You are on page 1of 2

1st QUARTER

Monday July 22, 2019

Republic of the Philippines


Region VIII (eastern Visayas)
Division of Leyte
Hilongos South District
HILONGOS SOUTH CENTRAL SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino Grade 5

10:50-11:40 Filipino 5 Section – Loyal

1:00-1:50 Filipino 5 Section – Faith

2:40-3:30 Filipino 5 Section – Joy

3:30-4:20 Filipino 5 Section – Kind

I. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang sawikain

II. A.Paksang-Aralin
PAKIKINIG
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakingggang Sawikain
B. Sanggunian
https://www.facebook.com/Asig
http://coconuter.blogspot.com/2007/11/mga-sawikain-o-idioma.html
F5PN-Ie-3.1
C. Mga Kagamitan
tsart ng sawikain (tarpapel)
larawan
plaskard
III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Pagbabaybay
Magdikta ng sampung salita

2. Balik-aral
Ano nga ang pamagat ng pinanood ninyong palabas noong nakaraang Biyernes?
Saan ang tagpuan ng kwento?
Sino ang pangunahing tauhan sa inyong napanood?

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na parirala.
Pasagutan ang pagsasanay sa Tuklasin Mo.

B. Paglalahad
Iparinig ang mga pangungusap na may sawikain sa mga bata at itala ang
aking babanggiting mga salita.
1. Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa
lang ahas.
2. Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak-dalita.
3. Ang masasamang bagay na ginawa mi sa iyong kapwa, gaano man kaliit,
ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
4. Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang
hindi manganib ang buhay.
5. Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng
buhay

C. Pagtatalakay
Ano ang kahulugan ng salitang ahas? anak-dalita? itaga mo sa bato? mahina
ang loob?at isang kahig, isang tuka?
Ang salitang ahas, anak-dalita, itaga mo sa bato, mahina ang loob, at isang
kahig,isang tuka ay sawikain.
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang
gamit. Ito’y nagbibigay ng di-tuwirang kahulugan.
Narito ang ilan pang halimbawa ng sawikain.

D. Pagpapayamang Gawain
Hatiin ang mag-aaral sa tatlong pangkat. Ipagawa ang Pagyamanin Mo.
(Gabayan ang mga bata sa pangkatang Gawain)
Bigyan ng oras ang pag-uulat ng pangkat.

E. Paglalahat
(Gabayan ang mag-aaral sa pagbibigay ng kasagutan)
Ano ang sawikain o idioma?

F. Paglalapat
Ipagawa ang Isapuso Mo

IV. Pagtataya
Sagutan ang Isulat Mo

V. Takdang-Aralin
Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain.
1. utang ng loob
2. patay-gutom
3. nagbibilang ng poste
4. maaliwalas ang mukha
5. makalaglag-matsing

CPL: = Loyal Faith Joy Kind

5 = _____

4 = _____

3 = _____

You might also like