You are on page 1of 6

Lesson Exemplar in FILIPINO 6 Using the IDEA Instructional Process

Learning Area FILIPINO 6


Learning Delivery Modality MODULAR DELIVERY LEARNING MODALITY

LESSON Paaralan LILIW CENTRAL ES Baitang Baitang 5


EXEMPL Manunulat CYNTHIA O. JACINTO Asignatura FILIPINO 5
AR Petsa Week 1 Markahan Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN Pagtatapos ng aralin ito ay inaasahan ang mga kaalamang ito:


-Matutukoy ang pang-uri at pang-abay
-Maiuugnay ang gamit ng pang-uri sa paglalarawan ng kilos.
-Mabibigyang pagpapahalaga ang kasipagan

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag - aaral ang kakayahan sa pagsasalita nang wasto upang maipahayag ang
kaalaman at ideya sa pagpapaunlad ng pamayanan.

B. Pamantayan sa Pagganap Nagagamit ang uri ng pang-abay upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa
araling pangnilalaman.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) (Kung (MELC25) Nagagamit ang pang-abay at pang uri sa paglalarawan ng kilos
mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.) Nagagamit ang pang-abay at pang uri sa paglalarawan ng kilos

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng - MELC Filipino G5 Q3, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p.170)
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Hindi gagamit ng teksbuk sa pagtatalakay
d. Karagdagang Kagamitan Pang-abay at ang uri nito kinuha sa https://www.youtube.com/watch?
mula sa Portal ng Learning
Resource
v=mirXebqc1fE&t=1s

B. Listahan ng mga Kagamitang


Panturo para sa mga Gawain sa - modyul
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan - papel/kwaderno
- bolpen

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula (Introduction) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
Magbibigay ang guro ng gabay at patnubay sa pagbubukas ng klase.

Balik-aral
1. Magbugtungan tayo
Ipabasa ang mga pangungusap. Suriin ang mga pangungusap at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

2. Ang tumatakbong kabayong itim ay matulin.


3. Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.
4. Mahusay ang paliwanag ng aming guro tungkol sa kababalaghan.
5. Matiyang naghahanapbuhay ang tatay ni Doris sa Saudi Arabia.
Maayos ang pila ng mga deboto sa prusisyon

Paghahabi sa mga Layunin

 Itatanong ng guro: Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?


 Pareho ba ito ng pagkamit sa mga pangungusap?
 Ano ang tungkulin ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap bilang 1 at 3? ________.
Sa pangungusap bilang 2 at 4? ________.
 Ano ang tawag sa salitang nakasalungguhit
sa pangungusap bilang 1 at 3? _______. Sa pangungusap bilang 2 at 4? _______.

Ang tawag sa mga salita na nakasalunguhit ay mga Pang-abay at Pang-uri.


Ang salitang nakasalunguhit sa pangungusap 1 at 3 ay mga Pang-uri at ang mga
pangungusap 2 at 4 ay mga Pang-abay.

B. Pagpapaunlad Pagganyak na Tanong


(Development)
Subukin

Isulat sa patlang ang PU kung pang-uri ang nakasalunguhit na salita at PA kung pang-abay.

______1. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.


______2. Minahal niya nang wagas ang kanyang inang-bayan.
______3. Mahigpit na niyakap ng ina ang kanyang mga anak
______4. Ang lalaking nagnakaw ng bag ay nagmamadali
______5. Nakatutuwang alalahanin ang bakasyon natin noong isang taon.

Pamantayan sa Pagbasa ng Tahimik

1.Maupo ng matuwid
2.Mga mata ang gamitin sa pagbasa
3.Bumasa ng matulin hanggang maari
4.Unawain ang binabasa.
Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

B. Tuklasin
Sagutin mo ang mga panimulang tanong bago basahin ang kwento. Isulat sa hiwalay na papel

 Ano-ano ang kahalagahan ng paggamit ng iba’t ibang salita bilang pang-uri at pang-
abay sa pagpapahayag ng sariling ideya.?
 Ano sa palagay mo ang posibleng mangyayari kung walang pang-uri at pang –abay na
ginamit sa mga pangungusap o pahayag?
Maaari mo ng basahin ang kwento.

Sagutin mo ang mga tanong habang binabasa ang kwento.

Gawain:
Pagbasa ng Kwento/ Video Presentation

Kwento ng Ati-Atihan

Ang Atí-Atíhan ay isang pista tuwing ika-lawang linggo ng En-ero sa Kalibo, Aklan at sinusundan
ng gayund-ing pagdiriwang sa ka-lapit bayan ng Ibajay, Aklan. Ito ay karani-wang ipinagdiriwang
pagkatapos ng selebra-syon ng pagdalaw ng Tatlong Hari kay Jesus sa sabsaban. Gamit ang
makukulay na maskara, uling sa katawan, at iba’t ibang matingkad na ka-suotan, ang mga táong
kaisa sa pagdiriwang ay sumasayaw kasabay ang tunog ng mga tambol at sigaw na “Hala, Bira!.”

Ang salitâng “Atí-Atíhan” ay may kahulugan na “maging katulad ng isang Ati.” Noong ika-13 siglo,
pinaniniwa-laang dumating sa Panay ang sampung datu mula sa Bor-neo at nakipagsundo sa mga
katutubong Ati. Ang mga Ati ay mga Negrito o maliliit at maiitim na tao, kulot ang buhok, at
naninirahan noon sa Panay. Ayon sa kuwento, binili nina Datu Puti ang ilang bahagi ng lupain
kapalit ng salakot na ginto at iba pang hiyas. Magmula noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga
Ati. Bumababâ silá kapag humihingi ng tulong sa mga datu. Ang mga Ati ay sumasayaw at
kumakanta bílang pasasalamat.

Upang higit na sumigla, itinapat ang Ati-Atihan sa pagdiriwang ng pista ng Santo Niño. Kayâ
bahagi ng sanlinggo’t masayáng parada sa Kalibo ang pagtatanghal at pagbubunyi sa imahen ng
batàng Jesus, gaya ng ginagawâ ding pagdiriwang tuwing Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang”
ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz, “Maskara-han” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique.

 Ano-ano ang mga salitang may salungguhit sa binasang kwento.?


Tukuyin mo ang mga salitang may salungguhit kung ito ay pang-uri o pang –abay ?

Pagsagot sa Katanungan Pamatnubay

Sagutin ang mga Tanong.

_______1. Ano ang ipinagdiriwang ng mga taga Kalibo , Aklan ?


_______2. Sino ang pinaniniwalaang dumating sa Panay noong ika-13 siglo?
_______3. Saan nagmula ang mga datu ?
_______4.Bakit kumakanta at sumasayaw ang mga Ati?
_______5. Kailan dumating ang sampung datu sa Panay?
_________________________________________________________________________________

Talakayin

Halungkat Kaalaman

Pang-uri o Pang –abay


Isulat sa patlang kung ang salitang may salunggyhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay.
1.____________ Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.
2.____________ Minamahal niya ng wagas ang kanyang inang-bayan.
3. ___________ Mahigpit na niyakap ng ina ang kanyang anak.
4.____________ Ang tlalaking nagnakaw ng bag ay nagmamadali.
5. ___________ Nakakayuwang alalahanin ang bakasyon natin noon.

Paglalahad ng Konsepto ( Video Presentation)

Pang-abay
- Ang pang-abay ay makikilala dahil sa kadalasan itong kasama ng isang pandiwa, pang-uri o
isa pang pang-abay na bumubuo sa isang parirala o pangungusap.

- Ito ay nagbibigay turing sa mga salitang kilos, sa salitang naglalarawan sa pangalan o


kapwa salitang nagbibigay turing sa isang pang pang-abay.

- Halimbawa:
Ang manggang tinda ni Mario ay masyadong maasim.

Ang salitang masyado ay inilalarawan ang maasim,


Ang pang-abay sa pangungusap ay ang salitang masyado ,na kung saan ang salitang
maasim ay isang pang –uri.

Pang- uri

- Ang pang uri ay ang mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.
Maari rin ito maglarawan sa pang-halip.
- Ang paglalarawan aynakabatay sa kung ano ang iyong nakikita, naaamoy , naririnig,
nalalasahaan , at nararamdaman.
- Madalas sa inilalarawan ang mga katangian ng isang tao, bagay, hayop, pook, o
pangyayari.

Halimbawa:
Ang simoy ng hangin sa Sagada ay malamig.

Ang salitang simoy ng hangin sa Sagada ay isang bahagi ng pangungusap na kung saan ay
nangangailangan ng pag lalarawan,samantalang ang salitang malamig ay halimbawa ng
pang-uri . Ibig sabihin inilalarawan ng salitang malamigang simoy ng hangin sa Sagada.

Paglinang ng Kabihasahan

Rubrics para sa Pangkatang Gawain

Pangkatang Gawain

PANGKAT 1
I-guhit Mo!

Gumawa ng poster na nagpapakita ng maganda at makulay na kasuotan ng mga Ati.

PANGKAT 2
Aawitin Namin!

Bumuo ng maikling kanta na naglalarawan kung paano pinagdiriwang ang Ati-Atihan Festival, gamit ang mga salitang pang-
uri at pang-abay.
.
PANGKAT 3
Ulat mo!
Gumawa ng isang ulat tungkol sa Ati-Atihan Festival gamit ang mga salitang pang-uri o pang-abay.

PANGKAT 4
Akting Mo!

Gumawa ng maikling dula-dulaan tungkol sa pagdating ng sampung dat

Paglalahat

Isaisip

Paglalapat sa Aralin sa Pabg araw-araw na buhay

Salunguhitan ang pang-uri at pang-abay na ginamit sa pangungusap

1.Masaya ang mga tao sa mga programang pangkalikasan.


2.Maraming namamatay na isda dahil sa marumi na ang tubig sa ilog at dagat.
3.Dapat ay bukal sa loob na makiisa ang bawat mamamayan sa mga programang pangkalikasan.
4.Nang Makita ko si Ana noong araw na iyon ay umibig agad ako sa kanya
5.Kahapon lamang ay kausap ko siya, bakit ngayon ay na mimiss ko na ulit siya.

1.Post test/ pangwakas na pagtataya


A. Isagawa

Ngayon alam mo na ang pang-uri at pang-abay ay parehong naglalarawan o nag bibigay turing.at ang
pang-abay- ay nag bibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
. Kayang-kaya mo ng sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na
papel.

Bilugan ang salitang panlarawan sa pangungusap. Isulat kung ito ay pang-uri o pang-abay . Bumuo
ng bagong pangungusap mula rito . Bawasan o dagdagan ang mga salita sa pangungusap upang
ibahin ang tinuturingan nito.

Halimbawa:

Pang-uri – Ang pagkumpuni ng sirang bubong ay madali para sa magkapatid.


Pang-abay –Madaling nakumpuni ng magkapatid ang sirang bubong.

___________1. Ang mga bisita ay magiliw niyang inanyayahang pumasok sa sala.

________________________________________________________
________________________________________________________

___________2. Malinaw ang mensaheng ipinahiwatig ng kinatawan ng pangulo.

________________________________________________________
________________________________________________________

___________3. Matamlay na sinagot ng pasyente angmga tanong ng doctor.

________________________________________________________
________________________________________________________

___________4. Tahimik si Alicia habang nagbabasa sa loob ng kanyang silid.

________________________________________________________
________________________________________________________

___________5. Ang aking binasa ay lubos na nauunawaan ko.

________________________________________________________
________________________________________________________

1. Karagdagang Gawain

Sumulat ng maikling talata tungkol sa ginagawang pag-iingat ng iyong pamilya sa pagsugpo


ng COVID 19 sa inyong tahanan (gamit ang mga uri ng pang-abay )

2. Takdang Aralin

Ipapatala ng guro ang tamang sagot sa gawaing ito sa kuwaderno at ipapakita sa kanyang kamag-aral.

Panuto: Umisip at sumulat sa kuwaderno ng 10 pangungusap tungkol sa nagaganap na suliraning


kinakaharap ng ating bansa. Bilugan ang pang-abay Isulat kung anong uri ng pangabay ang napaloob
sa bawat pangungusap.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kuwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
A. (Pagninilay sa mga Uri ng realisasyon gamit ang mga susmusunod na prompt.:
Formative Assessment na
Ginamit sa Araling Ito) Naunawaan ko na _______________________.
Nababatid ko na _______________________.

You might also like