You are on page 1of 16

6

Filipino 6
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Uri ng Pangungusap at
Pag-uugnay sa Sariling
Karanasan

NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
Filipino – Ikaanim Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Uri ng Pangungusap at Pag-uugnay sa Sariling
Karanasan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Juanita P. Adanza


Editor: Shem Don C. Fabila, Nenita Y. Tura
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Aileen P. Buscato, Hazel T. Manilag, Emelie A. Toro, Susan B.

Esturas, Angelica C. Balibalos

Tagalapat: Wendell Calingacion, Edsel Mari A. Uy


Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V
Joelyza M. Arcilla EdD
Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis JD, EdD
Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, EdD Renante
Elmar L. Cabrera
A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel
#: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani- kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Ang modyul na ito ay naglalahad ng iba’t ibang uri ng pangungusap. Sa


pagpapahayag ng ating damdamin sa usapan o kaya’y sa anumang sitwasyon, tayo
ay gumagamit ng iba’t-ibang uri ng pangungusap. Ito ay kailangan ninyong
malaman para malaya ninyong maipapahayag at maibabahagi ang inyong
damdamin, kaisipan, pananaw at pagpapahalaga.

Kaya naman, samahan mo ako upang tuklasin at siyasatin natin ang mga
bagong kalaman mula sa modyul na ito.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

 Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng


pangungusap
(F6 WG – IV – j – 13)
 Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
(F6 PB – Iva- I)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Natutukoy nang wasto ang mga uri ng pangungusap;

2. Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng


pangungusap

3. Napahahalagahan ang pag-uugnay ng binasa sa sariling karanasan.

1 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap
ang bawat bilang. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong
kuwaderno.

1. Naglabas ng ulat ang IATF para sa sambayanan.


A. patanong B. pautos C. pasalaysay D. padamdam

2. Pagmasdan mo ang epekto ng COVID 19.


A. patanong B. pasalaysay C. padamdam D. pautos

3. Naku, nakakatakot na ang epekto ng COVID 19!


A. Padamdam B. Patanong C. Pasalysay D. Pautos

4. Sino-sino raw ang maaapektuhan nito?


A. padamdam B. patanong C. pasalaysay D. pautos

5. Ano ang kaya mong gawin upang maiwasan ang virus na ito?
A. patanong B. pasalaysay C. pautos D. padamdam

6. Mula Enero hanggang ngayon, libo-libo nang mga tao ang namamatay dahil dito.
A. patanong B. pasalaysay C. pautos D. padamdam

7. Kumilos ka at tulungan mo ang ating gobyerno. “Mamalagi sa bahay”.


A. patanong B. padamdam C. pasalaysay D. pautos

8. Ano ba ang pinagmulan ng virus na ito?


A. pautos B. padamdam C. pasalaysay D. patanong

9. Nakababahala na ang panahon ngayon!


A. pautos B. patanong C. padamdam D. pasalaysay

10. Magdarasal tayong lahat.


A. pasalaysay B. pautos C. padamdam D. patanong

2 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
TUKLASIN

Panuto: Lapatan ng dayalogo ang komik strip gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap
tulad ng pasalaysay, patanong, pautos o padamdam. Maaaring iugnay mo sa
sariling karanasan ang paglapat mo ng dayalago. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

( Fabila, 2020 )

Apo: Kumusta ka na Lola Melly?


Lola: Okey lang ako apo.
Apo
Lola

3 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
( Fabila, 2020 )

Lolo: Kristoper, apo. Ano ba ang ginagawa mo diyan? Apo:


Nagbibilang po ako lolo.
Lolo: _ _
Apo: _ _

4 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
SURIIN

Alam mo bang ang pangungusap ay maaaring isang salita o grupo ng mga


salita na nagpapahayag ng isang kaisipan? Ito ay may simuno at panaguri. Nagsisimula
ito sa malaking titik at may bantas na maaaring tuldok, padamdam o patanong sa dulo
nito. Ang mga bantas ang nagpapahiwatig sa atin kung anong uri ang pangungusap.

Ngayon, pag-aralan mo ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.Ang


pangungusap ay may apat na uri ayon sa gamit:

1. Paturol o Pasalaysay – ang pangungusap na ito ay nagkukuwento o


nagsasalaysay tungkol sa paksa. Tuldok ( . ) ang bantas na ginagamit dito.

Mga Halimbawa:
Tumawag ng pulong ang pangulo ng IATF. Tahimik
na nakikinig ang lahat sa nagsasalita.

2. Patanong – ginagamit kung may nais na malaman at ginagamitan ng bantas na


tandang pananong ( ? ).

Mga Halimbawa:
Saang bansa galing ang COVID 19?
Ano ang dapat gawin para maiwasan ito?

3. Pakiusap o Pautos – ang pangungusap na ito ay may himig pakiusap at


ginagamitan ng salitang paki. Ito rin ay simpleng nag-uutos lamang.
Ginagamitan ng bantas na tuldok ( . )

Mga Halimbawa:
Kainin mo ang masustansyang pagkain . Hugasan mo
ang iyong kamay.

4. Padamdam – ang pangungusap na ito ay nagpapahayag ng hindi karaniwang


damdamin. Gumagamit ito ng pandiwang nagsasaad ng matinding damdamin.
Binabantasan ng panghanga o padamdam ( ! ).

Mga Halimbawa:
Tulong! Tulungan ninyo kami. Anong
saya ko sa araw na ito!

5 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
Batay sa iyong nabasa sa itaas, maaari mo itong gamiting gabay sa pagsulat ng
anumang sulatin batay sa iyong sariling karanasan. Magagamit mo ang kaalaman sa mga
uri ng pangungusap nang mabuo ang diwa ng iyong ipinapahayag.

PAGYAMANIN

Panuto: Isulat sa patlang ang kinabibilangang uri ayon sa gamit ng sumusunod na mga
pangungusap. Kupyahin ang mga ito sa iyong kuwaderno at lagyan ng angkop na
bantas.

1. Ang mga guro ay sabay-sabay na dumating sa pulong


2. Bakit hindi pa dumating si Mam Sue?
3. Ha! Napakasaklap naman ng kanyang sinapit!
4. Talaga bang hindi mo siya Nakita?
5. Tayong mga Pilipino ay likas na masisipag.

ISAISIP

May 4 na uri ng pangungusap ayon sa gamit. Ito ay ang


paturol o pasalaysay na nagkukukwento, nagsasalaysay o
nagpapaliwanag; patanong na nagtatanong; pautos na nag-
uutos o nakikiusap; at padamdam na nagpapahayag ng
matinding damdamin.

6 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
ISAGAWA

Napagtagumpayan mong sagutin ang mga gawain. Naging malinaw na sa iyo ang
mga uri ng pangungusap at ang mga halimbawa nito. Nakatulong ba ang mga gawain sa
pagpapatibay ng iyong pang-unawa at kaisipan tungkol sa paksa? Kung gayon, handang-
handa ka ng isalin ang bagong kaalaman sa totoong buhay dito sa isagawa.

Panuto: Basahing mabuti ang isang pangyayari. Mula rito, iugnay mo sa iyong sariling
karanasan na maaaring kahalintulad sa iyong binasa. Gamitin ang mga uri ng
pangungusap sa pagbuo ng sulatin na iyo ng napag-aralan. Ang rubrik sa ibaba ay
iyong gabay sa pagsulat.

Ang Karanasang Hindi Ko Makalimutan


ni: Shem Don C. Fabila “Bb. Fabulous”

Napakasuwerte ko nang isilang ako ng aking ina. Bata pa lang ako, nadama ko
ang pagmamahal at pag-aaruga ng aking mga magulang sa akin. Subalit dumating ang
araw na kinuha ako ng aking lolo upang makasama sa isang lugar na napakalayo sa
bayan kung saan ako isinilang. Dahil wala pa akong kamuwang-muwang nang akoy
nilayo sa piling ng aking mga magulang, inakala kong kasama ko sila sa aking paglaki.
Hanggang isang araw nalaman ko na nasa kalinga pala ako ng aking apohan.

Kung sa iba marahil nangyari ang ganitong senaryo, iba siguro ang kanilang
mararamdaman. Para sa akin, ang ganitong pangyayari ay isang ekstra ordinaryong
pangyayari. Isang bagay na dapat ipagmalaki dahil mas lalong dumami ang mga taong
nagpapahalaga sa akin.

Isulat ang iyong karanasan kaugnay ng iyong binasa…

7 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
RUBRIK SA PAGSULAT NG SARILING KARANASAN

5 4 3 2 1
ANYO
 pagsunod sa uri at anyong
hinihingi o ipinapasulat
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng
mga pangungusap
 angkop na uri ng
pangungusap
HIKAYAT
 paraan sa pagtatalakay sa
paksa
 lohikal na pagkakaayos/daloy
ng mga ideya
 pagkakaugnay ng mga ideya
NILALAMAN
 lawak at lalim ng pagtalakay
sa paksa

5 - Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay pa
4 - Mahusay 1 - Nangangailangan pa ng mga
3 - Katanggap-tanggap pantulong na pagsasanay

TAYAHIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito
sa iyong kuwaderno.

A. Basahin nang wasto ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Magandang tingnan na ang lahat ay nagtutulungan para mabigyan ng


proteksyon ang ating mga frontliners Anong uri ng pangungusap ito.

A. pasalaysay
B. patanong
C. pautos
D. padamdam

8 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
2. Kilalanin ang sumusunod na pangungusap. Anong uri ito?

Nagkasya ba ang pondo na inilaan ng gobyerno para sa SAP?

A. pasalaysay
B. patanong
C. pautos
D. padamdam

3. Sinita ng pulis ang taong hindi nagsuot ng face mask. Ano ang maaari niyang
itanong?

A. Kay tigas ng ulo mo.


B. Bakit hindi ka nagsuot ng face mask?
C. Preso ka ngayon!
D. Pakihalik ng paa ko.

4. Nagsusumamo ang presidente sa mga tao para maibsan ang pagkalat ng corona
virus. Ano ang maaari niyang sabihin?

A. Please lang, manatili kayo sa bahay.


B. Ayos lang.
C. Ano ba? Napakatigas naman ng ulo ninyo
D. Magsaya kayo.

5. Dahil sa COVID 19, marami ang nagugulahan at nag-aalala sa walang


katiyakan. Ano ang maaari nilang sasabihin?

A. Kebir ko.
B. Sino ang sisisihin natin?
C. Naku, wala yon. Magsaya tayo.
D. Magdasal tayong lahat para sa kapayapaan at kaligtasan natin.

9 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
B. Basi sa mga pangyayari ngayong may pandemya tayong COVID 19, sagutin sa
kompletong pangungusap ang mga sumusunod na tanong kaugnay ng iyong karanasan
ukol dito. Piliin sa kahon sa ibaba ang maaaring sagot. Isulat ang titik lamang sa iyong
kuwaderno.

1. Naranasan mo na bang masita ng pulis?


2. Ano ang ginawa mo?
3. Ano naman ang sinabi ng pulis?
4. Ano ang naramdaman mo?
5. Tama ba ang ginawa ng pulis? Patunayan ang iyong sagot.

A. Patawarin kita sa ngayon, ngunit mayroon ng parusa kung uulitin mo pa.”


B. Kiber.
C. Oo, nang hindi ako makapagsuot ng face mask.
D. Ako ay labis na natatakot.
E. Sinunod ko siya at nakikinig ako nang mabuti.
F. Oo, dahil ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin.
G. Mayroon ba?

KARAGDAGANG-GAWAIN
Panuto: Isulat ang inyong refleksiyon o kagyat na unawa tungkol sa natutuhan mo sa
modyul na ito; sa anong paraan na ito ay nakatutulong sa iyo at kahalagahan nito
sa iyo bilang mag-aaral. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

10 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

11 NegOr_Q3_Filipino6_Modyul6_v2
MGA SANGGUNIAN

Batnag, Tolentino. Filipino: Daan Tungo sa Pagbabago at Pag-unlad. Makati: Salesiana


BOOKS DON BOSCO INC, 2015

Liwanag, Lydia B. Ph.D. Landas sa Wika. Quezon City: Edu Resources Publishing INC,
2011

Fabila, S. 2020 Dumaguete City. Taken on October 6, 2020.


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like