You are on page 1of 3

FILIPINO 5

Ikaapat na Markahan – Gamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap

Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na may paksa at panaguri at nagsasaad nang malinaw na diwa.
Tandaan na sa ating pagpapahayag ng ating mga kaisipan, tayo’y gumagamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
ayon sa gamit.

Narito ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.

1. Pasalaysay – nagsasalaysay o naglalarawan ng isang pangyayari. Ito’y nagtatapos sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa: Ang gulay at prutas ay mainam sa ating katawan.

Maraming gulayan sa aming probinsiya.

2. Patanong - nagtatanong ito o humihingi ng kasagutan. Nagtatapos ito sa tandang pananong(?).

Halimbawa: Kanino kaya ito?

Magkano ang supot ng tinapay?

3. Pautos - nag-uutos . Nagtatapos ito sa bantas na tuldok(.).

Halimbawa: Huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo.

Kumain ka ng prutas at gulay araw-araw.

4. Pakiusap – nakikiusap. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok(.).

Halimbawa: Pakikuha ng tubig sa gripo.

5. Padamdam - nagsasaad ito ng matinding damdamin tulad ng tuwa, lungkot, pagkagulat, at iba pa.

Nagtatapos ito sa tandang pandamdam (!).

Halimbawa: Uy! Singkuwenta pesos!

Naku, ang daming insekto!

Panuto: A.Suriin ang mga pangungusap. Lagyan ng isang guhit ang simuno at dalawang guhit ang panaguri sa
bawat pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang pagsisisi ay nasa huli.

2. Dapat nating pangalagaan ang kapayapaan sa ating pamayanan.

3. Ang mga tao ay mahalaga.

4. Tayo ay pangunahing yaman ng bansa.

5. Sa halip na mag-away ay magkasundo na ang lahat.

B. Ang mga sumusunod na jumbled letters ay mga uri ng pangungusap. Buuin ang mga ito at sabihin kung anong
uri. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. tapanong

2. dampadam

3. saypasalay

4. uptosa

5. sapkiupa
C. Basahing mabuti ang dayalog. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

AY, SUWERTE!
JOSE: Inay, maaari po ba akong magpunta sa lumang basketball court at maglaro?
INAY: Sige anak, kaya lamang ay huwag mong pabayaang matuyo ang pawis sa iyong likod. Idaan mo
itong ginataan kay Mareng Sela.
JOSE: Opo. (pasipol-sipol pa si Jose dala ang bola at mangkok ng ginataan). Uy, singkuwenta pesos!
Kanino kaya ito? Kay Inay? Ah, dina bale, akin na ito! Napulot ko ‘to. Ibibili ko ng kendi sina Carlo,
Oscar, May, at Grace. Inay!
Pag-uwi ng bahay…
JOSE: Nawalan po ba kayo ng pera? Singkuwenta pesos, o! Napulot ko sa tabi ng pinto.
INAY: Naku, salamat Jose! Kanina ko pa nga iyan hinahanap. Maraming salamat. (Hahalikan si Jose.)

1. Ano ang napulot ni Jose?

2. Ano ang una niyang naisip gawin tungkol dito?
3. Ano ang tawag natin sa umaangkin ng bagay na hindi nila pagmamay-ari?
4. Kung ikaw si Jose, gayon din ba ang iyong gagawin?
5. Anong uri ng bata si Jose? Patunayan.
6. Paano ginamit ang pangungusap sa usapan?
7. Magkatulad ba ang paraan ng paggamit sa pangungusap?
8. Ano ang ipinapahayag ng bawat pangungusap?
9. Anong bantas ang ginamit sa hulihan ng bawat pangungusap?

Gawain D

Narito ang ilang produktong laman ng patalastas sa radyo, telebisyon, at sa tindahan na maaari mong mabili.
Gumawa ng pangungusap ayon sa iyong sariling puna o pagkilatis sa produkto gamit ang iba’t ibang uri ng
pangungusap na natutuhan mo. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga nabuo mong pangungusap.

1. ____________________________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________________________

3._____________________________________________________________________________________

4.______________________________________________________________________________________

5.______________________________________________________________________________________
Gawain E

Isulat ang P kung ito ay pangungusap at DP kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

______ 1. Ang pamilya ang batayang yunit ng ating pamayanan.

______ 2. Kapag ang isang pamilya.
______3. Naging benepisyado
______4. Maituturing na huwaran ang pamilya Cuevas dahil sa kanilang pagpapunyagi.
______ 5. Sa ilalim ng 4P’s.

Gawain F

Basahin mo nang wasto ang mga pangungusap. Ibigay kung anong uri ng pangungusap ang bawat isa.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang gulay at prutas ay mainam sa ating katawan.

2. Wow! Ang sarap ng luto ni nanay.
3. Saan ka ba bumili ng malalaking bayabas?
4. Pakibili mo nga ako ng malalaking bayabas.
5. Magaan sa bulsa!

Gawain G

Sumulat ng pangungusap na naglalahad ng iyong karanasan tungkol sa pamamasyal kasama ng iyong pamilya.
Isulat ito sa buong papel.

_______________________________________________________________________________________

You might also like