You are on page 1of 2

Ang Apat na Magkakaibigan

Noong unang panahon, may malaking lawa sa loob ng gubat.


Mayroong nakatirang apat na makakaibigan. May isang daga na Malaki ang
mata at mahabang buntot. Isang usa na maganda at malagintong
kayumanggi ang kulay. Isang itim na uwak at isang napakabagal na pagong.
Ang uwak ay nakatira sa isang puno sa tabi ng ilog. Ang daga naman ay
nakatira sa isang lungga. Ang pagong naman ay nakatira sa tubig lawa. At
ang usa ay nakatira sa berdeng damuhan.
Katulad sa ibang araw, silang lahat ay nagpupulong-pulong araw-araw.
Ngunit sa tagal nang paghihintay, hindi dumating si usa. Lahat sila ay nag-
aalala at nagdududa kung ano na ang nagyari sa usa. Ang sabi ng uwak,
“Sandali, mayroon akong naisip. Susubukan ko siyang hanapin.” “sige, tama
ka!” pagsang-ayon ng iba pa niyang kasama.
Nagsimulang hanapin ng uwak ang usa. Sumigaw siya nang subrang
malakas pero wala siyang napala. Sa kahuli-hulihan nang pagkadismaya at
mababang tono sumigaw siya uli nang napakalakas. Sa panahong ito, may
narinig siyang mahinang buses na sagot tulad ng “AHHH! AHHH!” “Parang
malapit lang ang tunog na iyon. Parang buses ni usa!”
Nagulat siya nang makita si usa na nahuli sa pain ng mangangaso.
Pinakalma ng uwak ang usa at bumalik siya sa kanilang mga kaibigan. Si
pagong sa walang pag-alinlangan ay inutusan si daga, “Puntahan niyo at
sumakay ka sa likod ni uwak at punitin mo ang lambat gamit ang iyong
matatalas na ngipin.” Sa walang pag-aatubili si uwak at daga ay nagpunta na
para isalba ang kanilang kaibigan. Gamit ang kanyang matutulis na ngipin,
pinunit ni daga ang lambat para makawala si usa.
Samantala, si pagong na naglakad nang matagal ay dumating din doon.
Lahat ng apat na magkakaibigan ay nagkita rin. Biglang may narinig silang
ingay. Ang mangangaso ay nasa malapit lang. Ang uwak ay biglang lumipad
sa may puno. Ang daga ay tumakbo sa isang lungga. At ang usa ay nawala na
kasing bilis ng liwanag. Ang pagong ay naiwang mag-isa. Sinubukan niyang
tumakbo ngunit hindi niya kinaya at naabutan siya ng mangangaso. Hindi
siya nakaligtas sa mga mata nito.
Nahuli ng mangangaso ang pagong at inilagay niya ito sa kanyang
dalang sako. Habang naglalakad siya ay kanyang naisip, “may pagkain akong
pagong ngayon!” Nakita ni uwak ang lahat ng pangyayari. Napanood niya ito
kung saan siya naroon sa tuktok ng kahoy. Sinabihan niya ang kanyang mga
kaibigan tungkol dito. “Diyos ko! Anong gagawin natin? Kailangan talaga
nating gumawa ng hakbang ngayon na!”
Sabi ng usa, “ganito ang gagawin natin. Magkukunwari akong
kumakain ng damo. Ang mangangaso ay siguradong tatakbo papunta sa’kin
at sigurado akong iiwan niya ang kanyang sako. Ang susunod na mga
hakbang ay bahala na si daga.” Tumayo ang usa sa dadaanan ng mangagaso
at doon ay kumain siya ng damo. Tiningnan ng mangagaso ang usa at
tumakbo patungo dito na may dalang pana at palaso at iniwan ang dalang
sako.
Ngayon ang panahon. Nahihirapan ang daga ngunit gamit ang
matatalas na mga ngipin ay nginatngat niya ang sako upang pakawalan si
pagong. Dali-dali silang tumungo sa lawa. Samantala ay hindi na kinayang
habulin ng mangangaso ang usa. Ang pagod at nadismayang mangagaso ay
napaisip, “mayroon pa naman akong pagong!” Lumapit siya sa kanyang sako
at laking gulat niya na ang sako ay wala ng laman. Kawawang mangangaso,
umalis siya nang walang dala.
Pagkatapos ng lahat, ang apat na magkakaibigan ay tumira sa tabing
ilog ng matiwasay at masaya.
Ang kuwnetong ito ay nagpapahiwatig na magkakaiba man ang ating
kulay at pinagmulan, tunog at wikang salita. Ngunit sa pagkakaisa at
pagtutulungan, tayo ay makakalaya sa pananakop ng ibang dayuhan at
mamuhay ng matiwasay at nagkakabuklod-buklod bilang mga Pilipino.

You might also like