You are on page 1of 3

Department of Education

Region VI-Western Visayas


Division of Roxas City
District III-Cluster VIII
LAWA-AN INTEGRATED SCHOOL
Lawa-an, Roxas City

Classroom Observation
BANGHAY ARALIN sa FILIPINO 6
March 11, 2020

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
Pangnilalaman kaisipan, karanasan at damdamin
B.Pamantayan sa Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas, reader’s theatre o dula-
dulaan
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap
Pagkatuto F6WG-Iva-j-13
Isulat ang code ng bawat
kasanayan
II.NILALAMAN Paggamit sa Usapan at Iba’t Ibang Sitwasyon ng mga Uri ng Pangungusap

III. KAGAMITANG Powerpoint Presentation, Laptop, Smart TV, Tarpapel, Activity Cards
PANTURO
A.Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2.Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk Hiyas sa Wika 5, ph. 15-20
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B.Iba pang Kagamitang
Panturo
IV.PAMAMARAAN
A.Balik-Aral sa nakaraang Sabihin sa mga bata:
aralin at/o pagsisimulang Kahapon ay napag-aralan natin ang tungkol sa paggamit ng magagalang na pananalita sa
aralin pagbibigay ng reaksyon. Anu-ano ang nararapat nating gawin kung tayo ay nagbibigay ng
reaksyon sa isang sitwasyon o pangyayari?

B. Paghahabi sa layunin ng Pagpapakita ng larawan ng mga taong nag-uusap.


aralin (Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan?)

C. Pag-uugnay ng mga Pagbasa sa isang usapan.


halimbawa sa bagong aralin Ay! Swerte!
Cardo: Inay, maaari po ba akong magpunta sa lumang basketball court?
Nanay Flora: Sige, anak, kaya lamang, huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo, hane.
Pakidaan mo na rin itong ginatan kay Mareng Sela.
Cardo: Opo. (May pasipul-sipol pang naglakad si Cardo dala ang bola at mangkok ng
ginatan.) Uy! Singkwenta pesos! Kanino kaya ito? Kay Inay? Ah, di na bale. Akin na ito!
Napulot ko ito. Tiyak, marami akong mabibili nito. Ibibili ko si Titser Tess ng bulaklak at
tsokolate. Bibigyang ko sina Alyana, Oscar, Lily at Diana ng sandwich. Ah, ewan!
Pagdating sa bahay…
Cardo:Inay! Inay! Nawalan po ba kayo ng pera? Singkwenta pesos, po oh! Napulot ko sa tabi
ng pinto.
Nanay Flora: Naku, salamat, Cardo! Kanina ko nga iyan hinahanap. Maraming salamat.
(Hahalikan si Cardo.)

Mga tanong tungkol sa dayalogo:


Ano ang napulot ni Cardo?
Ano ang una niyang naisip gawin tungkol dito?
Tama ba ang kanyang ginawa sa nakita niyang pera? Bakit?
D. Pagtatalakay ng bagong 2. Pagtatalakay tungkol sa paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap batay sa
konsepto at paglalahad ng usapan/dayalogo.
bagong kasanayan #1 Alin ang pangungusap na nag-uutos?
Nagpapahayag ng matinding damdamin?
Ang nagsasalaysay?
Sa anong bantas nagtapos ang bawat pangungusap?
E. Pagtatalakay ng bagong PAGYAMANIN MO
konsepto at paglalahad ng Ang mga pangungusap na sumusunod ay hango sa usapang inyong binasa.
bagong kasanayan #2 a.Uy! Singkwenta pesos!
b. Napulot ko to sa tabi ng pinto.
c.Kanino kaya ito?
d.Inay, nawawalan po ba kayo ng pera?
e.Huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo.
Alin sa mga pangungusap ang nag-uutos? Nagpapahayag ng matinding damdamin? Ang
nagsasalaysay? Sa anong bantas nagtapos ang bawat pangungusap?

F. Paglinang sa Kabihasaan Marahil alam mo na ang iba’t- ibang uri ng pangungusap. Ngayon basahin mo ang bawat
(Tungosa Formative sitwasyon. Anong sasabihin mo sa iyong katabi? Ano naman ang kanyang isasagot?
Assesment 3) 1. Nakalimutan mo ang iyong aklat sa bahay. Nais mong humiram ng aklat. Nagpahiram
naman ang iyong kaibigan.
2. Nanood kayo ng palatuntunan. Umawit ang isa ninyong kaklase at

G. Paglalapat ng aralin sa Bumuo ng usapan tungkol sa mga sitwasyon na nasa Activity Card. Gamitin ang iba’t- ibang
pang araw-araw na buhay uri ng pangungusap.

RUBRIC
5-May 5 uri ng pangungusap na angkop na ginamit sa dayalogo/dula-dulaan.Lahat ng
kasapi ay nakiisa sa gawain.
4-May 4 na uri ng pangungusap na ginamit sa dayalogo/dula-dulaan.
3-May 3 uri ng pangungusap na ginamit sa sitwasyon.
2-May 2 uri ng pangungusap na ginamit sa sitwasyon.
1-Isang uri lamang ang ginamit sa sitwasyon.

H. Paglalahat ng Aralin Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit


 1.Paturol o pasalaysay-naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok
(.).
2.Pautos o Pakiusap –ito ay nag-uutos o nakikiusap. Nagtatapos sa tuldok (Pautos) at maaring
tandang pananong (Pakiusap).
3.Patanong-kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong(?).
4. Padamdam-nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Pagpapahalaga:
Paano mo maipapakita ang tamang pakikipag-usap sa ibang tao?
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Gumamit ng 5 uri pangungusap na maaaring sabihin sa sumusunod na sitwasyon.
1. Nakita mo ang isang bata na muntik ng masagasaan sa kalsada. Nagkataon na ikaw
lang ang napadaan ng mangyari iyon.

J. Karagdagang gawain Gumawa ng usapan batay sa sumusunod na sitwasyon. Gamitin ang iba’t ibang uri ng
para sa takdang-aralin at pangungusap.
remediation  
* Nais mong pumunta sa kaarawan ng iyong kaibigan.

V.MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A.Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 75% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istrateheyang
Pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito na katulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa
tulong ng aking punongguro
at superbisor?
G.Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni:

Leizle A. Ureta
Teacher I

Pinagtibay ni:

Jocelyn E. Hedriana
Principal III

You might also like