Professional Documents
Culture Documents
(Mula sa maikling kwentong “Why Women Wash the Dishes ni Filomena Colendrino.
Isinaayos para sa dulang kuwento ni Prof. Nick Agudo, at isinalin sa Filipino ni Bb. Nerisa Sarmiento.)
KA UGONG: “Ako, aba, buong umaga na nga akong nag-aararo sa bukid, ayoko ng
maghugas isa mang pinggan.”
KA MALDANG: Malaki rin ang kanyang boses. “At sino, Hugo ang naghuhugas ng mga
pinggan”, ang kanyang tanong.
KA UGONG: “Ikaw.” Ang mahina niyang sagot. “Ikaw ang babae. Ikaw ang dapat
magtrabaho sa bahay.”
KA MALDANG: “At ano ang gagawin mo?” tanong ni Ka Maldang, “matapos na maitali ang
kalabaw sa damuhan para manginain ay mahihiga ka lamang, mahirap bai
yon? Ako na nga nag nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga
damit mo pati pagbubunot ng sahig. Lahat ng trabaho ng alila inaako ko na
tapos ngayon ayaw mo pang maghugas ng pinggang kinainan mo.”
KA MALDANG: Tinitigan niya si Ka Ugong at ang kanyang walis. Kinuha ang walis. Kinuha
ang walis, itinaas ito at hinabol si Ka Ugong na nagsisisigaw, “ikaw tamad
na lalaki”.
1
KA UGONG: Sumuot si Ka Ugong sa ilalim ng mesa. “Hintay huwag mo akong
hambalusin”.
KA UGONG: “Sandali lang huwag mo akong paluin. Making ka.” Sabi ni Ka Ugong. “May
naisip akong paraan na makalulutas sa problema ng paghuhugas ng
pinggan.” Nanatili pa rin siya sa ilalim ng mesa.
KA MALDANG: “Lumabas ka riyan at ipakilala mo ang iyong pagkalalaki. Hindi iyang para
kang pusang nangingingiyaw sa ilalim ng mesa.”
KA MALDANG: “Sige, sige. Llabas diyan.” Itinabi ni Ka Maldang ang walis sa likod ng pinto.
KA MALDANG: “Oh, ano ang sasabihin mo?” tanong ni Ka Maldang habang nagpupunas ng
knyang mga mata.
KA MALDANG: “Ganoon lang? Ang unang magsalita ang siyang maghuhugas ng pinggan,
palayok, at kawali lagi.”
KA UGONG: “Tama!” sambit ni Ka Ugong, “Kapag nagsalita ka isa mang kataga sa akin,
o kanino man o sa alin man pagkatapos kong sabihin ang salitang
“Umpisa”, ikaw ang palaging maghuhugas ng pinggan.”
KA MALDANG: “Madali yan, maisasara ko ang aking bibig kahit isang lingo. Ikaw, hindi!
Kahit kalabaw kinakausap mo.”
KA UGONG: “Umpisa!”
TAGAPAGSALAYSAY: At sila’y kapawa tumahimik. Nagtitigan sila sa harap ng mesang may hindi
nahuhugasang mga pinggan, baso, at kutsara. Ayaw nilang iwan ang isa’t
isa sa takot na baka magsalita ang isa sa kanila. Nagtitigan na lamang sila.
Di nagtagal, ngumiyaw ang pusa nila na tila naghahanap ng pagkain. Sino
man kina Ka Ugong at Ka Maldang ay di nagbigay panssin sa kanyang
ngiyaw. Lumundag ang pusa sa mesa at dinilaan ang maruming pinggan.
Hindi ito binugaw ni Ka Maldang, gayun din ni Ka Ugong. Hinimod ng pusa
ang mga pinggan, tumalon sa kalan, dinilaan ang palayok at kawali,
nasanggi ang kapitera, tumapon ang laman pagkatapos ay natulog sa ilalim
2
ng mesa. Ipinalagay ni Ka Ugong na walang nanggyari. Nanatili siyang
nakaupo gayundin si Ka Maldang. Unti-unting lumubog ang araw ngunit
patuloy pa rin silang walang kibuan. Halos namumugto ang kanilang mga
mata sa pagtititigan. Aba, biglang naluha ang ang dalawa. Basang-basa na
ng pawis ang kamiseta ni Ka Ugong. Pinagpapawisan na rin ang noo ni Ka
Maldang. Tumulo sa kanyang pisngi, pumatak ng pumatak sa kanyang
dibdib. Biglang tumawag ang kapitbahay.
KAPITBAHAY: “Pero bakit naiwan ang hagdan dito. Dati-rati naman ay inaalis nila ito kung
sila’y lumabas ng bahay. Kukunin ko na lamang ang plantsa at saka ko na
lang isasauli.” At pumanhik ang kapitbahay. Nang siya’y makapanhik,
nagtaka siya sa nakita - - - sina Ka Ugong at Ka Maldang na nakaupong tila
estatwa sa harapan ng mesa kung saan naroon pa ang pinagkainan na
hindi pa nahuhugasan. Nagmamadali siyang lumapit sa mag-asawa.
“Anong nangyari sayo kompadre? Anong nangyari?” tanong ng kapitbahay
kay Ka Ugong.
KAPITBAHAY: Muling nagtanong ang kapitbahay. “Anong nangyari sa inyo?” niyugyog niya
ang balikat ni Ka Ugong.
TAGAPAGSALAYSAY: Hinayaan ni Ka Ugong na siya’y yugyugin at lalo pang itinikom ang bibig.
3
UNANG LALAKI: Isa-isan nilang pinagsikapan mapagsalita ang dalawa.
KA UGONG: Ipinikit din niya ang kanyang mga mata para maiwasan ang mga
kapitbahay.
ALBULARYO: Ang sabi ng albularyo, “Aha, ang espiritung lumulukob sa kanya ay matigas
ang ulo. Kailangan paglabanan ko ito.”
ALBULARYO: Pinili niya ang mga dahong may pare-parehong tubo ng ugat.
4
ALBULARYO: “Ito ang nawawalang espiritu ng mag-asawa” ang kanyang sabi. Isinubo
niya ang nganga.
ALBULARYO: At ni Ka Maldang.
ALBULARYO: “Aray!”
TAGAPAGSALAYSAY: Ang gabi’y sumapit sa nahihintakutang bayan. Ganoon na lamang ang takot
ng mga ito sa pagkat sinabi ba naman ng albularyo na maaaring mailipat pa
sa ibang taga-baryo ang sumpa bukod sa mag-asawang Maldang at Ugong.
Muli niyang tinawag ang mag-asawa. Sa umpisa’y mahina.
5
PANGATLONG BABAE: Itinikom pa ang kanyang bibig.
ALBULARYO: “Sila’y ating ililibing pagsikat ng araw. Ang iba’y kailangan magbantay
ngayong gabi”, ang kanyang sabi.
PANGALAWANG BABAE: Bigla siyang dumilat habang nagtutulungan ang mga kapitbahay at ang
albularyo na siya’y buhatin.
KA UGONG: Hindi ninyo siya kayang buhatin. Mabigat yan! Wika niya sa kanyang isip.
KA MALDANG: Kinuha ni Ka Maldang ang takip ng ataul upang ihambalos sa ulo ng asawa.
***WAKAS***