan Kung gumiri’y parang tandang Santo Niño sa Pandakan Putoseko sa tindahan Kung ayaw mong magpautang Uubusin ka ng langgam Mama, mama, namamangka Pasakayin yaring bata. Pagdating sa Maynila Ipagpalit ng manika. Ale, ale, namamayong Pasukubin yaring sanggol. Pagdating sa Malabon Ipagpalit ng bagoong. sang pangungusap, minsan ito'y isang tanong, minsan naman ay tula na madalas mayroong doble at nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Ito ay kadalasang nilalaro ng mga kabataan at ng mga nakakatanda. Ang bugtong ay tinatawag ding pahulaan, palaisipan o patuturan. Masarap gawin ang bugtong bugtongan o' pahulaan dahil masaya ito at nakakaaliw. Marami sa ating mga bugtong ay naglalarawan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, kaisipan at pag-uugali