You are on page 1of 13

LEARNERS MATERIAL

10th Wk- Day 1-3


Layunin:
Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwayson.
F60L-IIf-j-5

Paksa:
Pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari

Pagganyak
Aksiyon Ko, Hulaan Mo
Sabihin:
Maghanda ng isang maikling pagsasakilos ng nais mong maging paglaki mo.
Pahulaan ito sa iyong mga kaklase. Kung tama ang sagot ng tinawag mo, siya
naman ang susunod na magpapahula. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral
upang makapaghanda ng kanilang ipakikita sa klase.
Tumawag ng kapareha upang magpahula.
Itanong:
Ano-ano ang nakita mong kilos na isinagawa ng iyong kaklase?

Basahin Mo
A. Naririto ang ilang pahina ng diary ni Melba. Tulad ni Isabel, nagkasakit din
siya ng dengue. Basahin natin ang kaniyang mga pinagdaanan.

Setyembre 1, 2014

Dear Diary,

Hindi ako nakapasok ngayon. Paggising ko, masakit na ang aking ulo. Masakit din ang aking
lalamunan at mga kasukasuan.

Pagdating ng hapon, hindi pa rin umaayos ang aking pakiramdam,

magpahinga lang daw ako at baka tatrangkasuhin ako.

Nakaramdam ako ng pagkahilo at para akong nasusuka. Sabi ng nanay,


Melba
Setyembre 2, 2014

Dear Diary,

Masakit pa rin ang aking ulo at mabigat ang aking pakiramdam.

Kinuha ni Nanay ang aking temperatura, akala ko sasabog na ang

aming thermometer kasi 40 digri ito. Pinunasan agad ako ni Nanay

ng malamig na tubig at saka nilagyan ng basang tuwalya sa aking noo

matapos akong bihisan ng isang manipis na damit. Sana, bukas ok

na ako. Dalawang araw na akong liban sa klase.


Melba

Setyembre 3, 2014

Dear Diary,

Paggising ko kaninang umaga, wala na akong lagnat. Ang galing talagang

doktor ng aking Nanay. Pero hindi pa rin niya ako pinapasok sa paaralan.

Baka raw mabinat ako kaya maghapon na naman ako sa bahay.


Melba

Setyembre 4, 2014

Dear Diary,

Pagkatapos kong kumain ng aking almusal, sabi ni Nanay maligo na raw

ako upang gumaan ang aking pakiramdam. Iyon nga ang aking ginawa.

Nagulat ako sa aking nakita! Ang dami kong tuldok-tuldok na pula sa balat.

Ipinakita ko ito kay Nanay at dali-dali naman niya akong binihisan at dinala

sa doktor.
Melba
Setyembre 5, 2014

Dear Diary,

Ilang araw kaya ako titigil dito sa ospital? Kahapon pa ako rito.
Matapos akong kuhanan ng dugo para sa platelet count, sabi ng doktor
sobra raw baba ito. Dapat daw ay nasa pagitan ito ng 150,000 –
200,000. Pero ang sa akin 70,000 lamang, kaya heto ako ngayon
naka-dextrose, sinasalinan pa ng dugo. Kailan kaya ako lalabas dito?
Melba

Setyembre 6, 2014
Dear Diary,
Naubos din ang dugo sa mga bag na binili ni Nanay. Binisita ako ng
aking doktor kanina. Kaunti na lang daw pahinga at uminom lamang ako
ng maraming tubig. Baka sa susunod na araw lalabas na ako sa ospital.

Melba

Ganito rin ba ang nangyari sa iyo nang magkasakit ka?


Ano-ano ang pandiwang ginamit sa binasang diary?
Itanong:
Ano-anong salitang kilos ang ginamit sa tekstong binasa?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Alin sa mga ito ang nangyari na?
Paano mo nasabi na nangyari na ang mga ito?
Ano ang tawag dito?
Ano ang idinadagdag sa salitang ugat upang
maipakita na naisagawa na ang kilos?
Alin sa mga ito ang mangyayari pa lamang?
Paano mo nasabi na ito ay mangyayari pa lamang?
Ano ang tawag dito?
Ano ang idinaragdag sa salitang ugat upang maipakitang gagawain pa lamang ito?
Gawin Ninyo

E. Makilala mo kaya ang pandiwa sa iba’t ibang anyo nito? Subukin natin.
Basahin ang mga talata sa Pagyamanin Natin, Gawain Ninyo A, pahina 62.
Sipiin at pangkatin ang mga pandiwang ginamit dito. Gawin ito sa isang malinis.

A. Basahin at pag-usapan ang mga talata. Sabihin ang paksa


ng bawat isa.
1. Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang
mga gilid nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng
palay. Ang hagdang-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang
kahanga-hangang tanawin.

Gawin Mo
Gamitin ang tsart sa pagbabahagi ng mga ginawa, ginagawa at gagawin mo pa
lamang upang maging isang tunay na katuwang ng pamayanang kinabibilangan.
Sa ilalim ng bawat isa, isulat naman ang sanhi at bunga ng mga kilos na isinulat.

.
Kahapon Ngayon Bukas
Kilos
Sanhi
Bunga

Pagsasapuso
Itanong:
Sumulat ng isang komitment upang maabot mo ang iyong pangarap sa buhay at
makatulong sa kapuwa.
Paglalahat
Paano ipinapakita ang oras ng pagsasagawa ng kilos?

Pagtataya
Isulat ang pandiwa at ang aspekto nito sa bawatpangungusap.
1. Nagdulot ng malaking baha ang magdamag na ulan.
2. Lumutang sa baha ang mga plastic at iba pang basura.
3. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig ulan.
4. Ang mga sasakyan ay naiwan sa lansangan.
5. Itinutulak ng mga tao ang mga tumirik na sasakyan upang hindi makaabala sa
lansangan.

Layunin:
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng
pag-uugnay sa ibang asignatura.
F6V-IIj-1.16

Paksa:
Pagbibigay ng kahulugan ng salitang pamilyar sa pamamagitan ng pag-uugnay
sa ibang asignatura.

Balik –aral
Sabihin kung simuno o panag-uri ang may salungguhit.
1. Ang mga Pilipino ay walang pormal na edukasyon noong unang panahon.
2. Alibata ang tawag dito.
3. Sila ay natuto sa pamamagitan ng pagmamasid at paggaya.
4. Ang kanilang sinusulatan ay ang mga biyas ng kawayan.
5. Mayroon ng sariling paraan ng pagsulat ang mga Pilipino noon.

Basahin Mo
Alam nyo bang mahalaga ang buhok? Isipin mo na lang ang hitsura mo kung kalbo ka o sobrang nipis
ng buhok mo.
Basahin ang liham sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 24-26.
Pagtatalakay
Sino si Ate Lydia?
Ano ang suliranin ni Unice?
Ibigay ang dahilan ng pagkakalbo o pagkalagas ng buhok.
Paano mo maalagaan ang buhok?

Gawin Mo
Pangkatang Gawain
Mula sa liham, magbigay ng mga salita na pangkaraniwan o madalas mong
napapakinggan at nagagamit. Ibigay ang kahulugan ng mga ito.
Pangkatang Gawain
Magbigay ng mga halimbawa ng pamilyar na salita at ibigay ang kahulugan at
kaugnay na asignatura.
Pamilyar na Salita Kahulugan Asignatura
1. _______________ ________________ ______________
2. _______________ ________________ ______________
3. _______________ ________________ ______________
4. _______________ ________________ ______________
5. _______________ ________________ ______________

Paglalapat

Gumawa ng talaan ng mga salita na kaugnay sa ibang asignatura at ibigay ang


kahulugan.
1. marikit
2. Gobernador
3. puso
4. masunurin
5. nota
Paglalahat
Ano ang salitang pamilyar? Magbigay ng halimbawa.

Pagtataya
Salungguhitan sa pangungusap ang salitang pamilyar at ibigay ang kahulugan
nito.
1. Ako ay Pilipino.
2. Ang batang iyan ay nagpatingin sa doktor.
3. Lumalaganap ang malnutrisyon sa mga lugar na malayo sa kabihasnan.
4. Ang shampoo ay nabili ko sa magtitinda.
5. Ang losyon na ginamit mo ay mabango.
Layunin:
Naipakikita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagsasadula ng
naibigang bahagi.
F6VC-IIcj-12

Paksa:
Pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagsasadula ng naibigang bahagi

Pagganyak
Pag-usapan ang karanasan ng mga mag-aaral sa pista na kanilang nasaksihan
o pinuntahan.

Gawin Natin
Ipabasang muli ang “Pista sa Barangay.”

Basahin Mo
Kung mamasyal kayo ng iyong nanay o tatay, yayayain mo
ba sila sa lugar na mababanggit sa kuwento? Bakit?

Pista sa Barangay

“Heto na ang musiko. Bababa na ako,” sigaw ni Bert sa mga kalaro.


“Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling bumaba sa puno ng
makopa ang mga bata.
Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihang sumasayaw sa saliw ng
tugtog ng mga tambol.
Buong siglang umikot-ikot ang mga majorette at ang kanilang baton
habang tumutugtog ang banda.
Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang saya ng pista sa
barangay. Puno ng pagkain ang mesa, may adobong manok, mechadong karne
ng baka, paksiw na pata at marami pang iba.
May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyon sila. Suot ng mga
matatanda ang kanilang saya at nakikihanay
sa mga kabataang umiilaw sa prusisyon.
Ang problema ay may kakaibang nararamdaman sa kinabukasan o ilang araw
pagkatapos ng pista. Pata at malata
ang katawan ng mga tao. Kung wala silang natirang handa
ay magtitiis na lang sila sa mga de-lata o di kaya’y sa ginataang
gabi.
Ganiyan ang mga Pilipino noon. Subalit ngayo’y
unti-unting nang nagbabago. Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at
ipinaghahanda, subalit sa abot na lamang ng kanilang makakaya.

Pagtatalakay
Itanong:
Ano-ano ang pangyayaring binanggit sa binasang teksto?
Alin sa mga gawain na ito ang nagustuhan mo? Bakit?
Paano ipinagdiriwang ang pista noon?
Ano ang epekto nitong mga kaugaliang ito matapos ang pagdiriwang ng pista?
Dapat pa ba itong ipagpatuloy o hindi? Bigyangkatwiran ang sagot.

Gawin Ninyo

Pangkatin ang klase.


Paghandain ang bawat pangkat ng isang maikling dula-dulaan tungkol sa isang
pangyayari na nabasa sa teksto.
Matapos ang inilaang oras, tawagin ang mga pangkat upang maipakita ang
kanilang inihandang dula-dulaan.
Kunin ang opinyon o palagay ng mga tagapanood
ng dula-dulaan tungkol sa ipinakita ng pangkat na kaugalian tuwing may pista.

Paglalapat
Dapat pa bang ipagpatuloy ang pagdiriwang ng pista?

Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksiyon o palagay?

You might also like