You are on page 1of 2

Group 3

“Looks can be Deceiving”

Isang araw may isang osong naglalakad sa gubat dahil naghahanap siya ng mga kalaro,
habang naglalakad ang oso may narinig siyang ingay ng mga hayop mula sa tabi ng ilog,
nagpasya siyang sundin ang ingay ng mga hayop.

Habang papalapit nagsitinginan ang mga hayop sa oso na mat takot at pangamba sa
kanilang mga mukha, nang nakrating siya sa tabi ng ilog kung saan naglalaro ang mga hayop.
Agad-agad itong nagsialisan dahil sa kanilang takot na baka kainin sila ng oso

Oso: Bakit ba sila umalis? Wala naman akong masamang intensyon. Ganyan naba talaga ako
mapanganib kung tingnan?

Sa mga sumunod na araw. Sa dating lugar kung saan naglalaro ang mga hayop. Bumalik
ang oso para tingnan kung nangduon pa ba rin ang mga hayop naglalaro.

At sa kanyang pagdating nagsitinginan ang mga hayop sa kanya.

Oso: Magandang araw mga kaibigan, pwede ba akong makisalamuha sa inyo?


Kuneho: Hindi pwede baka kainin mo pa kami
Oso: Hinding-hindi ko po magagawang kaininn kayo, gusto ko lang magkaroon ng mga kaibigan
Usa: O sige! Pero papangako mo sa amin na hinding-hindi mo kami sasaktan
Oso: Oo pangako ko yan sa inyo

Naglalaro silang magkakasama pero ang tiwala ng ibang hayop sa oso ay hindi parin
buo dahil baka sa huli ay saktan sila.

Lumipas ang isang lingo ang pangako ng oso ay nanatili.

Ginawa niya lahat para sa gayo’y makuha na niya ang buong tiwala ng ibang mga hayop.

Isda: Halika oso, sumama ka sa amin maglalaro tayo


Ibon: Oo nga, sumama ka total magkaibigan naman tayo
Oso: talaga!? Kaibigan? Magkakaibigan na tayo ngayon?
Usa: Oo naman.
Kuneho: Ipinakita mo sa amin na hindi ka masama

Mula non ay palagi nang nagsasama ang usa, kuneho, ibon, isda at ang kanilang bagong
kaibigan ang oso.

Aral: Huwag agad tayong manghusga sa kapwa dahil hindi lahat ng mga nilalang na nasa ating
paligid ay masama. May mga masasama pero may iba rin namang mabubuti katulad nalang ng
oso. Kaya huwag tayong manghusga ng tao sa kanyang panlabas na anyo

You might also like