TAGAPAGSALAYSAY: Sa bayan ng St.Rosa ay may nakatirang mag-asawang
nagngangalang Hugo at Imelda. Sa tuwing sila’y kakain ay lagi na lamang nilang pinag- aawayan ang paghuhugas ng pinggan. Kung tatanggi si Hugo, pagagalitan naman siya ni Imelda. Kung anu-anong pangalan ang itinatawag niya kay Hugo, at kung ang huli’y sasagot, tutugisin ni Imelda ang pobreng si Hugo ng walis tingting. Tatakbo naman si Hugo sa bahay ng kaniyang kumpadre at doon magpapalipas ng galit ni Imelda. Nakasanayan ng tawagin ng kanilang mga kapitbahay ang bugnuting si Imelda na “Ka Maldang” at si Hugo “Ka Ugong”. Isang araw, ng malapit na silang matapos kumain, sinabi ni Ka Ugong. KA UGONG: Ayoko ng maghugas ng mga pinggan. KA MALDANG: At sino? KA UGONG: Ako, aba, buong umaga na nga akong nag-aararo sa bukid, ayoko ng maghugas ng mga pinggan. TAGAPAGSALAYSAY: Tumayo si Ka Maldang. Namaywang at hinarap si Ka Ugong. Malaki ang kanyang braso. Mataba yata siyang babae. Malaki rin ang kanyang boses. KA MALDANG: At sino mang Hugo ang naghuhugas ng mga pinggan. KA UGONG: Ikaw, ikaw ang babae, ikaw ang dapat magtrabaho sa bahay. KA MALDANG: At ano ang gagawin mo? Matapos na maitali ang kalabaw sa damuhan para manginain ay mahihiga ka na lamang mahirap naba iyon, ako na nga ang nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit mo pati pagbubunot ng sahig. Lahat ng trabaho ng alila inaako ko na, tapos ayaw mo pang maghugas ng pinggang kinainan mo. KA MALDANG: Tinitigan niya si Ka Ugong at ang kanyang walis. Kinuha ang walis itinaas ito at hinabol si Ka Ugong na nagsisisigaw ng ikaw, ikaw tamad na lalaki. KA UGONG: Hintay huwag mo akong hambalusin. KA MALDANG: Labas diyan duwag. KA UGONG: Sandali lang huwag mo akong paluin. Making ka. May naisip akong paraan na makalulutas sa problema ng paghuhugas ng pinggan. KA MALDANG: Lumabas ka riyan at ipakilala mo ang iyong pagkalalaki. Hindi iyang para kang pusang nagngingiyaw sa ilalim ng mesa. KA UGONG: Itabi mo muna ang iyong walis. KA MALDANG: Sige, sige. Labas diyan. TAGAPAGSALAYSAY: Itinabi ni Ka Madlang ang walis sa likod ng pinto. Umupo si Ka Ugong, katapat ni Ka Maldang sa mesa. KA MALDANG: O, ano ang sasabihin mo? KA UGONG: Huwag na nating pag-awayan ang paghuhugas ng pinggan. Magkasundo tayo, ang unang magsalita pagkatapos kong sabihin ang salitang “Umpisa ang siyang maghuhugas ng pinggan lagi. KA MALDANG: Ganoon lang? Ang unang magsalita ang siyang maghuhugas ng pinggan, palayok, at kawali lagi. KA UGONG: Tama! Kapag nagsalita ka isa mang kataga sa akin, o kanino man o sa alin man pagkatapos kong sabihin ang salitang “Umpisa” ikaw ang palaging maghuhugas ng pinggan. KA MALDANG: Madali iyan, maisasara ko ang aking bibig kahit isang lingo, ikaw, hindi! Kahit kalabaw kinakausap mo. KA UGONG: O sige handa kana ba? Umpisa. TAGAPAGSALAYSAY: At sila’y kapwa tumahimik. Nagtitigan sila sa harap ng mesang may di pa nahuhugasang mga pinggan, baso at kutsara. Ayaw nilang iwanan ang isa’t isa sa takot na baka magsalita ang isa sa kanila. Nagtitigan na lamang sila. Di nagtagal, ngumiyaw ang pusa na tila naghahanap ng pagkain. Sino man kina Ka Ugong at Ka Maldang ay di nagbigay pansin sa kanyang ngiyaw. Lumundag ang pusa sa mesa at dinilaan ang maruming pinggan. Hindi ito binugaw ni Ka Maldang, gayon din ni Ka Ugong. Hinimod ng pusa ang mga pinggan, tumalon sa kalan, dinilaan ang palayok at kawali, nasanggi ang kapitera, tumapon ang laman pagkatapos ay natulog sa ilalim ng mesa. Ipinalagay ni Ka Ugong na walang nangyari. Nanatili siyang nakaupo gayundin si Ka Maldang. Unti-unting lumubog ang araw ngunit patuloy pa rin silang walang kibuan. Halos namumugto ang kanilang mga mata sa pagtitigan. Aba, biglang naluha ang dalawa. Basang-basa na ang pawis ang kamiseta ni Ka Ugong. Pinagpapawisan na rin ang noo ni Ka Ugong. Pinagpapawisan na rin ang noo ni Ka Maldang, tumulo sa kanyang pisngi, pumatak ng pumatak sa kanyang dibdib. Biglang tumawag ang kapit- bahay. KAPITBAHAY: Mareng Maldang, yuhoo!!!!, kumadre! KAPITBAHAY: Pareng Ugong, yuhoo!!!!, kumpadre. Mareng Maldang pahiram naman ng plantsa. KAPITBAHAY: Siguro’y walang tao. KAPITBAHAY: pero bakit naiwan ang hagdan dito. Dati-rati naman ay inaalis nila ito kung sila’y lumabas ng bahay. Kukunin ko na lamang ang plantsa at saka ko na lang isasauli. TAGAPAGSALAYSAY: . At pumanhik ang kipit-bahay. Nang siya’y makapanhik, nagtaka siya sa Nakita ----- sina ka ugong at ka maldang na nakaupong tila mga estatwa sa harapan ng mesa na hindi gumagalaw o nagsasalita sina Ka Ugong at ka Maldang. Muling nagtanong ang kapitbahay KAPITBAHAY: Anong nangyari sa inyo? TAGAPAGSALAYSAY: Niyugyog niya ang balikat ni Ka Ugong. Hinayaan ni ka Ugong na siya’y yugyogin at lalo pang itinikom ang bibig. Lumapit ang kapitbahay kay Ka maldang KAPITBAHAY: Magsalita ka kumadre. Anong nangyari? KAPITBAHAY: May nakain ba kayong nakalason sa inyo o nakapagpapipi kaya? TAGAPAGSALAYSAY: Niyugyog niya ang balikat ng dalawa ngunit isa man sa kanila’y di tumayo o nagsalita. Nahintakutan ang kapitbahay sa halip na kunin ang plantsa ay tumakbo siyang dali-dali palabas ng bahay. Ibinalita niya sa mga kapitbahay na may masamang nangyari kina Ka Ugong at Ka Maldang. Sa isang iglap ay nagtipon-tipon silang lahat kina Ka Maldang. TAGAPAGSALAYSAY (unang lalaki at ikalawang lalaki) : Isa – isa nilang pinagsikapang magsalita ang dalawa. Ngunit wala ring nangyari TAGAPAGSALAYSAY (UNANG BABAE): binalaan ni ka maldang si ka Ugong at pagkaraa’y pumikit. TAGAPAGSALAYSAY: Batid ni ka Ugong na pumikit si ka maldang upang maiwasan ang mga kapitbahay. : Ipinikit din niya ang kanyang mga mata. Galit na galit si Ka Maldang sa pakikialam ng mga kapitbahay. : Nataranta ang kanilang kumare at sinundo nito ang arbularyo. At dumating ang arbularyo. TAGAPAGSALAYSAY: Nang kanyang makita ang walang ka imik-imik na mag-asawa siya’y sumigaw na sila’y kinukulam.
ARBULARYO: Sila’y kinukulam.
TAGAPAGSALAYSAY: Inilatag niya ang banig na buri at iniutos sa mag-aswang kinukulam na mahiga. Sumunod si ka Ugong at ipinikit pa ang mga mata. Bumaloktot siya at natulog pa. ngunit itong si Ka Maldang ay di umalis sa kinauupuan. Ang sabi ng arbularyo ARBULARYO: “Aha, ang espiritung lumulukob sa kaniya ay matigas ang ulo, kailangan paglabanan ko ito.” TAGAPAGSALAYSAY: At inilabas mula sa isang bulsikot na lagi niyang dala ang siyam na dahong samat, isang bunga ng areka, at kaunting apog sa isang maliit na bote. Pinili niya ang mga dahong may pare-parehong tubo ng ugat. Hinati sa siyam ang bunga, nilagyan ng apog ang bawat dahoon, at ibinalot sa bawat piraso ng bunga. Ngayo’y siyam na ang bungang balot. ARBULARYO: Ito ang nawawalang espirito ng mag-asawa. TAGAPAGSALAYSAY: Ang kaniyang sabi. Isinubo niya ang nganga at ibinuga sa kaniyang palad. Isinawsaw ang hintuturo sa mamula-mulang laway at minarkahan ng krus ang noo ni Ka Ugong at ni Ka Maldang. Hinila ni Ka Maldang ang hintuturo ng arbularyo at pinilipit. Sumigaw ang arbularyo ng…. ARBULARYO: Aray!!! TAGAPAGSALAYSAY: At binawi ang kaniyang kamay. Lumapit ang arbularyo sa nakahigang si Ka Ugong at paulit-ulit na tinawag ang kaniyang pangalan ng malumanay at dahan-dahan. ARBULARYO: Magbalik ka Ka Ugong ARBULARYO: Magbalik ka Ka Maldang !! Magbalik ka sa iyong katawang lupa. Magbalik ka Ka Maldang. TAGAPAGSALAYSAY: Panaghoy ng arbularyo. Hindi sumagot si Ka Maldang. Ang gabi’y sumapit sa nahihintakutang bayan. Ganoon na lamang ang takot ng mga ito sapagkat sinabi ba naman ng arbularyo ns maaaring mailipat pa sa ibang taga-baryo ang sumpa bukod sa mag-asawang Maldang at Ugong. Muli niyang tinawag ang mag- asawa. Sa umpisa’y mahina. ARBULARYO: Magbalik ka Ka Ugong… Magbalik ka Ka Maldang ARBULARYO: Magbalik ka Ka Ugong… Magbalik ka Ka Maldang TAGAPAGSALAYSAY: Ngunit wala ring nangyari. Pagod na pagod na si Ka Maldang, kaya’t siya’y sumandal sa upuan. Muling nagsalita ang arbularyo. ARBULARYO: Sa tinagal-tagal ng panahon na aking pagiging arbularyo ay ngayon lamang ako nakasaksi ng ganitong uri ng kulam. Sa pakiwari’y ko’y sila’y patay na. tuluyan ng iniwan ng kanilang espirito ang katawang lupa. Ang tanging magagawa natin upang masugpo ang pagkalat ng kulam ay ilibing ang mag-asawa. TAGAPAGSALAYSAY: Kaagad niyang iniutos sa mga kapitbahay na gumawa ng ataul bago kumalat ang kulam. Hindi nagtagal ay natapos ang dalawang ataul na yari sa kawayan. Tuluyang sumandal si Ka Maldang at ipinikit ang mga mata, itinikom pa ang kaniyang bibig. Iniutos ng arbularyo buhatin ang mag-asawa sa kanilang mga ataul. ARBULARYO: Sila’y ating ililibing pagsikat ng araw, ang iba’y kailangang magbantay ngayong gabi. TAGAPAGSALAYSAY: Binuhat ng mga kapitbahay si Ka Ugong at inihiga sa kaniyang ataul, sa loob-loob ni Ka Ugong siya na ang mananalo. Hindi siya natatakot na mailibing. Lalabas siya sa hukay pagkaalis ng mga kapitbahay. Tuwang-tuwa si Ka Ugong sa mga nangyayari, tatakutin ko silang lahat pagbalik ko mula sa libingan. Lumapit ang arbularyo kay Ka Maldang. Matamang nakikiramdan si Ka Maldang sa mga nangyari kahit nakapikit ang kaniyang mga mata. Natatakot siyang ipagpilitan ng arbularyo na siya’y ilagay sa ataul kung hindi pa rin siya magsasalita. Pero ayaw parin niyang magsalita. Inaasahan niyang tututol si Ka Ugong bigla siyang dumilat habang nagtutulungan ang mga kapitbahay at ang arbularyo na siya’y buhatin KA MALDANG: Magsilayas kayo!!! Layas!!! Mga pakialamera KA UGONG: “ikaw ang unang nag salita” KA UGONG: Siya ang unang nag salita. May kasunduan kami. Mula ngayon siya ang palaging maghuhugas ng pinggan. TAGAPAGSALAYSAY: Kinuha ni Ka Maldang ang takip ng ataul upang ihambalos sa ulo ng asawa. Ngunit patakbo siyang lumabas kasabay ng mga kapitbahay at sumisigaw ng KA UGONG: Nanalo ako alam ko yatang mananalo ako. Mula ngayon di na ako mag huhugas ng mga pinggan!