You are on page 1of 7

Roman Catholic Diocese of Urdaneta

Diocesan Schools of Urdaneta


Urdaneta City

MODYUL SA FILIPINO 4
(IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL1)

Pangalan: _________________________________________________ Iskor:_____________


Seksiyon: _____________

Paksa: Ayos ng pangungusap


Layunin:
 Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng sariling karanasan
 Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-usap

Pangkalahatang-ideya
Sa modyul na ito mapag-aaralan ang paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap katulad
ng karaniwan at di-karaniwan.

Pagtatalakay
Ayos ng Pangungusap
Karaniwan- Nauuna rito ang panaguri kaysa sa simuno o paksa
Hal. Magaling na doctor ang aking pinsan
Nag-aral ng medisina si Coleen.
Sabay-sabay na kumain ang magkakaklase.
Di-karaniwan- Nauuna rito ang paksa o simuno at ginagamit ang panandang ay.
Hal. Ang aking pinsan ay magaling na doctor
Ang mga tagahanga ay pasasalamatan ng mang-aawit
Ang mag-anak ay nagsisimba tuwing lingo.

Gawain 1 Sagutin ang titik A sa pahina 295 at isulat sa ibaba ang sagot.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Sanggunian:
Banlaygas Emelia L. et.al., 2019 “Yamang Filipino 4”. Sibs Publishing House, Inc 927 Quezon Avenue.,
Quezon pahina 295

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


Roman Catholic Diocese of Urdaneta
Diocesan Schools of Urdaneta
Urdaneta City

MODYUL SA FILIPINO 4
(IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL 2)

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: ____________


Seksiyon: _____________

Paksa: Uri ng mga Pangungusap Ayon sa gamit


Layunin:
 Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang isyu

Pangkalahatang-Ideya
Sa Modyul na ito matatalakay ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-usap o sa
pakikipagdebate.

Pagtatalakay
Uri ng mga Pangungusap Ayon sa Gamit
Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa at kaisipan. Ito
ay may apat na uri ayon sa tungkulin o gamit: pasalaysay, patanong, pautos/pakiusap, at
padamdam.

1. Pasalaysay- ito’y naglalahad o nagsasabi tungkol sa isang paksa. Nagtatapos ito sa bantas na
tuldok (.)
Hal. Ang karangalan ay hindi natutumbasan ng karangyaan.
Malapit na ang araw ng pagtatapos.
Masaya kaming pumunta sa isang mall.
Pumapasok ang mga kabataan sa eskwelahan para mag-aral.
Ang reyna ng Gran Britanya ay si Queen Elizabeth II.

2. Patanong- Ang pangungusap na ito ay nagtatanong o nag-uusisa. Ito’y nagtatapos sa tandang


pananong (?).
Hal. Ano ang pipiliin mo. Karangalan o karangyaan?
Ano ang gusto mong kainin?
Bakit ayaw mo ng pinya?
Hindi kaba kumakain ng balot?
Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?

3. Pautos- ang pangungusap na nagpapahayag ng pag-uutos na susundin, samantalang ang


pakiusap ay nagsasaad ng magalang na pag-utos
Hal. Magsaliksik ka nga ng iba pang babasahin tungkol sa pagkamit ng karangalan.
(Pautos)
Pakikuha nga yung bag ko sa upuan. (Pautos)
Maghanda ka nga ng juice. (Pautos)
Matulog kana. (Pautos)
Linisin mo ang buong bahay. (Pautos)
Hal. Pakiulat mo naman sa klase ang iyong natuklasan. (Pakiusap)

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


Pwedeng pakidala ang mga papeles sa aking lamesa. (Pakiusap)
Pakilagyan ng bulaklak ang aking damit sa kaliwang bahagi. (Pakiusap)
Maaari po bang ibigay mo na lamang sa akin ang mga bulaklak. (Pakiusap)
Makikigamit po ako ng telepono sa inyong departamento. (Pakiusap)

4. Padamdam- Ito’y pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng pagkabigla,


pagkatuwa, pagkalungkot, pagkainis, paghanga, at iba pa. Nagtatapos ito sa
tandang padamdam (!).
Hala! Hoy! Aba! Gising!
Hal. Wow! Ang galling mo talagang mag-ulat.
Aray! Nasugat ako ng kutsilyo.
Wow! Ang ganda naman ng ginawa mo.
Ang saya nito!
Tulong! Hindi ko alam lumangoy.

Gawain 1: Sagutin ang Titik A sa pahina 308


Titik A
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain 2: Sumulat ng pangungusap at gamitin ang Pasalaysay,Patanong, Pautos,


at Padamdam.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10

Sanggunian:
Banlaygas Emelia L. et.al., 2019 “Yamang Filipino 4”. Sibs Publishing House, Inc 927 Quezon
Avenue., Quezon pahina 307-308

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


Roman Catholic Diocese of Urdaneta
Diocesan Schools of Urdaneta
Urdaneta City

MODYUL SA FILIPINO 4
(IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL 3)

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: ____________


Seksiyon: _____________
Paksa: Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Layunin:
 Nagagamit sa pakikipagtalastasan ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian

Pangkalahatang-Ideya
Sa Modyul na ito matatalakay ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipagusap o sa
pakikipagdebate

Pagtatalakay
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Payak- ito ay pangungusap na may isang diwa lamang na binubuo ng simuno at panaguri.
Hal. Isinulat ni Denise ang mga Karapatan.

Tambalan- binubuo ito ng dalawang payak na pangungusap at ginagamitan ng pangatnig na at,


o, ngunit, subalit, pero, habang, at samantala.
Hal. Kinausap ni Denise ang kanyang lolo habang sila ay nakaupo sa sala.
Payak na Pangungusap Payak na Pangungusap
Hugnayan- ito ay binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isang sugnay na di- nakapag-iisa.
Ginagamit ito ng pangatnig na dahil, sapagkat, kasi, kung, para, kaya, upang, at
nang.
Hal. Malakas ang boses niya dahil hindi siya marinig.
Sugnay na Makapag-iisa Sugnay na Hindi Makapag-iisa

Gawain 1: Sagutin ang titik A sa pahina 324 isulat sa ibaba ang sagot.
Titik A
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


Gawain 2: Sumulat ng pangungusap at bilugan ang ginamit na payak,tambalan, at hugnayan.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Sanggunian:
Banlaygas Emelia L. et.al., 2019 “Yamang Filipino 4”. Sibs Publishing House, Inc 927 Quezon Avenue.,
Quezon pahina 324

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


Roman Catholic Diocese of Urdaneta
Diocesan Schools of Urdaneta
Urdaneta City

MODYUL SA FILIPINO 4
(IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL 4)

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: ____________


Seksiyon: _____________

Paksa: Uri ng mga Pangungusap na Walang Paksa


Layunin:
 Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pormal na pagpupulong
 Maibibigay ang mga uri ng pangungusap

Pangkalahatang-ideya
Sa modyul na ito matatalakay at maibibigay ang uri ng mga pangungusap na walang
paksa. Maibibigay ang mga kahulugan ng mga pangungusap na walang paksa.

Pagtatalakay
Uri ng mga pangungusap na Walang Paksa
1. Eksistensiyal- Ito ay mga pangungusap na nagsasabi na may isa o higit pang tao at iba pa.
Nagsisimula ito sa salitang may o mayroon.
Hal. Wala pang sundo
May nakakaalam na
May hinihintay pa

2. Pahanga- Ito ay mga pangungusap na naglalahad ng paghanga.


Hal. Tignan mo, napakalinaw ng tubig sa dagat!
Nakapasa siya sa UPCAT, napakagaling!
Di ako makapaniwala na ako ang nagwagi sa patimpalak!

3. Mga sambitla- ito ay may iisahin o dadalawahing pantig na nagsasabi ng matinding


damdamin.
Hal. Naku!
Grabe!
Aray!
Ay!

4. Pamanahon- ito ay naglalarawan ng oras o uri ng araw, buwan at iba pa.


Hal. Kahapon
Kanina
Kagabi
Bukas
Ngayon

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


5. Mga pormularyong panlipunan- ito ay mga pagbati at magagalang na salita na bahagi ng
kulturang Pilipino.
Hal. Tao po
Mano po
Salamat po
Hi po
kamusta po

Gawain 1 Sagutin ang Magsuri at Gamitin sa pahina 338-339. Isulat sa ibaba ang sagot.
1.
2.
4.
5.
a.

b.

c.

d.

Sanggunian:
Banlaygas Emelia L. et.al., 2019 “Yamang Filipino 4”. Sibs Publishing House, Inc 927 Quezon Avenue.,
Quezon pahina 339

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta

You might also like