You are on page 1of 32

Si Mario, si Ana, at ang Isda

“Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya ako
ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin,”
pagyayabang ni Paruparo.

“A, ganoon ba?” sabi ni Langgam.

“Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e,” sabi ni Paruparo.

“Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon,” mababa
subalit madiin ang tinig ni Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking gawain.”

Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.

Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May kasama
pang bagyo at baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring matagpuang
pagkain.

Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog at
dagat. Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin ang
pagbuhos ng ulan.

Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga.
Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin ang kalagayan
ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita?

Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa.


Mayamaya’y dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.
Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang
sarili: “Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala.”

Aral
 Wag gugulin sa paglilibang lamang ang magandang panahon. Isipin ang bukas na
darating at paghandaan ang mga maaring mangyari.
 Matutong mag-impok upang sa oras ng kagipitan ay may madudukot.
Si Paruparo at si Langgam

Pinulong niya ang mga ito at inutusang palakpakan siya kapag matagumpay na naakyat
na niya ang tuktok ng bundok. Iniutos din niyang kantiyawan sa mabagal na pag-usad ang
kalaban.

Maagang-maaga dumating sa paanan ng bundok ang maglalaban.

Maaga ring dumating ang iba’t ibang hayop na tuwang-tuwang makasasaksi ng isang
tunggalian.

Kapansin-pansing kung maraming kamag-anak si Pagong ay higit na maraming kamag-


anak ni Kuneho ang nagsulputan.

Nang sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng Alamid ang maglalaban. Ang mabilis na
pagbababa ng kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula na ang laban.

Sabay na gumalaw paakyat ng bundok ang magkalaban. Mabilis na tumalun-talon ang


mayabang na Kuneho paitaas na parang hangin sa bilis. Nang marating na niya ang
kalahatian ng bundok at lumingon paibaba ay natanawan niya ang umiisud-isod na
kalaban.

Maraming naawa sa mabagal na Pagong.

“Kaya mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay, nanay,
kuya, ate, at mga pinsan.

“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-anak


ni Kuneho.

Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa pag-isod.
Malayung-malayo na ang naakyat ni Kuneho. Nagpahinga ito ilang sandali upang tanawin
ang anino ng kalaban. Nang walang makitang anumang umuusad ay ngingisi-ngising
sumandal ito sa isang puno at umidlip.

Kahit na sabihing napakabagal umusad ay pinagsikapan ng Pagong na ibigay ang lahat ng


lakas upang unti-unting makapanhik sa bundok.

Nang matanawang himbing na himbing sa pagtulog ang katunggali ay lalong nagsikap


umisud-isod pataas ang pawisang Pagong.

Palabas na ang araw nang magising si Kuneho. Nanlaki ang mga mata nito nang
matanawang isang dipa na lamang ang layo ng Pagong sa tuktok ng bundok.

Litong nagtatalon paitaas ang Kuneho upang unahan si Pagong. Huli na ang lahat
sapagkat narating na ng masikap na Pagong ang tuktok ng tagumpay.

Aral:
 Walang imposible sa taong nagsusumikap.
 Huwag maging mayabang. Tandaan, ang taong nagmamataas ay lalong
bumababa at ang taong nagpapakababa ay siyang tinataas.
 Huwag magpaka-kampante sa isang labanan o tunggalian. Huwag mong hamakin
ang kakayahan ng iyong kalaban.
Ang Lobo at ang Kambing
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman
hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal
na dadalhin naman nito.

“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.

“Aba oo, payag na payag ako.”

“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa tuktok ng mataas na
bundok na iyon,” wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit hindi siya
nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na


ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila
, kaya bumagal ang lipad niya.

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya
natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo


niya ang mayabang na Agila.

Aral
 Huwag maging mayabang.
 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
 Maging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa.
 Gamitin ang talino sa tamang paraan.
Ang Alamat ng Kwago

Si Tandang Kadyong, hari ng karamutan ay nag-iisang


naninirahan sa gitna ng bakurang puno ng halaman.
Madalas ay hitik ng bunga ang kanyang puno ngunit walang
maaaring humingi dito dahil ubod ng damot ang matanda.

"Ipinagbibili ang mga bunga dito, hindi ipinamimigay." Iyan


lagi ang sabi ni Tandang Kadyong kapag may nagkamaling
humingi.

Isang umaga, may isang matandang babae na hindi taga-


nayon na napaligaw doon. Habang naglalakad siya ay
napadako sa may harapan ng bahay ni Tandang Kadyo.
Nagkataong nakakaramdam narin ang babae ng gutom at
pagod dahil sa mahabang paglalakad.

"Kay dami ng bunga ng bayabas! Mura lang naman ito,


palagay ko'y maaari akong humingi ng kahit isa o dalawa sa
may-ari."

"Hindi! Hindi ipinamimigay ito. Bukas lang ay darating na ang


suki kong tagabayan at bibilhing lahat ang mga bayabas na
ito."

"Kahit na sana isa lamang." samo ng babae


"Sinabing hindi! Wala! Pinaghirapan ko iyan at hindi ko
ipinamimigay sa iba." Sabay talikod ang lalaki at umakyat na
sa kanyang bahay.

Noon na ang huling pagkakita ng mga tao kay Tandang


Kadyo.

Pagkaraan ng ilang araw ng pagtataka dahil sa walang


nakakakita sa matanda, sinubukan ng isang bata na pumitas
ng nakalawit na bayabas. Walang nagalit.

Binuksan nila ang pinto ng bahay. Biglang lumipad na


palabas ang isang ibon. Napansin ng mga bata na malalaki
ang mata at tila naghahanap o di kaya ay nagbabantay.

"Anong ibon iyon?" Tanong nila.

"Kamukha ni Tandang Kadyo."

Naging Kuwago nga si Kadyo ngunit hanggang ngayon ay


binabantayan parin ang mga bunga na ipinagmamaramot
niya.

At iyon ang alamat ng Kuwago.


Alamat ng Paruparo

Magkapatid sina Rona at Lisa ngunit magkaibang-magkaiba


ang ugali nila. Masipag si Rona ngunit si Lisa ay walang
inaatupag kundi ang magpaganda.

Habang naglilinis ng bahay, nagluluto o naglalaba si Rona, si


Lisa ay nasa harap ng salamin, nagsusuklay, at nag-aayos
lagi ng sarili.

"Ate, tulungan mo naman ako. Ang dami kong labahing


damit. Karamihan naman ay sa iyo," sabi ni Rona sa kapatid
isang umaga.

"May gagawin pa ako. Kayang kaya mo naman iyan." Naisip


ni Lisa na pipitas na siya sa hardin ng bulaklak na
maipapalamuti sa kanyang buhok.

Pumunta na nga si Rona na mag-isa sa tabing ilog para


maglaba. Si Lisa ay bumaba sa kanilang hardin sa harapn
ng bahay. Habang pinipili niya kung aling bulaklak ang
magandang iipit sa buhok, may matandang babae na
lumapit sa tarangkahan.

"Ineng, maari mo ba akong malimusan?" samo ng matanda.

"Wala! Wala akong maililimos," pakli ni Lisa na patuloy sa


paghahanap ng mailalagay sa buhok.
"Kahit na kapirasong tinapay. Ako lamang ay gutom na
gutom na."

"Sinabi nang wala!" sigaw ni Lisa, sabay pagpitas sa isang


bulaklak na maganda ang kulay.

Nagalit ang matanda "Hindi ka lang pala tamad, maramot ka


pa at walang galang sa matanda. Gagawin kitang tulad
niyang hawak mong bulaklak ngunit isang kulisap."

Engkantada pala ang matandang babae.

Nang bumalik sa bahay si Rona, hinanap niya ang kapatid.


Pumunta siya sa hardin dahil alam niyang mahilig ito sa mga
bulaklak. Subalit wala si Lisa. Ang napasin ni Rona ay ang
paruparong lumilipad-lipad sa ibabaw ng mga bulaklak.

At iyon ang alamat ng paruparo.

Alamat ng Pusa at Uwak


Ito ang alamat ng Pusa at Uwak.

Noong unang panahon, may mag-asawang marami ang


anak. Dahil sa subsob sa mahirap na gawain ang ama sa
bundok, siya'y nagkasakit at namatay.

Nag-asawang muli ang ina, ngunit isang malupit na lalaki.


Lagi niyang pinagagalitan at sinasaktan ang mga bata.
Marami siyang iniuutos na gawin ng mga ito. Kaunti lamang
pati ang pagkaing ibinibigay sa kanila.

Matagal na hirap ang pinattiisan ng mga bata. Isang araw na


nasa bundok sila, naisipan nilang humiling sa lumikha, "O,
Kabunian, papagbaitin po ninyo sa amin ang aming ina at
ama. Malaon po kaming pinagtitiis nila."

Nang umuwi sila sa bahay, hindi nila natagpuan ang mag-


asawang mapaniil. Sa halip ay nakita nila sa harapan ng
bahay ang isang pusa at sa itaas ng puno ang isang uwak.

Iyan ang kinahinatnan ng mag-asawang pangit ang mga


ugali.

Ang Manok at ang Uwak


Alam ba ninyo kung bakit ang manok ay lagi nang
nagkukutkot sa lupa? Alam din ba ninyo kung bakit kapag
may lumilipad na uwak sa itaas ay takot na takot ang inahing
tatawagin sa ilalim ng pakpak niya ang mga sisiw? Ganito
ang pangyayari:

Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak.


Madalas dumalaw ang uwak kay inahin at makipaglaro sa
mga sisiw nito. Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng
manok na may magarang singsing ang ibon.

"Uy, pahiram naman ng singsing mo. Ang ganda-ganda!"


sabi niya sa uwak na mabilis na lumipad uli, pagkabigay sa
kanya ng singsing.

Naglalakad ang inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa


ibang hayop ang singsing niya nang lumapit ang isang
tandang.

"Bakit mo suot iyang di sa iyo? Iyang uwak pati ay hindi


manok tulad natin, kaya hindi ka dapat makipagkaibigan
diyan. Itapon mo ang singsing!"

Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin ang singsing.


Kinabukasan, napansin agad ng uwak na di niya suot ito.

"Nasaan ang singsing ko?" tanong ng ibon.


"Ewan ko," takot na sagot ng manok.

"Naglalakad lang ako ay bigla nalang nawala sa mga kuko


ko. Maluwag kasi."

Nahalata ng uwak na nagsisisnungaling ang manok dahil


nanginginig ito. "Alam ko, itinapon mo siguro dahil ayaw mo
na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa akin.
Habang hindi mo naisasauli ang singsing, kukuha ako ng
makikita kong sisiw mo at ililipad ko palayo."

Buhat nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa


para hanapin ang itinapong singsing. Pati ibang mga manok,
sa pakikisama sa kanya, ay naghahanap din.

Kapag may lumilipad na uwak sa itaas, mahigpit ang tawag


ng inahin sa mga sisiw at tinatakluban agad ng mga pakpak
dahil baka dagitin ng uwak.

Alamat ng Saging
Naglalaba si Maring sa tabing ilog, at umaawit habang
kinukusot ang mga damit, nang mapansin niyang may
binatang nasa likuran niya.

"Kay ganda ng boses mo," bati ng binata.

Hindi agad nakasagot ang nabiglang dalaga, ngunit maya-


maya'y ngumiti at nagsabi, "Hindi naman po. Nililibang ko
lang po ang aking sarili para hindi gaanong mapagod."

Umupo ang binata sa malaking bato sa tabi ng tubig at


binantayan ang paglalaba ng dalaga. Mula noon ay madalas
na silang nagkikita. Hinihintay ng binata habang ang
dalaga'y naglalaba at dinadala ang palanggana ng damit sa
paghahatid sa kanya.

Di nga naglaon, naging magkasintahan ang dalawa. Ilang


buwan din silang nagmahalan. Isang umaga, malungkot na
sinalubong ng binata si Maring.

"Maring, mahal ko," sabi niya, "Aalis ako ngayon.Uuwi at


may pasabi sa akin na pinapatawag daw ako ng aking ama."

"Saan?" tanong ng balisang dalaga. "Saan ka uuwi?


Sasama ako."

"Babalik din ako. Hindi ka maaring sumama dahil iba ang


mundo ko."

"Bakit iba? Tagasaan ka ba?"


"Engkantado ako. Hindi ka makakapasok sa tinitirahan ko.
Sige, aalis na ako."

Hinawakan ni Maring ang kamay ng lalaki. "Huwag mo


akong iwan. Paano ako?" sa pagpigil niya sa kamay ng
lalaki, biglang natanggal ito at naiwang hawak niya. Ang
binata ay naglaho sa kanyang paningin.

"Naku, ano ba ito?" Halos nawala sa ulirat si Maring. "Anong


gagawin ko sa kamay na ito?"

Naisipan niyang ibaon sa tabi ng batong laging inuupuan ng


mahal niya. Kinakukasan, nang tingnan niya kung ano ang
nangyari sa ibinaong kamay, ang nakita niya ay isang
mataas nang halaman. May mga bunga na tila mga galamay
ng tao.

Hindi na niya muli pang nakita ang kasintahan. Ang tanging


nagpapaalala nalang sa naunsiyaming pag-ibig ay ang puno
na naglaon ay tinawag nang saging. At iyon nga ang alamat
ng saging.

ANG MANOK AT ANG LAWIN (Kuwentong-


bayan / Folktale)

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan,


nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang
gamitin niya so pista so kabilang nayon. Naroon si Tandang at
ibig niyang maging maganda so paningin nito. Tinanggal ni
Lawin ang suot niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing
Manok.
"Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok.
Napakahalaga niyan, sapagkat bigay pa iyan so akin ng aking
Ina." Maluwag so daliri ni Inahing Manok ang hiniram na
singsing ngunit isinuot na rin niya ito. Salamat, Lawin." wika ni
Inahing Manok. "Asahan mong ingatan ko ang iyong singsing."

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing


Manok.

Isinuot niya ang hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang


nayon. Maraming bisita si Tandang at nagsasayawan na sila
nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni tandang si
Inahing Manok ay kaagod niyang sinalubong ito at isinayaw.

Masaya ang pista, Sari-sari ang handa ni Tandang. Tumagal ang


sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin


niyang nawawala ang hiniram niyang singsing kay Lawin.
Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang hiniram
niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig
doon ang ginawa ni inahing manok. Ngunit hindi niya makita
ang nawawalang singsing. Nagalit si lawin at sinabi na kapag
hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at
dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok so nawawalang


singsing. Maging ang iba pang Inahing manok ay naghahanap
na rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang
kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang
tuluyan nang magkagalit si Lawin at si Inahing manok.
Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit
magkagalit pa rin ang humaliling mga Inahing Manok at Lawin.
Magmula na noon hanggang so kasalukuyan ay di pa nakikita
ang nawawalang singsing kaya kaya dinodagit pa ng Lawin ang
mga sisiw ng Inahing Manok.

Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang

Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang


mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag pulang-
pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas
ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.
Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo
sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang ama ay nakilala
ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas
nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong
Salamangkero ang kanilang bagong kanayon. Bukod sa
pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting
makisama sa mga taga nayon si Iskong Salamangkero.
Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na
siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.
Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng
anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at palabihis. Ibig ni
Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita.
Lagi na lamang siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos
ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng
pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi
pa rin niya pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili.
Kapag siya ay pinagsasabihan at

pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot


niya ito.
Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero
mula sa sinasakang bukid na pagod na pagod at gutom na
gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam
si Pedrito. Tinawag niya ang anak ngunit walang

sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa


harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang
suklay at nagsusuklay ng buhok.
Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom
na gutom na ako, anak, wika ni Iskong Salamangkero.
Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot
ito.
Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto.
Ako ay hindi pa nagugutom. At nagpatuloy ng pagsusuklay
si Pedrito ng kanyang buhok.
Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak.
Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang pulang suklay.
Inihampas niya ito sa ulo ng anak at
malakas niyang sinabi: Mabuti pang wala na akong anak
kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la
na lamang nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay
mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni
Isakong Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.
Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na
salamangkero, biglang naging tandang ang anak na tamad
at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging
pulang palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin
ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

Kung Bakit Kayumanggi ang mga


Pilipino(Kuwentong-bayan / Folktale)

Minsan, tinanong ko ang aking nanay kung bakit kulay


kayumanggi ang kulay ng balat ko tulad ng balat nila ni
tatay, ng mga kapatid ko at ng mga kalaro ko. Isang
magandang kuwento ang kanyang isinagot sa tanong kong
ito. Sinimulang niya ang kanyang kuwento sa paglikha ni
Bathala ng iba't ibang bagay sa daigdig.
Ayon sa Nanay ko, dating nag-iisa sa daigdig si Bathala.
Malungkot si Bathala sa Kanyang pag-iisa kaya nilikha Niya
ang liwanag. Pagkatapos, nilikha Niya ang langit at lupa.
Ngunit hindi pa rin nasiyahan si Bathala kaya nilikha naman
Niya ang araw, buwan at mga bituin. Pagkatapos nilikha
Niya ang ilog, sapa, talon at dagat.
Maganda na ang daigdig ngunit wala pa ring buhay ito,
wika ni Bathala. Kaya nilagyan Niya ang lupa ng mga
pananim, ng mga punungkahoy at mga bulaklak. Isinabog
Niya ang mga ibon, paruparo at mga kulisap na naglipad-
lipad ang mga ito sa himpapawid. Idinagdag pa ni Bathala
ang iba't-ibang hayop sa lupa at pinalangoy

Niya sa dagat at mga ilog ang iba't-ibang isda. At


nasisiyahang pinagmasdan ni Bathala ang Kanyang mga
nilikha.
Makulay at may buhay na ang daigdig.
Sayang ang kagandahang ito kung walang makakakita
nito. Sayang kung walang mag-aalaga at maninirahan sa
daidig, wika ni Bathala. Gagawa ako ng tao. Gagawin ko
siyang kamukha ko.
Dumakot si Bathala ng malaking tipak na lupa. Minasa
Niya ito at saka nililok. Pagkatapos, inilagay niya ito sa
pugon upang lutuin. Nag-antay Siya ng ilang sandali.
Dahil sa kasabikang makita kaagad ang taong Kanyang
ginawa, kinuha agad Niya ito sa pugon.
Ay! Maputla ang kulay! Hilaw pa ang pagkakaluto. Malaki
siguro ang tipak ng nililok kong lupa kaya hindi agad
naluto, wika ni Bathala.
Muling dumakot ng lupa si Bathala. Maliit ito kaysa sa una
niyang ginawa. Muli Niyang nililok at pagkatapos ay
inilagay Niya ito sa pugon.
Ngayon, ihuhurno ko ito sa pugon ng matagal. Hindi ko
agad hahanguin upang hindi mahilaw tulad ng unang taong
ginawa ko, sabi ni Bathala.
At binantayan ni Bathala ang pagluluto sa pugon. Dahil sa
kakapaguran, nakatulog si Bathala. Nagising lamang siya
dahil sa amoy ng nasusunog na putik. Madali niyang
hinango ito sa loob ng pugon.
Naku, nasunog! Lubhang nangitim ito dahil sa
pagkasunog, wika ni Bathala.
Sa ikatlong pagkakataon, muling dumakot ng putik si
Bathala. Katamtaman lamang ito. Hindi malaki at hindi rin
maliit. Pagkatapos, inilagay Niya ito sa pugon at
binantayan niya ito nang mabuti. Isinaalang-alang niya
ang haba ng oras sa pagluluto. Nang inaakala Niyang ito'y
luto na ay saka Niya hinango.
Kayganda! Tamang-tama ang sukat at anyo. Tamang-
tama rin ang pagkakaluto nito, nasisiyahang wika
ni Bathala. Hindi sunog, hindi hilaw, kayumangging tunay.
Nakalbo ang Datu
(Kuwentong-bayan / Folktale)

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim.


May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol
sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay
maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung
makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae
at ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod
sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa
pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang
mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo
na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya
ng anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang
buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng
magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa
tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang
bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit
hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi
dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa
wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit
niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.


Siya ay batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda
na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal
din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat
hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu,
umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang
asawa.
Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing
mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting
buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang
datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa.
Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu.
Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting
buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang
magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag
tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na
buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa,
siyang-siya sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang
datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-
asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla
nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang
kanyang sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni
Farida.

Si Mariang Mapangarapin
(Kuwentong-bayan / Folktale)
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla.
Masaya at matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na
siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap
siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa
malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising.
Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa
ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa
pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang
dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan
niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang
manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng
kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang
pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at
pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.
Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba.
At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na
magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay
ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw


na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria.
Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok
araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na
ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng
pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria
sa kanyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok
sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At
isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.
Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa
daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili
niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili
siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang
bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.
Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-
kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si
Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak.
Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng
limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Bugtong
Salawikain
Pabula
kwentong
bayan
alamat

You might also like