Professional Documents
Culture Documents
Narrator: Nooong unang panahon, May isang nanay na baboy nananinirahan kasama
ang kanyang tatlong anak.
Mother Pig: Mahal kong mga anak dahil malalaki na kayo, kailangan nyong tahakin ang
sarili nyong landas, hindi ko na kaya kayong itaguyod pa.
Narrator: Isa isa silang binigyan ng pera para makapaglakbay ng malayo at magtayo ng
sari sarili nilang bahay at sabay sabay silang umalis sa bahay ng kanilang ina.
Nagpalipas sila ng gabi sa ilalim ng punong kahoy at pinag usapan nila ang
kanikanilang sariling plano.
Pangatlong Biik: Mga kapatid hindi ako sang ayon sa usapan, na sa pagsasamahan
natin ang ating lakas kaya dapat lagi tayong magkakasama.
Unang Biik: Lagi mo nalang kaming sinesermunan! Alam nanamin ang mga dapat at di
dapat gawin!
Pangalawang Biik: Tama! hindi na tayo mga mama's boy para maging sunod-sunuran
pa.
Pangatlong Biik: Sige na nga, meron nalang akong ideya para makatulong. Maari parin
tayong gumawa ng kanya kanyang tirahan at maghiwahiwalay, di natin papakelaman
ang isa't isa.
Unang Biik: Ayan! ganyan nga dapat kapatid, tapos na ang usapan!
Pangatlong Biik: Teka sandali, hindi pa ako tapos. Dapat magkakalapit lang ang mga
bahay natin para pwede parin nating tulungan ang isa't isa kung may masama mang
mangyari.
Unang Biik: Oo na, sige na, sang ayon na ako, pero sa tingin ko hindi naman ako
magkakaproblema dito e!
Unang Biik: Gagawa ako ng bahay gawa sa dayami. Napakadali lang nito, hindi ako
pagpapawisan!
Narrator: Ang Unang biik ay natapos ng mabilis at pumasok sa kanyang bahay para
maghapunan. Samantala, sa kalsada nakakita naman ang pangalawang biik ng mga
patpat.
Pangalawang Biik: Itatayo ko ang bahay ko gamit ang patpat. Ito ay mas matibay kaysa
sa dayami, kaya ko itong gawin ng mabilis at walang kahirap-hirap.
Narrator: Ang Pangalawang biik ay natapos rin ng mabilis at may oras pa para
maghapunan. Habang tapos na ang dalawang magkapatid ang pangatlong biik naman
ay magsisimula pa lamang dahil plinano nya muna ang gagawin nyang bahay.
Pangatlong Biik: Gagamit ako ng ladrilyo para gawin ang bahay ko. Tiyak ako na mas
matibay to!
Narrator: Buong araw nag trabaho ang pangatlong biik. Nang sumapit ang umaga ay
pumunta ang una at pangalawang biik sa bahay niya para maglaro.
Pangatlong Biik: Kahit matagal ko man gawin yung bahay ko sigurado naman ako na
napaka tibay ng aking bahay. Walang bagyo o sakuna namakakasira sa aking bahay.
Pangalawang Biik: Sinasabi mo bang marupok ang bahay namin? At sayo lang ang
matibay huh!
Narrator: Pagkalipas ng ilang araw, masayang nanirahan ang mga biik sa kanilang mga
bahay,
Unang biik: Hindi! Hindi maaari, kahit ano pa ang iyong sabihin, hindi kita papapasukin!
Loob: Kung gayon, sa aking paghinga, iyong bahay aking sisirain na!! Ahhh!!
Unang biik: Edi sige, gawin mo! Napakatibay kaya ng bahay ko.
Narrator: Huminga ng malalim ang tusong lobo at hinipan ang bahay na dayami.
Narrator: Nasira agad ang bahay, sa lakas nito gumulong ang unang biik sa bahay ng
kanyang pangalawang kapatid.
Pangalawang biik: Hindi! Hindi maaari, kahit ano pa ang iyong sabihin, hindi kita
papapasukin!
Lobo: Kung gayon, sa aking paghinga, iyong bahay aking sisirain na!! Ahhh!!
Pangalawang biik: Napakatibay kaya ng bahay na ginawa ko. Subukan mo, tusong
lobo!
Narrator: Huminga ng malalim ang tusong lobo at hinipan ng malakas ang bahay na
patpat.
Narrator: Nasira agad ang ikalawang bahay. Napagtanto ng dalawang kapatid na wala
nang bubong ang bahay at wala ring pader sa gilid.
Narrator: Tumakbo ang tatlong biik at agad tumungo sa bahay ng kanilang bunsong
kapatid.
Unang biik: Sinira ng lobo ang aming bahay sa kanyang pag ihip! Baka pumunta sya
rito at sirain din ang bahay mo!
Pangatlong biik: Hindi nya kayang hipan ang bahay ko na gawa sa bato. Tuturuan ko
sya ng leksyon. Hayaan nyo sya na pumunta rito.
Pangatlong biik: Mga kapatid, magtago kayo sa stante at huwag kayong aalis dun ha,
kung sakaling makapasok sya at kainin ako.
Pangatlong biik: Umalis ka na tusong lobo, tutal hindi mo naman masisira ang bahay
ko!
Lobo: Ror! Hindi mo alam kung gaano ako kalakas! Sa aking paghinga ng malalim,
iyong bahay aking sisirain. Sinira ko na ang bahay ng mga kapatid mo!
Pangatlong lobo: Edi subukan mo! Mauubusan ka muna ng hangin bago mo masira
ang bahay ko!
Narrator: Huminga ng malalim ang tusong lobo at hinipan ang bahay na gawa sa bato.
Narrator: Huminga ang lobo ng mas malalim at hinipan ang bahay, ngunit walang
gumalaw ni isang bloke.
Narrator: Pagkaraan ng ilang ulit, naubusan ng hangin ang lobo at nawalan ng malay.
Ngunit bumangon ulit ang tusong lobo at tumakbo mula sa malayo upang sirain ang
pinto. Nakita ng mga biik ang ginawa ng lobo mula sa bintana.
Narrator: At sabay-sabay nilang hinarangan ang pinto ng bahay.
Narrator: Binuksan ng bunsong biik ang pinto at natuwa nang makita ang lobo na wala
ng malay. Kaya sinara nya muli ang pinto.
Pangatlong biik: Haha! Patay na ang lobo. Hindi sya nagtagumpay na masira ang
bahay ko!
Unang biik: Malamang nasa tyan na kami ng lobo ngayon kung hindi mo kami pinatuloy
sa bahay mo.
Pangatlong biik: Mga kapatid, malamang kinain na rin ako ng lobo kung wala kayo rito.
Hinarangan natin ang pinto kaya hindi nya ito nasira.
Unang biik: Oo nga, tama ka sa sinabi mo! Nasa pagsasamahan natin ang ating lakas.
Sama-sama tayong mamuhay at hindi na kailan man maghihiwalay pa.
Narrator: Pero muli namang bumangon ang tusong lobo at muling kumatok sa pinto ng
bahay.
Lobo: Mga pilyong biik, kakainin ko kayong tatlo sa anumang paraan. Hahahaha!
Narrator: Narinig ng mga biik ang yapak ng lobo sa bubungan at nalaman ang
masamang balak nito. Kaya sinindihan ng pangatlong biik ang mga kahoy sa ilalim.