You are on page 1of 54

FILIPINO 6

QUARTER 2,WEEK 6

KATHRINE G. MENDOZA
GURO
MADDIANGAT E/S
Paggamit
Nang Wasto
sa Pandiwa
Nagagamit nang
wasto ang pandiwa
sa pakikipag-usap
sa iba’t ibang
sitwasyon
(F6L-IIf-j-5)
Nasasagot ang
mga tanong
tungkol sa
binasang
(F6RC-IId-f-3.1.1)
Kaya mo, buuin mo!
Ano ang
pinag-aralan natin
kahapon?
MALINHAGATANG-
SATALI
MATALINHAGANG-
SALITA
Laro:(Graphic Organizer)

Hanapin mo, Kapareha


mo!
Panuto:Bigyang pansin
ang mga matalinhagang-
salita sa hanay A at piliin
ang kasingkahulugan nito
sa hanay B.
HANAY A
1. natutunaw na kandila
2. patabaing baboy
3. mistulang pugon
4. talak nang talak
5. tigre
HANAY B
a. mainit
b. daldal nang daldal
c. mabagsik
d. hiyang-hiya
e. malikot
f. kain lang nang kain nang
walang ginagawa
Sino ang ating
pambansang bayani?
Bakit naging bayani
si Dr. Jose Rizal?
P -anatilihing
payapa ang
klase.
A -lalahanin ang
pagsusuot ng face
mask at
pagsasagawa

ng social
N -asisikap
magbahagi ng
iyong kaalaman
sa klase.
D -apat
katamtaman
ang boses sa
klase.
I -galang ang
kaisipan ng iba.
W-alang alinlangan sa
pagtatanong kung may
hindi naintindihan.
A -garang
pagtugon sa mga
gawain.
(Use of Fact Wrap)

I-connect Mo Ako!
Panuto: Gagamitin ko sa
pangungusap tukuyin mo ang ibig
sabihin ng salita.
(Context Clues)
1. anekdota (salaysay)
2. mahusay (magaling)

 
3. tanyag (kilala)
4. pagsasalok (pag-iigib)
5. tinanghal (ginawaran)

 
Sino si
Fernando
Amorsolo?
Pagbasa sa Anekdota:

“FERNANDO
AMORSOLO”
(Pop Corn Reading/Giving of
Individual Copy of the
Anecdote)
Sino si Fernando Amorsolo?

Si Fernándo C. Amorsólo (30 Mayo 1892-24 Abril 1972) ang


pinakaunang ginawaran ng karangalang Pambansang Alagad ng
Sining sa Pintura noong 1972.
Si Fernando Amorsolo ang pinakamaningning na kinatawan
ng panahon ng klasiko sa sining biswal sa Filipinas.
Kinikilala rin siyang “Ang Maestro” at “Grand Old Man” ng
sining sa Filipinas noong nabubuhay pa.
Ang malikhaing paggamit ng liwanag, sa partikular, ng
backlighting, ang pinakamalaking kontribusyon ni Amorsolo sa
pagpipinta sa Filipinas. Ang tingkad ng maningning na liwanag na
nagmumula sa likuran ng kaniyang mga paksa ay nagtatampok sa
isang bahagi ng kaniyang kanbas, sa mga dahon ng mga puno,
tikwas ng buhok, ngiti sa mga labi, at umbok ng dibdib ng
dalagang Filipina.
Masaklaw ang larangan ng mga obra ni Amorsolo—mula sa
mga portrait ng mga kilala at mayayamang tao, larawan ng mga
tanawin, hanggang sa dibuho sa mga pabalat ng libro at
magasin.Ngunit naging tatak ng likhang Amorsolo ang
pagtatanghal ng mga payak, payapa at pang-araw-araw na buhay
ng mga naninirahan sa lalawigan.
Ang dalagang Filipina sa kaniyang makukulay na baro’t saya 
na palagiang nakangiti habang ginagampanan ang tradisyonal na
domestikong gawain; mga magsasaka sa gitna ng tanawin ng
kasaganaan sa kabukiran; ang taumbayan sa kanilang
pangkaraniwang gawain, kaugalian at tradisyon tulad ng pista,
binyag, kasal, pagtatanim, paglalaba, pagluluto, pamamangka, o
kahit pagbabasá.
Ang mataas na antas ng kasiningan ay napanatili
niAmorosolo sa kabila ng dalas at dami nito. Ang mga pinturang
oleo pa lamang niya ay tinatayang aabot na sa libo. Dahil sa mga
tiyak na hagod ay mabilis na natatapos ni Amorsolo ang kaniyang
mga likha.
Ang tatlong malalaking pintura niya para sa Philippine
Pavillion na ginamit sa 1931 Paris Exposition ay natapos niya sa
loob lamang ng isang buwan.
Ilan pa sa mga kilalang obra ni Amorsolo ay ang Maiden in a
Stream, Dalagang Bukid,  Lavanderas, Family in a Banca, Tinikling
, Harvest Scene at Barrio Fiesta.
Ang Rice Planting na ginawa ni Amorsolo noong 1922 ay
naging pinakapopular na hulagway sa panahon ng Komonwelt.
Lumikha rin siya ng mga obrang nagtatanghal sa kasaysayan ng
Filipinas gaya ng Early Filipino State Wedding, Traders, Sikatuna,
The First Mass in the Philippines, The Building of Intramuros at
Burning of the Idol.
Si Fernando C. Amorsolo isinilang noong 30 Mayo 1892 sa
Calle Herran sa Paco, Maynila sa mag-asawang Pedro Amorsolo
at Bonifacia Cueto.
Ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay ipinamalagi
niya sa Daet, Camarines Norte. Dito nag-ugat at nalinang ang
pagkiling niya sa simpleng buhay sa lalawigan na naging
malaking impluwensiya sa kaniyang mga obra.
Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts
na pinagturuan din ng kaniyang tiyuhing pintor na si Fabian de la
Rosa. Isa siya sa mga pinakaunang nagtapos doon at nagkamit pa
ng maraming karangalan.
Lumikha ng mga obra ang pintor hanggang sa huling mga
taon ng kaniyang buhay. Ngunit ang pagkakaroon ng katarata,
diabetes, arthritis, at pagkamatay ng dalawang anak na lalaki na
lubha niyang dinamdam ay nagkaroon ng malaking epekto sa
kaniyang trabaho. Namatay si Amorsolo sa sakit sa puso noong
24 Abril 1972.(RVR)
Pinagmulan: Kermit Agbas
Kasanayan 1:

Tanong sa tapat mo, sagot mo!


Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino si Fernando Amorsolo?
2. Kailan at saan siya ipinanganak?
3. Anu-ano ang mga larawang tanawin
sa bukid na nagpatanyag sa kanya?
4. Kailan siya tinanghal bilang
pinakamahusay na pintor?
5. Bakit siya tinanghal na
pinakamahusay na pintor?
Sino sa inyo ang
gustong maging
katulad ni Fernando
Amorsolo? Ano ang
dapat mong gawin
para makamtan ang
nais sa buhay?
Kasanayan 2:
Pagtalakay sa Pandiwa
Suriin ang mga pangungusap na
hango sa anekdota.Bigyang
pansin ang mga salitang may
salungguhit.

1. Napatanyag siya sa mga


iginuhit niyang mga larawan ng
mga tanawing bukid.
2. Naglalarawan ng buhay
at ugaling Pilipino tulad
ng pagtatanim at pag-
aani ng palay,paglalaba
sa batis,pagiging dalagang
Pilipina,pagsasalok ng
tubig at iba pa.
Ano ang isinasaad ng mga
salitang may salungguhit?
Kilos(action)
Anong bahagi ng
pananalita ang nagsasaad
ng kilos? Pandiwa(verb)
Ipakilala rin ito.
Anu-ano ang tatlong
aspekto ng pandiwa?
NAGANAP,
NAGAGANAP,
MAGAGANAP
Mga dapat tandan para
makasagot sa mga tanong
tungkol sa binasa.
Makinig nang mabuti.
Magtala ng mga
mahahalagang detalye
tungkol sa anekdota.
ISAHANG
PAGGAWA
ISAHANG PAGGAWA
R PAMANTAYAN 5 PUNTOS 3 PUNTOS 2 PUNTOS

U NILALAMAN Lahat ng sagot ay May isang mali


tama
Higit sa isa ang
mali

B
R PRESENTASYO May
N/PAGGAWA
Mas Maayos ang
pinakamaayos na pagkagawa
pagkagawa
Maayos ang
pagkagawa

I
K
KALINISAN/
KAAYUSAN
Pinakamalinis Mas Malinis Malinis ang
ang pagkagawa ang pagkagawa pagkagawa

S
ISAHANG
GAWAIN
(ACTIVITY CARDS)
PANGALAN:_______________________________

GAWAIN I-LAGYAN MO AKO!


Lagyan ng tsek ( /) ang
larawan na nagpapakita
ng kilos o pandiwa.
PANGALAN:__________________________________
Lagyan ng tsek (/) ang larawan na nagpapakita ng
kilos,galaw o pandiwa(VERB).
PANGALAN:_________________________________
GAWAIN II- HANAPIN MO AKO!
Bilugan ang pandiwa o salitang
kilos sa bawat pangungusap.
• Nagsisimba sila tuwing Linggo.
• Umaawit ang mga bata sa
paaralan.
• Naglilinis ang nanay sa bakuran.
PANGALAN:_______________________________

GAWAIN III- GAWIN MO AKO!


Isagawa ang mga salitang kilos o
pandiwa na naibigay.
•tumayo
•maupo
•magwalis
PANGALAN:__________________________
GAWAIN IV-GAMITIN MO AKO!
Gamitin sa pangungusap ang mga
pandiwa o salitang kilos na naibigay.
•nagsusulat-
•nag-aaral-
•naglilinis-
MAG-AARAL NILALAMAN PRESENTASYON KALINISAN/ KABUUAN
S /PAGGAWA KAAYUSAN

C
O
R 1 5 5 5 15
E
2
B 3
O
A 4
R
D
5
Isapuso Mo

Mahalaga bang pag-


aralan ang buhay ng
ating mga bayani o
taong nagsilbi sa
bayan?Bakit?
Isapuso Mo

Mahalagang pag-aralan ang


buhay ng ating mga bayani o
taong nagsilbi sa bayan,
para maalala at maitanim sa
ating puso’t isipan ang
kanilang kadakilaan o
sakripisyo at magsilbing
huwaran sa ating buhay.
Ano ang
pandiwa?
-Ang pandiwa
(verb) ay mga
salitang kilos o
galaw (action
words).
Halimbawa:
Tumayo
Tumakbo
Naglinis
Nag-aaral
Nagsusulat
Ano ang dapat
tandaan para
makasagot sa mga
tanong tungkol sa
binasang
anekdota?
Makinig nang
mabuti.
Magtala ng mga
mahahalagang
detalye tungkol sa
anekdota.
Kopyahin ang mga salitang
kilos o pandiwa na ginamit
sa pangungusap.
1.Ang mga bata ay masayang
nagtampisaw sa ulan.
2.Si kuya ay nag-igib ng
tubig sa may batis.
3. Maagang nagsaing ang
nanay ng masarap na ulam
4. Ang mga ibon sa puno ay
masayang nag-aawitan.
5. Masayang nagtakbuhan
ang mga bata sa burol.
Gumupit ng limang
larawan na
nagpapakita ng kilos
o galaw.Idikit ito sa
bond paper.Gumamit
ng organizer sa
paggawa.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like