You are on page 1of 2

Title : Usa at ang kaniyang mga kaibigan

Narrator : Sa isang kagubatan mayroong limang hayop na matatalik na magkakaibigan. Sina usa,
oso, elephante, unggoy, at ibon. Naging matatag at matulong sila sa bawat isa sa pagdurusdos
ng buhay sa kagubatan.

Usa : Kamusta ang inyong araw!


Oso 1 : Ayos lang naman, ikaw elephante?
Elephante 1 : Masaya ako lagi basta't kasama ko kayo!
Unggoy 1 : May balak ba kayong gawin ngayong araw?
Usa : Gusto ko sanang lumakbay at pumasyal ngayong araw.
lbon 1 : Ahh, gusto mo bang samahan ka namin?
Usa : huwag na, nais ko munang lumakbay mag-isa.

Narrator: Lumakbay mag-isa ang usa. Sa gitna ng kanyang paglalakbay, mayroon siyang
nakasalubong na grupo ng magkakaibigan.

Usa : Magandang araw sainyong lahat! Ako nga pala si usa! Maari ko ba kayong makilala?
Unggoy 2 : Aba shempre! Ako nga pala si unggoy.
ibon 2 : Ako naman si lbon!
Oso 2 : Ako si oso!
Elephant 2 : At ako naman si Elephante!

Narrator : Pagkatapos magpakilala ng lahat, nakisama si usa sa grupo na ito. Lagi na siyang
nakikisama dito araw-araw at hindi na siya nagpaparamdam sa kaniyang mga kaibigan. Isang
araw, nilapitan si usa ng kanyang mga kaibigan.

Unggoy 1 : Usa bakit hindi mo na kami kinakausap?


bon 1: Pinalitan mo naba kami usa?
Elephante 1 : Bakit di ka na nagpaparamdam?
Usa : Pasensya na kayo pero nakahanap na ako ng mga bagong kaibigan. Mas masaya silang
kasama at sila ang maituturing kong mga tunay na kaibigan.
Oso 1 : Ah ganun ba? Sige, doon ka na sa mga bago mong kaibigan.

Narrator : Pagkatapos ng usapang iyon, nagbalak si usa na pumunta sa kaniyang bagong grupo
ng kaibigan upang makipaglaro. Habang naglalakbay mag-isa si usa, naipit ang kanyang paa.
Matagal siyang nanatili mag-isa sa gitna ng kagubatan dahil kahit anong puwersa niya ay hindi
niya ito magalaw. Mawawalan na sana ng pag-asa si usa, pero
biglang dumating ang kanyang panibagong grupo ng kaibigan.

Usa : Buti dumating kayo! Pwede nyo ba akong tulungan alisin ang paa ko dito?
Unggoy 2 : Sige, tutulungan ka namin.

Narrator : Tutulungan na sana ni unggoy si usa, ngunit napapigil ito dahil napansin niya na may
papalapit na tigre.

Oso : Hala may papalapit na tigre! Umalis na tayo dito!

Narrator : Agad na umalis sina unggoy at oso.

Usa : Teka, tulungan niyo ako dito!


bon 2 : Pasensya ka na pero kailangan na naming umalis.
Elephante 2: Tara na ibon!
Narrator : Nung umalis na sina ibon at elephant, Nakita na ng tigre si usa. Nang dahil sa takot,
sumigaw ito upang makahingi ng tulong.

Usa : Tulong! Tulong!

Narrator : Kunti kunting lumalapit ang tigre nang biglaang dumating ang mga kaibigan ni usa.

Elephante 1 : Wag ka mag-alala, nandito kami para sayo usa!

Narrator : Nung Nakita ng tigre na maraming kasama si usa, agad itong natakot at umalis.
Pagkatapos nito, tinulungan na nila si usa tanggalin ang kanyang paa sa pagkakaipit.

Usa : Maraming salamat sainyong lahat! Sana mapatawad ninyo ako sa sinabe ko kanina.
Mga kaibigan ni usa : ayos Iang 'yun!
Unggoy 2 : ang mahalaga ay ayos ka lang, usa.
Mga kaibigan ni usa : Tama!

Narrator : Sa lahat ng ito, napagtanto ni usa kung sino ang kaniyang mga tunay na kaibigan.
Ipinapakita rin nito kung gaano kaimportante ang paghahanap ng mga bagong kaibigan. At ito
ay nagpapaalala na hindi pa huli ang lahat para humingi ng tawad sa ating pagkakamali at sa
tulong ng ating tunay na kaibigan, maaari nating malagpasan ang kahit anong hadlang sa ating
buhay na kasama o karamay sila.

You might also like