You are on page 1of 31

A.

Naririto ang ilang pahina ng


diary ni Melba. Tulad ni Isabel,
nagkasakit din siya ng dengue.
Basahin natin ang kaniyang mga
pinagdaanan.
Setyembre 1, 2014
Dear Diary,
Hindi ako nakapasok ngayon.
Paggising ko, masakit na ang
aking ulo. Masakit din ang aking
lalamunan at mga kasukasuan.
Pagdating ng hapon, hindi pa rin
umaayos ang aking pakiramdam,
magpahinga lang daw ako at
baka tatrangkasuhin ako.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at
para akong nasusuka. Sabi ng
nanay.
Melba

Setyembre 2, 2014
Dear Diary,
Masakit pa rin ang aking ulo at
mabigat ang aking pakiramdam.
Kinuha ni Nanay ang aking
temperatura, akala ko sasabog na
ang aming thermometer kasi 40
digri ito. Pinunasan agad ako ni
Nanay ng malamig na tubig at
saka nilagyan ng basang tuwalya
sa aking noo matapos akong
bihisan ng isang manipis na
damit. Sana, bukas ok na ako.
Dalawang araw na akong liban sa
klase.
Melba

Setyembre 3, 2014
Dear Diary,
Paggising ko kaninang umaga,
wala na akong lagnat. Ang galing
talagang doktor ng aking Nanay.
Pero hindi pa rin niya ako
pinapasok sa paaralan. Baka raw
mabinat ako kaya maghapon na
naman ako sa bahay.
Melba
Setyembre 4, 2014
Dear Diary,
Pagkatapos kong kumain ng
aking almusal, sabi ni Nanay
maligo na raw ako upang
gumaan ang aking pakiramdam.
Iyon nga ang aking ginawa.
Nagulat ako sa aking nakita! Ang
dami kong tuldok-tuldok na pula
sa balat.
Ipinakita ko ito kay Nanay at dali-
dali naman niya akong binihisan
at dinala sa doktor.
Melba

Setyembre 5, 2014
Dear Diary,
Ilang araw kaya ako titigil dito sa
ospital? Kahapon pa ako rito.
Matapos akong kuhanan ng dugo
para sa platelet count, sabi ng
doktor sobra raw baba ito. Dapat
daw ay nasa pagitan ito ng
150,000 – 200,000. Pero ang sa
akin 70,000 lamang, kaya heto
ako ngayon naka-dextrose,
sinasalinan pa ng dugo. Kailan
kaya ako lalabas dito?

Melba
Setyembre 6, 2014
Dear Diary,
Naubos din ang dugo sa mga bag
na binili ni Nanay. Binisita ako ng
aking doktor kanina. Kaunti na
lang daw pahinga at uminom
lamang akong maraming tubig.
Baka sa susunod na araw lalabas
na ako sa ospital.

Melba
Pangkatang Gawain:
Iba pang mga Halimbawa ng Pandiwa
1. Tumakbo

2. Kumain

3. Gagawa

4. Maglalakbay

5. Iinom

6. Pumunta

7. Kumanta

8. Magkita

9. Naglakad

10. Mag-igib

11. Isinusulat

12. Magtanim

13. Maligo

14. Pumunta

15. Gawin
16. Nagluluto

17. Magsimba

18. Nag-aaral

19. Maabot

20. Sumayaw

21. Naglalakad, makasalubong

22. Humingi

23. Kumakanta, sumasayaw

24. Inagaw

25. Umarte

26. Umiyak

27. Titigil

28. Maglakad

29. Naghihintay

30. Magbibigay

Mga aspekto ng pandiwa


Perpektibo o Naganap

Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.

Halimbawa:

Nagdeposito ng pera sa bangko si Charles.


Imperpektibo o Nagaganap

Ito ay ang pagkilos na kasalukuyang ginagawa.

Halimbawa:

tayo siya ng TV.

Kontemplatibo o Magaganap

Ito ay ang pagkilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang.

Halimbawa:

Magluluto siya ng masarap na almusal.

Perpektibong Katatapos o Kagaganap

Ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa.

Halimbawa:

Kagagaling niya lamang sa probinsya kaya kailangan niyang magpahinga mula sa mahabang biyahe

Gawin Ninyo
Makilala mo kaya ang pandiwa sa
iba’t ibang anyo nito? Subukin
natin. Basahin ang pangngusap
at sipiin at pangkatin ang mga
pandiwang ginamit dito.
1. Nagdulot ng malaking baha ang
magdamag na ulan.
2. Lumutang sa tubig baha ang
mga plastic at iba pang basura.
3. Ang mga kabahayan ay
nalubog sa tubig ulan.
4. Ang mga sasakyan ay naiwan
sa lansangan.
5. Itinutulak ng mga tao ang mga
tumirik na sasakyan upang hindi
makaabala sa lansangan.
6. Isinansakay sa bangka ang
mga pangunahaing
kakailanganin ng mga tao.
7. Isinasakay ang mga taong
nalubong sa tubig-baha ang
kanilang mga tahanan.
8. Ang pamahalaang-bayan ay
maghahanap ng lugar na
pagdadalhan sa mga tao.
9. Maghahandog ng tulong ang
Red Cross.
10. Ang iba’t ibang organisasyon
ay mangangalap ng pondo upang
makatulong sa mga biktima.
A. Basahin at pag-usapan ang
mga talata. Sabihin ang paksa
ng bawat isa.
1. Pinagyaman ng mga Ifugao ang
kanilang kabundukan. Binungkal
nila ang mga gilid nito. Nakalikha
sila ng makikitid na taniman.
Tinataniman nila ito ng palay.
Ang hagdang-hagdang palayan
ng mga Ifugao ay isang
kahanga-hangang tanawin.
Gawin Mo
Gamitin ang tsart sa pagbabahagi
ng mga ginawa, ginagawa at
gagawin mo pa lamang upang
maging isang tunay na katuwang
ng pamayanang kinabibilangan.
Sa ilalim ng bawat isa, isulat
naman ang sanhi at bunga ng
mga kilos na isinulat.

.
Ka Ngay Buka
ha on s
po
n
Ki
lo
s
Sa
n
hi
B
u
n
g
a

Pagsasapuso
Itanong:
Sumulat ng isang komitment
upang maabot mo ang iyong
pangarap sa buhay at
makatulong sa kapuwa.

You might also like