You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
Sangay ng Bulacan
Purok ng Balagtas
PAARALANG PANG-ALAALA KAY FRANCISCO BALAGTAS
Panginay, Balagtas, Bulacan

IKALAWANG KWARTER
Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino VI

TALAAN NG ISPISIKASYON

Bilang ng
Bilang ng Kinalalagyan
Pamantayang Pangnilalaman Araw ng
Aytem sa Pagsusulit
Pagtuturo
Nasasagot ang mga tanong tungkol
3 3 Test I 1-3
sa kuwentong napakinggan
Nagagamit nang wasto ang pang-uri Test II.A
5 10
sa iba’t ibang sitwasyon Test II.B
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan
1 2 Test I 4-5
sa kuwento
Nabibigyang kahulugan ang salitang
5 10 Test III
hiram
Nabibigyang kahulugan ang kilos ng
1 5 Test IV
tauhan
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Bulacan
Purok ng Balagtas
PAARALANG PANG-ALAALA KAY FRANCISCO BALAGTAS
Panginay, Balagtas, Bulacan

IKALAWANG KWARTER
Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino VI

Pangalan: ____________________________________ Petsa: __________________


Baitang/Pangkat: ______________________________ Marka: _________________

I. Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro. Sagutin ang mga sumusunod


na katanungan batay dito.
Kuwento: “Magkaibang Pangarap”

1. Sino ang magkaibigan sa kuwento?


a. loro at pipit c. loro at pusa
b. pipit at aso d. pusa at daga
2. Bakit nais ni Loro na umalis sa gubat?
a. dahil gusto niyang kumain ng masasarap na pagkain
b. dahil gusto niyang makahanap ng mga bagong kaibigan
c. dahil gusto niyang maranasan ang buhay sa nayon
d. dahil nag-away sila ni Pipit
3. Paano nagkakaiba ang katwiran nina Pipit at Loro?
a. Kuntento si Pipit sa kanyang buhay sa gubat samantalang si Loro ay hindi.
b. Mas maunawain si Loro kaysa kay Pipit.
c. Kuntento si Loro sa kung ano ang mayroon siya.
d. Pareho lamang sila ng paniniwala.
4. Saan naganap ang kuwento?
a. sa kalsada c. sa ilog
b. sa gubat d. sa ibang bansa
5. Saan nakita ni Darwin si Loro?
a. sa pamilihan c. sa bintana ng kanilang bahay
b. sa ospital d. sa taas ng puno
II.A Salungguhitan ang angkop na pang-uring maglalarawan sa pangngalan.
1. tubig na inumin (malamig maginaw)
2. gusali (matangkad mataas)
3. tigre (mabangis masungit)
4. sampaguita (mabango masangsang)
5. sanggol (mababa maliit)
II.B. Punan ang patlang ng angkop na pang-uri, ayon sa ibinigay na
paglalarawan sa pangungusap.
1. Hindi pa nasesemento ang daan patungo sa palengke. Minsan, umulan nang
napakalakas kaya naging ____________ ang daan.
2. Maraming nakatambak na basura sa isang bakanteng lote. Itinapon din dito
ang iba pang nabubulok na basura, tulad ng mga pagkain. Naging
____________ ang paligid.
3. Maaga pa lamang ay nagtatrabaho na sa pabrika si Mang Emil. Hindi na
niya hinihintay ang ikawalo ng umaga upang magsimula sa gawain. Natutuwa
ang may-ari ng pabrika dahil si Mang Emil ay ___________.
4. Hilaw ang mga manggang nakalawit sa puno ngunit sinungkit na ito ng mga
bata. Napapangiwi ang mga bata habang kinakain nila ang mangga dahil
_____________ pa ito.
5. Maraming bisitang bata ang dumalo sa kaarawan ni Ellen. May iba’t ibang
palaro at masasarap ang mga pagkain. Ang kaarawan ni Ellen ay
______________.
III. Punan ang patlang ng angkop na salitang hiram. Piliin ang iyong sagot sa
kahon sa ibaba.
1. Dahil kaarawan ni tatay bukas, bibigyan ko siya ng masarap na
_____________.
2. Matagal nang may ubo si Dolly kaya pinayuhan siya ng doktor na magpa -
_____________.
3. Ang ______________ ay ginagamit kung nais mong malaman ang kasarian ng
ipanganganak na sanggol.
4. Malasa ang ______________ na ipinasalubong ni itay sa amin.
5. Nagluto si nanay ng malinamnam sa _____________ para sa aking kaarawan.

Spaghetti keyk x-ray ultrasound burger


Test IV. Isa-isahin ang mga tauhan sa kuwentong “Magkaibang Pangarap”.
Ilarawan ang bawat isa. Gamitin ang ganitong graphic organizer.

Ugali

Ugali Tauhan Ugali

Ugali

Inihanda ni:

LAIZA MARIE DS. RAMOS


Guro

Binigyang Pansin:

TERESITA S. LOPEZ
Punongguro II

You might also like