You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region VI- Western Visayas


Schools Division of Iloilo
District of Leganes
CALABOA ELEMENTARY SCHOOL
Calaboa, Leganes, Iloilo

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakakasulat ng mga pangungusap na nagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nagagamit sa usapan at ibat-ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap.
F6WG-IVa-j-13
II. Nilalaman
Paggamit sa usapan at ibat-ibang sitwasyon ang uri ng pangungusap (SAAD
Festival)
III. Kagamitang Panturo
Tsart ng ibat-ibang uri ng pangungusap
Tarpapel
Larawan
A. Sanggunian
Mga Pahina ng Gabay ng Guro:
Mga Pahina ng Kagamitang Pang-Mag-aaral:
Mga Pahina sa Teksbuk: Sanghaya 5 pp. 383-385
IV. Pamamaraan
A. Balik-aral ng nakaraang aralin
Ano ang pangungusap?
B. Paghahabi ng layunin ng aralin
Ano ang masasabi mo sa larawan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa


Basahin ang mga sumusunod na pangungusap:
1. Ang Hubon Maminatud-on ay nanalo sa Saad Festival.
2. Kailan ginanap ang Saad Festival?
3. Wow! Ang ganda ng suot nila.
4. Sumayaw kayo nang maayos.
5. Maari bang umupo kayo.

Ano ang isinasaad ng mga pangungusap sa bawat bilang?


Paano isinusulat ang mga ito? Anu-anong bantas ang ginagamit sa bawat
pangungusap?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1
Magpakita ng iba’t ibang sitwasyon. Hingin ang magiging sasabihin ng mga mag-
aaral sa bawat sitwasyon.
1. Nanonood ka ng pagtatanghal ng mga tribu sa Saad Festival ng biglang
nadapa ka sa pagkatulak ng isang makulit na bata.
2. Nanalo ang sinusupotahan mong tribu sa Saad Festival.
3. Ikukuwento mo sa nanay mo ang napanood mong pagtatanghal sa Saad
Festival.
4. Gusto mong malaman mula sa kaibigan mo na nanonood ng awarding kung
anong tribu ang nanalo sa Saad Cultural Dance Competition.
5. Gusto mong makisuyo sa taong nasa harap mo na huwag tumayo kundi
maupo lamang dahil hindi mo makita ang pagtatanghal ng tribu sa Saad
Festival.
6. Inis na inis ka sa kaklase mong panay ang sigaw ng sigaw habang nanonood
ng pagtatanghal.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Ipaskil sa pisara ang iba’t ibang uri ng pangungusap.


1. Pasalaysay – tawag sa mga pangungusap na nagsalaysay o nagkukuwento.
Ito ay ginagamitan ng tuldok (.) sa hulihan.
2. Patanong – tawag sa mga pangungusap na nagtatanong ito ang ginagamitan
ng tandang pananong (?) sa hulihan.
3. Padamdam – tawag sa mga pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin. Tandang padamdam (!) ang inilalagay sa hulihan nito.
4. Pautos – tawag sa mga pangungusap na nag-uutos tuldok (.) ang inilagay.
5. Pakiusap – tawag sa mga pangungusap na nakikiusap. Gumagamit ito ng
magagalang na pananalita tulad ng paki, maki, maari at pwede. Ginagamitan
din ito ng bantas na tuldok (.) o tandang pananong (?).
F. Paglinang ng Kabihasnan
Pangkatin ang mag-aaral sa apat na grupo. Ipagawa ang sumusunod na gawain.

Unang Pangkat – Sumulat ng mga pangungusap na pasalaysay tungkol sa


larawan.
Ikalawang Pangkat – Sumulat ng mga pangungusap na nagtatanong
tungkol sa larawan.
Ikatlong Pangkat – Sumulat ng mga pangungusap ng nagsasaad ng
matinding damdamin tungkol sa larawan.
Ikaapat na Pangkat – Sumulat ng mga pangungusap na pautos at
pakiusap tungkol sa larawan.
G. Paglalapat ng Aralin na pang-araw-araw na buhay.
Bakit mahalagang angkop ang pangungusap na ginagamit natin sa iba’t ibang
sitwasyon.
H. Paglalahat ng Aralin
Anu-ano ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

I. Pagtataya ng Aralin
Isulat ang angkop na pangungusap sa bawat sitwasyon.
1. Si Mila ay inuutusan na bumili ng suka ng kanyang nanay. (pautos)
2. Nasusunog ang bahay ni Mang Juan. (padamdam)
3. Nakikiusap si Juan na itasa ang kanyang lapis. (pakiusap)
4. Gustong malaman ni Marites kung saan nakatira ang kanyang guro.
(patanong)
5. Gustong ilarawan ni Martha ang kanyang paaralan sa mga bisita. (pasalaysay)

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation


Gumupit ng larawan at sumulat ng tigdadalawang pangungusap sa bawat uri
ng pangungusap ayon sa larawan.

Inihanda ni:

DELILAH S. MAULAS
Guro

You might also like