You are on page 1of 4

Pamagat:

“Tunay na kaibigan”
Mga Tauhan:
Narrator
Unggoy 1
Unggoy 2
Ibon 1
Ibon 2
Tigre
Oso 1
Oso 2
Elephante 1
Elephante 2
Usa – Bida
Isip pa kyo huhu
Narrator: Sa isang kagubatan mayroong limang hayop na matatalik na
magkakaibigan. Sina usa, oso, elephante, unggoy, at ibon.
Usa: Kamusta ang inyong araw!
Oso 1: Ayos lang naman, ikaw elephante?
Elephante 1: Masaya ako lagi basta’t kasama ko kayo!
Unggoy 1: May balak ba kayong gawin ngayong araw?
Usa: Gusto ko sanang lumakbay at pumasyal ngayong araw.
Ibon 1: Ahh, gusto mo bang samahan ka namin?
Usa: Wag na, nais ko munang lumakbay mag-isa.
Narrator: Lumakbay mag-isa ang usa. Sa gitna ng kanyang paglalakbay,
mayroon siyang nakasalubong na grupo ng magkakaibigan.
Usa: Magandang araw sainyong lahat! Ako nga pala si usa! Maari ko ba
kayong makilala?
Unggoy 2: Aba shempre! Ako nga pala si unggoy.
Ibon 2: Ako naman si Ibon!
Oso 2: Ako si oso!
Elephant 2: At ako naman si Elephante!
Narrator: Pagkatapos magpakilala ng lahat, nakisama si usa sa grupo na
ito. Lagi na siyang nakikisama dito araw-araw at hindi na siya
nagpaparamdam sa kaniyang mga kaibigan. Isang araw, nilapitan si usa ng
kanyang mga kaibigan.
Unggoy 1: Usa bakit hindi mo na kami kinakausap?
Ibon 1: Pinalitan mo naba kami usa?
Elephante 1: Bakit di ka na nagpaparamdam?
Usa: Pasensya na kayo pero nakahanap na ako ng mga bagong kaibigan.
Mas masaya silang kasama at sila ang maituturing kong mga tunay na
kaibigan.
Oso 1: Ay ganun ba? Sige dun ka na sa mga bago mong kaibigan.
Narrator: Pagkatapos ng usapang iyon, nagbalak si usa na pumunta sa
kaniyang bagong grupo ng kaibigan upang makipaglaro. Habang
naglalakbay mag-isa si usa, naipit ang kanyang paa. Matagal siyang
nanatili mag-isa sa gitna ng kagubatan dahil kahit anong puwersa niya ay
hindi niya ito magalaw. Mawawalan na sana ng pag-asa si usa, pero
biglang dumating ang kanyang panibagong grupo ng kaibigan.
Usa: Buti dumating kayo! Pwede nyo ba akong tulungan alisin ang paa ko
dito?
Unggoy 2: Sige tutulungan ka namin.
Narrator: Tutulungan na sana ni unggoy si usa, ngunit napapigil ito dahil
napansin niya na may papalapit na tigre.
Oso 2: Hala may papalapit na tigre! Umalis na tayo dito!
Narrator: Agad na umalis sina unggoy at oso.
Usa: Teka, tulungan niyo kong dalawa!
Ibon 2: Pasensya ka na pero kailangan na naming umalis.
Elephante 2: Tara na ibon!
Narrator: Nung umalis na sina ibon at elephant, Nakita na ng tigre si usa.
Dahil sa takot, agad na humingi ng tulong si usa.
Usa: Tulong! Tulong!
Narrator: Kunti kunting lumalapit ang tigre nang biglaang dumating ang
mga kaibigan ni usa.
Elephante 1: Wag ka mag-alala, nandito kami para sayo usa!
Narrator: Nung Nakita ng tigre na maraming kasama si usa, agad siyang
natakot at umalis. Pagkatapos nito, tinulungan na nila si usa tanggalin ang
kanyang paa sa pagkakaipit.
Usa: Maraming salamat sainyong lahat! Sana mapatawad Ninyo ako sa
sinabe ko kanina.
Lahat ng nandun: ayos lng un, ok lng yun
Narrator: Sa lahat ng ito, napagtanto ni usa kung sino ang kaniyang mga
tunay na kaibigan.

You might also like