Professional Documents
Culture Documents
May akda: 1957, Manuel E. Arguilla (author of How My Brother Leon Brought Home a Wife)
and Lyd Arguilla wrote the book Philippine Tales and Fables
Buod:
Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta ka sa
palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian.” Binigyan ng ina si
Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.
Nang makarating si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang
mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang tindera ng alimango
at nagpasalamat siya.
Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay
nila sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may
malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya’t naipasya niyang
paunahin nang pauwiin ang mga alimango.
“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming
bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang
bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo.”
Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang
mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay
nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo.
Naramdaman niyang kumakalam ang kanyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan.
Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno
ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa
tarangkahan.
“Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. “Juan, ano ang
ibig mong sabihin?”
“Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.”
Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi
nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi
katulad ng mga tao na may isip ay naliwanagan si Juan na mali nga ang ginawa niyang
pagpapauwi sa mga alimango.
Magandang aral:
Ulat Pambahay 3
Pamagat ng Kwento: Ang Alamat ni Juan Tamad
May akda: 1957, Manuel E. Arguilla (author of How My Brother Leon Brought Home a Wife)
and Lyd Arguilla wrote the book Philippine Tales and Fables
Tagpuan: sa nayon
Mga Tauhan: Si Juan, si Maria, ang ina ni Juan, at mga magulang ni Maria
Buod:
Sa isang nayong ay may mag - inang simpleng naninirahan sa isang kubo. Ang ina ay
abala sa mga gawaing bahay. Samantalang ang anak nito na si Juan ay walang ibang alam
gawin kung hindi ang matulog. Si Juan ay isang batang napakakupad at saksakan ng tamad.
Kaya sya ay binansagan ng kanyang ina ng "Juan Tamad."
Isang araw, si Juan ay nagnais kumain ng bunga ng bayabas, ngunit sa halip na pitasin
nya ito ay pinili nyang humiga sa tapat at hintaying bumagsak ang bunga ng bayabas. Nakita
ng isang dalaga ang kanyang ginagawa at sa paglapit ay pinitas nya ang bunga ng bayabas.
Sya ay si Maria - kilala bilang si Mariang Masipag. Sinabihan nya si Juan na mali na maging
tamad. Nang magmulat ng mata si Juan, agad syang humanga sa ganda ni Mariang Masipag.
Kinabukasan ay umakyat ng ligaw si Juan kay Mariang Masipag. Agad naman syang
kinapanayam ng ina nito. Tinanong si Juan kung bakit sya nakilalang si "Juan Tamad."
Ibinahagi ni Juan ang mga kadahilanan kung bakit sya tinawag na Juan Tamad.
Unang dahilan: Noong sya ay pinagtinda ng kanyang ina ng puto. Dahil sa sobrang init
ng araw at kapaguran ay pinili nyang mamahinga kaysa magtinda. Habang nagpapahinga ay
kinakain ni Juan ang paninda para malaman kung ito ay talagang masarap. Maya - maya pa ay
nakita nya ang dalawang gutom na palaka. Naawa siya sa mga ito kaya pinakain nya ang lahat
ng tinda nyang puto. binitbit nya ang mga palaka sa kanyang pag - uwi sa pag-aakalang hindi
sya mapapagalitan ng kanyang ina. Nagalit ang kanyang ina sa ginawa ng anak at pinagbabato
sya ng mga kagamitang pambahay.
Umuwi si Juan na taglay ang maraming sugat. Hinanap ng ina ang napagbentahan sa
palayok. Kaya nagsinungaling na naman si Juan. Nagalit lalo ang kanyang ina at bilang parusa
ay pinaluhod si Juan sa asin upang magtanda. Pagkatapos nito ay inutusan ng ina si Juan na
bumili ng asin upang may magamit sa pagluluto.
Sa daan pauwi, natanaw ni Juan ang ilog. Nagdalawang-isip syang maligo dahil baka
manakaw ang dala nyang asin. Ngunit naisip nyang ilubog ang asin na malapit sa dalmpasigan
habang siya ay naliligo. Nang makita nyang natunaw ang asin ay umuwi syang bitbit ang supot
at sinabi sa ina na ito ay nanakaw. Galit na galit na naman ang kanyang ina.
Nang makauwi si Juan ay hinanap ng ina ang mga pinabiling alimango. Laking gulat ni
Juan dahil hindi p nakakarating ang mga alimango. Napaupo sa tabi ang kanyang ina, lumong-
lumo sa nangyari at dala ng katandaan ay sumakit ang puso nya dahil sa paulit-ulit na gawain
ng anak.
Ito ang simula ng kanyang pagbabago. Sinubok ng mga magulang ni Maria ang
katatagan at determinasyon ni Juan. Pinagtrabaho nila ito at matagumpay naman na naisagawa
ni Juan ang lahat. Lagin na syang gumagawa ng tama. Naikasal sila ni Mariang Masipag at nang
tumagal ay hindi na "Juan Tamad" ang tawag sa kanya kung hindi "Juan Tama" dahil laging
tama na ang kanyang ginagawa.
Magandang aral: Gaano man kasama ang ugali ng isang tao, darating din ang panahon na
siya ay magbabago.
Ulat Pambahay 4
Noong unang panahon, may isang batang ubod ng pilyo at pakialamero sa lahat ng bagay.
Marami tuloy ang nagagalit, kaya madalas mapalo at mapagalitan si Kiko ng ama't ina.
Gayunpaman, wala ring kadala-dala ang batang ito na lalong tumigas ang ulo at wala pang galang
sa matatanda. Dahil dito, walang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Palibhasa'y walang
kalaro, ang mga hayop na lang ang ginawang libangan nito. Ang maaamong hayop ay nagiging
mailap dahil sa pananakit ni Kiko. Kalaunan, pati ang tanim ng may tanim ay lihim nitong sinisira.
Isang araw, habang nagwawalis ng bakuran ang ina ay lumapit si Kiko sa punso at walang
sabi-sabing winasak ito. Galit na galit ang ina sa anak.. Pagkatapos ay abut-abot ang kanyang
paghingi ng paumanhin sa mga duwende.
"Mga nuno, patawarin po ninyo ang aking anak. Hinding-hindi napo siya uulit. Mag-babait
na po siya. Pangako po."
Pinangaralang mabuti ng ina si Kiko na huwag uulitin ang ginawang paglapastangan nito
sa punso dahil masamang magalit ang mga lamang-lupa.
Subalit kinabukasan, matapos isuga ang kalabaw ay bayawak naman ang napagtuunan
ng pansin ng batang sutil. Sinundan ito ngunit nawala nang sumuot sa nakausling ugat ng puno.
Hawak ang tirador ay sinaliksik ni Kiko ang buong paligid.
Laking galak nito nang matagpuan ang maraming itlog ng bayawak, at tuwang-tuwa na
tinirador ang mga itlog. Biglang nagulat ang bata nang lumitaw sa harp niya ang isang duwende.
"HOY! BATANG SALBAHE, BAKIT MO BINASAG ANG MGA ITLOG? HINDI MO BA ALAM NA
MAY BUHAY SALOOB NITO? SA GINAWA MONG IYAN, KITA'Y PARURUSAHAN. MAGIGING KALAHI
KA NG BAYAWAK...!"
"Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait napo ako, peks man."
Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing dapithapon. Panahon na lang ang
hahatol kung nararapat na ngang ibalik sa dating anyo si Kiko. Para sa mga duwende, mabuti
nang manatili itong butiki sa habang panahon. (HOY! BATA, GUSTO MO MAGING BUTIKI?)
Magandang aral: Igalang at huwag saktan ang mga hayop at halaman na makikita sa
kapaligiran dahil sila rin ay katulad ng tao na nabubuhay.
Ulat Pambahay 6
May akda: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and
other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 84-85.
Buod:
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano
pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na
inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok
araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang
manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa
limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya
ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili
niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi
niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda
ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka
siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Magandan aral: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan.
Ulat Pambahay 5
May akda: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and
other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 77-78.
Tagpuan: sa isang bakuran na may mga punongkahoy
Mga Tauhan: Ang mabungang Santol, ang mayabong na Mangga, ang mabulaklak na Kabalyero,
ang mabungang Niyogmat ang payat na Kawayan
Buod:
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit
malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika
ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at
bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Ulat Pambahay 5
Buod:
Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura
ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay
maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang
pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang
datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng
matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang
datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda
na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang
mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni
Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at
napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng
datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim
niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Ulat Pambahay 6
May akda: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and
other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 45-47.
Tagpuan: sa daigdig
Buod:
Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita
kung papano magsilaki ang mga ito.
Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang
itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.
Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang
gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.
Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya sa
dalawang ito.
Matamang nag-isip si Bathala.
Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang kanyang
bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo,
nararapat lamang na ang mga bunga nito’y maliliit lamang. Wika ni Bathala.
Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga. Agad niyang
nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si
Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t
natatakpan sa malalapad na dahon.
Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At napatunayan niyang
tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog man ito’y hindi malalaglag dahil
ang puno ay gumagapang lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi
masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang ito’y malayo sa
araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat ito’y malapit sa araw.