You are on page 1of 3

LAKANDIWA: Magandang umaga po sa inyo aming mahal na mga guro.

Amin pong nalaman na maraming tuntunin ang dapat sundin


upang magtungo sa isang pamumuhay na maayos, tahimik, at komportable
sa ating pamayanan. Ang iilan sa batas na ipinatupad sa pamayanan ay ang
mga ito: Huwag mag-ingay sa gabi, Huwag magtapon ng basura kung saan-
saan, Maging sensitibo sa kapit-bahay, Tumulong sa kapitbahay o kababayan
na nangangailangan, Maging magalang at Tumulong sa mga kampanya ng
local na gobyerno, at iba pa. Ang ilan sa mga ito ay aming isasadula ngayon.
Kaya panoorin na po natin ang aming duladulaan na pinamagatang -
“MAHAL KO, PAMAYANAN KO” .

Isang gabi, sa loob ng Dasma 3 Golden City Subdivision ay may magkakapitbahay na


nagkakasiyahan sa labas ng bahay nila.

JOSEPH at KAVEN at IVAN: (Outside the house, nagkakaraoke,maingay at nagtatawanan, nag-


iinuman at nagkakainan din)
KLAUDINE: Tay, alas-nueve na ng gabi, tama na kayo sa pagkakaraoke.
JOSEPH: Sandali nalang ito nak, nagkakasiyahan pa eh.
KAVEN: Pre, isang kanta nalang ako at uuwi na ako. Nakakahiya na sa mga kapitbahay. Oras na
rin ng tulog.
IVAN: Ako rin Pre. Sabay na kami ni Pareng Kaven uuwi. May pasok pa ako sa trabaho bukas.
JOSEPH: Maaga pa Pre. Kanta pa tayo. Ubusin pa natin ito o.
KAVEN: Basta Pre isang kanta ko nalang ito. (taposin ang kanta… sabay inumin ang nasa baso).
Sige Pre salamat! Uwi na ko.
IVAN: Yung mga tulong nyo sa nasunugan pre ha dalhin nyo sa Barangay. Sige Pre salamat.
(sabay umalis kay Kaven)
(Tuloy pa rin sa pagkanta si Joseph)
KLAUDINE: Dy, ligpitin mo na yan. Sabi ni mommy mag aalas diyes na. Dapat wala ng
Nag-iingay sa kalye.
JOSEPH: Oo na anak… Ayan na magliligpit na. Matulog na kayo! (nagliligpit).
LAKANDIWA: Samantala… sa kabilang bahay naman…Nag-uusap ang mag-asawa.
CHANTALLE: Buti naman tapos na sila magvideoke.
KURT: Alam naman ni Pareng Joseph yun na kapag alas dyes na dapat tahimik na. At maging
sensitibo sa mga kapitbahay na nagpapahinga na.
CHANTALLE: Oo nga, at hindi na mag-iingay sa labas tuwing gabi.
Sya nga pala Dy, kahapon pala yung kapitbahay nating si Chona, nagalit dun sa mga
bata. Nagtatapon nalang ng kanilang pinagkakainan sa kalye. Pinagsabihan nya na
dapat sa basurahan itapon. Mukhang natoto naman yun mga bata kase kanina
kumakain sa labas at binitbit na nila ang kanilang pinagkainan. Kindi na sila
nagkakalat.
KURT: Mabuti naman… My, bukas pala magdala tayo nag mga lumang damit at mga delata na
rin siguro doon sa barangay hall. May announcement kase dun sa clubhouse na kung
sinong gustong tumulong doon sa mga nasunugan sa kabilang barangay ay dalhin nalang
sa barangay hall and mga donasyon.
CHANTALLE: Sige Dy, ayusin ko bukas ang mga dadalhin nating tulong.

LAKANDIWA: Kinabukasan ng hapon… Sa Barangay Hall ng Salawag.

KLAUDINE: (Mag bless kay Kurt) Hello po Tito! (Mag bless din kay Chantalle) Hi po Tita!
KURT: Oi Pareng Joseph, nandito din pala kayo?
JOSEPH: Oo Pre, magbibigay kami ng tulong dun sa mga nasunugan sa kabilang barangay. Dito
daw kase iipunin sa barangay yung mga tulong natin.
KURT: Kaya nga nandito din kami Pre magbibigay ng konting tulong din. Kawawa din mga yun
eh. Ubos talaga ang mga gamit nila sa sunog.
IVAN: Dito nyo nalang po ilagay ang mga tulong ninyo. Salamat po! Salamat po!
KLAUDINE: Walang anuman po!
JOSEPH: Sige Pre, Mare mauna na kami sa inyo.
CHANTALLE and KURT: Ok pre.
KLAUDINE: Bye po! (Chantalle wave hand to Klaudine)

LAKANDIWA: Kung ganito ang bawat tahanan sa mga subdivision o kaya sa mga barangay,
tiyak magkakaroon ng katahimikan, kaayusan, kalinisan at magandang
pamayanan para sa ating lahat, at magandang kinabukasan para sa mga
kabataan. Bilang isang mamamayan, tayo ay dapat sumunod sa mga batas na
pina-iiral sa ating lokal na pamayanan at mga batas Pambansa.
At dito nagtatapos ang aming dula-dulaan.

(Lahat ng miyembro pupunta sa gitna at mag bow)

You might also like